Huwebes, Disyembre 15, 2016

Pagsusurin ng Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus

Ni: Jose Corazon de Jesus
I.
Babahagya ko nang sa noo ay nahagkan,
sa mata ko'y luha ang nangag-unahan,
isang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan!...
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
nalulumbay ako't siya'y nalulumbay!
II.
Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas,
pasigaw ang sabing "Umuwi ka agad,"
ang sagot ko'y "Oo, hindi magluluwat...!"
Nakangiti ako, luha'y nalalaglag!
At ako'y nagtuloy, tinunton ang landas,
na kabyak ang puso't naiwan ang kabyak...
III.
Lubog na ang Araw, kalat na ang dilim
at ang Buwan nama'y ibig nang magningning;
makaurasyon na noong aking datnin
ang pinagsadya kong malayong lupain;
k'wagong nasa kubo't mga ibong itim
ang nagsisalubong sa aking pagdating!

IV.
Sa pinto ng nar'ong tahana'y kumatok,
ako'y pinatuloy ng magandang loob;

kumain ng konti, natulog sa lungkot,
na ang puso'y tila ayaw nang tumibok;
ang kawikaan ko, pusong naglalagot,
tumigil kung ako'y talaga nang tulog!
V.
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw'y namintanang mata'y nagniningning,
sinimulan ko na ang dapat kong gagawin:
Ako'y nag-araro, naglinang, nagtanim,
nang magdi-Disyembre, tanim sa kaingin,
ay ginapas ko na't sa irog dadalhin!
VI.
At umuwi akong taglay ko ang lahat,
mga bungangkahoy at sansaknong bigas,
bulaklak ng damo sa gilid ng landas
ay sinisinop ko't panghandog sa liyag,
nang ako'y umalis siya'y umiiyak,
O! ngayon marahil siya'y magagalak!
VII.
At ako'y nagtulin, halos lakad-takbo!
Sa may dakong ami'y may'ron pang musiko,
ang aming tahana'y masayang totoo
at ang panauhin ay nagkakagulo!
"Salamat sa Diyos!" ang naibigkas ko,
"nalalaman nila na darating ako!"

VIII.
Nguni, O! tadhana! Pinto nang mabuksan,
ako'y napapikit sa aking namasdan!
apat na kandila ang nnangagbabantay
sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
mukhang nakangiti at nang aking hagkan
ang parang sinabi'y..."Paalam! Paalam!"

















ANG PAGBABALIK
Ni: Jose Corazon de Jesus
            Ang unang saknong ay nagpapahiwatig na nagpapaalam siya sa kanyang asawa. Sa kanyang pamamaalam ay labis siyang nalungkot na hindi niya kasama ang kanyang asawa sa lugar na kanyang pupuntahan.
            Sa ikalawang saknong naman ay pagkatapos niyang hagkan sa noo ang kanyang asawa ay sya’y tumalikod at umalis na at ang kanyang asawa ay sumigaw na siya’y babalik at uuwi agad at sumagot sya sa kanyang asawa na Oo, at hindi na lumingon dahil ayaw nitong makita na sya’y umiiyak sa kanyang pag-alis.
            Sa ikatlong saknong, ay gabi na nang sya’y dumating sa kanyang paroroonan nang may kwago at ibong itim ang kanyang nadatnan sa kubo. Na ang ibig ipihiwatig ay may masamang pangitain.
            Saikaapat na saknong, nang nakapasok na siya sa kanyang tinutuluyan ay kumain muna siya at pagkatapos ay naging malungkot siya sa kanyang pagtulog, dahil malayo siya sa kanyang asawa. Pero nawala ang kanyang kalungkutan ng siya’y tuluyan ng nakatulog.
            Sa ikalimang saknong, ay gumising na siya kinabukasan at ginawa ang kanyang mga gawain o trabaho. Siya’y nag-araro at nagtanim sa bukid. Pagdating ng Disyembre ay inani na ang kanyang mga itinanim. At dadalhin niya ito sa kanyang asawa.
            Sa ikaanim na saknong ay umuwi na siya sa kanilang bahay na dala ang mga kahoy at bigas mula sa bukid. Sa kanyang pag-uwi ay may nakita siyang bulaklak at kinuha niya ito para ihandog sa kanyang asawa. Dahil dito ay naalala niya noong umalis siya ay umiiyak ang kanyang asawa at marahil sa kanyang pag-uwi ay magiging masaya ang asawa.



            Sa ikapitong saknong, ay nagmamadali siya sa kanyang pag-uwi na halos tumatakbo sa bilis paramakita ang asawa. Akala niya na masaya ang kanilang tirahan dahil may tugtog at may maraming tao. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil nalaman ng kanyang asawa na babalik siya.
            Sa huling saknong, ng pumasok siya sa kanilang bahay ay akala niya na maging masaya siya ngunit sa  kasamaang palad ay nakita niya ang kanyang asawa sa loob ng isang kabaong habang napapalibutan ng apat na kandila. Nang pinagmamasdan niya ito ay hinagkan at nakita niya ang kanyang asawa na parang ngumiti na nagpapahiwatig o nagsasabing  masayang nagpapaalam.

Simbolismo:
·         Puting panyo- masayang nagpapaalam habang umiiyak.
·         Ibong itim- masamang pangitain at may masamang mangyayari.
·         Kandila- may patay o may lamay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento