Sampung Pantig
SAPATOS
Ni:
John Mark C. Sinoy
I.
Ako
ba talaga’y mapagpanggap,
Magagarang
gamit ang pangarap,
Magkaroon
ng ganung kay sarap,
Kahit
walang pera at mahirap.
II.
Isang
araw ako ay lumabas,
Sa
mall nagpapalipas ng oras,
Nakita
ang magandang sapatos,
Hinawakan,
inamoy ng lubos.
III.
Sa
araw na iyon, walang pera,
Sinsilyo.
wala rin sa’king bulsa,
Kaya
mula noon ay nag-ipon,
Mabiling
sapatos ang intensyon.
IV.
Dalawang
buwan ang nakaraan,
At
ang ipon ay dalawang daan,
Ngunit
malaki pa rin ang kulang,
Gagawin
lahat, mabili lamang.
V.
Hindi
mapigilan ang sarili,
Ang sapatos ay gustong mabili,
Kaya
kalukohan ay ginawa,
Nagnakaw
araw-araw kay Ina.
VI.
Pati
na rin ang manok ni Papa,
Na
palihim itong kinukuha,
Sa
kaibigan ibinibenta,
Para
ang hinahangad, makuha.
VII.
Umabot
na rin ng isang libo,
Pumunta
sa mall, binili ito,
Nakuha’t
nasuot ang sapatos,
Kaya
kasayaha’y idinaos.
VIII.
Maganda
talaga sa pisikal,
Ngunit
hindi ito nagtatagal,
Iningatang
sapatos, nawala,
Hindi
alam kung sinong nagkuha.
IX.
Kalungkutan
ang aking nadama,
Panghihinayang
ay makikita,
Sa’king
mukha, umiyak, lumuha,
At
kagalakan din ay nawala.
X.
Kaya
ako’y lubusang nagsisi,
Sa
nagawa na pagkakamali,
At
sana ay hindi na maulit,
Ang nagawa, na dulot ng inggit.
XI.
Mapatawad,
aking hinihiling,
Sa
pambobola, ako’y magaling,
Malaman
man aking tinatago,
Siguradong
ako na;y nagbago.
XII.
Sa
nagawa, ako ay natuto,
Pagnanakaw,
dapat nang ihinto,
Hindi
tularan ang ibang tao,
At
hindi rin magbabalat-kayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento