Ang Ilaw sa Parol
Ni: Cirio H. Panganiban
I.
ILAW!... Gabi-gabi, ang ilaw na yaon
Ay sinisindihan sa loob ng parol.
Isang munting kamay, kulubot at luoy.
Ang di na nagsawang sa habang panaho’y
Laging nag-iilaw sa ulilang balkon.
II.
May pitong taon na ang nakalilipas
Mula nang umalis ang bugtong na anak.
Lumaki sa layaw, nagmana ng pilak,
At nang magbinatang busog sa pangarap
Nilisan ang Ina’t ang mundo’y nilipad!
III.
Kaya, buhat noon, ang inang may hapis
Sa buntong-hininga, sugatan ang dibdib
Inang palibhasa’y Ina ng
Pag-ibig, Nasa kanyang puso ang bunsong
nawaglit,
Hinihintay-hintay na muling magbalik.
IV
Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay.
Na
lipos ng sigla ang bunsong nawalay.
Kaya, gabi-gabi, ang Ina’y may tanglaw,
Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,
Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal.
V.
Ibong nakakulong, kapag nakalaya,
Di ibig dumapo sa sangang mababa…
Ito ang nangyari sa ating binata,
Sa nasang makamtan ang sangmundong
tuwa’y
Halos di ituntong ang paa sa lupa!
VI.
Mabilis ang kampay nitong kanyang pakpak
Ibig na ang langit ay kanyang malipad
Kahit pagkatapos, sa siwang ng ulap
, Magsa-bulalakaw na muling malaglag!
Parang nabilanggo sa pulo ng lagim,
cVII.
Tumakas nang upang humanap ng aliw,
Puso palibhasa’y uhaw sa giliw
Sa alak ng buhay ay nagpakalasing,
Nangarap sa kislap ng mga bituin!
VIII.
Sa lalong malawak na dagat ng buhay
Ay pinapamangka ang murang isipan.
Sinundan ang agos ng kaligayahan
At nang mapasadsad sa dalampasiga’y
Humabol sa bula ng alon sa pampang!
IX.
Dati sa bakurang alaga ng Ina,
Lumuwal sa pinto ng pagkakasala.
Humanap ng layaw sa mundong ligaya
At nang mahumaling sa bango at ganda’y
Sumunod sa kaway ng maling pag-asa!
X.
Sa mahabang kwintas na pinagdasalan
Ng hirap ng kanyang sinapit sa buhay,
Ay ikasampu na ang yugto ng lumbay…
Natapos ang pista! Wala nang tugtugan!
Naubos ang handa, nabasag ang pinggan!
XI.
Labong ng kawayang nagpakatingala
Tunglan ng lumaki’t nahutok sa lupa.
Ganyan siya ngayon: may sakit, maputla,
Wala nang salapi, kaibiga’y wala.
May tinik sa puso’t sa mata’y may luha.
XII.
Sa bula ng alak ay kanyang nilunod
Ang hirap at sakit nitong sansinukob.
Kanyang pinasaya ang nangalulungkot;
Ngunit nang magmaliw ang pistang
natapos,
Nagtawa na sa kanya ang nagsipanood!
XIII.
Sa palad ng kamay, kanyang pinakain
Ang mga katotong tapat kung magturing,
Kaydaming nabusog sa kanyang paggiliw
Ngunit nang masaid ang lahat ng hain,
Katoto’y nawala! Ang aso?... Naron din!
XIV.
Sa loob ng isang luma nang simbahan
Ang anak na sawi’y lumuhod sa altar.
Sa ngalan ng Birheng Ina ng Maykapal
Yaong ‘pagsisisi’ ay kanyang dinasal.
Pagkatapos, nagk’rus at doo’y lumisan.
XV.
Sa pinagkurusan na maraming landas,
Tagpuan ng mga naligaw na palad
Kanyang tinunton ang sariling bakas.
Nagpagpag pang minsan ng gabok at layak,
Nagbuntung hininga at muling lumakad.
XVI.
Sa gilid ng daan, ang nagtayong kahoy
Nakaluhod manding bantay ng panahon,
Ay nasusukatan ang layo sa ngayon
Mga ilang liko at sanlipad-ibon,
Matatanaw na rin ang kanilang bubong.
XVII.
Ngunit gumabi na, at saka may dilim
Na sa gawing laot ay nagpapalagim.
Makasandali pa’y umunos ang hangin,
Bumugso ang ulan, at ang panganori’y
Binati ng kidlat na lubhang matalim.
XVIII.
Sa tanglaw ng kidlat, kanyang naliliklik
Pati ang talunton ng mahabang batis.
Ang batis na yao’y kanyang nababatid,
Hanggahan ng lupang kanyang iniibig.
XIX.
Ang ilaw ng parol ay napansin niyang
Malamlam ang sinag, malungkot, ulila.
At ang kanyang luha’y humilam sa mata
At ang kanyang dibdib ay lalong kumaba.
“Buhay kaya, Diyos, ang mahal kong Ina?”
XX.
Lagpak ang katawang sumapit sa balkon
Na tinatanglawan ng ilaw sa parol.
Tumahol ang aso, at ang taong yao’y
Sinasal ng ubo, pagkuwa’y kinandong
Ng munting kamay, kulubot at luoy.
XXI.
Sa bisig ng Ina, anak ay nagbalik,
Katulad ng isang malayong pag-ibig.
Sa bisig na yaon, ang wasak na dibdib
Para lang humanap ng sandaling langit,
Humimlay nang upang ganap na umidlip.
XXII.
Mainit na bangkay at maputlang mukha,
Hinahagkan-hagkan ng inang may luha.
Yaon ang pag-ibig na lubhang dakila.
Pag-ibig ng ina na Ina ng awa,
Pag-ibig ng pusong Puso ni Bathala.
XXIII.
Ang palad ng tao’y umasa’t maghintay
Saka kung dumating ang palad na iyan,
Ang huling pag-asa’y agad namamatay…
At gaya ng parol sa dating tahanan
Kung ilan nang gabing namatay ang ilaw!
Sa unang bahagi ay nagpapahiwatig sa tulang ito ay
naglalarawan ng isang ina na kung saan ay gabi-gabing inilawan ang parol. Na
kung saan ay patuloy nahinihintay o umaasang babalik ang kanyang bugtong anak
na pitong taong nawalay sa kanya dahil umalis nang dahil sa nakuhang mana.
Pagkatapos niyangmakuha ang mana ay iniwanan ang kanyang ina.
Sa ikalawang bahagi ay naglalarawan ng kanyang anak na
parang isang ibon na nakukulong at kapagnakalaya ay hindi babalik sa
pinanggalingan. Na kung saan ay siya ay may mataas na pangarap. Parang tumakas
sa kanyang ina upang makatikim ng aliw o kaligayahan. At nalulung sa pag-iinom
ng alak. Noon ay sumusunod sa paying ina ngunit ngayon ay ginagawa na niya ang
gusto niyang gawin hanggang nahumaling sa maginhawang buhay.
Sa ikatlong bahagi ay natapos na ang kanyang kaligayahan
at ubos narin ang kayamanan. Sa panahon nang mayroon pa siyang pera ay marami
pa siyang kaibigan. Nang sa panahong wala na siyang pera ay wala na rin siyang
kaibigan. At nagkasakit sa sobrang pag-inom ng alak. Noon ay pinasaya niya ang
kanyang mga kaibigan ngunit nang maubos na ang kanyang pera ay tinalikuran,
nagsawa at natawa sa kanyang pagbagsak.
Sa ikaapat nabahagi ay nagsisi na siya. Pumasok sa
simbahan at humingi ng tawad sa Birheng inang Maykapal. Pagkatapos nagdasal ay
siya’y lumisan. Lumisan at papunta o pabalik sa kanilang tirahan. Sa kanyang
paglakad ay natatanaw niya ang kanilang bubong. Nakarating siya nang gabi na
umulan ng malakas at kumikidlat ng matalim. At nakita niya ang ilaw ng parol ay
mahina na ang ilaw. Lumuluha ang kanyang mga mata at kinakabahan at tinanong
ang Panginoon kung buhay pa ang kanyang ina.
Sa ikalimang bahagi ay lumagpak ang kanyang katawang sumapit sa balkon habang tumitingin sa ilaw ng parol. Tumahol anga so at lumabas ang kanyang ina na umuubo. Niyakap siya ng kanyang ina at paghiwalay sayakap ay tuluyang namatay. Hinahagkan-hagkan ang kanyang bangkay ng kanyang ina habang umiiyak.
Reaksyon:
Bilang isang anak, ang tulang “Ang Ilaw sa Parol” ay
nagbibigay mensahe sa mga anak na dapat respetohin, galangin, mahalin at sundin
ang mga bilin ng kanilang ina. Dapat hindi iwan ang ina sa kahit anong dahilan,
mapapera man yan o ang parangal sapagkat sila’y nagluwal sa atin, nagpapakain,
nag-aaruga at nagpapahirap sa trabaho
upang tayong mga anak ay maayos na mapalaki. Kahit na nakakarindi na o
nakakairita ang kanilang mga parangal ay dapat parin natin itong pakinggan at
sundin sapagkat #motherknowsbest!
Simbolismo:
1.
Ilaw ng
Parol- patuloy na umaasa/pag-asa
2.
Ibon-
tumutukoy sa taong mataas ang pangarap
3.
Kulubot ang
kamay- matanda
4.
Nabasag ang
pinggan- natapos ang kaligayahan
5.
Bula ng alak-
inumin
6.
Malamlam ang
sinag- mahina na/ mahina na ang ilaw
7.
Ganap na
umiidlip- patay/ namatay
8.
Laki sa
layaw- suwail
9.
Pulong lagim-
hindi masaya at puno ng pighati
10. Bango at ganda- kasaganaan o kagandahan sa buhay
11. Pista- kasiyahan
12. Palad- kapalaran ng tao
13. Puso ni Bathala- pusong puno ng pagmamahal
Thank you so much for showing the symbolism of the phrases
TumugonBurahinthank you!it really helped understand better,thank you so much
TumugonBurahinSalamat po
TumugonBurahin