1.
Malayang
Taludturan
KAIBIGAN, PAALAM
Ni:
John Mark C. Sinoy
I.
Unang
taon ko palang sa kolehiyo,
Ako’y
malungkot, walang kakilala at wala pang kaibigan,
Hanggang
sa mga kaibiga’y dumating,
At
isa ka roon, isang tunay na kaibigan.
II.
Ika’y
kasama ko, sa lungkot at ligaya,
Ika’y
kasama ko, sa asaran at tawanan,
Ika’y
kasama ko, sa pikunan, pati na sa kainan,
Ika’y
kasama ko, sa paaralan, kahit saan.
III.
Kaibigan,
ikaw ay maaasahan,
Kaibigan,
ikaw ay mapagbigay,
Kaibigan,
ikaw ay mapagkatiwalaan,
Tunay
kang kaibigan, kaibigang mapagmahal.
IV.
Pero
kaibigan sa klase ika’y lumiban,
Sa
mga kaklase ako’y nagtanong,
“Nasaan
si Michele? Bakit siya limiban?
Anong
nagyari sa kanya”
V.
Kinabukasan,
aking napag-alaman,
Sabi
ng iyong kapatid, “Na-ospital siya, kahapon lang”
Nagsasabi,
na may namumuong luha sa kanyang mukha,
At
ako’y kinabahan at lubusang nag-alala.
VI.
Lubha
raw ang sakit mo,
Hindi
ko alam kung ano at paano ka nagkaroon ng sakit,
Nagwika
ang kapatid mo,
“Ang
sakit niya, kapag lubha na, doon pa malalaman.
VII.
Ilang
lingo na rin, ako’y nalugkot,
Ilang
lingo na rin, wala akong balita sa iyo,
Ilang
lingo na rin, ika’y hinahanap,
Ilang
lingo pa, nalaman kong iuwi ka na sa inyo.
VIII.
Ako’y
naging masaya, nang nalaman kong okay ka na,
Ngunit
ako’y nalungkot, nang nalaman kong hindi ka na makababalik sa eskwela,
Kay
hirap isipan na hindi na tayo magsasama sa paaralan,
Sa
aming kwentuhan, lagi kang naalala.
IX.
Nang
isang araw, kaming mga kaibigan mo,
Nagplano,
nag-ambag, dumalaw sa iyo,
Dahil
na miss ka namin, ika’y muling nakita,
Sa
iyong kalagayan, ika’y nakitang malubha.
X.
Panginoon,
kunin niyo po sana ang sakit niya,
Panginoon,
sana’y pagalingin mo na siya,
Panginoon,
bigyan sana siya ng mas mahaba pang buhay,
Panginoon,
maawa ka sa kanya.
XI.
Pero,
pero, pero, kaibigan ika’y nasaan?
Kaibigan,
bakit mo kami tuluyan nang iniwan?
Kaibigan,
hindi ka nag-paalam,
Ikaw
na ay lumisan, kaibigan paalam.
XII.
XII.
Parang
kailan lang, tayo’y masasaya,
Nagtatawanan,
malungkot o may problema,
Pero
kaibigan ang yaong kasiyahan ay kalungkutan,
Mananatili
palagi sa aking isipan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento