Huwebes, Disyembre 15, 2016

Twitter: Kulturang Popular Ni: John Mark C. Sinoy (@jmsinoy_18)

Twitter: Kulturang Popular
Ni: John Mark C. Sinoy (@jmsinoy_18)
Mula sa mga makalumang bagay hanggang sa bagong teknolohiya ay nagkakaroon din ng mga pagbabago ang hilig at interes ng mga tao. Aminin man natin  o hindi, maraming mga kabataan ang naadik sa iba’t ibang hightech na kagamitan at lalo na sa mga social networking sites na nauuso na ngayon, maliban sa FACEBOOK nandiyan na din ang TWITTER. Ang Twitter ay isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang mga tweets. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Twitter).


               Kulturang popular ang isang bagay kung ito’y tinatangkilik ng marami. Sa Twitter, 332 milyong account ang aktibo dito (bilang noong Enero 2016) . Kaya, kung tutuusin, ito’y palasak sa panahon ngayon at patuloy pa ring tinatangkilik. Ang mga tweets ay ang mga text-based na mga post ng hanggang 140 mga karakter na ipinapapakita sa pahina ng profile ng may-akda at inihahatid sa mga tagatangkilik sa may-akda nakilala bilang mga followers (tagasunod) (https://tl.wikipedia.org/wiki/Twitter). Masaya sanang magtweet ngunit malimit lamang ito ang mga karakter na magagamit. Unang taon ko pa lang sa kolehiyo nang na-inganyo akong gumawa ng Twitter account noong trending sa panahong iyon ang kaarawan ni Vice Ganda. Agad akong gumawa ng account dahil babasahin niya ang mga tweets ng kanyang mga followers. Ngunit sa kayrami ng tweets ko sa kanya, ay ni-isa ay hindi ito nabasa. Lungkot na lungot ako sa panahong iyon dahil sa maliit pa ang aking followers at puro status lamang ang ginagawa ko doon na wala namang nagla-like at nagrere-tweet dito. Kaya pagtapos sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nag-aupdate ng status sa loob ng isang taon. 
Sa Twitter, ang lahat ng mga user ay maaaring magpadala at tumanggap ng tweets sa pamamagitan ng website ng Twitter, Short Message Service (SMS) o panlabas na aplikasyon. Habang ang mga serbisyo mismo walang gastos sa paggamit, kung may internet sa pag-access nito sa pamamagitan ng SMS ay maaaring magkaroon ng kaukulang bayad sa service provider. Kaya sa patuloy ng ating pagtatanglik dito ay lalo pang kumikita ang kompanya ng Twitter. At sa taong 2015 ay kumikita ang kanilang kompanya ng 521 milyong dolyar (https://tl.wikipedia.org/wiki/Twitter). Hindi lang natin namalayan na ang lalong pagtangkilik natin dito ay lalo rin silang kumikita’t yumayaman.
Nang binuksan ko muli ang aking account ay lalo akong tumatangkilik dito dahil gulat na gulat akong dumarami ang aking followers. Nagkakaroon din akong mga kaibigan sa birtuwal na mundo ng Twitter. Ngunit sa masasayang panahong nagkakaroon ka ng maraming followers ngayon ay kinabukasan ay mawawala rin. Marami ring nagmi-message na “please followback” ngunit kapag pina-followback mo na sila ay agad ka namang i-unfollow. Iyon ang kultura na lalong nakababagot sa Twitter.
#Trending!! Paano nga ba ginagamit ang Hashtag? Ang hashtag ay anumang salita o parirala na agad na may nauunang simbolong #. Kapag nag-click sa hashtag, makikita ninyo ang iba pang Tweet, na naglalaman ng kaparehong keyword o paksa. Sa pagdagdag ng simbolo ng hashtag sa unahan ng may-katuturang keyword o parirala (walang mga puwang) sa iyong Tweet, maikakategorya ang Tweet at makakatulong dito na makita nang mas madali sa paghahanap sa Twitter. Ang pag-click sa isang naka-hashtag na salita sa anumang mensahe ay magpapakita sa iyo ng lahat ng iba pang Tweet na minarkahan gamit ang keyword na iyon. Kung mag-Tweet ka nang may hashtag at pampubliko ang iyong mga tweet ay maaaring makita ng sinumang naghahanap ng hashtag na iyon ang iyong tweet (https://support.twitter.com/articles/20170352?lang=fil). 

 Kapag inilagay mo ang isang hashtag sa harap ng isang salita o parirala (halimbawa: #happynewyear), gumawa ka ng mas madali upang mahanap ang iyong tweet na kapag ang mga tao ay naghahanap ng mga tweet na may kaugnayan sa Bagong Taon. Kaya, kung nagpasok ang isa pang user ng Twitter ang pariralang 'happynewyear' sa bar ng paghahanap, makikita nila ang iyong tweet sa mga resulta ng paghahanap, kasama ng anumang iba pang mga tweet na tumutugma sa pamantayan. Makikita nila ang iyong tweet kahit na sila ay hindi kung hindi man ay sumusubaybay sa iyong account, kung saan ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagkakaroon ng mga tagasunod.
Sa patuloy na pagtangkilik dito at sa paggamit ng hashtag ay isa ang Aldub na gumawa ng kasaysayan. Umaabot lamang ng mahigit 41 na milyong Tweets at naging trending ang #ALDubEBTamangPanahon noong Oktubre 24, 2015 na ginanap sa Phillipine Arena na dinadaluhan ng 55,000 fans. Kaya sa patuloy na pagtangkilik natin dito ay lalo ring nakilala at lalong sumisikat ang artistang sina Alden Richard at si Maine Mendoza.
Isa ring dahilan kung bakit tinatangkilik ang Twitter dahil sa sinusundan natin ang mga paborito nating mga artista, sikat na mag-aawit, mga banda, mga anime, mga k-pop o iba pang mga iniidolo natin. Sa aking karanasan, iilang artista lamang ang pinafollow ko, dahil unang-una ay kahit anong follow mo sa kanila ay hindi sila nagpa-followback sa iyo. Ang mga account ding Banatero, Qoutes ni Luffy, Feeling Pogi, Maldita, Banat, hugot at iba pang account na tumutweet ng mga quotes, jokes, facts at iba pa ay naging dahilan kung bakit lalong ginagamit ang Twitter at higit sa lahat ay ang mga gumagamit nito ay naging updated. Tinatalakay ang mga sikat na artista,ang kanilang mga lovelife, kanilang mga istado sa buhay, na dahilan upang ang mga followers ng mga artista ay komokonikta sa kanila. Gayundin, ang  mga pangyayari sa buong mundo na sa pamamgitan ng hashtag ay nalalaman natin ang mga ito.

            Samakatuwid, ilang mga sikat na personalidad ang nagkakaroon ng may pinakamaraming follower na kahit sa isang tweet nila ay libo-libo ang nagla-like, reply o kaya’y nagre-retweet. Noong Marso 7, 2016, ang mga Twitter account na may pinakamaraming followers ay sina:

1.     Katy Perry: 84,010,474
2.     Justin Bieber: 76,688,901
3.     Taylor Swift: 72,438,027
4.     Barack Obama: 70,809,357
5.     YouTube: 60,275,084
6.     Rihanna: 56,953,903
7.     Lady Gaga: 56,733,198
8.     Ellen DeGeneres: 55,210,753
9.     Twitter: 53,224,558
10. Justin Timberlake: 52,575,083
Mula sa (https://en.wikipedia.org/wiki/Twitter#cite_note-twitterearnings-8). Dagdag pa, sa mundo ng Twitter ay multilingual na linguwahe ang ginagamit dito at pangatlo ang wikang Filipino na wikang ginagamit, dahilan na mas maraming Pilipino ang tumatangkilik dito.

Kaya sa mga social networking na nauuso nagyon, lalong-lalo na ang Twitter ay hindi natin maiiwasan na hindi makiuso dahil aminin man natin o hindi nagbibigay ito ng kasiyahan sa atin, iyon nga lang, kailangan alam din nating ang ating mga limitasyon pagdating sa paggamit ng mga ito dahil may posibiladad na makapekto ito sa ating pag-aaral kaya dapat balansihin natin.







Reperensiya:


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento