TITSER
Ni:
Liwayway A. Arceo
Pamagat:
Titser
Awtor: Liwayway A. Arceo
Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's
Taon ng Paglalathala: 1995
Tema: Pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng kahirapan.
Awtor: Liwayway A. Arceo
Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's
Taon ng Paglalathala: 1995
Tema: Pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng kahirapan.
MGA TAUHAN:
·
Si Aling Rosa ay
ang ina ni Amelita. Ang antagonista sa kuwento.
·
Si Amelita ay
isang dalagang 'public school' titser, bunso sa lima na anak ni Aling Rosa.
Umiibig kay Mauro. Nagpamalas ng kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng ibang
desisyon sa kabila ng ibang plano nanais ng ina para sa kanya. Ang protagonista
sa kuwento.
·
Si Mang Ambo ang
asawa ni Aling Rosa. Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa
kanyang ina.
·
Si Osmundo ay
isang makisig na binata, nagmula sa isang mayaman at respitadong pamilya.
Umiibig sya kay Amelita ngunit ayaw sa kanya ni Amelita dahil siya ay arogante
at maka-mundo.
·
Si Mauro naman ay
isa din 'public school' titser hindi man siya mayaman pero minamahal parin siya
ni Amelita. Mabait, at may galang sa lahat ng tao. Siya ang inspirasyon ni
Amelita noong naging guro niya ito para pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si
Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin sa kapwa. Mas priyoridad niya ang
kanyang pamilya kaysa ibang bagay. Protagonista sa kwento.
·
Rosalida (Lida)
– Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at Amelita. Pinagmulan ng
pangalan niya ang kanyang dalawang lola na sina Ida atRosa habang ang “L” naman
ay hinuha kay Amelita.
·
Aling Idad – Ang ina ni
Mauro na bukas loob na tinanggap si Amelita at itinuring para ring isang tunay
na anak.
Ano
ang teoryang humanismo?
Ang pokus ng teoryang humanismo ay
ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay
kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras,
"Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang
panginoon ng kanyang kapalaran.
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan
sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay
magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling
kasaysayan.
Katotohanan kaysa kagandahan ang
mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap
sa katotohanan o realidad.
SULIRANIN:
Tutol ang ina ni Amelita na si Aling
Rosa sa pag kuha ni Amelita ng kursong edukasyon at ayaw rin ni Aling Rosa kay Mauro
dahil si Mauro ay isa lang daw na tagapagturo sa paaralan na kakaramput
lang ang isinisweldo at nais rin ipakasal ni Aling Rosa ang kanyang
anak na si Amelita kay Osmundo.
BUOD:
Ang
nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita
at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa
mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng
dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may
"titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging
"titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang
binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit
nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y
walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.
-John Mark C. Sinoy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento