Huwebes, Disyembre 15, 2016

Pag-aaral sa Wikang Cebuano

Pag-aaral sa Wikang Cebuano



Isang pag-aaral na iniharap sa
Kolehiyo ng Sining at Agham
PAMANTASANG BAYAN NG MINDANAO
Buug, Zamboanga Sibugay




Bilang Parsyal na Pangangailangan
Sa kursong Filipino 54,
Panimulang Lingwistika




Nina:
JONA D. BAYONA
FAYE ANN S. JOMUAD
JOHN MARK C. SINOY
CHERRIE MAE TRAZO




Nobyembre 2015





Kabanata I
ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO
.

INTRODUKSYON
Wika ang kadalasang nagbibigay identidad sa lahi na kinabibilangan ng isang tao. Hindi magkakaroon ng kaisahan ang mga tao kung walang tanging iisang wikang ginagamit sapagkat wika ang siyang nagsisilbing sangkap ng huwarang bansa na kasama ang kaisahan ng lahi. Wika ang isa sa kayamanang minana natin sa ating mga ninuno. Sa pamamagitan nito ay napapahayag natin ang tinitibok ng ating damdamin at maging inilalarawan ng ating kaisipan.
Ayon kay Dr. Constantino, isang dalubwikang Pilipino, may higit na isang daang (100) mga wika at apat na raang (400) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ito ang sumusunod : Tagalog, Waray, Ilokano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bicolano, at Panganense.
Sa surbey na isinagawa, lumabas na nangunguna ang Tagalog at pumapangalawa naman ang Cebuano kung wikang ginagamit sa tahanan ang pag-uusapan. Ngunit nakakalamang ito nang kaunti sa Tagalog kung ang pag-uusapan naman ay unang wikang natutuhan.
Ang wikang Cebuano ay tinatawag ding Sugbuhanon, Cinibwano at Binisaya. Ang wikang ito ay kabilang sa angkang Malayo Polinesyo. Ayon kay Bunye at Yap, humigit kumulang sa 32 milyon o 24 porsyento ang kabuuang populasyon ng mga katutubong Bisaya sa Pilipinas (1971:8). Ito ang ikalawa sa pinakamalaking wika na sinasalita sa Pilipinas na may humigit kumulang 20 milyong mga nagsasalita nito bilang kanilang unang wika at 11 milyong nagsasalita nito bilang pandagdag na wika. Ang mga ito ay ginagamit sa sumusunod na lugar o lalawigan: Cebu at ang pulo ng kanlurang Leyte, Negros Occidental, Siquijor, bahagi ng Bukidnon,  Agusan del Sur at Norte, Davao,  Cotabato,  Zamboanga del Sur at Sibugay, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Oriental, at iba pang bahagi ng Mindanao. Ang Cebuano ay may 50 porsyentong kogneyt ng Bicolano, 21 porsyentong kogneyt ng Ilokano, 24 porsyentong kogneyt sa Pampango at 76 porsyentong kogneyt ng Hiligaynon. Ang nasabing wika ay may labinlimang (15) katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, p, r, s, t, w, y) at tatlo (3) ang patinig (a, i, e). Subalit nang dumating ang mga kastila, ito'y nadagdagan dalawang (2) patinig at ito ay (o at u), kaya sa kabuuan ay may limang (5) patinig. (Mansa, 2002)
Mahalagang matuklasan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Wikang Filipino at Wikang Cebuano upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa bigkas at kahulugan. Ang pagkakaroon ng maling paggamit ng dalawang wika ay siyang dahilan ng pagkakaroon ng maling kahulugan sa pahayag.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng aspekto ng pandiwa ng wikang Cebuano. Upang matamo ito, sinikap na masagot ang sumusunod na katanungan:
  1. Ano-ano ang mga salitang magkakatulad at magkakaiba sa wikang Cebuano at wikang Filipino ayon sa kayarian nito?
  2. Ano ang pagkakatulad ng aspekto ng pandiwa sa wikang Cebuano at wikang Filipino?
  3. May pagkakaiba ba ang panlaping ginagamit sa wikang Cebuano at wikang Filipino?

BATAYANG TEORITIKAL

            Ayon kina Santiago at Tiangco (1991), sa istrukturang pananaw, ang pandiwa nakilala sa pamamagitan ng mga paraan nito sa iba't ibang aspekto batay sa uri ng kilos sa isinasaad. Nagbabago ang anyo ng pandiwa sa iba't ibang aspekto ayon sa isinasaad nitong kilos.
SPEECH COMMUNITY
Ayon kay Dell Hymes, ito ay ang pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkatulad na paraan, kundi nababatid din nila ang mga patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika.
Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga lingwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at "hindi kailanman pagkakatulad o uniformicidad ng anumang wika", ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't-ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado ang mga gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean, 1950). Ang mga pagkakaibang ito ng sa wika ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng di pagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon (Constantino, 2000).
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng kaalaman upang maiwasto ang kamalian ng Cebuano o di-tagalog sa pagbuo ng aspekto ng pandiwa sa Filipino. At sa pamamagitan nito ay mapapalawak ang kaalaman sa wika at magiging epektibo sa komunikasyon. Naniniwala rin ang mga mananaliksik na ang resulta ng pag-aaral na ito ay may maidudulot sa mga sumusunod.
Sa mga mag-aaral. Mapapadali ang pagkaunawa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino bilang minor o medyur na asignatura kung malalaman ang kaibahan sa paggamit ng Pandiwa sa iba't ibang aspekto.
Para sa mga guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan sa pagbabalangkas ng mga halimbawang banghay aralin sa aspekto ng pandiwa. Sa pamamagitan nito, malalaman ng guro kung saan dapat pahuhusayin ang kahinaan ng kanyang mga mag-aaral na Cebuano. Nakakatulong ito sa mga guro dahil ginagamit nila ang wikang Cebuano bilang midyum na panturo sa bagong kurikulum K-12 (Mother Tongue) mula kindergarden hanggang sa ikatlong baiting ng elementarya.
Sa mga mananaliksik. Ang nagiging resulta sa pag-aaral na ito ay makapagbigay ng karagdagang kaalaman ng mananaliksik tungkol sa wastong paggamit ng tamang aspekto ng pandiwa sa pagbuo ng pangungusap sa gayon ay maiiwasan ang pagkakamali sa paggamit ng aspekto ng pandiwa.
Sa mga mag-aaral ng Lingwistika. Makapagbigayng karagdagang impormasyon sa kanilang pag-aaral at mapalawak ang kanilang kaalaman sa wikang pinagmulan. Anumang resulta nito ay maaaring makatulong sa pag-unlad ng kanilang Gawain.
Sa Lipunan. Makakatulong sa pagbukas ng kanilang kamalayan tungkol sa wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan partikyular sa wikang Cebuano. Sa pamamagitan nito, malalaman nila ang wastong paggamit ng mga salita tungo sa epektibong komunikasyon.







Kabanata II
SURING-BASA SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Bago itaguyod ang kabanatang ito, ang mananaliksik ay sumangguni sa iba’t ibang aklatan upang makakuha ng mga kaugnayan na literatura at pag-aaral. May mga aklat, di-nalathalang tesis, at internet na binasa ng mananaliksik para makatulong sa pag-aaral.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay (Sauco, Consolacion P et al.,), ang wika'y ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, panrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at pang-lipunan. Ito ay mahalagang salik na makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa. Ito'y isang mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaaan at pagkakaisa.
Ayon naman sa pagpapakahulugan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilpinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika. Para sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Bilang kabuuan, ang wikang Filipino ang pinakagamitin sa lahat ng transaksyong nagaganap lalo na sa iba't ibang antas ng pagkatuto, pakikipagkalakalan, relasyong sosyo-pulitikal at sa lahat ng larangan para sa mabisang pagkakaunawaan, nararapat lamang na ito ay ma-intelektwalisa upang makasabay ang Pilipinas sa kaunlaran tungo sa global na pagbabago. Kung kaya't sa kasalukuyan nakatalaga ang mga mag-aaral sa bansa na payabungin ang wikang Filipino bilang behikulo ng pag-unlad ng lipunan (Mabilin, 2012).
Ang kasalukuyang pag-aaral ay mayroong kaugnayan sa pag-aaral nina Villanueva at Sebastian, (halaw sa di-lathalang tesis ni Mansa) sapagkat ang kasalukuyang pag-aaral ay gumagamit din ng panlaping maladiwa. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: panlaping um, in, nag, at mag. Ngunit lamang ang analisis sa hambingang pagsusuri ng aspekto ng pandiwa sa Filipino at Cebuano.
Ayon nina (Sebastian Ph. D, Del Valle, at Villanueva, Ph. M. A) "Pag-aaral sa mga salita" na ang mga salita ay hindi lamang kakayahan sa pagbabaybay. Kabilang nito ang kakayahan sa pagbigkas, pagpapantig, pagkilala sa mga bahagi ng pananalita, kaalaman ng kahulugan ng mga salita, at kakayahan sa wasto at makabuluhang paggamit ng mga ito sa pangungusap.
Halaw sa aklat ni John V. Wolf "Beginning Cebuano Part I",sinabi ng may akda na ang pagkatuto ng isang wika ay isang bagay na ng nakagawiang pagbubuo. Sa ganitong dahilan kaunting panahon sa klase ang iuukol sa pagpapaliwanag sa balarila ng isang wika. Ang kusang katugunan ay di lamang malilinang hinggil dito o sa pagsubok sa nilalaman nito kundi sa palaging pagsasanay nito. Ito ay may malaking maitutulong sa kasalukuyang pag-aaral dahil binibigyang-diin ng aklat na ito kung paano nagsimula ang wikang Cebuano.
Ayon parin kay Dr. Constantino, batay sa kanyang pag-aaral na ginawa sa mga wika ng mga Pilipino umpisa noong 1962, may mga karakteristik ang ating mga wika at gamit nila sa pakikipagkomunikasyon ng Filipino sa isa't isa. Ayon sa kanya, maraming pagkakaiba sa tunog, salita, pangungusap, at ispeling ang mga wika. May mga wikang gumagamit ng "ay" sa pagitan ng "subject" at "predicate", may mga c, q, j, at x sa ispeling ng mga salita at may mga wikang hindi gumagamit ng mga letrang ito.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang pag-aaral ni Cuaro, Zoraida P. (2000) na "Ang Paghahambing sa wikang Filipino at wikang Arabic" ay nakatuon sa kung ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Filipino at wikang Arabic. Ito ay may pagkakatulad sa pag-aaral ng mga mananaliksik dahil ito rin ang pangunahin nilang layunin sa kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng wikang Filipino at wikang Cebuano. Natuklasan ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral na may malaking pagkakatulad at pagkakaiba ang wikang Filipino at wikang Arabic. Nagkakatulad ang mga ito sa dami ng titik sa alpabeto, sa palabaybayan, sa ponemang katinig at patinig, sa impit na tunog, digrapo at sa mga ponemang malayang nagpapalitan. Nakakaiba lamang sila sa istilo ng pagsulat, sa mga diptonggo, sa klaster, at sa pares minimal..
Ang pag-aaral ni Mansa, Egin T. (2002) na "Isang Paghahambing sa Aspektong Pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang Cebuano" ay may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat ang pag-aaral ni Mansa ay nakatuon din sa pormula sa pagbuo ng mga aspekto ng pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang Cebuano na siya ring layunin ng mga mananaliksik. Natuklasan ni Mansa na may pagkakaiba at pagkakatulad sa dalawang wika sa bawat aspekto ng pandiwa na banghay.
Ang pag-aaral ni Tangcay, Marites R. (2013) na "Isang Paghahambing sa mga Aspekto ng Pandiwa ng Wikang Filipino at Wikang Hiligaynon ", sa pag-aaral ni Tangcay ay isinagawa ang paghahambing sa aspekto ng pandiwa sa Filipino at Hiligaynon. Ano ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga aspekto ng pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang Hiligaynon. Ito ay may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat inihahambing din ang dalawang wika sa kanilang mga aspekto. Natuklasan ng mananaliksik na may pagkakaiba at pagkakatulad ang wikang Filipino at wikang Hiligaynon sa aspektong pandiwa na banghay.





















Kabanata III
METODOLOHIYA
            Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamaraang ginamit ng mananaliksik. Kasama ang pinagkunan ng mga datos, pangangalap ng datos at pagsasaayos ng mga datos.

Pamaraang Gagamitin
Ginamit sa pag-aaral ang pamaraang palarawan o diskriptib sa pag-uri at pag-analisa ng mga datos.

Lugar na pinag-aralan

Description: http://w0.fast-meteo.com/locationmaps/Buug.10.gif
Larawan 1. Mapa ng Buug, Zamboanga Sibugay
Lokasyon
Ang Buug ay isa sa munisipalidad ng Zamboanga Sibugay sa loob ng Zamboanga Peninsula at isang parte ng rehiyon IX sa isla ng Mindanao. Ito ay mala hugis na parang pentagon sa porma. Ang timog nito ay Dumaguillas Bay, sa hilaga ay ang Bayog, Kumalarang sa Silangan, Diplahan ang kanluran, ang Malangas ang timog-silangan. Ang distansya nito sa Maynila a 790 kilometers (490 miles). Ito ay limang oras mula Zamboanga City, isang oras at 45 minuto mula Ipil, at 57 kilometers (35 miles) mula Pagadian City.
May katamtamang temperatura 26°c (79°F). Ito ay malayo sa tinatawag na Typhoon Belt at nakararanas ng Tayp IV (4) na klima. Ang populasyon ng Buug base sa May 1, 2010 na may 35, 969 kabuuang populasyon.

Pangangalap ng Datos
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng balangkas upang maging basehan sa pangangalap ng datos. Sa pamamagitan nito, mapadali ang pagsasagawa ng pag-aaral. Bukod dito, maiayos ang pagkasunod-sunod ng datos sa pagsagot ng mga suliranin na hinaharap ng mga mananaliksik.

Rounded Rectangle: WIKANG CEBUANO 
Kayarian at Aspekto ng Pandiwa

Rounded Rectangle: Pagbuo ng Balangkas
Rounded Rectangle: Pagpunta sa Library
Rounded Rectangle: Paghahanap ng Pagkukunan ng Datos
Rounded Rectangle: Pagtatala ng Datos
Rounded Rectangle: Pag-uri at Pag-aanalisa ng mga Salita
 














Larawan 2. Daloy ng Gawain

Makikita sa larawan I, ang daloy ng mga gawain ng mga mananaliksik. Nagsimula ang daloy ng gawain sa pagbuo ng balangkas sa nasabing paksa. Pumunta sa library upang mangolekta ng datos. Pagdating sa library ay naghanap ang mga mananaliksik ng pagkukunang datos katulad ng nga libro at mga di-nalathalang tesis. Itinala ang mga nakokolektang datos, pagkatapos ay isinaayos ang mga nakalap na datos at inuri ayon sa kayarian at pagsasagawa ng masusing pagsusuri sa aspekto ng pandiwa.

Pagsasaayos ng mga Datos.
Mula sa nakalap na datos, inuri ang mga salita ayon sa kayarian at binigyan ng angkop na katumbas sa wikang Cebuano upang malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga salita sa dalawang wika.
Matapos ang masusing pag-aanalisa sa mga datos nabuo ang pagbabanghay ng mga pandiwa ayon sa panlapi nabuo ang pagbabanghay ng mga pandiwa ayon sa panlaping ginamit. Bunga nito, nalikha ag Talahanayan na makikita ag mga panlapi, salitang-ugat at pawatas sa wikang Filipino. Makikita rin sa talahanayan ang mga panlapi, salitang-ugat, mga salitang pawatas, aspekto ng pandiwa (Perpektibo, Imperpektibo, Kontemplatibo)
















Kabanata IV
PRESENTSASYON, INTERPRETASYON AT ANALISIS
  1. Kayarian ng Wikang Cebuano
Talahanayan 1. Pangngalan: Mga salitang Pangkamag-anakan
Filipino
Cebuano
Ina
Mama
Ama
Papa
Lolo
Lolo
Pamangkin
Pag-umangkon
Pinsan
Ig-agaw
Biyanan
Ugangan
Kambal
Kaluha
Lola
Lola
Tiyo
Uyuan
Tiya
Iyaan
Anak
Anak
Apo
apo
Sa talahanayan ng mga pangngalang Pangkamag-anakan. May mga salitang magkatulad sa wikang Filipino at wikang Cebuano. Tulad ng mga salitang lolo, lola, anak, at apo na magkapareho. Makikita rin sa talahanayan na may mga salitang magkakaiba sa dalawang wikang nabanggit. Ang "ina" sa Filipino ay "mama" naman sa Cebuano, ama sa papa, tiyo sa uyuan, tiya sa iyaan, pamangkin sa pag-umangkon, pinsan sa ig-agaw, biyanan sa ugangan, at kambal sa kaluha.
Talahanayan 2. Pangngalan: Mga salitang Pangkalikasan
Filipino
Cebuano
Buwan
Bulan
Bituin
Bituon
Ulan
Ulan
Bagyo
Bagyo
Baha
Baha
Hangin
Hangin
Dagat
Dagat
Ilog
Sapa
Paligid
Palibot
Puno
Kahoy
Pampang
pangpang
Sa talahanayan 2, kapansin-pansin na ang mga salitang pangkalikasan ay may pagkakatulad o pagkakaiba ang anyo. Sa magkakatulad ay ang salitang ulan, bagyo, baha, hangin, at dagat. Mapapansin din sa mga salitang magkakatulad ay malaki ang naging epekto nitoa kapaligiran at buhay ng tao,kaya siguro ay kataga ng nasa Filipino ay magkatulad lang sa Cebuano. Ang naiwang mga salita naman ay ang mga magkaiba tulad ng buwan, bituin, ilog, pampang, paligid, at puno.

Talahanayan 3. Pangngalan: Salitang Parte ng Katawan
Filipino
Cebuano
Buhok
Buhok
Kilay
Kilay
Mata
Mata
Ilong
Ilong
Ngipin
Ngipon
Tainga
Dalunggan
Leeg
Li-og
Bisig
Bukton
Kamay
Kamot
Kuko
Kuko
Balat
Panit
Dibdib
Dughan
Tyan
Tiyan
Pusod
Pusod
Puson
Pus-on
Balikat
Abaga
Baywang
Hawak
Tuhod
Tuhod
Paa
tiil
Sa talahanayan 3, mababtid nating may mga salitang magkatulad sa wikang Filipino at wikang Cebuano tulad ng buhok, kilay, mata, ilong, kuko, pusod, at tuhod. May mga salita naman na magkaiba sa wikagn Filipino at wikang Cebuano tulad ng labi, tainga, ngipin, leeg, bisig, kamay, balat, dibdib, puson, balikat, baywang, at paa. Mapapansin din natin, maliban sa pagkakatulad at pagkakaiba may salita rin na magkaiba lamang dahil sa isang letra katulad ng ngipin naging ngipon, leeg naging li-og, napapalitan ng ponemang "o" ang "u". Meron ding salita tulad nang tiyan at puson magkaiba naman sila sa paraan ng pagbigkas.
Talahanayan 4. Pangngalan: Salitang Pangalan ng Hayop
Filipino
Cebuano
Pusa
Iring
Aso
Iro
Kalabaw
Kabaw
Baka
Baka
Kambing
Kanding
Baboy
Baboy
Manok
Manok
Unggoy
Unggoy
Kabayo
Kabayo
Ibon
langgam
Sa talahanayan 4, mapapansin na ang mga pangalan ng hayop sa wikang Filipino ay karamihan sa pangalan ay magkapareho sa wikang Cebuano. Gayundin, magkatulad din ang pagbaybay at pagbigkas. Samantala, may pangalan din ng hayop na magkaiba sa tawagan tulad ng aso sa iro, pusa sa iring, kalabaw sa kabaw, at ibon sa langgam.

Talahanayan 5. Mga Salitang Pang-abay sa Buug
Filipino
Cebuano
Kahapon
Gahapon
Dito
Diri
Diyan
Dinha
Sa harap
Sa atubangan
Sa likod
Sa likod
Sa gitna
Sa tunga
Sa ibabaw
Sa ibabaw
Sa ilalim
Sa ilalom
Ngayon
Karon
Bukas
Ugma
Mamaya
Unya
Kanina
Ganina
Araw-araw
Kada-adlaw
Gabi-gabi
Kada-gabii
Doon
didto
Sa talahanayan 5, mapapansing may magkatunog na mga salita sa wikang Filipino sa wikang Cebuano tulad ng kahapon, ngayon, bukas, mamaya, kanina, araw-araw, gabi-gabi, diyan, gitna, doon, at sa loob. Sa mga salitang kahapon at kanina mapapansin na napalitan ang unlaping "ka" ng unlaping "ga" para maging gahapon at ganina. May mga salita namang walang pinagkaiba katulad nang sa "ibabaw", ngunit ang ibabaw ay di magkatugma ang pagbigkas sapagkat sa Filipino ang ibabaw ay "ibábaw" ang pagbigkas at sa Cebuano ay "ibabáw".

Talahanayan 6. Mga Salitang Pang-uri sa Buug
Filipno
Cebuano
Maganda
Gwapa
Pangit
Maot
mabait
Buotan
Masaya
Malipayon
Madilim
Ngit-ngit
Malaki
Dako
Maliit
Gamay
Maluwag
Lu-ag
Masikip
Gu-ot
Mabagal
Hinay
Mabilis
Paspas
Mahaba
Taas
Maputi
Puti
Maitim
Itom
Maliwanag
Hayag
Marami
daghan
Sa talahanayan 6, ang salitang pang-uri ay malayong-malayo ang katumbas na salita sa Cebuano maging sa pagbigkas. Lahat halos ng salitang-ugat ay nadadagdagan ng unlaping "ma" sa wikang Filipino para sa eksaktong tumbas sa wikang Cebuano. Sa "maputi" naman sa wikang Filipino ay makikita ring kinaltas lamang ang "ma" para sa tumbas sa wikang Cebuano.

B. Aspekto ng Pandiwa sa Wikang Cebuano
Talahanayan 7. Balangkas sa Pagbuo ng nga Pandiwa sa Wikang Cebuano


Aspekto ng Pandiwa
Sistema
Halimbawang Salita
Perpektibo
  1. Nag +salitang-ugat
Nagkaon, nagpalit
  1. Na + salitang-ugat
Natulog, naligo
  1. Mi + salitang-ugat
Miinom, milangoy
  1. Gi + salitang-ugat
Gibasa, gikuha
imperpektibo
  1. Naga +salitang-ugat
Nagadamgo, nagatuon
  1. Gina + salitang-ugat
Gina-ilog, ginakuha
  1. Ga + salitang-ugat
Gabasa, galangoy
kontemplatibo
  1. Mag + salitang-ugat
Magkaon, mag-inom
  1. Ma + salitang-ugat
Matulog, maligo
  1. On/hon+ salitang-ugat
Ilugon, basahon
Ang wikang Filipino at wikang Cebuano ay pawang may mga aspekto. Ito ay ang mga smusunod: aspektong Perpektibo, aspektong Imperpektibo, aspektong Kontemplatibo. Sa aspektong perpektibo ang mga ginamit na mga panlapi ay ag mga panlaping "nag, na, mi, at gi". Sa aspektong imperpektibo naman a ang mga panlaping "naga, gina, at ga". Sa aspektong kontemplatibo ay ang mga panlaping "mag, ma, at on/hon". Magkatulad ang pormula ng salita sa dalawang wika kapag ang panlaping ginagamit ay binanghay sa "nag" at "na". Gayunpaman, magkakaiba ang mga salitang nabuo sa aspekting perpektibo at kontemplatibo depende sa panlaping ginamit.

Talahanayan 7.1 Panlaping "nag"
Filipino
Cebuano
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
Nag
Basa
Nagbasa
Nag
Basa
Nagbasa
Nagbasa
Nagabasa
Magbasa
Nag
Aral
Nag-aral
Nag
Tuon
Nagtu-on
Nagtu-on
Nagatuon
Magtuon
Nag
Dala
Nagdala
Nag
Dala
Nagdala
Nagdala
Nagadala
Magdala
Nag
Dasal
Nagdasal
Nag
Ampo
Nag-ampo
Nag-ampo
Naga-ampo
Mag-ampo
Nag
Handa
Naghanda
Nag
Andam
Nag-andam
Nag-andam
Naga-andam
Mag-andam
Sa talahanayan 7.1, ang panlaping "nag" ay parehong ginamit sa wikang Filipino at wikang Cebuano. Kapansin-pansin na ang salitang pawatas ay magkatulad sa aspektong perpektibo. Halimbawa sa salitang "nagbasa" na nagpapakita na ang kilos ay tapos na. Mapapansin din sa panlaping "nag" ay naging "naga" sa aspektong imperpektibo tulad ng salitang "nagabasa" na nagpapakita na ang kilos ay nasimulan na ngunit hindi pa natapos. Sa aspektong kontemplatibo naman ay naging "magbasa", ang panlaping "mag" na nagpapakita na ang kilos ay gagawin pa lamang.

Talahanayn 7.2 Panlaping "na"
Filipino
Cebuano
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Perpektibo
Imperpektibo
kontemplatibo
Na
Dama
Nadama
Na
Bati
Nabati
Nabati
Nabati
mabati
Na
Tulog
Natulog
Na
Tulog
Natulog
Natulog
Natulog
Matulog
Na
Ligo
Naligo
Na
Ligo
Naligo
Naligo
Naligo
Maligo
Na
Akit
Na-akit
Na
Tintal
Natintal
Natintal
Natintal
Matintal
na
dinig
narinig
na
Dungog
Nadungog
Nadungog
Nadungog
madungog
Mapapansin sa talahanayan 7.2 ang panlaping "na" ay parehong ginamit sa dalawang wika. Ang mga salitang pawatas sa wikang Cebuano ay magkakatulad sa aspektong perpektibo at imperpektibo. Halimbawang salita ay "naligo". "Naligo siya ganina". Sa halimbawang binigay, ginamitan ng pang-abay na salita sa pangungusap na "ganina" upang maglarawan ng kilos na natapos na o nasa aspektong perpektibo. Sa aspektong imperpektibo naman, "Naligo siya karon". ANg salitang pang-abay na "karon" ang ginamit upang maglarawan na ang kilos ay kasalukuyang ginagawa. Napapalitan naman ang unlaping "na" ng unlaping "ma" sa aspektong kontemplatibo. "Maligo" ay salitang nagpapakita na ang kilos ay gagawin pa lamang.

Talahanayan 7.3 Panlaping "mi"
Filipino
Cebuano
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Perpektibo
Imperpektibo
kontemplatibo
Um
Basa
Bumasa
Mi
basa
Mibasa
Mibasa
Gabasa
Mobasa
Um
Inom
Uminom
Mi
inom
mi-inom
mi-inom
Ga-inom
Mo-inom
Um
Langoy
Lumangoy
Mi
Langoy
Milangoy
Galangoy
galangoy
Molangoy
Um
Akyat
Umakyat
Mi
katkat
Mikatkat
Hakatkat
Gakatkat
Mokatkat
um
Iyak
umiyak
mi
hilak
mihilak
gahilak
gahilak
mohilak
Sa talahanayan 7.3, kapansin-pansin na ang panlaping "um" sa wikang Filipino ay naging panlaping "mi" sa wikang Cebuano. Mapapansin din na ang mga salitang pawatas sa wikang Cebuano ay magkatulad sa aspektong perpektibo. Halimbawa ang "mibasa" na sa perpektibo ay "mibasa" na nangangahulugang ang kilos ay tapos na. Sa aspektong imperpektibo naman ay napapalitan ang panalaping "mi" ng panlaping "ga" upang ang mga salita ay masasabing ang kilos ay nasimulan na ngunit hindi pa natapos. Sa aspektong kontemplatibo naman ay napapalitan ang panlaping "mi" sa panlaping "mo". Katulad ng "miinom" sa "moinom" na ang kilos ay gagawin pa lamang.

Talahanayan 7.4 Panlaping "gi"
Filipino
cebuano
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Panlapi
Salitang-ugat
Pawatas
Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
In
Basa
Binasa
Gi
Basa
Gibasa
Gibasa
Ginabasa
Basahon
In
Kuha
Kinuha
Gi
Kuha
Gikuha
Gikuha
Ginakuha
Kuhaon
In
Agaw
Inagaw
Gi
Ilog
Giilog
Giilog
Ginailog
Ilogon
In
Akyat
Inakyat
Gi
Katkat
gikatkat
gikatkat
Ginakatkat
Katkaton
in
inom
ininom
Gi
inom
giinom
giinom
ginainom
inomon
Makikita sa talahanayan 7.4 na ang panlaping "in" sa wikang Filipino ay naging panlaping "gi" sa wikang Cebuano. Mapapansin na ang mga salitang pawatas ay magkakatulad sa aspektong perpektibo. Halimbawa sa salitang "gibasa" na nangangahulugang ang kilos ay tapos na. Nadagdagan naman ang panlaping "gi" ng panlaping "na" at nagiging "gina" sa aspektong imperpektibi upang masabing ang kilos ay nasimulan na ngunit hindi pa natapos. Sa aspektong kontemplatibo naman, ang panlaping "gi" ay kinaltas at nadagdagan ng hulaping "on". "Basahon" sa aspektong kontemplatibo na nagpapakitang ang kilos ay gagawin pa lamang.

ANALISIS NG DATOS
            Batay sa presentasyon nabuo ang mga sumusunod:
Talahanayan 8. Bilang ng mga Salitang Magkakatulad at Magkakaiba.
Kayarian ng Wikang Cebuano
Magkakatulad
Magkakaiba
Kabuuan
Pangngalan: Salitang Pangkamag-anakan
4
8
12
Pangngalan: Salitang Pangkalikasan
5
6
11
Pangngalan: Salitang Parte ng Katawan
7
12
19
Pangngalan: Salitang Pangalan ng Hayop
5
5
10
Mga Salitang Pang-abay
2
13
5
Mga Salitang Pang-uri
0
16
16
Kabuuan
23
60
83
Makikita sa talahanayan 8. Ang bilang ng mga salitang magkakatulad at magkakaiba. Sa pangngalan ng mga salitang pangkamag-anakan ay may kabuuang labing dalawang (12) salita, apat (4) ang mga salitang magkakatulad at walo (8) ang mga salitang magkakaiba. Sa pangngalan ng mga salitang pangkalikasan ay may kabuuang labin isang (11) salita, limang (5) salita ang magkakatulad at anim (6) na salitang nagkakaiba. Sa pangngalan ng mga salitang parte ng katawan ay may kabuuang labing siyam (19) na salita, pitong (7) salita ang magkakatulad at labing dalawa ang mga salitang magkakaiba. Samantala ang mga salitang pangalan ng hayop ay may kabuuang sampung (10) salita, limang (5) salita ang magkakatulad at limang (5) salita ang magkakaiba. Sa mga salitang pang-abay naman ay may kabuuang labinlimang (15) salita, dalawang (2) salita ang magkakatulad at labing tatlong (13) salita ang magkakaiba. Labing anim (16) naman ang mga salitang magkakaiba sa mga salitang pang-uri at walang salitang magkakatulad. Sa kabuuan ay may walumpu’t tatlong (83) salita, dalawampu’t tatlo ang mga salitang magkakatulad at animnapung (60) salita ang magkakaiba.
     Sa aspekto ng pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang Cebuano ay may pagkakatulad ang pagbabanghay sa unlaping na at ma. Samantala magkakaiba ang pagbabanghay sa unlaping um sa wikang Filipino na naging unlaping mi sa wikang Cebuano. Ang unlaping in naman sa wikang Filipino ay naging unlaping gi sa wikang Cebuano.








Kabanata V
BUOD, MGA NATUKLASAN AT KONKLUSYON
Buod
Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang, Pag-aaral sa wikang Cebuano. Ito ay may layuning; naglalayong alamin ang pagkakaiba at pagkakapareho sa aspekto ng Pandiwa ng Wikang Cebuano. Ito ang mga suliranin na dapat sagutin ng mga mananaliksik:
1.      Ano-ano ang mga salitang magkakatulad at magkakaiba sa wikang Cebuano sa wikang Filipino ayon sa kayarian nito?
2.      Ano ang pagkakatulad ng aspekto ng pandiwa sa wikang Cebuano at wikang Filipino?
3.      May pagkakaiba ba ang panlaping ginagamit sa wikang Cebuano sa wikang Filipino?
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay may kabuuang walumpu’t tatlong (83) salita, dalawampu’t tatlo (23) ang mga salitang magkakatulad at anim na pung (60) salita ang magkakaiba.
Sa aspekto ng pandiwa sa wikang Filipino at Wikang Cebuano ay may pagkakatulad ang pagbabaybay sa panlaping na at samantala magkakaiba ang pagbabanghay sa panlaping um sa wikang Filipino na naging panlaping mi sa wikang Cebuano. May panlaping in naman sa wikang Filipino ay naging panlaping gi sa wikang Cebuano.

Mga Natuklasan

Batay sa pananaliksik ng nasabing grupo, natuklasan ang mga sumusunod:
1. Ang Panlaping “nag-” sa wikang Filipino ay magkakatulad sa pagbabanghay sa wikang Cebuano.
            Ang mga salitang ito ay nagbasa at nagdala sa wikang Filipino na katulad din sa wikang Cebuano, nag-aral sa nagtuon, nagdasal sa nag-ampo at naghanda sa nag-andam.
2. Ang panlaping "nag-" ay nagiging "naga-" sa aspektong imperpektibo.
Ang mga salitang ito ay nagbasa sa nagabasa, natuon sa nagatuon, nagdala sa nagadala, nag-ampo sa naga-ampo at nag-andam sa naga-andam.
3. Ang panlaping "nag-" ay nagiging "naga-" sa aspektong imperpektibo. Ang panlaping "nag-" ay nagiging "mag-" sa aspektong kontemplatibo.
            Ang mga salitang ito ay nagbasa sa magbasa, nagtuon sa magtuon, nagdala sa magdala, nag-ampo sa mag-ampo at nag-andam sa mag-andam.
4. Ang Panlaping “na-“ sa wikang Filipino ay magkakatulad a pagbabanghay sa wikang Cebuano.
            Ang mga salitang ito ay nadama sa nabati, natulog sa natulog, naligo sa naligo, na-akit sa natintal at narinig sa nadungog.
5. Ang panlaping "na-" ay nagiging "ma-" sa aspektong kontemplatibo.
            Ang mga salitang ito ay nabati sa mabati, natulog sa matulog, naligo sa maligo, natintal sa matintal at nadungog sa madungog.
6. Ang unlaping "um-" o gitlaping “-um-“ sa wikang Filipino ay nagiging "mi-" sa wikang Cebuano.
            Ang mga salitang ito ay bumasa sa mibasa, uminom sa mi-inom, lumangoy sa milangoy, umakyat sa mikatkat at umiyak sa mihilak.
7. Ang unlaping "mi-" ay nagiging "ga-" sa aspektong imperpektibo.
            Ang mga salitang ito ay mibasa sa gabasa, mi-inom sa ga-inom, milangoy sa galangoy, mikatkat sa gakatkat at mihilak sa gahilak.
8. Ang unlaping "mi-" ay nagiging "mo-" sa aspektong kontemplatibo.
            Ang mga salitang ito ay mihilak sa mohilak, mi-inom sa mo-inom, milangoy sa molangoy, mikatkat sa mokatkat at mihilak sa mohilak.
9. Ang unlaping "in-" o gitlaping “-in-“ sa wikang Filipino ay nagiging "gi-" sa wikang Cebuano.
            Ang mga salitang ito ay binasa sa gibasa, kinuha sa gikuha, inagaw sa giilog, inakyat sa gikaklat at ininom sa giinom.
10. Ang unlaping "gi-" ay nagiging "gina-" sa aspektong imperpektibo.
            Ang mga salitang ito ay gibasa sa ginabasa, gikuha sa ginakuha, giilog sa ginailog, gikatkat sa ginakatkat at giinom sa ginainom.
11. Ang unlaping "gi-" ay nagiging hulaping "-on" sa aspektong kontemplatibo.
            Ang mga salitang ito ay gibasa sa basahon, gikuha sa kuhaon, giilog sa ilogon, gikatkat sa katkaton at giinom sa inomon.
12. sa kayarian nito, mapapansin sa wikang Filipino at wikang Cebuano ang mga salitang magkakatulad at magkakaiba.

Konklusyon

Sa kabuuan, matagumpay na nailarawan sa pag-aaral ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga salita sa kayarian nito sa wikang Filipino at wikang Cebuano. Pawang may kaugnayan ang mga nasabing wika sa isa't isa. Batay sa Saligang Batas o Konstitusyon noong 1935 Artikulo XIV, Seksyon 3, ito ang isinasaad: "Ang kapulungang-bansa ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapairal ng isang wikang pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong wikain". Ang mga pangunahing wika ay ang mga sumusunod: Bikol, Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, Waray, Cebuano at Muslim. Kaya masasabi na magkakahawig na salita ang wikang Cebuano at wikang Filipino dahil kabilang ang Wikang Cebuano sa pinagbatayan sa pagbuo ng Wikang Pambansa.






















TALASANGGUNIAN
  1. Aklat
Constantino, Ernesto et al.1974.Filipino o Pilipino? C.M. Recto Ave., Manila: Rex Book Store.                    
Sauco, Consolacion P. et al.,1998.Pagbasa at Pagsulat ng Ibat-ibang Disiplina. Katha Publishing             Co., Inc. 338 Quezon Avenue, Quezon City.
Mabilin, Edwin R., 2012. Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon                   City: Mutya Publishing House, Inc.
Mercene, et al., 1983. Sining ng Pakikipagtalastasan para sa Kolehiyo. National Bookstore Inc.,                    Mandaluyong City 1550, Philippines.
Pacarro, Jenyn M., 2010. Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang                  mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.
Santiago, Alfonso L. at Tiangco, Norma C. (1991). Makabagong balarilang Pilipino. Manila: Rex                  Bookstore.
Wolf, John U. 1966. Beginning Cebuano Part I New Heaven ang London: Yale University Press

  1. Di-nalathalang Tesis
Cuaro, Zoraida P., 2000. Ang Paghahambing sa wikang Filipino at wikang Arabic. Di nalathalang                  Tesis, MSU-Buug Campus, Buug Zamboanga Sibugay.
Mansa, Elgen T., 2000. Isang Paghahambing sa Aspektong Pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang     Cebuano. Di nalathalang tesis, MSU-Buug Campus, Buug, Zamboanga Sibugay.
Tangcay, Marites R., 2013. Isang Paghahambing sa mga Aspektong Pandiwa ng Wikang Filipino                   at Wikang Hiligaynon. Di nalathalang Tesis,, MSU-Buug Campus, Buug Zamboanga                  Sibugay.

  1. Internet
http://www.zamboanga.com/z/index.php?title=Buug,_Zamboanga_Sibugay,_Philippines
https://www.academia.edu/15491081/Teorya_at_Barayti_ng_wika, Desyembre 2, 2015

7 komento: