Huwebes, Disyembre 15, 2016

Mga tula



Kaibigan
(8pantig)
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

I
Tingin dito, tinging doon,
Lakad dito, lakad doon,
Punta dito, punta doon,
Di alam sa'n paroroon.
II
Talagang ito'y masaya
Kapag sila ang kasama
Problema mo'y mawawala
Mapapalitan ng sigla.
III
Sa tinging pa lang alam na
Iniisip ng kasama,
Matatawa parang sira
Kung sila ang kasama.
IV
Kapag may nararamdaman
Kaibigan ay nariyan,
Sa nagawang kamalian
Ikaw ay pagsasabihan.
V
At sa aking pag-iisa

Kailangan ng kasama
Ika'y nais sa tuwina
Iba sa lahat talaga.
VI
Aking hiling kaibigan
Kapag panaho'y nagdaan,
Sana'y huwag magkalimutan
Taon-taon man magdaan.
VII
Nangakong walang iwanan
Mananatili sa isipan,
Kaibigan, kaibigan
Walang kapantay ninuman.
















Mall
(Malayang Taludturan)
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

I
Sino ang nagtataka sa panahon ngayon
Malalaking gusali nakapalibot sa nayon
Kaya di pagtakhan pangyayari kung ganoon
Kay daming pagbabago na kakaiba noon.
II
Malalaking gusali ng tindahan
Mall ang tawag ng karamihan
Dito'y nakikita ang lahat ng nais bilhin
Parang pagkain agad sa iyo'y nakahain.
III
Kung sa kalawa'y gamit pambata,
Sa kanan nama'y gamit pangmatanda
Kay rami mong pagpipilian
Tiyak ika'y di mauubusan.
IV
Kung kayo'y nagmamadali at ayaw magpahuli
Dapat sa mall na kayo nais mamili
Hindi malilito o magsasawa sa pamimili
Sa mga bitbit ninyo'y daming tindera hahalili.




Nakaraan
(18pantig)
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

I
Bakit hanggang ngayon sinta ang hinihiling ay ikaw parin,
Paglipas ng ilang taon, ba't hanggang ngayon ikaw parin,
Sa malayo ang iyong mga mata'y lihim na pinagmamasdan
At sa mga kamay mong gusto at sabik na muling mahawakan.

II
Gustuhin ko mang limutin ka dahil ito ang nararapat
Pero ikaw ang mahal kahit sa sarili'y di ipagtapat
Ako'y lihim na kinikilig marinig lang ang 'yong pangalan
Puso ngayo'y talagang nahulog na sariling katangahan.

III
Ngayo'y hinihiling na ikaw sana'y hindi muling pag-aksayahan
Oras at panahon na sayo lahat sinayang at nilaan
Sa kakaisip sa katulad mong walang kwentang nakaraan
Batid man sa tuwing nakikita patuloy nasasaktan.

IV
Lungkot at paghihinayang na dama kapag naaalala
Mga panahong masaya pa tayong dalawa, ngayong wala na
Sa araw-araw hindi lubos maisip na iiwan mo'ko

Ang tulad kong ang tanging ginawa ay magmahal ng totoo.
V
Mali bang gustuhin ang katulad mong matagal ng gusto?
O talagang mali lang ang taong ginusto at minahal ko,
Pakiusap ko, pwede bang saksakin mo nalang ang pusong 'to,
Para makalimutan kung sinong tanging tinitibok nito.























Tunay na Kaibigan
(12pantig)
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

I
Simpleng kaibigan kung mamarapatin,
Tunay na pamilya kung ituring
Yung taong ika' y pasasayahin
Kaibigan sila kung tawagin.
II
Di man perpekto buong aspeto
Nagpayabong sa relasyon ninyo
'Pag sa isa' t-isa' y may respeto
Tunay sila na kaibigan mo.
III
Sa bawat paglisan sa tahanan
Maraming pintuang nakaabang
Sa panahon ng iyong kasawian
Bawat isa'y handa kang damayan.
IV
Mga kalokohang di mabilang
Tulad ng mga utang sa tindahan,
Pangyayaring hindi malimutan
Mananatili sa 'ting isipan.
V
Milya man sa atin ang pagitan

Di ito sagabal kanino man,
Facebook, twitter lang ang kailangan
Dito tayo'y nagkukumustahan.
VI
Kayo'y kong nais pasalamatan
Sa mga alaalang di mabilang,
Kayo ay tunay na kaibigan
Walang makakapantay ninuman.




















Kabataan
(16pantig)
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

I
Sa ating panahon ngayon marami na ang nagbago
Sa mga kabataan kung magmahal ay todo-todo
Hindi nila iniisip ang mangyayari sa huli
Pagsisisi sa isa't-isa na ang namamayani.
II
Kaya lahat ng kabataan ito ang tatandaan
Paalala ng iyong magulang ay pahalagahan
Pag-aaral na sana ay iyong mabigyang halaga
Ang makatapos, ay isang yamang makukuha.
III
Ikaw ay huwag ng mabahala sayong alalahanin
Sakripisyo ng iyong magulang ang dapat isipin,
Mag- aral ng mabuti para sayong kinabukasan
Para kabataan iyong tagumpay ay makamtan.
IV
Ang katulad mo kabataan ay napakaswerte
Mga magulang mo ay makasuporta palagi,
Para ikaw ay hindi magsisisi kinahulihan
Dapat sundin ang kanilang payo't kagustuhan.



Laban ng Pag-ibig
(14pantig)
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

                                                                       I                   
Baon ko ang lahat ng kasawian sa buhay
Wari ko na nga'y di makakamit ang tagumpay
Sa tuwing maiisip ang hirap ng kalooban
Tila pananalig sa Diyos ako'y nawalan
II
Ngunit di inaasahang isang estranghero
Nakita ko'y palakad-lakad, paupo-upon
Bawat sulyap ko parang galit kung makatitig
Ito'y di namamansin, tahimik lang ang bibig.
III
Habang patuloy na nakikibaka sa lungkot
Heto na naman may nakitang nakasimangot
Akala ko'y patuloy siyang di kikibo
Isang rin siya sa maraming galit sa mundo.
IV
Bawat araw ay nagdaan parang balewala
Paulit-ulit nalang ang mga parehong paksa
May dalawang nilalang na walang pakialam
Pag-ibig at kaligayahan ang inaasam.
V
Hanggang sa di inaasahang pagkakataon

Nasa hirap at lungkot ang making binabaon
Dininig ng Diyos making bawat pagdarasal
Na sana'y bigyan ako ng taong mapagmahal.
VI
Ang puwang mong mga mata na tanong ang laman
Ang mapanuring mata na noo'y napagmasdan
Inuusisa pagkatao't pinanggalingan
Ang mga kaygalak mong mga ngiti ang nasilayan.
VII
Sa isang iglap nga ay tayo'y nagkwekwentuhan
Kayliga-ligaya man nating nagtatawanan
Naglalaro ang aking puso sa kaligayahan
Busog nasa pagmamahal at kapayapaan.
VIII
Hanggang tibok ng puso'y tuloy naging isa
Minahal no ako at minamahal din kits
Tayo ay nangako at sumumpa sa isa't-isa
Walang iwanan at magiging tayo talaga.
IX
Anumang pagsubok ang maranasan natin
Kumapit lang ako ang siya mo ngang naging habilin
Sapagkat kaya nating baguhin ang panahon
Aangkinin man natin ang bawat pagkakataon.
X
Heto tayo ngayon patuloy na lumalaban
Sa napakahigpit at masakit na labanan
Labanan ng mga prinsipyo at kinabukasan

Sa lahat ng tao'y gusto nating patunayan.
XI
Mahal ko wag sanang bumitiw, wag ring susuko
Sapagkat tanging sa iyo lamang itong puso
Hanggang sa lahat ng ating mga pinapangarap
At matutupad lahat at tagumpay ay malalasap.























Hamon ng Kabataan
(12pantig)
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

Sino nga kaya ang pag-asa ng bayan?
Tayo nga ba kayang na mga kabataan?
Rizal, ako ay may isang katanungan?
Kabataan nga ba'y pag-asa ng bayan?

Tingnan mo ngayon ating kapaligiran,
Ano ang ginagawa mo, Kabataan?
Mga nakaharang at sagabal sa daan
Tungong kinabukasan ng ating bayan.

Ang payo ng magulang ay sinusuway
Nagyoyosi hanggang matuyo ang laway
Nagdodroga na ang parusa ay bitay
At sa mga lansangan ay panay ang tagay.

Mga kabataan marupok na sandalan
Kailan kaya kayo matatauhan?
Ang bandila ng bansa ay namantsahan
Ang ating Inang bayan ay luhaan.

Sana kabataan ako ay pakinggan
Kabataan tukso dapat ay iwasan

Sarili ay huwag sanang pabayaan
Upang hindi madala sa kasamaan.

Ngayon, ikaw ba ay nag-aalinlangan?
Isip mo ay medyo may kalabuan,
Kabataan nga ba’y pag-asa ng bayan?

Kabataan, na sayo ang kasagutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento