Pagsulat
ng Ulo ng Balita
-Ito’y
nangangailangan ng malawak na kaalaman, ng malawak ng bukabolaryo, at ng
malawak na kaalaman sa kahu-kahulugan ng
mga salita.
May
dalawang tuntunin:
1. Kailangan
iyon umaankop sa balita.
2. Kailangan
magsaad ng istorya o salaysay.
Layunin
sa pagsulat ng ulo ng balita:
1. Mailahad
ang pinakabuod ng istorya sa ilang salita lamang.
2. Magamit
ang ulo sa pagpapaganda ng pahinang pangmukha, gayon din ng unang pahina ng
iba’t ibang seksiyon ng pahayagan.
3. Magamit
ang ulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa mambabasa na makapamili ng babasahing
mga balita.
4. Magamit
ang ulo sa pagtingin ng mambabasa sa isang iglap lamang ng mga tampok na balita
sa pahayagan.
5. Matulungan
ang pamatnubay-editorial staff- sa pagmarka ng balita ayon sa kahalagahan ng
balita sa pamamagitan ng gagamiting laki at uri ng tipo.
Mga
pangunahing hakbang sa pagsulat ng ulo ng balita:
1. Basahin
nang buong hinusay ang pamatnubay ng balita.
2. Salungguhitan
ang mga susing kaisipan o punong diwa ng pamatnubay.
3. Sa
pamamagitan ng ng mga susing kaisipan o punong diwang sinalungguhitan, isulat
ng maikli, parang pangungusap na pantelegrama na nagsasaad ng pangyayari.
4. Hatiin
ang nasabing pangungusap sa bilang ng linyang kailangan sa ulo, batay sa kung
ilang kolumna ang paglalagyan nito, at hatiin ito nang halos magkakasinghaba.
5. Batay
sa bilang ng kolumnang paglalagyan, kuwentahin ang kabuuang unit count ng mga karakter – titik,
numero’t espasyo – sa bawat linya, at tingnan kung magkakasiya sa itinakdang
kolumna. Kung hindi, palitan ang mahabang salita ng maikli, ngunit
singkahulugan nito.
Yunit
ng Espasyo
Sinusukat ang espasyo paglalagyan ng
ulo ng isang balita sa pamamagitan ng tinatawag na “unit-count”.
1. Lahat
ng malaking karakter, maliban sa M,W na may dalawang yunit, ay may 1 and yunit.
Hal:
A,B,C,D,E,F,G,H,J,K,L,N,NG,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,X,Y,Z.
2.
Lahat ng maliliit na
karakter, maliban sa l, t at espasyo sa pagitan ngmga salita, na may kalahating
(1/2) yunit, at maliban sa mga karakter na m,w na may 1 and ½ yunit, gayon din ang mga numero maliban sa numero 1
na may bilang na ½ yunit ay may bilang na isang
yunit.
Hal:
a,b,c,d,e,f,g,h,g,k,n,o,p,q,r,s,u,v,x,y,z.
3. Lahat
nag ss ay may bilang na kalahaling ½ unit.
a. Mga
karakter na I,i l,t at espasyo sa pagitan ng mga salita
b. Mga
bantas na !,-(gitling) , ,;:.
c. Numero
una (1)
Laki
ng Tipo
Ang laki ng tipo o karakter ay
sinusukat sa tinatawag na point, puntos. Ang karakter na may isang puntos ang
laki ay katumbas 1/72 ng taas ng isang pulgada. Ang laki ng tipo ay karaniwang
nagsisimula sa 4 na puntos (4/72) palaki hanggang sa 144 na puntos o dalawang
pulgada ang taas.
Mga
tuntunin sa pagsulat ng ulo:
1. Gumamit
ng mga pandiwang tahasan at masigla
2. Maglagay
ng sariwang impormasyon sa bawat ulo
3. Gumamit
ng kuwit sa halip ng pangatnig na at
4. Gumamit
ng mga pandiwang panghinaharap sa mga pangyayaring magaganap pa
5. Gumamit
ng isahang panipi sa halip ng dalawahang panipi
6. Gumamit
ng maikli ngunit positibong salita sa ulo ng balita
7. Gumamit
ng mga pandiwang pangkasalukuyan sa mga pangyayaring nakaraan na
8. Ang
huwanrang ulo ng balita ay kinakailangang makapaglahad ng mensahe sa
pinakamadali at magaang paraan. Dahil dito’y kinakailangang di-masira ang
kaisipan sa bawat linya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento