I.
INTRODUKSYON
Ang pananaliksik
ay susi sa kaunlaran. Walang pag-unlad kung walang pananaliksik at kung hindi magsisikap
ang lahat tao. Sa pamahalaan, sa edukasyon, sa negosyo at komersyo, at sa lahat
ng uri at klaseng mga industriya, ang pananaliksik ay buhay at mahalaga.
Samakatuwid, ang pamamaraan at mga teknik ay kinakailangan maituro at matutunan
sa magtatapos at pati na rin sa andergradweyt sa trabahong pang-edukasyunal.
Ito ay kinakailangan dahil ang mga tao na siyang nakatapos ng kolehiyo at sa antas
na nagtapos sa edukasyon ay mga taong kadalasang inaasahang gumagawa ng mga gawain
ng pananaliksik.
Dahil sa mga dahilan sa itaas, ang layunin ng aklat na
ito ay makagawa ng pag-aaral sa pamamaraan ng pananaliksik at mga teknik at
pati na rin ang pagsulat ng tesis na mas madali, mas mapakikinabangan at
nauunawaan ngunit sapat na maiintindihan.
Mayoong halos kayraming kahulugan ng
pananaliksik tulad ng may mga awtor na sumusulat tungkol sa paksa. Sa kabutihang
palad, ang pagkakaiba ng mga kahulugang nabuo ng mga awtor ay may pagkakatulad.
Ang mga halimbawa ng mga kahulugan ng pananaliksik ay ang sumusunod:
Si Good ay nagpapakahulugan ng pananaliksik
na “maingat, kritikal, disiplinadong pagsisiyasat, iba-iba sa teknik at paraan ayon
sa kalagayan at mga kondisyon ng nalamang suliranin, patuloy sa kalinawan o
paglutas ng suliranin.” (Good, p. 464)
Si Aquino ay may mas detalyadong pagpapakahulugan
ng pananaliksik. Sabi niya na “ang pananaliksik ay, simple, sistimatikong pag-usisa
na nanauukol sa impormasyon sa tiyak na paksa o suliranin. Pagkatapos ng maingat,
sistimatikong pag-usisa na nauukol sa impormasyon o datos sa isang tiyak na paksa
o suliranin at pagkatapos, ang nagsasagawa ng pananaliksik ay inaalisa, ini-interpreta
ang datos, sa huli ay siya’y haharap ng ibang mahalagang gawain–na maghanda ng ulat-pananaliksik.”
(Aquino, p. 1)
Ang pananaliksik ay nangangahulugang
“proseso sa pangangalap ng datos o impormasyon para malutas ang partikular o
tiyak na suliranin sa siyentipikong pamamaraan.” (Manual at Medel, p. 5)
Si Pharel ay nagpapakahulugan ng pananaliksik
na “isang sistimatikong pag-aaral o pag-iimbestiga sa anuman para sa layuning masagot
ang mga katanungang inanyo ng mananaliksik.” (Sinipi mula kay Sanchez, p. 2)
Sina Treece at Treece ay nagpunana “ang
pananaliksik sa kanyang pinakalawak na kahulugan ay ang pagsubok nito para
makamit ang mga solusyon sa mga suliranin. Mas tiyak, ito ay ang pangongolekta ng
datos sa mahirap na pagkontrol sa sitwasyon para sa layuning paghuhula o
pagpapaliwanag.” (Treece, p. 3)
Nabubuo sa mas komprehensibong anyo, na ang pananaliksik ay maaring nangangahulugang malayunin, sistimatiko at siyentipikong pangangalap ng datos, pag-analisa, pagklasipika, pag-oorganisa, pagpresenta, at pag-interpreta ng mga datos para sa solusyon ng suliranin, para sa paghuhula, para sa imbensiyon, para matuklasan ang katotohanan, o para sa pagpapalawak o pagbiripika sa kasalukuyang kaalaman, lahat para sa preserbasyon at kaunlaran sa kalidad ng buhay ng tao.
Mga Layunin ng
Pananaliksik ( Mga Intensiyon, Mga Hangarin, Mga Tunguhin)
Ang kahulugan ng
pananaliksik ay nagsasabi na ang pananaliksik ay malayunin. Ang sentro o
prinsipal na layunin ng pananaliksik ang pagpriserba at pag-unlad sa kalidad ng
buhay ng tao. Ang lahat ng uri ng pananaliksik ay direkta hanggang sa
katapusan. “Ang layunin ng pananaliksik ay para pagsilbihan ang tao.” (Good at
Scates, pp 9, 14) Sa pamamagitan ng pananaliksik, ang tao ay nagkaroon
magandang mabilisang progreso at natamasa ang mga produkto ng pananaliksik gaya
ng mabilis at komportable sa lupa, dagat, at himpapawid na pamamaraan ng
tranportasyon, ang kuryente tulad ng radio, telepono, air conditioning, liwanag
sa mga tirahan, mga pelikula, running machinery para sa industriya, ang
kompyuter, ang mabisang mga droga na mapa-unlad ang kalusugan at ikahahaba ng
buhay, at marami pang ibang hindi mabilang na mga bagay. “Para sa ikakasaya ng
tao nang mas mauunawaan, para umunlad ang kanyang paghahatol, para madagdagan
ang kanyang kapangyarihan, para ibsan ang pagdurusa, at para mapataas ang
kasiyahan sa maraming pamamaraan – ito ay malawak at napakahalagang layunin ng
pananaliksik. (Good at Scates, p. 15)
Para sa mas tiyak na layunin at
tunguhin ng pananaliksik, ang mga sumusunod ay binanggit:
1. Para
tumuklas na panibagong mga katotohanan tungkol sa napag-alamang pangyayari.
(Ang alcohol ay napag-alamang penomina at sa pananaliksik ay naging isang uri
ng fuel katumbas sa kalidad ng gasolina)
2. Para
humanap ng ng mga kasagutan sa mga problema na kung saan ay parsyal lamang na
masagot mula sa kasalukuyang pamamaraan at impormasyon. (Ang kanser ay
seryosong sakit na kung saan ay parsyal na malunasan ng kasalukuyang pamamaraan
ngunit dahil sa matindi at patuloy na pagsasaliksik, ang sakit ay maari nang
maiiwasan.
3. Pabutihin
ang kasalukuyang mga teknik at umunlad ang bagong mga instrumento o produkto.
(Makikita ito sa bagong gadgets at mga makina, mga produktong pagkain at iba
pang ginagamit ng tao)
4. Para
tumuklas ng nakaraang di-nakilalang mga sabstansiya o mga elemento. (Noon
mayroon lamang tayong 92 mga elemento ngunit dahil sa pananaliksik mayroon na
tayo ngayong mas mahigit sa 100)
5. Tumuklas
ng mga landas sa mga aksyon ng mga napag-alamang mga sabstansiya at mga
elemento. (Dahil sa pananaliksik ay nalaman natin ang mga kapahamakan mula sa
abosong paggamit ng di-takdang mga droga at ilang makakalasong mga sabstansiya.
Ito ay mga inimungkahi
ni French (Treece at Treece, Jr., p. 5) at ang mga pahayag na napaloob sa
parenthesis ay mga halimbawa mula sa awtor.
6. Sa
pagkakasunud-sunod na may kaugnayan, ay ang mga balidong panlalahat tungo sa
sistematikong agham. Schlotfeldt. (Ibid.) (Ang resulta sa ganttong layunin ay
ang agham na na pinag-aaralan natin sa paaralan.
7. Para
maglaan ng basihan para sa paggawa ng desisyon sa negosyo, industriya,
edukasyon, pamahalaan, at iba pa. Isang pagdulog sa paggawa ng desiyon ay ang
pagdulog na pananaliksik. (Gore at Dyson, p. 65). (Ito ay basihan sa mga
importanting desisyon mula sa resulta ng pananaliksik).
8. Para sa ikakasaya ng mapag-usisang
mananaliksik.(Sanchez, p. 3) (Si Edison ay mausisa kung paano ang inahing manok
ay mapisa ng kanyang mga itlog at gumawa ng pananaliksik at nag-imbeto siya ng
incubator)
9. Para
humanap ng mga kasagutan sa mga katanungan sa pamamagitan ng siyentipikong
pamamaraan. Isang importanteng tanong na maaring itanong na kung saan ay
masagot lamang sa pamamagitan ng pananaliksik: Sa anong tagpuan na may mas
mahaba ang buhay, sa siyudad o sa baryo?
10. Para makamit ang mas mabuti at mas malalim na
pag-uunawa tungkol sa isang pangyayari na malalaman at mauunawaan ng mas mabuti
mula sa pananaliksik kung bakit ang kababaihan sa kabuuan ay mas maliit kaysa
sa kalalakihan.
11. Para
mapalawak o patunayan ang ummiral na kaalaman. Ito ay karaniwang nagaganap kung
kailan ang mga pananaliksik ay kinopya. Panibagong natuklasang mga katotohanan
ay maaring makita para mapalawak ang kaalamang nakamit mula sa nakaraang
pananaliksik o napatunayan kung magkakatulad ang mga katotohanang natuklasan.
Sa
kaugnayan ng mga layunin nos.2 at 3, ang mga sumusunod ay maaaring idagdag sa
listahan ng mga layunin:
12. Pabutihin
ang edukasyunal na kagawian para umunlad ang kalidad ng mga produkto ng
paaralan. Ang sarbey ng pananaliksik ay nagreresulta ng mga rebisyon ng
kurikula at instruksyunal na mga inobasyon para mapalawak ang epektibong proseso
ng pagkatoto.
13. Para
mapa-unlad ang kalusugan at mapahaba ang buhay. Ang layunin na ito ay hayag na
pinatunayan sa pharmaceutical, nutrisyunal at medikal na pananaliksik.
14. Para
tustusan ang karaniwang mga pangangailangan ng tao- mas mabuti sa pagkain,
damit, tirahan, at iba pa. Ang trabaho ng International Rice Research Institute
sa Los Baños, Laguna ay mabuting halimbawa ng ganitong layunin.
15. Para
ang gawin ang trabaho, biyahe, at komunikasyon nang mas mabilis, mas madali at
mas komportable. Dahil sa pananaliksik, ang mga eroplano ay ginawa para lumipad
ng mas mabilis, ang mga sasakyan ay mas mabilis na tumatakbo , labor-saving na
mga makina ay naimbento at napa-unlad, ang radio at telebisyon ay nagbibigay ng
mga balita ng madaling maihatid sa mga malalayong lugar, at ang kuryente na
kung saan ginawa upang mas mapadali at mas mapabuti ang buhay.
Mga Katangian ng
Mabuting Pananaliksik
Si Crawford, mula sa
kanyang kahulugan, ay nagbigay ng ilang mga katagian ng pananaliksik sa mga
sumusunod: (Sinipi mula kay Aquino, p. 1)
Ang pananaliksik ay simple, isang
sistimatiko at dalisay na teknik ng pag-iisip, gamit ang mga ispisyal na mga
kasangkapan, mga instrumento at pamamaraan para makamit ang mas madaliang
solusyon sa suliranin kaysa sa posible sa ilalim ng ordinaryong pamamaraan. Ito
ay nagsisimula mula sa isang suliranin, nangongolekta ng datos o katotohanan,
kritikal na inalisa, at umaabot ng mga desisyon sa aktuwal na ebedinsya. Ito ay
orihinal na gawa maliban sa isang personal na opinyon. Ito ay mula sa
kagustuhang mag-alaman maliban sa kagustuhan para magpatunay ng kung ano-ano,
na gustong may malaman hindi lamang kung ano ngunit kung paano, at ito ang
sukatan samakatuwid ito ang pangunahing pagpapakahulugan nito.
Ibang awtor, na si Best, ay nagbigay
ng buod sa mas importanting mga katangian ng mabuting pananaliksik sa mga
sumusunod: (Sinipi mula kay Aquino, p. 2)
1. Ang
pananaliksik ay pangangalap ng bagong kaalaman o datos mula sa pangunahin o
unang mapagkukunan ng datos. Ito ay hindi pananaliksik kung saan inuulit lamang
o muling inorganisa ang kung ano ang tapos nang nalaman o kung anuman ang
naisulat. Ang pananaliksik ay nilaanan ng diin ang pagtuklas sa panlahat na mga
prinsipyo. Ito ay mula sa tiyak na mga grupo patungo sa kabuuang grupo sa
pamamagitan ng maingat na sampling na pamamaraan, o kaya’y sa panlahat na grupo
patungo sa tiyak na grupo.
2. Ang
pananaliksik ay eksperto, sistimatiko at madaliang imbestigasyon. Ang
mananaliksik ay nakaka-alam kung ano ang tapos nang nalaman tungkol sa kanyang
suliranin. Ipagpatuloy niya ito, maingat niyang pinaplano ang mga pamamaraan.
Ang datos ay pangangalap, tinatala at inaalisa ng pinakamadali kung possible.
Ginagamit niya ang balidong mga instrumento sa pangangalap ng datos sa
natuklasan niya at gumagamit ng mechanical na pamamaraan para mapa-unlad ang
tiyak na pagmamasid ng tao, nagtatala at pagkukuwenta ng datos.
3. Ang
pananaliksik ay lohikal at malayunin, gumagamit ng bawat posibleng pagsubok
para patunayan ang nakolektang datos at mga pamaraang ginamit. Ang mananaliksik
at dapat magsumikap na ialis ang personal na nararamdaman at kagustuhan.
Titiisin niya ang temtasyon para lamang ang datos ay sumusuporta sa kanyang hypothesis.
Wala itong balak para magpatunay o para may patunayan. Ang pinag-bibigyang diin
ay ang pagsubok, maliban sa pagpapatunay sa hypothesis. Ipatataas ng
mananaliksik ang kanyang malinaw na pag-iisip at lohika. Tatanggalin niya ang
nararamdaman at emosyon sa kanyang analysis.
4. Sisikapin
ng pananaliksik na iorganisa ang datos sa
quantitative terms, kung posible, at ihayag niya sa numerikal na
pamamaraan. Ang pananaliksik ay matiyaga at di-madalian. Ang mananaliksik ay
maglaan ng maingat na pagsisikap, ihinto ang paghahatol para payagan ang datos
at lohika para matamo ang tiyak na konklusyon.
Dapat alam niya na ang mga natuklasan ay hindi makarating sa isang
resulta ng mabilis at di-maingat na nga pamamaraan. Ang pananaliksik ay
nangangailangan ng tapang. Ang mananaliksik ay dapat sumunod sa kanyang mga
pamamaraan hanggang sa mga konklusyon na maaring di-makilala at di-magustuhan
ng mga tao.
5. Ang
pananaliksik ay maingat na tinatala at inuulat. Ang bawat salita ay maingat na
binigyang kahulugan, lahat ng mga pamamaraan ay detalyadong ilalarawan, lahat
ng lilitadong salik ay kinikilala, lahat ng mga sanggunian ay maingat na
dinodokumento, at lahat ng mga resulta ay dapat may layuning itatala. Lahat ng
mga konklusyon at mga panlalahat ay maingat na umaabot, na ikinokonsidira ang
lahat ng mga saklaw ng metodolohiya, nakolektang datos, at kamalian sa
pag-iinterpreta ng tao.
Mula sa mga pagtatalakay sa itaas,
ang mga katangian ng pananaliksik ay maaaring ibuod sa mga sumusunod:
1. Ang
pananaliksik ay sistimatiko. Ito ay sumusunod sa maayos na pagkasunod-sunod na pamamaraan
tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin, o anumang ninanais
para matuklasan.
2. Ang
pananaliksik ay kontrolado. Lahat ng mga baryabol maliban sa mga nasubukan o
na-eksperimentohan ay pirmihan (hindi maaring ibahin) nang sa ganun ang mga
pagbabagong nagawa sa paksa ng pag-aaral ay ipinapalagay lamang sa
eksperimental na baryabol. Ito ay tunay lalong-lalo na sa eksperimental na
pananaliksik.
3. Ang
pananaliksik ay impirikal. Lahat ng mga pamamaraang ginamit at ang nakalap na
datos ay natanto sa parehong paraan mula sa lahat ng mga tagapagmasid.
Halimbawa, may isang taong nagsasabi na mayroong limang tao sa kwarto, ang lahat
ay sasang-ayon sa limang nabubuhay na limang tao. Sapagkat, kung ang isang tao
ay nagsasabi na mayroong limang multo sa kwarto, ay isa o wala sa kanila ang
maniniwala dahil hindi lahat ng tao ay naniniwala sa multo. Ang mga multo ay
halimbawa ng datos na hindi impirikal.
4. Ang
pananaliksik ay analitikal. Mayroong kritikal na pagsusuri sa lahat ng mga
datos na ginamit nang sa ganun ay walang pagkakamali sa kanilang
interpretasyon.
5. Ang
pananaliksik ay malayunin, di-bayas, at makatwiran. Lahat ng mga natuklasan at
mga konklusyon ay makatwiran batay sa impirikal na datos at walang sikap na
gawin para baguhin ang mga resulta ng pananaliksik.
6. Ang
pananaliksik ay nangangailangan ng hypothesis. Ito ay para gabayan ang proseso
ng imbestigasyon. Sa mga eksperemental na pag-aaral, ang hypothesis ay
nagpapahayag ngunit sa palarawang mga pag-aaral, ang mga tiyak na suliranin o
tiyak na katanungan ay nagsisilbi bilang hypothesis at ang hypothesis ay
sinusubok at hindi pinapatunayan.
7. Ang
pananaliksik ay nangangailangan ng quantitative o statistical na pamamaraan.
Ang datos ay ginawa sa numerikal na sukatan at ginamitan ng statistical para
malaman ang kanilang kabuluhan at kahalagahan.
8. Ang
pananaliksik ay orihinal na gawain. Maliban sa pangkasaysayang pananaliksik,
ang mga datos ay kinakalap mula sa pangunahing pinagkukunan ng datos at hindi
mula sa pangalawang mapagkukunan ng datos (kadalasan ang mga kagamitang
naiprenta tulad ng aklat o mga tesis, at iba pa).
9. Ang
pananaliksik ay gawain ng isang dalubhasa o eksperto. Ang mananaliksik ay
gumagamit ng balido at maingat na disenyong pamamaraan, balidong mga
instrumento sa pangangalap ng datos at balidong datos.
10. Ang
pananaliksik ay maingat na pag-iimbestiga, pagmamasid at paglalarawan. Ang
katotohanan, bawat gawain ng pananaliksik ay kailangang ginagawa nang may
katiyakan nang sa ganun ang mga natuklasan ay magresulta sa pagbuo ng mga
siyentipikong panlalahat. Lahat ng mga konklusyon ay basi sa aktuwal na
ebidensiya.
11. Ang
pananaliksik ay matiyaga at di-madaliang gawain. Ito ay para matiyak ang
kawastohan. Ang pananaliksik na madaliang ginawa at ginagawa ng padalus-dalosdahil
sa paghahabol laban sa oras ay maaring magresulta ng di-katiyakang mga
konklusyon at mga panlalahat.
12. Ang
pananaliksik ay nangangailangan ng kapasidad sa pagsisikap. Walang pananaliksik
na ginagawa na walang pagsisikap na inilaan. Walang sinoman na walang kapasidad
sa pagsisikap na gumagawa ng isang pananaliksik dahil ang pananaliksik ay
nangangailangan ng sobrang trabaho at panahon.
13. Ang
pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Ang pananaliksik ay nangangailangan
ng tapang dahil ang mananaliksik ay madalas dumanas ng mga panganib, at mga
di-komportable. May pagkakataong ang mananaliksik ay makatagpo ng pampubliko at
sosyal na di-pagtanggap. Pati, ang di-pagsasang-ayon ng mga kasamahan ay maari
magkaroon.
Mga kaibahan sa Pagitan
ng Pananaliksik at Suliranin
Dapat malaman ng mananaliksik ang
kaibahan ng pananaliksik at suliranin. Aakalain niyang ang problema sa
pananaliksik ay mabuti lamang para sa suliranin. Ang pagkakaiba sa pamamagitan
ng dalawa ay binuod sa mga sumusunod: (Treece at Treece, Jr., pp.47-48)
Pananaliksik
|
Suliranin
|
1. Walang
maaring problema, kung interesado lamang sa pagsagot sa tanong o
pag-aalinlangan.
|
1. Mayroong
palaging problema na malutas.
|
2. Ang
problema ng pananaliksik ay mas mahirap at mas malawak ang saklaw.
|
2.
Ang problema na malutas ay hindi mahirap at hindi malawak.
|
3. Ang
problema ng pananaliksik ay hindi kinakailangan ng tiyak na dipinasyon.
|
3.Ang
problema na malutas ay tinitiyak na binibigyang kahulugan at
tinitiyak na inaidentipika.
|
4. Ang
lahat ng pananaliksik ay inilaan para maglutas ng ilang uri ng problema,
ngunit ito ay hindi pangunahing layunin.
|
4. Ang
suliranin ay hindi palaging kasangkot
sa pananaliksik.
|
5. Ang
pananaliksik ay hindi pangunahing isinasagawa para maglutas ng problema
ngunit para gumawa ng kontribusyon sa pangkalahatang kaalaman.
|
5. Ang
suliranin ay palaging inilaan para malutas ang problema.
|
6.Ang
pananaliksik ay konsern sa malawak na mga problema, panibagong penomina, at
malawak na paggamit, sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ay konsern sa pag-tukoy
o pagbalangkas sa mga katagian ng penomina, sa paghuhula sa panghinaharap na
pangyayari nang sa ganun ay maari nilang mahulaan at makontrol at
paglalarawan sa kaugnayan o penomina sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung
paano at bakit ang tiyak na mga pangyayari ay naganap o magaganap. Sa
ganitong proseso, ang pananaliksik din ay bumubuo ng mas maraming problema
para siyasatin.
|
6,
Ang pananaliksik ay konsern sa tiyak na problema.
|
|
|
Mga uri at
klasipikasyon ng Pananaliksik.
Mayroong maraming uri ang
pananaliksik na kung saan ay kinaklasipika o inuuri ayon sa kanilang
natatanging mga katangian. Ilan sa mga klasipikasyon ay ang mga sumusunod.
1.
Ayon
sa layunin. Kinikilala ni Trow na may tatlong
malawak na ibang mga uri ng pananaliksik, prediktibo, deriktibo, iluminatibo. (Treece
at Treece, Jr., p. 5)
a.
Ang prediktibo o
hulaang pananaliksik ay may layunin na madetermina ang panghinaharap na mga
baryabol sa ilalim ng imbestigasyon, na may layuning mag-kontrol o muling
magderikta para sa mas ikabubuti. “Ang prediktibong pananaliksik ay nagpanulaka
para magbigay ng resulta mula sa isang tiyak na edukasyunal na bunga.”
b.
Ang direktibong
pananaliksik ay nagdiditermina kung ano ang natatapos basi sa mga natuklasan.
Ito ay panlunas sa di-kasiya-siyang kondisyon kung mayroon man.
c. Ang
iluminatibong pananaliksik ay konsern sa interaksyon sa mga komponents ng mga
baryabol na ini-imbistigahan, tulad halimbawa, “interaksyon sa mga komponents
ng edukasyunal na mga sistema at mga layunin upang magpakita ng mga koneksyon,
halimbawa, mga katangian ng mga mag-aaral, organisasyunal na mga patern at mga
polisiya at edukasyunal na kahihinatnan.”
2. Ayon sa tunguhin. Ayon sa tunguhin, ang pananaliksik ay maaring
maaring iuri sa basic o dalisay na pananaliksik at aplikadong pananaliksik.
a. Ang
basic o dalisay na pananaliksik ay isinasagawa sa pag-unlad ng mga teorya o mga
tuntunin. Ito ay isinasagawa intelektuwal na kasiyahan sa pagkatoto. Halos lahat
ng ganitong uri ng pananaliksik ay isinasagawa sa sikolohiya at sosyolohiya.
(Manuel at Medel, p. 18)
b. Ang
aplikadong pananaliksik ay aplikasyon sa mga resulta ng tunay na pananaliksik.
Ito ay isinusubok sa mabisang mga teorya at paniniwala.
3. Ayon sa lebel ng
inbestigasyon. Kinakategorya o
kinaklasipika ni French ang pananaliksik ayon sa mga lebel ng imbestigasyon sa
eksploratoring pananaliksik, palarawang pananaliksik at eksperimental na
pananaliksik.
a. Sa
eksploratoring pananaliksik, ang mga pananaliksik ay nag-aaral sa mga baryabol
na may kinalaman sa tiyak na sitwasyon.
b. Sa
palarawang pananaliksik, ang mananaliksik ay nag-aaral sa kaugnayan ng mga
baryabol.
c. Sa
eksperimental na pananaliksik, ang nag-ieksperimento ay nag-aaral sa mga epekto
ng mga baryabol sa bawat isa. (Treece at Treece, Jr., p. 6)
4. Ayon sa uri ng analysis.
Ayon sa uri ng analysis, inuuri ni Weiss ang pananaliksik sa analitikal na
pananaliksik o holistic na pananaliksik.
a. Sa
analitikal na pagdulog, ang mananaliksik ay subuking alamin at ilayo ang komponents
sa sitwasyon ng pananaliksik.
b. Ang
holistic na pagdulog ay nagsisimula sa kabuuan ng sitwasyon, una ay nagpupukos
sa atensiyon sa sistema at pagkatapos ay sa panloob na kaugnayan. (Treece at
Treece, Jr., p. 6)
5. Ayon sa saklaw.
Sa ilalim ng ganitong kategorya ay aksyon na pananaliksik. Ito ay uri ng
pananaliksik na ginawa sa pinakalimitadong saklaw para malutas ang tiyak na
problema na kung saan ay hindi masyadong malaki. Ito ay halos suliranin.
Sa
edukasyon, ito ay uri ng gawain ng suliranin o pananaliksik na ginagamit ng mga
guro, mga supervisor, at mga administrador para mapa-unlad ang kalidad ng
kanilang mga desisyon at mga aksyon; ito ay paghahanap ng mas maasahan at
angkop sa tiyak at panlahat ng mga layunin at nagsusubok para mapa-unlad ang
edukasyunal na kagawian na kung saan walang pagtukoy sa mga natuklasan na
nauukol sa inaralang pangkat. (Good, p. 464)
6. Ayon sa pagpili ng kasagutan
sa mga problema. Hinahati ni Ackoff ang
pananaliksik na konsern sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga problema, ang
ebalwasyon at debelopmental na pananaliksik.
a. Sa
ebalwasyon na pananaliksik, lahat ng posibleng kurso sa aksyon ay tiniyak at
inalam at ang mananaliksik ay sumusubok para tumuklas ng pinaka-adbintahi.
b. Sa
debelopmental na pananaliksik, ang pukos ay sa pagtuklas o padebelop sa mas
tampok na instrumento o proseso kaysa magagamit. (Treece at Treece, Jr., p. 6)
7. Ayon sa istatistikal na
nilalaman. Sa ganitong uri ay maaring banggitin
ang quantitative na pananaliksik at non-quantitative na pananaliksik.
a. Ang
quantitative o istatistikal na pananaliksik ay isa na kung saan ang inferential
na mga isatistika ay ginamit para malaman ang mga resulta ng pag-aaral. Ang
inferential na istatistics ay gaya ng correlation, chi-square, analysis ng
variance, at iba pa na ginagamit para subukun ang teorya. Ito ang uri ng
pananaliksik na kadalasang napaloob ang pagtutulad na mga pag-aaral, kaugnayan
sa sanhi at epekto , at iba pa.
b. Non-quantitative
na pananaliksik. Ito ang pananaliksik saan wala o hindi gumagamit ng
quantitative o istatististiks. Ito ay tunay o totoo lalong-lalo na sa
antropolohikal na mga pag-aaral na kung saan palarawan ang kadalasang
ginagamit. Palarawang datos ay kinakalap kaysa sa quantitative na datos.
8. Ayon sa time element.
Ayon sa time element, inuri ni Best ang pananaliksik sa pangkasaysayan,
palarawan at eksperimental.
a. Ang
pangkasaysayang pananaliksik ay naglalarawan kung ano ang nakaraan.
b. Ang
palarawang pananaliksik ay naglalarawan kung ano kasalukuyan.
c. Ang
eksperimental na pananaliksik ay naglalarawan kung ano ang hinanaharap. (Treece
at Treece, Jr., p. 6)
Ang pangkasaysayan, palarawan at
eksperimental ay tatlong medjur na pamamaraan ng pananaliksik. Lahat ng ibang
pamamaraan ng pananaliksik, mga uri, at mga anyo ng pananaliksik o kung anuman
ay tinatawag o napaloob sa ganitong tatlong medjur na pamamaraan.
Ang ibang mga anyo at uri ng
pananaliksik ay tinatawag ayon sa lugar ng gawain. Samakatuwid, mayroon tayong
sosyolohikal na pananaliksik, sosyal na pananaliksik, sikolohikal na pananaliksik,
antropolohikal na pananaliksik, pisikal na pananaliksik, kimikal na
pananaliksik, industriyal na pananaliksik, ekonomiks na pananaliksik, kalusugang
pananaliksik, narsing na pananaliksik, kurikulum na pananaliksik, edukasyunal
na pananaliksik at marami pang iba na hindi mabilang.
Ilang Sagabal sa
Siyentipikong Pagsisisyas at (Kamalian sa Personal na Paghahatol)
Nagbigay si Babbie ng
ilang sagabal o hadlang sa siyentipikong pagsisisyasat. Ang mga ito ay halos
kamalian sa personal na paghahatol. (Babbie, pp. 6-16) Ang mga paliwanag ay nagawa
para sa lokal na adaptasyon.
1. Tradisyon. Ito
ay pagtanggap na ang kaugalian, mga paniniwala, kagawian at mga pamahiin ay
totoo at parte sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Walang pagsisikap ang gawin
para matuklasan kung ang mga ito ay totoo o hindi. Halimbawa, mayroong
tradisyunal na paniniwala sa kababaihan na ang ilang mga kababaihan na buntis
ay bawal kumain ng maitim na pagkain tulad ng mga maitim na berry dahil ang
kanilang mga anak ay magiging maitim din. Ito ay maaring totoo o hindi ngunit
maraming kababaihan ang naniniwala at kinaugalian ito nang hindi binibiripika ang
katotohan. Ang mga tao ay may ideya na kapag ay bawat isa ay mayroong ganoon,
ito ay totoo. Ang ganitong paniniwala ay sagabal sa siyentipikong
imbestigasyon.
2. Awtoridad.
Ito ay pagtanggap na walang tanong, ito’y opinyon tungkol sa isang tiyak na
paksa na kung saan ay binigay sa taong may awtoridad. Kung ang ordinaryong tao
ang magsasabi na ang paghalik ay nagdadala ng sipon, ay hindi siya paniniwalaan,
maari siyang pagtawanan. Sa kabilang dako, kapag ang doctor ang magsasabi ng
ganoon, siya ay paniniwalaan kahit walang tanong. Samakatuwid, ang doctor ay
makagagawa ng mali at ito ay totoo dahil ang ibang mga doktor ay minsa’y
makagawa ng kamalian. Minsan na ang mga taong may malalaking pangalan ay
gumagagawa ng anunsiyo tungkol sa kanilang mga bagay na labas sa kanilang
sariling kasanayan at sila ay paniniwalaan dahil sa kanilang malalaking pangalan.
Sila ay paniniwalaan kahit walang anumang siyentipikong pagsisiyasat tungkol sa
katotohanan ng kanilang mga anunsiyo. Halimbawa, ang kilalang manlalaro ay
gumawa ng anunsiyo na kung saan kapag uminon ng may tatak na alak ay mabuti
dahil magiging malakas ang katawan. Ang kilala o sikat na bituin sa mga
pelikula ay gumagawa ng isponsor sa pagbebenta ng mga produkto, lalong-lalo na
sa pampagandang bagay o artikulo, at sila ay paniniwalaan kahit walang anumang
siyentipikong imbestigasyon.
3. Di-katiyakang
pagmamasid. Ito ay maling paglalarawan kung
ano ang naobserbahan. Halimbawa, sa gabing may maliwanag na buwan, ang isang
lalaki ay nakakita ng anino na hugis tao at ang lalaki ay gagawa ng konklusyon na
may multo, kahit walang anumang imbestigason na nakakita siya ng multo. Kung
ang bulalakaw ay makikita sa kalawakan, ang mga taong nakakita ay gagawa ng
konklusyon na nakakita sila ng flying saucer. Kung may nakakita ng taong
nakahiga ng walang malay sa kalye matapos na masagasaan ng mabilis na sasakyan,
saabihin niya na ang tao ay patay na kahit hindi pa. Hindi siya mag-iimbestiga
kailanman.
4. Panlalahat.
Ito ay paggawa ng patern mula sa maliit na pagkakataon. Halimbawa, kung may
nakakita ng isa o dalawang mga asawang Ilokano na masipag, responsable at
mapagkakatiwalan, magsasagawa siya ng konklusyon na ang mga asawang mga Iloko
ay masipag, responsable at mapagkakatiwalan. Kung may nagbabiyahe sa magaspang
na daan sa isang probinsya, magbubuo siya ng impresyon na ang mga daan sa
probinsya ay magaspang din. Hindi siya gagawa ng pagsisikap para Makita o
malaman kung ang ibang mga daan sa probinsiya ay magaspang din.
5. Pagpili ng obserbasyon.
Ito ay pagpatuloy para paniwalaan ang naobserbahang patern mula sa panlalahat
at baliwalain ang ibang mga patern. Halimbawa, May nakakita sa unang
pagkakataon na ang isa o dalawang matagumpay na tindahan ng mga Chinese bukod
sa mahirap, naghihirap na tindahan ng mga Pilipino. Magsasagawa siya ng
konklusyon na ang mga Chinese ay mas matalino at mas makompitensiya kaysa sa
mga Pilipino. Kaya kahit saan siya makakita ng mga tindahan ng mga Chinese at
Pilipino, palagi na siyang may ideya na ang mga Chinese ay mas mabuting
negosyante kaysa sa mga Pilipino, binaliwala niya ang katotohanan na mayroon
ding mahirap na mga negosyanteng mga Chinese at mayroon ding mabuti at mas
makompitensiyang mga Pilipinong negosyante.
6. Nabuong impormasyon.
Ito ay pagsasagawa ng impormasyon para magpaliwanag na walang kaalaman o
basihan. Halimbaw, ang mamimili ay bibili sa tindahan, sa halagang P50.00 at
nagbigay siya sa tindera ng P100.00 pesos. Ang mamimili ay nagkamaling magbigay
ng sukli na P40.00. Ang mamimili ay lalayo o uuwi nang hindi binibilang ang
sukli ngunit nang siya ay nakauwi sa bahay, nalaman niya na ang sukli ay kulang
ng P10.00. Sa halip na balikan ang tindahan para malaman kung bakit mayroon
siya ng maling sukli o kulang ang kanyang sukli, gagawa siya ng konlusyon na
ang tindera ay mandaraya at ang mga miyembro ng kanilang pamilya ay mandaraya
rin. Pagkatapos, siya ay bibili muli sa tindahan ngunit aksidenting naiwan ang
kanyang pitaka noong siya ay nagbayad. Ang anak ng tindera ay pupunta sa bahay
ng mamimili para ibalik ang pitaka. Sa halip na mag-isip na lahat ng tindera ay
matapat na kapwa, at maari ring ang miyembro ng kanilang pamilya, iisipin
niya na maaring ang lalaki ay pumunta sa
kanyang bahay nang hindi intensiyong ibalik ang pitaka ngunit para makita ang
kanyang bahay para sa posibleng burglary.
7. Ilohikal na
pangangatwiran. Ito ay paghihinuha sa iba na walang
anumang basihan. Halimbawa, dahil sa tuloy-tuloy na mabuting panahon, maaring
uulan sa lingo. O, dahil mainit, ay hindi uulan sa araw na iyon. O, kung ang
babae ay pinaniniwalaang isang sorcerer. Ito ang paniniwalang walang anumang
basihan at walang pagsisikap na ginawa para ibiripika ang mga ito.
8. Ego-involvement in
understanding. Ito ay nagbibigay paliwanag na
kung saan nalaman o nakita ang sarili na hindi pabor sa sitwasyon. Halimbawa,
kung ang mga dayuhan ay gumawa ng paninira sa mga Pilipino, ito ay
diskriminasyon na walang pag-iimbistiga kung ito ay totoo o hindi. Kapag ang
isang mag-aaral ay nakakuha ng mababang marka, sasabihin niyang nakakuha siya
ng mbabang marka dahil ang kanyang guro ay may personal na galit laban sa kanya
at siya ay biktima ng paghihiganti. Hindi na siya magsagawa ng sikap para
suriin ang kanyang mga kakayahan, kanyang pag-uugali sa pag-aaral at iba pa.
9. Mistipikasyon.
Ito ay natutungkol sa supernatural na kapangyarihan, ang pangyayari na hindi
mauunawaan. Ito ay pagtanggap na may mga bagay na malayo sa katalinohan ng tao
para maunawaan at ito ay nakalaan lamang sa supernatural na bagay. Kaya, walang
sikap na gawin para isagawa sa siyentipikong pag-usisa tungkol sa ganitong
pangyayari.
10. To err is human.
Ito ay pag-uugali na tanggap ang pagkakamali ng tao. Kung ang isang tao ay nakagawa
ng maling desisyon o nakagawa ng mali sasandig siya sa kasabihang “To err is
human.” Hindi na siya magsasagawa kailanman ng anumang sikap para pag-aralan
kung bakit niya nagawa ang pagkakamali, paano niya nagawa ang pagkakamali, ang
mga implikasyon ng kanyang pagkakamali, paano niya itama ang pagkakamali at
paano makagawa ng magandang desisyon sa hinaharap.
11. Dogmatism.
Ito’y karagdagang sagabal sa pananaliksik. Ito ay hindi naisulat na
polisiya sa tiyak na mga institusyon at
mga pamahalaan na ipagbabawal ang pag-aaral na ang mga paksa ay pinaniniwalaan
na sumasalungat para gumawa ng mga doctrina sa mga institusyon at pamahalaan.
Kaya sa communistic states, ito ay hindi kagusto-gusto na may nag-aaral o
nagsusulat tungkol sa kagandahan ng demokrasya. Tulad din sa demokrasya.
Mayroong pagbabawal para mag-aral at magsulat tungkol sa kagandahan at
adaptasyon ng komunismo. Ito ay di-posible na ang mag-aaral na mananaliksik sa
paaralang may kaugnayan sa kristiyanong simbahan na gumawa ng pag-aaral tungkol
sa hindi pagkabuhay ng Panginoon. Ito rin ay hindi kagusto-gusto na may isang
naniniwala sa adaptasyon ng polygamy sa kristiyanong komunidad dahil ang kanyang
mga natuklasan sa pag-aaral ay nagsasabi na ang polygamy ay mabuti.
Ang nasa itaas ay ilang
mga sagabal sa siyentipikong imbistigasyon.
Ang Siyentipikong
Paraan ng Pananaliksik
Isa sa mga katangian ng
mabuting pananaliksik ay yaong, ito ay sistimatiko. Ito’y sumusunod sa
siyentipikong paraan ng pananaliksik na kung saan kabilang ang sumusunod o
pagkasunod-sunod na mga hakbang: (Treece at Treece, Jr., p. 47)
1. Pagdiditermina
ng suliranin;
2. Pagbubuo
ng hypothesis;
3. Pagsasagawa
ng pag-usisa sa silid-aklatan
4. Pagdidesinyo
sa pag-aaral;
5. Pagpapaunlad
ng mga instrument para sa pangangalap ng datos;
6. Pangangalap
ng datos;
7. Pag-aanalisa
ng datos;
8. Pgdiditermina
ng mga implikasyon at mga konklusyon mula sa mga natuklasan; at
9. Pagbubuo
ng mga rekomendasyon para sa panghinaharap na pananaliksik.
Ito at itatak sa isipan
na ang mananaliksik ay dadaan sa lahat ng siyam na mga hakbang kung siya ay
gagawa ng kanyang pananaliksik at kung siya ay susulat ng kanyang ulat-pananaliksik.
Kung ang istandard na ayos ng tesis ang sinusunod, ang unang dalawang mga
hakbang ay kasama sa Kabanata 1, “ Ang Suliranin at Sandigan Nito”; ang
pangatlong hakbang ay nasa Kabanata 2, “Suring-Basa sa mga Kaugnay na
Literatura at mga Pag-aaral”; ang pang-apat, panglima at pang-anim na mga hakbang
ay tatalakayin sa Kabanata 3, “ Metodolohiya”; ang pampitong hakbang ay
makikita sa Kabanata 4, “Analysis, Presentasyon at Interpretasyon ng Datos”; at
ang dalawang huling mga hakbang ay nasa Kabanata 5, “ Buod, Mga Konklusyon, at
Mga Rekomendasyon”.
Mga
prinsipyo sa Siyentipikong Paraan. (Ibid., p. 50) Ang mga prinsipyo ng
siyentipikong pananaliksik ay mga:
1. Mahigpit
na kontrol,
2. Malayunin,
3. Sistimatiko
ang pag-oorganisa, at
4. Mahirap
na mga istandard.
Ang mahigpit na kontrol ay
nangangahulugang manipulasyon ng mga baryabol ng pananaliksik. Ang mga baryabol
ay yaong mga bagay na magkaka-iba sa quantity at quality na kinakaikangang
kontrolin ng mananaliksik. Ang mga halimbawa ng mga baryabol ay idad, kasarian,
populasyon, at iba pa. May mga baryabol na kailangang kontrolin ng mahigpit, gawing
pareho o patas sa tiyak na gawain ng pananaliksik.
Ang malayunin ay nangangahulugang na
dapat ay walang kinikilingan sa mga resulta ng pagsisiyasat. Ang mga resulta ay
hindi dapat paki-alaman, kahit anumang mangyari.
Ang sistimatikong pag-oorganisa ay
nangangahulugang angkop at tiyak na tabulasyon ng datos pati na rin ang
pagharap nito sa istatistikal na talaan handa para sa interpretasyon.
Ang pang-apat na prisipyo ay
nangangahulugang pagtaas sa mga istandard o prinsipyo na kung saan ay
magsisilbing basihan para isubok ang mga natuklasan ng pag-aaral. Dapat ang mga istandard ay hindi
mabago para matiyak ang hangad ng mananaliksik. Ang prisipyo ring ito ay
nangangahulugan para sa tiyak na
istatistikal na komputasyon at interpretasyon sa kinakailangang datos.
Ito ay dapat itala na ang pag-unlad
o kaunlaran sa aklat na ito ay sumusunod sa pagkasunog-sunod na mga hakbang ng
siyentipikong paraan ng pananaliksik.
Pagdidesinyo ng
Pag-aaral
Ang pagdidesinyo ng
pag-aaral ay dapat sumusunod sa siyentipikong paraan ng pananaliksik. Maliban
sa pagpipili ng tamang suliranin, pagbubuo g hypothesis, at pag-usisa sa
silid-aklatan, ang pag-desinyo ng pag-aaral ay kasamang iisipin sa paraan ng
pananaliksik na gagamitin, ang populasyon ng pag-aaral, ang instrument para sa
pangangalap ng datos, at ang preparasyon, ang desinyo ng sampling, ang
istatistikal na treatment ng datos, at analysis at presentasyon ng datos.
Ang sumusunod at mga pagtalakay at
mga pagpapaliwanag ay ini-isa-isa sa mga
aspektong paraan ng pananaliksik.
Pagkatapos sa maingat na pag-aaral ng ganitong mga pagtatalakay at mga
pagpapaliwanag, ang mananaliksik ay handa na para gumawa ng desinyo ng pananaliksik
para sa kanyang imbestigasyon.
Mayroong taltong medjur na
pamamaraan ng pananaliksik sa kanilang mga kaibahan mula sa pagpili ng
mananaliksik sa paraang gusto niyang gamitin depende sa likas sa kanyang imbestigasyon.
Ito ay pangkasaysayan, palarawan, at eksperimental na pamamaraan ng pananaliksik.
Tinalakay at pinaliwanag din ang
iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos gaya ng pakikipanayam,
talatanungan, pagmamasid, mga pagsubok at iba pa katulad sa preparasyon sa
bawat mga instrumento.
Mga desinyo ng sampling katulad ng
pure random, systematic, stratified, cluster at iba pang uri ay ipapaliwanag sa
susunod.
Ibang pang gawaing napaloob sa
pagsasagawa ng pagsisiyasat sa pananliksik at pagsusulat ng ulat-pananaliksik
ay binigyan din ng malinaw na pagpapaliwanag na may mga ilustrasyon o halimbawa
para mas mauunawaan. Paano sumulat ng ulat-pananaliksik o tesis ay bibigyan ng
sapat na mga pagpapaliwanag at mga ilustrasyon o halimbawa, iniisa ang mga
kabanata para mas mauunawaan ang buong proseso ng ulat –pananaliksik o pagsulat
ng tesis.
J
Godbless_ John Mark C. Sinoy
Maaari po ba itong gamiting sanggunian?
TumugonBurahin