Huwebes, Disyembre 15, 2016

Tula

IPHONE7
ni:Jereh Mie S. Cabrerra

I.
Nang naglalakad kasama ang barkada
Ang landas ay nagtagpo sinta,
Ang mata’y nagniningning ng makita ka
At nasabi sa sarili ikaw na nga talaga.
II.
Sa bawat araw binabalik-balikan ka
Araw-araw gustong titigan ka,
At sasabihin sa sarili sana hindi makuha ng iba
At sa bandang huli maging akin ka.
III.
Kinabukasan ako’y napatulala,
Pusong kumikirot sa pagkabigla,
Iphone7 ba’t ka nawala,
Masakit pala ano? Ngayon alam ko na.
IV.
Pinunasan ang luha at ngumiti na parang sira
At inisip na hindi talaga tayo para sa isa’t isa
Umasa lang talaga ako balang araw maging akin ka,
Ngayon pag-aari kana ng iba, sana pag-iingatan ka niya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento