Filipino: Wikang
Pampalaganap ng Kamulatang Agham
May maraming pangkakataon na tayo mismo ang
tumalikod at tumanggi sa paggamit ng Wikang Filipino lalo na sa agham dahil
kinamulatan na natin gamitin ang Wikang
Ingles.
Hindi ko rin matanggap na ang wiang
Filipino ay hindi maharlika at di-karapat-dapat sa mataas na kinalalagyan ng
agham ng buhay.
Maraming nagsasabi na ang wikang
dayuhan ang itinakdang ituro ang agham dahil ang wikang Filipino ay kapos sa
siyentipikong panteknolohiyang kabihasnan. Hindi na kailangan pagtalunan pa
kung hindi dapat gamtin ang wikang Filipino upang madaling mapalaganap ang
programa dahil ito’y lubusang maintindihan at kinagiliwan ng mga Filipino.
Sa pagkakaroon ng kamalayang
kasanayan sa kuminikasyong pambansa at pangmasa madaling maiparating at
tuluyang mapaunlad pa ang kaalaman sa agham lalo sa agham lalo na kung ito’y
maagang ituturo sa Grade 1 hanggang Grade V at susundan ng bahagyang paggamit
ng wikang Filipino Ingles sa Garde VI.
Kailangan dalubhasa ang mga guro sa
pagtuturo ng agham at sa wikang Ingles at Filipino dahil sa “Globalisasyon” sa
edukasyon. Paano kaya makapagsulat at makapagturo ng tungkol sa agham ang mga
walang pormal na edukasyon sa gawaing ito?
Ayon sa grupong kinabibilangan ni G.
Tomas C. Ongoco, isang hepe sa dibisyyon ng publikasyon sa SFP malaki ang
nagawa ni Dr. Pacifico Aprieto ng Unibersidad ng Pilipinas sa impormal na
edukasyon dahil tinuruan silang sumulat sa pahayagang agham sa pamamagitan ng
paghahanda ng mga panuto sa pag-aaral na batay sa nga aklat at magasin. Sinanay
sila sa technical reporting dumalo sa mga seminar at workshop ng UNESCO sa
pamamatnugot ng mga akdang agham o scientific editing. Dahil dito yumabong ang
kaalaman sa pamahayagang agham.
Ang pormal na edukasyon para sa paghahanda
sa pagtuturo ng agham sa Wikang Filipino ay dapat lamang na magsisimula sa
Tersiyaryong paaralan kung saan mahuhubog ang mga guro na nagpapakadalubhasa sa
agham.
Ang pagsasalin sa wikang Filipino ng
mga aklat sa pang-agham ang isang tamang paaran upang tuluyang mapalaganap ang
kamulatang pang-agham. Sundin lamang ang paraan sa pagsasalin upang hindi
mabawasan ang tunay na kahulugan ng konsepto sa orihinal na pahayag.
May katangian ng mabuting saling
wika ito ang mga sumusunod.
1.
Malinaw
ang pagkakaroon ng iisang kahulugan at maintindihan ang salin ng mga mambabasang pinag-uukulan.
2.
Dapat
wasto at tapat itosa kahulugan ng orihinal.
3.
Natural
ang katangian sa pagsalin. Sa halip dapat itong maging tila orihinal na sulatin.
May mga Mungkahi
at Rekomendasyon ang DEcs upang lumaganap ang pagsasaling-wika
·
Pang-
institusyon
·
Maglunsad
ng batas sa pagsasaling-wika
·
Ituro
ito sa mga paaralan at tanggapang pampahalaan at pribado.
·
Magkaroon
ng patnubay sa pagsasaling wika.
·
Paunlarin
ang sariling wika
·
Mag-aral
ng wikang banyaga.
·
Alamin
ang simulain/prinsipyo
·
Kunin
ang reaksiyon ng mambabasa.
Nasimulan na ito
sa sitemang Unibersidad ng Pilipinas. Ang grupong bumubuo o nagsulat ng mga
aklat pang-agham ang tuluyang isakatuparan upang lubusang mapabuti at maisusulong ang pagtuturo ng agham gamit
ang pambansang wika, ngunit maging dalubhasa pa rin sa paggamit ng Ingles.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento