Huwebes, Disyembre 15, 2016

Ang Lumang Simbahan ni Florentino T. Collantes


ANG LUMANG SIMBAHAN
Ni: Florentino T. Collantes
I.
Sa isang maliit at ulilang bayan
Pinagtampuhan na ng kaligayahan
Ay may isang munti at lumang simbahang
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mong yaon ay libingan.
II.
Sa gawing silangan ng simbahang luma
May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana;
Ito raw'y nabasag anang matatanda
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.
III.
Sa lumang simbaha't sa kampanang basag
Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak
 Umano,kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo'y naglalakad.


IV.
Ang suot ay puti may apoy sa bibig,
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?
V.
Magmula na noo'y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
Saka ang isa psng baya'y gumimbal,
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw
Kung ano't tumunog sa madaling araw,
At ang tinutugtog agunyas ng patay;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May puntod ng libing sa harap ng altar.
VI.
Lumaki ang ahas sa mga balita'y
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma,
Kung kaya ang hindi mkurong hiwaga'y
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa
May mgs hinaing doon nagmumula
Tagpoy ng maysakit na napalubha.
Himutok ng isang pananaw sa lupa.
VII.
Ngunit isang gabi ay may nagmatapang
Nag-isang pumasok sa lumang Simbahan;
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal

Karimot ng takbong nagbalik sa bahay,
Saka namalitang nagkakandahingal:
"Ako po'y mayroong multong natagpuan,
Ang suot ay puti at nakabalabal,
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."
VIII.
Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim;
Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin;
Taong naglalakad sa gabing madilim.
Ni ayaw sumagi, ni ayaw tumingin.
Pati nang naroong sakdal gandang Birhen,
Wala ni sinumang pusong manalangin;
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.
IX.
Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal,
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
May isang binata't isang paraluman
Na nangakalunod sa harap ng altar.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal.
X.
Ang ama raw nitong magandang dalaga
Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Ang binata nama'y isang magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta
Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Kaya't nagkasundong magpatiwakal na

Sa langit pakasal, doon na magsama.
XI.
Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag
Ay nagsidaling luha'y nalalaglag;
Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap
Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap.
Sa langit na sila magiisang palad.
XII.
Ngunit ang binata ay may naisipan
Bago nagkasundong dibdib ay tarakan,
Ay humukay muna sa harap ng altar,
Saka sa gagawing malalim na hukay
Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kung mamatay silang wala sa libingan
Baka kung ibaon ay magkahiwalay.
XIII.
Humanap ng palang panghukay sa lupa
Itong sawing-palad na aping binata;
Habang humuhukay ang kaawa-awa
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha.
Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga!
Ang nadukal-dukal mga gusing luma,
Saka nang iahon, oh! Laking himala
Puno sa salapi at gintong Kastila!
XIV.
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan
At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.

Oh, daming salapi! laking kayamanan,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.
XV.
At sila’y umuwi pasan ng binata,
Nagkakayang-uuyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata
Inalis ang takot sa puso ng madla
Ang inihalili’y saying di-kawasa.
XVI.
Sa ginawang bago na Lumang Simabahan
Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuho sa harap ng altar
Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan
Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Ng isang matandang puno ng Tulisan
XVII.
Na may ibinaon doong kayamanan.
Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa
Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.


ANG LUMANG SIMBAHAN
Ni: Florentino T. Collantes
            Ang tulang ito ay nagpapahayag ng wagas na pagmamahalan ng magkasintahan. Ang lumang simbahan sa isang maliik na bayan ay nasira, nagiba ginagapangan na ng mga damo at doon ay may krus at masabi na ang lumang simbahan ay parang libingan. Sa bandang silangan ay mayroong kanpana na basag, iyon ang kampana noong panahon pa ng kastila na pinatugtug dahil may digmaan at sa labis na pagpatugtug ay bumagsak sa lupa kaya nabasag, ito’y pinaniniwalaan ng mga matatanda.
            Doon daw sa lumang simbahan ay mayroong nakatagong isang matanda, na sa tuwing gabi ay namamalas na naglalakad. Puti ang damit, at mayroon pang ilaw sa bibig. Ito yaong nakabalot na hiwaga sa lumang simbahan, dahil sa tuwing umaga na sisilipin ng mga tao ang lumang simbahan ay hindi makikita ang isang matanda. Kaya mula noon ay kinakatakutan na ang lumang simbahan, wala nang pumapasok pa rito. May nakakagimbal na pangyayari na ang kampana ay tumugtug, nakakataakot ang yaong panyayari dahil tumunog ito at kinabukasan pa ay mayroong puntod ng libing sa harap ng altar.
            Lumaki ang balitang nakakagimbal o nakakatakot ang lumang simbahan sa buong bayan kaya lalong wala ng pumasok pa dito. At nang isang payapang gabi ay may hinaing na nanggagaling sa lumang simbahan na parang tanghoy ng isang may malubhang sakit. Pero sa isang gabi ay may isang taong nagtapang-tapangan at mag-isang pumasok sa lumang simbahan. Hindi pa nga ito nagtatagal sa loob ay dali-dali na siyang lumabas sa simabahan at sabi niya na mayroon siyang nakitang multo at puti ang suot at binaril niya ngunit hindi ito natatablan. Sa ganoong pangyayari ay ay lalo nang pumutok sa buong bayan ang lasim ng lumang simbahan na ni isang tao ay ayaw ng pumasok. Mula noon, kahit may taong dadaan sa simbahan ay hindi na makuhang tumingin, kahit may birhen sa loob ng simbahan ay wala na niisa ang nanalangin, kaya ang lumang simbahan ay parang isang libingan.
            Pero may isang gabi na nagliwanag ang simabahan na mayroong magkasintahan na ayaw ng kanilang magulang na sila ay magpakasal. At nakaluhod at nakaharap sila  sa altar na kung saan sila ay nagdadasal o kaya’y humihingi ng tawad sa gagawin o balak nilang sa harap ng berhin magpatiwakal.  Ang ama raw ng babae ay tutol sa kanilang pag-iibigan dahil ang kanyang iniirog ay magsasaka lamang. Pero ang babae ay tapat sa kanyang iniirog kaya sila nagsasama, paano ang kanyang kayamanan kung hindi naman niya kasama ang kanyang minanamahal kaya napagkasunduan nilang magpatiwakal, na kung saan sa kabilang mundo sila ay habangbuhay na magsasama. Doon ay lubos na silang nag-iiyakan at nayayakapan sa kanilang gagawing pagtitiwakal gamit ang sandatang kumikislap na balak nilang itutusok sa kanilang dibdib.

            Pero napag-isip-isip ang binata na bago pa nila tuluyang itusok ang sandata sa kanilang dibdib ay naghukay muna sila malalim nang sa ganun ay magkasama pa rin sil kahit patay na dahil kapag hindi sila mabaon sa lupa ay baka magkahiwalay pa ang bangkay Ngunit sa kanilang paghukay ay may nakita silang kayamanan, napakaraming salapi ang kanilang natagpuan, kaya ang balak na pagtitiwakal ay na-udlot at labis ang kanilang kagalakan sa nakuhang kayamanan. At nagdasal sa berhin ay nagpasalamat ang dalawa. At sila ay umuwi pasan ng binata ang kayamang nakita na labis ang pagkatuwa.
            Simula noon ay pinaayos nila ang simbahan, pinagawa ang nasirang kampana, nagdaos pa ng pista na kung saan nagkaroon ng mga tugtugan na tumagal ng sampong araw kaya nawala ang takot ng mga tao sa lumang simbahan. At doon unang nagpakasal ang magkasintahan. Ang kayamanan palang yaong ay sa matandang naninirahan sa simbahan.

            Ang tulang ito ay nagpapakita ng totoong pagmamahalan na kung saan kahit may mga tutol dito, may mga problemang dumating, ay dinaig ng kanilang pagmamahalan at labis na pagdadasal o pananampalataya sa Poong maykapal. Dahil dito, ang Panginoon mismo ang gagawa ng paraan upang ang taong nagmamahalan ay maging masaya o maligaya kahit may dumating na problema. 

11 komento:

  1. Maaari bang mahiram ang iyong ginawang paglalahad mula sa obra ni florentino collantes?

    TumugonBurahin
  2. Magandang umaga! ☺ Ako ay humuhingi ng pahintulot kung pwede ko bang mahiram ang ginawang mong paglalahad patungkol sa nasabing akda? Mayroon kasi kaming assignment sa aming asignatura sa Pilipino, Salamat😊

    TumugonBurahin
  3. Maaari bang mahiram ang iyong akda para sa aking asignatura ?

    TumugonBurahin
  4. hello po salamat po sa magandang pag lalahad

    TumugonBurahin
  5. salamat sa maayos at magandang paglalahad tungkol sa tulang ito.

    TumugonBurahin