Huwebes, Disyembre 15, 2016

Ako ang Kriminal ni Batubalani


Ako ang kriminal
Ni: Batubalani
I.
Marangal ang Hukom: Akong nasasakdal ay kusangloob pong
ngayo’y umaaminsa salang pagpatay …
lamang, ang hiling ko,bago patawan po ng kaparusahan,
dinging sumandali ang huling hinaing ng pusong sugatan;
sa gagawing ito, di-tangka kong hingin ang kapatawaran,
ang tanging hangad ko, buong pangyayari – sa madla’y matanghal ...
II.
Totoo pong ako ang siyang pumugto sa buhay ng kasing
buhay ng buhay kong taong hilalagyo;
dahil po sa kanya, hindi ko nilingon ang pilak at ginto ng ama’t ina ko
na tutol sa aming suyuang masamyo;
ang kariwasaa’y tinalikuran kong loob ay buo,
aniko sa sinta:”Ang atang kutsilyo’y kaya kong itayo!”
III.
Linggo po ng gabi nang huling magniig Kami ng giliw ko
sa lumang kapilya ng Nayong Lawiswis;
nagsumpaan kami sa harap ng altar na marikit
at nagsumping-pusong sa pagsasandugo’y walang tatailis;
mga saksi nami’y kurus at balaraw at mga bituing
sa langit na bughaw – dumilat-pumikit.
IV.
Kami’y nagkayaring walang ulik-loob- sa kinabukasan,
akong kanyang giliw ay pasasa-lunsod;
doo’y tutuklasin ng ang palad ko ang ginhawa’t lugod
na handang ikait ng ma’t ina ko sa sintang alindog;
tatlong buwan kaming sa pangungulila’y kapwa magyuyukyok,
kawikaan namin: “Sa likod ng dusa … ligaya’y kasunod!”

V.
Nang mag-umaga na’y halos alimpuyo ang abang damdaming
ako’y namaalam sa tanging irog ko;
habang papalayo, hakbang na mabagal ay naging patakbo
sa masidhing nasang taluktok ng mithi ay agad maadyo;
at bilang habilin: “Pagtatatlong bilog na buwan,”
aniko “muling magtatagpo sa lumang kapilya ikaw … saka ako.”
VI.
Ako, palibhasa’y may talinong angkin at nakasulit
nang may dalawang taon sa Serbisyo sibil,
ilang araw lamang sa Kamaynilaan agad nagningning
ang sa aking palad ay nakaghit nang magandang bituin;
gayunman, hanga kong ang irog kong mahal ay aking sabikin,
sukat pasabing – ‘May sorpresa ako sa aking pagdating!”
VII.
Dal’wang buwang sahod ang di ko ginasta at inilaan ko
sa damit-pangkasal ng hirang ko’t sinta;
belo, ng singsing - inihanda ko na,
sampu ng gugulin sa kapilya, pari’t piging na masigla;
nasambit ko tuloy: “Nagtakwil man kahit ang ama ko’t ina,
saringal ng aming gayak na kasalan, ngayo’y magtataka!”
VIII.
Pagkuwa’y sumpit ang gabing marilag na ikatlong bilog
ng palabang buwang singganda ng liyag;
sa pasalubong ko’y di magkandadala kaya’t sa paglulunsad,
doon sa himpilan inilagak muna ang lahat at lahat;
kapag karaka na, sa lumang kapilya paa ko’y kumagkag …
“A walang pagsalang siya’y naroon nang puso’y pumipitig!”

IX.
Nang natanaww ko na ang kapilyang munti,
ang pagnanasa kong marating na iyo’y lalunang sumidhi;
sa loob at labas, ang ilaw-dagitab waring nagbubunyi
nagulumihan ang taong pulutong;
X.
sa aking namasdan sa harap ng altar – ako’y napauntol …
puso ng sinta ko ay sa ibang puso nakikipagbuhol;
dugo ko’y sumulak, damdamin ko’y tinggang
kagyat na nag-apoy at sa kanyang dibdib,
ang saksing balaraw … aking ibinaon!
XI.
Sa nangyaring iyon ako’y naging imbi,
silakbo ng poot sa pagkariwara’y di ko naikubli;
nagtiwala ako’t bahagya man yata’y di naguniguni
na ang paglililo’y nasa kagandahan - pangyayari’y saksi;
ngunit magsisisi man sana pagsapit ko ay wala na’t huli,
libong kamataya’y matamis na bunga ng paghihiganti!
XII.
Marangal na Hukom, ako na po’y handa na
tumanggap ngayon ng parusang hatol sa salang nagawa;
ako ang criminal na siyang kumitil sa hirang kong mutya ay iyon
ay di ko pinagsisihan kahit na bahagya;
may sampu mang buhay ang palad kong api ay ikatutwa na aking ibuwis …
mangalipol lamang ang lilo’t kuhila!








ANG KRIMINAL
Ni: Batubalani
            Ang unang saknong sa tulang Ang Kriminal ay ang persona ay nagsasalaysay sa hukoman tungkol sa kanyang kasalanan. Dito rin sa unang saknong ay ang persona ay humiling sa sana’y dinggin ang kapatawaran. At bago pa man siya parusahan ay humihingi muna siya ng oras o panahon na sabihin o isalaysay ang buong pangyayari kung bakit niya nagawa ang yaong kasalanan.
            Sa pangalawang saknong ay kusang sinabi ng persona na siya’y kumitil ng buhay ng kanyang kasintahan na kung saan tinuri na niya na ang buhay ng kanyang kasintahan ay buhay rin niya. Dagdag pa ng persona na tinalikuran niya ang kayamanan na dapat sana ay mamana niya mula sa kanyang ina’t ama, na kung saan at tutol sa babaeng mapangasawa niya o kaya’y tutol sa kanilang pagmamahalan. Pero sa lubos sa pagmamahal niya sa kanyang kasintahan ay kusa niyang tinalikuran ang mga magulang at pinaglaban ang kanilang pagmamahalan. Nangako pa siya sa kanyang kasintahan na bumukod, at higit sa lahat, sinabi niyang kayang-kaya niyang magtayo na kanilang kastilyong matitirhan.
            Sa pangatlong saknong ay isinasalaysay niya na noong lingo ng gabi ay yaong huli silang nagroromansa sa kanyang kasintahan. Doon naman sa lumang kapilya sa Nayong Lawiswis ay nagsumpaan sila sa harap ng altar. Doon ay nagsasanduguan sila o blood compact. At ang krus at balaraw lamang ang naging saksi sa kanilang matamis na sumpaan.
            Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang persona ay naghahanap ng trabaho at sa paghahanap niya ng trabaho ay doon sa lungsod siya nakahanap ng trabaho.Sa loob ng tatlong buwan at sa kanilang pangungulila ay nakaramdam din sila ng ginhawa at sabi pa, “Sa likod ng dusa, ligaya’y kasunod”. Ibig sabihin, sa anumang paghihirap na dumanas sa ating buhay, sa huli ay magiging masaya at maginhawa ang katapusan.

            Sa ikalimang saknong naman, ang persona ay punong-puno ng agam-agamsa sarili’t damdamin nang siya’y namaalam sa kanyang kasintahan. At sa kanyang paglayo ay naghabilin muna siya sa kanyang kasintahan na “pagtatatlong bilog ng buwan” ay muli na silang magtagpo.Ibig sabihin ay uuwi na siya mula sa trabaho at nagsabing sa lumang kapilya sila’y magkita o magtagpong muli.
            Sa ikaanim naman na saknong ay nagsasalaysay ang persona na siya ay may talinong angkin dahil umabot siya ng dalawang taon sa Serbisyo Sibil at ilang araw na lamang sa Maynila ay uuwi na siya at sabik na siyang maka-uwi at makita ang kanyang kasintahan na siya ay sabik na sabik din. Sa huling taludtud sa ikaanim na saknong ay nag-wika pa ang persona na may sopresa siya sa kanyang kasinyahan sa pag-uwi’t pagdating.
            Sa ikapitong saknong ay isinalaysay ng persona na ang kanyang dalawang buwang sahod ay hindi niya ginasta o itinapon niya at inilaan para sa mga damit pangkasal, mga belo’t singsing na kung saan ay handa na. Pati ang kapilya pari at handaan ay handang-handa na. Sabi pa niya na dahil itinakwil siya ng kanyang mga magulang, sa bandang huli, sila at ang nayo’y ay magtataka sa kanilang darating na kasalan.
            Sa ikawalong saknong ay sumapit na ang gabi ng ikatlong kabilogan ng buwan na kung saan ay maliwanag ang kapaligiran. Sa pagdating niya, ay agad niyang inilagay ang mga gamit na dinala at agad-agad o karakarakang pumunta sa lumang kapilya. Tumitibok nang malakas ang kanyang puso sa sobrang kasabikan na makita ang kasintahan.
            Sa ikasiyam na saknong nang natanaw niya ang munting kapilya ay lalong sumidhi ang kanyang pagnanasa na agad makita ang minamahal at lalong-lalo na nang nakita niya ang mga ilaw sa loob at labas ng kapilya na tila ay nagbubunyi at nagsasabi pa siya sa sarili na balita napala sa buong nayon na siya ay uuwi.
            Sa ikasampung saknong, nang napasok niya ang kapilya ay napansin niya at namasdan na wari’y nagkagulo ang mga tao sa pagdating niya. Nang humarap siya sa altar ay napauntol siya sa kanyang nakita na ang kanyang kasintahan ay ikakasal sa iba at doon kumukulo ang kanyang dugo o galit na galit siya na nakita. At sa pangyayaring yaon ay nasaksak niya sa dibdib ang kanyang kasintahan ng balaraw dahil sa selos at inggit na wari’y nag-aapoy na ang kanyang dibdib o damdamin sa sobrang galit.

            Sa ikalabin-isang saknong nang natapos na ang pangyayaring yaon dulot ng poot ay nagsisi man siya ay hindi na maibabalik ang pangyayari’t huli na ang lahat. Yaong nagawa niyang pagpatay sa kasintahan ay matamis na bunga ng paghihiganti.
            Sa huling saknong ay handa na ang persona “ang kriminal”  na tanggapin ang anumangihahatol na parusa sa kanya, dahil alam niya na ang anumang kasalanan ay may kaparusahan. Dagdag pa ng kriminal na hindi niya pinagsisishan na kumitil siya ng buhay ng kanyang kasintahan. At doon nagtatapos ang tula.
            Mga diwa, mensahe o kaya’y maraming aralang makukuha sa tula. Pero ang pinakamagandang makukuhang mensahe sa lahat ay nagpapakita na ang lahat ng sobra ay nakakamatay o kaya’y makakapatay. Ibig sabihin, sa sobrang pagmamahal ng persona sa kanyang kasintahan ay nagawa niya itong patayin.

            Isang aral din ang makukuha sa tula na dapat ay magtira ka rin ng pagmamahal sa iyong sarili. Huwag yaong sobrang mong ibigay o ilaan lahat ng iyong pagmamahal sa iba. Sa huli, ang tulang ito ay isa rin na nagpapatunay sa #walangforever.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento