Huwebes, Disyembre 15, 2016

Kasaysayan ng Mandaya

Kasaysayan ng Mandaya

“Mandaya” ay nangangahulugang “the first people in upstream”, ito ay kinuha sa salitang “man” na ibig sabihin ay  “first” at “daya” ibig sabihin ay “upstream” o “upper portion of a river”. Ibig sabihin ay "Ang mga tao na nakatira sa itaas ng ilog."
Ang mga Mandaya ay ang non-Christian tribe at non-Islamic people na naninirahan sa silangang bahagi ng Pilipinas. Sila ay kadalasang nakikita sa probinsya ng Davao Oriental,Davao del Norte,Davao del Sur,Compostela Valley,Agusan,Surigao,at sa silangang bahagi ng Cotabato.
Paraan ng Pamumuhay
Ang agrikultura ay mahalaga sa mga Mandaya kasi dito nila kinukuha ang mga pagkain nila katulad ng kanin at mga pananim. Sila ay naghuhuli ng mga usa, baboy, manok, Unggoy, butiki, at mga ibon. Ang mga Mandaya ay magaling na mga pangangisda sa freshwater. Ginagamit nila ang iba't ibang pamamaraan tulad ng traps , stun rods, draining at spearing.
Kultura ng mga mandaya / Ang mga Paniniwala ng mga Mandaya

Kailanman mayroong mga piesta, ang mga Mandaya ay mapang-akit ng mga diwata kasi ito ay nagdadala ng mabuting kalusugan at papagalingin ang mga sakit na tao. Ginagamit nila ang mga magkakahalong kawayan instrumeting pangmusika. Sa kanilang relihiyon, ang itinituring nilang diyos ay Magbabayo. Ang litrato ng diyos na ito ay nilalagay sa mga bahay ng mga Mandayas.

         Ang kasuotan ng mga babaeng mandaya  ay cotton blouse na tinatawag na dagum kadalasang kulay nito ay pula, bughaw at itim. Poki ang kanilang kasuotan pang ilalim ng mga babae itoy gawa sa bao ng niyog. Kaugalian din nilang mag suot ng mga palamuti sa katawan at dito nakabasi sa kanila ang katayuan sa buhay.
Kilala ang mga Mandaya sa kanilang natatanging damit at palamuti. Sila ay naghahabi ng mga tela sa pamamagitan ng tie-dye na pamamaraan. Ang kanilang mga gawang abalaryo at mga gamit na gawa sa pilak ay isa sa mga magagandang palamuting pang-katawan sa mga katutubo dito sa Pilipinas.
Ang mga pulsera na ito ay yari sa kabibe at nag mula sa malahiganting "Tridacna gigas". Umaabot ito sa 3 hanggang 7 mabibigat na pulsera na kabibe ang makikitang suot ng kababaihang Mandaya.
Badao ang tawag ng mga Mandaya sa kanilang sandata. Ito ay simbolo ng katanyagan at karangyaan ng isang nagmamay-ari.Karaniwang gumagamit nito ay isang datu. Ito ay kadalasan ding ginagamit ng mga mangangaso sa kanilang paghahanap ng pagkain.Ang sandatang ito ay nakasilid sa isang kaluban na gawa sa kahoy at may nakataling pulang tela. Ang pulang tela ay simbolo ng katapangan para sa mga Mandaya.
Ang platong pangdibdib ay gawa sa pilak at sa dakong loob ng gilid nito ay napapalibutan ng mga disenyo. Ito ay may butas sa gitna kung saan isinusuot ang pamigkis na gawa sa bulak o abaka. Ito ay gamit ng mga lalaking Mandaya bilang tanda ng kapangyarihan.
Ang bakuta o basket ng mga Mandaya ay pormang tubo (cylindrical) at gawa sa rattan na pinahiran ng beeswax upang ito’y tumibay at hindi mapasukan ng tubig. Ito’y napapalamutian ng mahahaba at makikitid na pilas ng kawayan na humuhubog ng pakurbang disenyo. Ang basket ay isinasabit sa pamamagitan ng isang tirintas na tali. Ang bakuta na may taas na 0.041 na metro ay ginagamit bilang lalagyan ng pang-nganga.
Ayon sa kanilang paniniwala, ang tao ay namamatay kung ninakaw ng busaw ang kaluluwa nito at itinatago sa likod ng araw. Upang mapayapa ang busaw, kinakailangan ang isang seremonya na kung minsan ay madugo.  Ang kababaihang Mandaya ay nagsusuot ng palamuting kabibe sa kanilang mga braso.
Sa mga Mandaya, ang kalawakan ay binubuo ng gabawanon o mataas na langit, ng sal'ladan o gitna na siyang tirahan ng mga buhay na tao, at ng bolibolan o ibaba. Ang mga busaw, ayon sa kanilang paniniwala, ay naninirahan sa gabawnon. Ang mga busaw ay mga espiritung umiinom ng dugo ng tao. Kung hindi mapayapa ang busaw, ang tao ay namamatay. Sa kanyang pagkamatay, siya ay nagpupunta sa bolibolan.



Mga instrument:
1.      Kobeng
2.      Kudlong
3.      Gimbal
4.      Nakuyog
5.      Bonabon


Sayaw (Ritwal)
Ø  Balilig- The making of the Mandaya Datu
Ø  Kinabua- Courting Dance
Ø  Sampak- War dance
Ø  Sayaw- sayaw ng mga Bailana na maaring sayawin ng mga bata.
Ø  Gandang- sayawa ng mga matatanda (kudlong at kobeng) (freedance).

Dalawang Folksongs
1. oyog-oyog - lullaby
2. bayok – love song

SALAWIKAIN NG MGA MANDAYA
1. Yang ataog aw madudog di da mamauli = Ang itlog kapag nabasag na, di na maaaring maisauli pa.
2. Eng makaan sang kalumluman mamaimo sang makupo = Ang kumain ng bugok na itlog ay sinasabing tamad.
3.Kallandong pa ng syumbang kabilae pa nang similat = Walang maitatago sa ilalim ng sikat ng araw.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento