Poklor
1.
Etiolohikal
na Alamat
Alamat ng Pampanga
Sa
bandang Norte may isang barangay na hilig tumira sa tabing ilog o pampang.
Lahat sila ay nagkakasundo at masaya, dahil sa masaganang huli ng isda.
Hanggang sa isang araw may isang taga Maynila na nagtatanong kung anong lugar
ito, wala naman silang maisagot, pero may isang batang lalaki ang sumagot.
"Ito
po ay tabing ilog o pampang" kaya natuwa ang taga Maynila at paulit—ulit
niya na sinabi ang “pampang” “pampang”. Hanggang sa maging PAMPANGA.
2.
Di-etiolohikal
na Alamat
Alamat ng Ginto
Sa
isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na
pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at
pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang
pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin
sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay
nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong
iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kung nagdaraos sila
ng cañao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na
iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang
araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang
nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na
kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang
ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi
ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang
siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at
saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto .
Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya
mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.
Hindi
na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at
nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong
iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos
ng caᾗao.” Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,”
ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa
lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos
upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae
naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang
ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy
na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito
man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa
itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang
baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa
na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay
natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y
natakot. Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito:
“Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may
loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
“Kumuha
kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos
sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang
inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook
na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay
ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin.
Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad
naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang
pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa
matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang
isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto
mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Nagsigawan ang mga
tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at
pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito
kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa
loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik
na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay
patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot
ng tingin ng mga tao.
Isang
araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang
bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga
sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian
natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang
iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at
binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang
mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang
ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at
langit.
Ang
punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng
puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa
inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay.
Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga
puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang
puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.” At pagkasabi ng
mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng
lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at
nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
3.
Bulong
ng mga Subanen
Ø Nyen
ko, Di mu inan kulagay, Dun lak lapin hu.
Ø Dadaan
ako, wag nyo akong sasaktan, may kukunin lang ako.
4.
Nakalbo
ang Datu
Ang
salaysaying ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura
ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang
isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang
masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.
May
isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng
datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan
niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang
mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil
sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng
matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang
datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang
dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung
sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang
dalaga.
Ang
isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing.
Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din
siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa
pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata
ang asawa.
Ah!
Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang
ko lamang siya.
Ganoon
nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin
ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing
pa.
Mahal
din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida
ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing
tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim
niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil
sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.
Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya
nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin
siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.
Kalbo!
Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo
ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.
5.
Paniniwala
at Kaugalian ng mga Igorot
Paglibing
Ang
paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay.
Nagtatawag sila ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito
ang paghingi ng tawad para sa mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa
pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman, nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng
di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa ng dalawang buwan.
Ang
namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay
na naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang
pagtawid sa kabilang buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang
kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito
ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.
Ilang
Paniniwala
Pagtawag
ng pangalan.
Bago
lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang
anino. Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa
katawan nito. Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa
ibang tao, palagi niyang mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita
niya ang sariling libang na libang sa mga tanawin at mga bagay doon.
Sapo
(kulam)
Ang
sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y
nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung
hindi maganda ay kasawiang-palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng
mga mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang
talentong ito. May ritwal na gagawin ang mambonong upang magtawag ng diwata.
Gumagamit ng representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok.
Kinakantahan ng dasal at sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno
ang magpapatotoo sa mga hinihiling.
Hindi
lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na
pananampalataya. (Hindi lamang nasabi kung ito’y pananalig sa Diyos ng mga
Kristiyano o sa Bathala ng mga ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay
napupunta sa isa pang taong mahalaga sa kanya, kung di kaya’y bumabalik ito sa
nais magpalagay ng sapo. Babala ng mga matatanda sa mga kadalagahan, huwag daw
itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay kausapin na lamang daw ito nang
matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya. Sinasabing malawak pa rin ang
paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan, Bokod, at lalo pa sa
Abra.
Mga
Ritwal
Ang
kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming
pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga
masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot,
at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin
sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay. Madalas naman, ito ay
ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng
isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa
kanyao.
Ang
pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng
kadangyan (isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na
nagpapakatay ng sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga
diwata. May mga biro na depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa
dami ng mga pakakaining manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing
paghahandog sa mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.
Sa
mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at
iba pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng
sayaw, o tayaw. Madalas na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal.
Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao
ay nagkakantahan, nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne
ng baboy). Para sa kanyao ng
pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga
dapat ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi ng mga
ninuno.
Ngayon,
ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay hindi na gaya
nang dati na magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang
nakakapagsabi sa kayamanan ng tao, o yung sinasabi nating status quo.
Ø Sinoy,
John Mark C.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento