Ni: Jose Corazon de Jesus
I.
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

II.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

III.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

IV.
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

ANG PAMANA
Ni: Jose Corazon de Jesus
Ang
tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus ay nangangahulugan na ang persona ay
humihiling na ang kanyang ina ay gusto niyang maging pamana. Sa unang saknong,
ay nangangahulugan na ang ina ay naglilinis ng kanilang bahay na kung saan ay
nililinis ang kanilang mga gamit na marumi at naging luma na. Nakikita ng
persona ang pilak sa buhok ng kanyang ina na ibig sabihin ay matanda na at
dahil matanda na ay nangangayat na. At sinabing ang piyano ay ibibigaysa
persona ng tula, habang ang kubyertos na pilak ay kay Itang, ang mga silya at
aparador ay para kay Tikong. Dito sa unang saknong ay naglalarawan na ang ina
ay naghahabilin, na kung saan ang kanyang yaman ay hinati-hati o ibibigay sa
kanyang mga anak.
Sa pangalawang
saknong ay nagsimulang naging malungkot ang persona sa sinabi o habilin ng
kanyang ina ngunit pinilit parin niyang pinasaya ang kanyang mga sarili. Ang
ginawa niya ay nagpapatawa sa kanyang ina upang maging masaya o matuwa. Pero
kahit nagpapatawa sa kanyang ina ay hindi pa rin niya napigilan ang pagtulo ng
kanyang luha. Umiiyak na siya sa sinabi ng ina at napa-isip niya na ang kanyang
ina ay nakaka-awa. Pareho silang nalulungkot, nalungkot ang persona sa halip na
matatanggap ng pamana mula sa ina.
Pagkatapos ay
talagang humihikbi na siya sa pag-iyak na parang bata, at niyakap ng mahigpit
ang kanyang ina at sinabing gusto niyang pasayahin ang kanyang ina nang hindi
na makikitang malulungkot pa. Dagdag pa, ay tinanong niya kung bakit
napag-isipan ng ina na hatiin ang kayamanan. “Wala naman”, ang sagot ng kanyang
ina. Sinabi ng kanyang ina na baka tawagin na siya o kunin ng maykapal o kaya’y
mamatay na siya kaya’y mas mabuti na malaman na ng mga anak ang mga habilin o
mga pamana bago pa siya kunin ng Bathala.
Sa huling saknong ay sinabi ng persona na hindi niya kailangan ang mga kagamitan o kasangkapan. Ang gusto lamang niya ay ang kanyang ina, ang mabuhay at makapiling ang ina. Ang kayamanang hinabilin ay walang saysay kung hindi makasama ang ina. Hinihiling niya sa Diyos na ang kanyang ina ay gawing pamana na kung saan ay maging masaya siya at kapiling nila ang isa’t isa. Aanhin pa ang piyano kung hindi naman ito maitugtug sa tabi ng kanyang ina. Ang gusto lamang niya sa buong buhay niya ay mabuhay nang mas matagal ang ina. Dahil ang ina ay walang kapantay. Ang pagmamahal ng ina ay pagmamahal na panghabang-buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento