Isang Dipang Langit
Ni:Amado
V. Hernadez
I.
Ako’y
ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
II.
Ikinulong
ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
III.
Sa
munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
IV.
Sintalim
ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
V.
Ang
maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
VI.
Kung
minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
VII.
Kung
minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
VIII.
At
ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
IX.
Nguni’t
yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
X.
Ang
tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang g aganti.
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang g aganti.
XI.
At
bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
ISANG DIPANG LANGIT
Ni: Amado V. Hernadez
Ang
tulang Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernadez ay ginawa niya sa loob ng
kulungan. At ito ang kanyang karanasan. Ang unang saknong sa tula ay
nagsasalaysay na ang persona ay giniit sa may kasalanan ng mga taong nakatataas
sa lipunan. Kahit wala naman siyang kasalanan ay siya’y napagbintangan sa
kasalanang hindi naman ginawa.
Sa
ikalawang saknong, ay yaong panahong siya’y kinulong sa lugar na kung saan ay
may malupit na bantay. Dito napagtanto niya na ang kanyang buhay ay para ng
patay, dahil kahit humihinga pa siya ay wala ng silbi ang kanyang buhay.
Sa
ikatlong saknong ay ang tanging ginawa niya ay dumungaw lamang sa maliit na
butas sa kulungan na tanaw na tanaw ang dipang langit. Sa pagmamasid sa langit ay naluha siya at
nalungkot. Nasasaktan siya dahil ang mismong bayan na kanyang pinag-iingatan,
pinaglalaban at pinagsisilbihan ay yaon pa ang nagtaksil at nag-udyok sa kanya
sa kulungan.
Sa
ikaapat na saknong, ay isinalaysay ng persona na wari’y galit na galit ang mga
tanod na nagbabantay sa kanilang kulungan habang may katabing isang nabilanggo
na sumisigaw ng malakas na parang hayop sa yungib.
Sa
ikalimang saknong, ay nagpapahiwatig na maghapon at magdamag siyang nagluksa.
At sa kanyang pagluluksa ay napaisip siya na ang lungga ng bilangguan ay parang
kabaong. Ibig sabihin sa panahon nang nasa bilangguan siya ay para na siyang
patay na nilalamayan ng mga tanod at iba pang nakakulong.
Sa
ikaanim na saknong ay naglalarawan na may nakita ang persona na may dumaan sa
kanyang harapan na kung saan ay may kadenang kumakalanding sa kanya, isang may
sala na ibinilad sa lakas ng init ng araw at hindi na nakayanan ang parusa
kaya’y namatay.
Sa ikapitong saknong ay inilalarawan ng persona na kung minsan sa isang tahimik na gabi ay biglang nagulantang ang lahat sa ingay na naghuhudyat na may takas. At minsan naman ay nasaksihan at nakita ng persona namay nag-aagaw buhay hanggang namatay dahil sa parusang ibinitay.
Sa
ikawalong saknong ay sinabi ng persona na ang bilangguan na ngayon ang kanyang
mundo, sa bilangguan na parang libingan ng buhay. Umabot din ang persona ng
dalawampung taon na pagkabilanggo at nagwika siya na baka sa bilangguan na siya
mamamatay.
Sa
ikasiyam na saknong ay nangangahulugan na kahit siya’y matanda na sa bilangguan
ay hindi pa rin siya sumusuko na baka siya’y makalabas dito. Dahil buhay pa
siya, ay umaasa pa rin siya na may pag-asa kahit masakit sa puso, natatakot at
nahihirapan.
Sa
ikasampung saknong ay sinabi ng persona na ang Bathala ay di-natutulog, ibig
sabihin, alam ng Diyos ang lahat ng mga pangyayari, ang totoo o hindi. Lahat ng
ginagawa ng lahat ng tao sa buong daigdig ay batid ng Bathala. Kaya, nagwika
ang persona na hindi lahat ng api ay api. Ibig sabihin ay may hangganan ang
paghihirap na dinadanas ng tao sa buhay. At sa panahon ng pagtutuos ay
napawalang-sala siya.
Sa
huling saknong, ay nakalaya na ang persona. Masaya siya dahil natatanaw na niya
ang dipang langit ng wala ng luha. Sisikat ang araw ng tagumpay ay
nangangahulugang may bagong pag-asa ang dadating sa kanyang buhay, pagdating ng
bukas.
Itong
tulang Isang Dipang Langit ay sumasalamin sa pag-asa ng buhay ng tao. There is
hope when you have life. Huwag susukosa anumang pahihirap na madadanas natin at
higit sa lahat ay huwag susukosa mga problemang hinaharap o haharapin dahil sa
tuwing nabubuhay pa tayo ay nabubuhay din ang pag-asa na dadating sa huli at
ito ang tagumpay. #trustGod
Sino ang kilalang taong kaugnay dito.
TumugonBurahinmedjo
BurahinHAHAHAHHAHAHHAHAH
BurahinThank you po for the information
TumugonBurahinmaraming salamat sa akdang ito,malaking tulong ito sa akin.
TumugonBurahinmaraming salamat sa akdang ito,malaking tulong ito sa akin.
TumugonBurahinsalamat po, ang laking tulong po'to samin
TumugonBurahink
TumugonBurahinsalamat :):):)
Burahinmaraming salamat po :)
TumugonBurahinAno ang persona nang tulang ito? Pwede nyo ba akong tulungan?
TumugonBurahinThank you po!Malaking tulong po ito
TumugonBurahinThankyouu!!!
TumugonBurahinSALAMAT PONG MARAMI. ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR PO :)
TumugonBurahinANO ANG SUKAT
TumugonBurahinano ang sukat ?
BurahinMag bigay NG tayutay
TumugonBurahin