Huwebes, Disyembre 15, 2016

Ang Panday ni Amado Hernandez


ANG PANDAY

Ni: Amado Hernandez

I.
Kaputol na bakal na galing sabundok.

sa dila ng apoy kanyang pinalambot;

sa isang pandaya'y matyagang pinukpok

at pinagkahugis sa nasa ng loob.

II.
Walang ano-ano'y naging kagamitan,

araro na pala ang bakal na iyan;

Ang mga bukiri'y payapang binungkal,

nang magtaniman na'y masayang tinamnan.

III.
Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo

at ang boong bayan ay bulking sumubo,

tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo

pagka't may laban nang nag-aalimpuyo!

IV.
Ang lumang araro'y pinagbagang muli

atsaka pinanday nang nagdudumali,

naging tabak namang tila humihingi,

ng paghihiganti ng lahing sinawi!







V.
Kaputol na bakal na kislap ma'y wala,

ang kahalagahan ay di matingkala,

ginawang araro: pangbuhay ng madla

ginawang sandata: pananggol ng bansa!

VI.

Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,

bakal na hindi man makapagmalaki;
                                                                               
subali't sa kanyang kamay na marumi

ay naryan ang buhay at pagsasarili.
  




ANG PANDAY
Ni: Amado V. Hernandez
            Ang tulang Ang Panday ay tulang Obra Maestra ni Amado V. Hernandez na kilala sa pagiging Makata ng mga Manggagawa. Ang Panday ay isang kagamitan na kung saan ay bakal na mula sa bundok. Ang mga bakal na iyon ay pinalambot sa pamamagitan sa pagsunog nito sa apoy upang mahulma o magkaroon ng hugis o kaya’y kinisan para maging matulis, nang sa huli’y maging kagamitangpanlaban o kaya’y kagamitan na araro ang mga bakal na iyon. Ginagamit ang araro upang magbungkal ng lupa sa bukirin at para magkaroon ng taniman na ikabubuhay ng mga tao. Ang bakal na araro ay pinakamahalagang gamit sa sakahan noong unang panahon.
            Ngunit sa panahon na nagkaroon ng gulo, at pumutok ang kaguluhan sa buong bayanna kung saan sala ay lalaban. Lahat ng mga mamamayan ay gumawa o nagtayo ng hukbo para sa darating na labanan para maprotektahan ang bawat isa at ang bayan. Sa panahon ng paghahanda para sa labanan, ay ang bakal na araro ay dali-daling pinanday upang maging isang tabak o itak. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagsunog nito sa apoy at pinukpok hanggang sa maging tabak at para gagamitin bilang kasangkapan sa darating na labanan.
            Ang bakal na ginawa o pinanday para maging araro’t sandata ay hindi mapapantayan ang kahalagahan dahil unang-una, ginawa itong araro para sa ikabubuhay ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit nito na pangbungkal ng lupa nang sa ganun ay makatanim ang mga mamamayan ng kanilang makakain sa araw-arw, pangalawa, ang bakal na iyon ay ginawa namang sandata, upang ipagtanggol ang bayang tinubuang na planong agawin o sakupin ang bayan.


            Kaya naman, bigyan natin ng halaga ang isang bagay. Halimbawa nito ang panday na kahit bakal ay may pakinabang sa trabaho, sa tao at sa bansa. Ang angating bayan man ay sakupin ng mga dayuhan ay huwag nating hayaan ito. Labanan natin sila at lahat tayo ay magtulungtulungan nang sa ganun ay mas marami o mas malakas ang pwersa at kapag malakas ang pwersa, ay mananalo sa laban at kapag mananalo sa labanan, wala ng dayuhan sa ating bayan, wala ng magkokontrol, walang magpapasakit at walang ng mang-aapi, kapag wala ng dayuhan sa ating bayan ay makapamumuhay tayo ng payapa, masagana at masayang buhay.





4 (na) komento: