Huwebes, Disyembre 15, 2016

Lumbay ng Dila

Lumbay ng Dila
ni Genevieve Asenjo

Ang Lumbay ng Dila ang unang nobela ni Genevieve Asenjo mula sa Tobias Fornier, Antique. Nakasulat sa Filipino, na may 486 na mga pahina at ipinahayag ng C & E Publishing, Inc sa taong 2010.
Kwento ito ng paghahanap ni Zadyah sa kanyang ina na si Teresa, at ang kanyang lolo na si Marcelo Lopez.
Ang nobela ay nagsisimula ang adhikain ni Zadyah sa buhay. Ang pangalan ng bawat isa sa kanyang pangangalunya mukhang serkomtansya na nagpabalik sa kaya sa pagtungtong sa puder ng Barasanan, Dao, Antique, ang pagtingin sa malawak na kalupaan.

Noong 1984 eleksyon, kinomisyon ang kanyang lolo Marcelo bilang Assemblyman ng lalawigan ng Antique. Kinombinsi ng matanda si Leandro alias Komander Pisa ama ni Zadyah at si Teresa alias Komander Rafflesia ina ni Zadyah na bumaba muna sa bundok. Bumaba ang dalawa kasama ang nakababatang kapatid ni Zadyah.

Nang gabing nangyari ang Guinsang bridge massacre namatay ang kalaban no Marcelo na si Edgardo. Kadahilanang basisi si Marcelo sa kamatayan ni Edgardo kaya nakulong ang matanda ng higit 20 na taon.

Bago pa nangyari lahat ng mapanganib na propesyon ng kanyang magulang, iniwan no Leandro at Teresa si Zadyah sa kapatid ng kanyang ni Leandro na tiyahin niya na si Fely
 Si Fely at may dalawang anak na sina Nene at Bongbong. Silang tatlo kasama so Zadyah at sabay ng lumaki sa lalawigan.

Ngunit dahil matalino si Zadyah siya ay nakapasa sa Unibersidad ng Pilipinas College Admission Test kung saan siya ay kasama sa mahihirap na iskolar ng bayan.

Matapos ng kanyang pag-aaral sa UP Miag-ao, nag-apply siya ng masters degree sa LA Salle. Pagkatapos siya ay inalok ng La Salle na magturo doon at kanyang pag-aaral ng Master Degree ay sagot na ng Faculty Development program.

Ang sariling kita ni Zadyah ang nagbigay sa kaya ng kasaganahan. Naisip niya noong mga araw na hinahati pa nila ng kanyang kaibigan sa UP Miag-ao ang 15pesos na Batchoy. Tapos na ang pagsasakripisyo na mag-aaral na wala man lang laman ang tyan, tinitiis ang gutom para may pangdagdag sa perang para paprint at pangresearch. Kung magtsinelas man siya ay hindi ibig sabihing hindi niya kayang bumili ng sapatossapatos ngunit ginusto lang talaga niya magtsinelas. Matapos ang 20 na taon, at nakatira na talaga siya sa kwartong matatawag niyang kaya talaga.

May edad na mahigit 20 anyos na si Zadyah naging lapitin ng lalaki. Kaya hindi nakakagulat na magkaroon siya ng karelasyon.

Ang unang karelasyon niya ay isang Tsinoy si Stephen. Topnotcher ng Mechanical Engineering board exam at first year law student sa San Beda nakakilala sila sa isang online dating network. Pagkatapos ng dalawa pagkikita ay may sunod-sunod na sekswal na nangyari sa kanila. Matapos ng pangyayaring yaon ay naghiwalay ang dalawa, natakot kasi si Stephen na mabuntis si Zadyah. Si Stephen ay panganay sa kanilang magkakapatid kaya malaki at maraming pangarap ang gusto ng magulang niya na dapat niyang abutin.

Pagkatapos kay Stephen ay si Ismael, isang mekaniko at Muslim. Sila ay nanirahan isang apartment. Tulad ng karamihan ng mga relasyon, sa umpisa lang ang dalawang mga ito ay masaya. Gayunman, kinalaunan at sinasaktan na ni Ismael si Zadyah kaya naisipan ni Zadyah na palayasin ito sa apartment. At iniwan kaagad ni Zadyah ang apartment pagkahapon upang di na muli silang magkita ni Ismael. Nanirahan siya sa Roxas Boulevard. Siya ay naawa kay Ismael at sila at nagkabalikan nanirahan sila sa bagong apartment. Gumawa muli si Ismael ng kaululan kaya naghiwalay na sila ng tuluyan.

Sa bawat naging nobyo ni Zadyah pabago-bago siya ng bahay. Mula sa kwarto lang, siya umalis ng apartment ng dalawang beses, at pagkatapos sa condominium kung saan nakilala kaya ang kanyang kasalukuyang kasintahan. Priya Iyer, isang Indian national na nagtatrabaho sa isang kumpanya ng insurance. Isang araw, pumunta si Zadyah sa Teresa ni Priya. Doon sila nagkakilala.

Sa gitnang gayong pakipagrelasyon, siya ay binisita ng kanyang pagkaulila. At walang hang gang pagnanais ng kanyang puso upang makita ang kanyang ina at lolo.

Si Zadyah ay nagalak sa kasinyang kasintahang si Priya dahil Ito at mahilig magbasa at matalino. Madalas ay sinasama siya sa ibang bansa.

Ang kagalakan ng kanyang bagong kasintahan , naisipan ni Zadyah na magbakasyon at pumuntasa Barasangan, Dao , Antique. Nagloan siya sa coop upang tubusin ang nakasanlang lupain ng kanyang ninuno. Siya ay nagpatayo ng isang modernong booths na dinadayo ng marami upang doon magbasa, making sa mga kanta, o manood ng pelikula. Siya rin ay nagpatayo ng mahongany nursery.

Nabalitaan niyang nakalaya na ang kanyang lolo nasa Antique na din siya. Nakilala niya ang kanyang lolo Marcelo. Hindi na siya nagtanong sa matanda kung siya na talaga ang pumatay kay Edgardo. Nang makalabas sa kulungan nagpatayo ng opisina si Marcelo para sa kawang-gawa sa Antique para sa maglingko sa mga mahihirap ng walang bayad. Nang maliit pa si Zadya napuno ng kahihiyan at palilibak ang kanyang polo Marcelo. Bawat tao ay maririnig niya tungkol sa kanyan lolo na siyang pumatay Kay Edgardo.

Binisita ni Zadyah ang kanyang guro sa UP Iloilo kilala nito ang kanyang iya humingi siya humingi siya ng tulong rito. Siya ay naging matagumpay.

Matapos ng pag-uusap umalis si Zadyah sa bayan at bumalik sa Manila kung saan naroroon ang kanyang ina.

Si lolo Marcelo nga ba ang pumatay kay Edgardo? Anong nangyari sa kapatid niyang lalaki? Ito ang mga tanong sa dulo ng nobela.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento