Huwebes, Disyembre 15, 2016

Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus


I.                    
A.    Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
B.     Panitikang Asyano Modyul ng mga mag-aaral sa Filipino 9

II.                Buod:

Nagsimula ang kwento nang  nagpapaalam siya sa kanyang asawa. Sa kanyang pamamaalam ay labis siyang nalungkot na hindi niya kasama ang kanyang asawa sa lugar na kanyang pupuntahan. Pagkatapos niyang hagkan sa noo ang kanyang asawa ay sya’y tumalikod at umalis na at ang kanyang asawa ay sumigaw na siya’y babalik at uuwi agad at sumagot sya sa kanyang asawa na Oo, at hindi na lumingon dahil ayaw nitong makita na sya’y umiiyak sa kanyang pag-alis.
                  Nang nakapasok na siya sa kanyang tinutuluyan ay kumain muna siya at pagkatapos ay naging malungkot siya sa kanyang pagtulog, dahil malayo siya sa kanyang asawa. Pero nawala ang kanyang kalungkutan ng siya’y tuluyan ng nakatulog. Gumising na siya kinabukasan at ginawa ang kanyang mga gawain o trabaho. Siya’y nag-araro at nagtanim sa bukid. Pagdating ng Disyembre ay inani na ang kanyang mga itinanim. At dadalhin niya ito sa kanyang asawa.
      Umuwi na siya sa kanilang bahay na dala ang mga kahoy at bigas mula sa bukid. Sa kanyang pag-uwi ay may nakita siyang bulaklak at kinuha niya ito para ihandog sa kanyang asawa. Dahil dito ay naalala niya noong umalis siya ay umiiyak ang kanyang asawa at marahil sa kanyang pag-uwi ay magiging masaya ang asawa. Nagmamadali siya sa kanyang pag-uwi na halos tumatakbo sa bilis para makita ang asawa. Akala niya na masaya ang kanilang tirahan dahil may tugtog at may maraming tao. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil nalaman ng kanyang asawa na babalik siya.
      Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay akala niya na maging masaya siya ngunit sa kasamaang palad ay nakita niya ang kanyang asawa sa loob ng isang kabaong habang napapalibutan ng apat na kandila. Nang pinagmamasdan niya ito ay hinagkan at nakita niya ang kanyang asawa na parang ngumiti na o nagsasabing  siya ay masayang nagpapaalam.


III.             Pagsusuri:

A.    Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang tula sapagkat nasusulat ito nang pasaknong. Ito ay tradisyunal  na tula sapagkat nagtataglay ito ng may sukat, na may labin-dalawang pantig,nmay tugma at may talinghaga. Ito ay tulang pasalaysay sapagkat ito ay nagsasalaysay ng buhay sa paraang patula.

B.     Istilo ng Paglalahad
Pagsasalaysay at paglalarawan ang istilo ng paglalahad ang ginamit na tulang ito. Isinalaysay ng may-akda ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Inilalarawan din ng may-akda ang mga kilos, galaw at punto de vista ng pangunahing tauhan, mula sa kanyang sa kanilang bahay, ang kanyang paglalakbay patungo sa bukirin, pagtatrabaho sa sakahan hanggang sa kanyang pagbabalik.
C.     Mga Tayutay

1.      “Pinatuloy ako ng magandang loob” - Ito ay pagpapalit-tawag o metonymy sapagkat ang magandang loob ay tumutukoy sa tao o taong may busilak na puso.

2.      “sinalubong ng kwago at ibong itim” – Ito rin ay pagpapalit tawag o metonymy dahil ang ibig sabihin ay isang pangitain na nangangahulugang may masamang mangyayari.

D.    Pananalig Pampanitikan / Teorya

1.      Realismo- Inilalarawan dito ang buhay sa katunayan at walang halong idealismo. Sapagkat ipinapahayag sa tula  na ang lalaki ay dapat magbanat ng buto o maghanap ng trabaho para sa kanyang pamilya, Tulad sa tula na ang lalaki ay mag-araro sa sakahan, nagtatanim para may making  maihandog sa kanyang asawa.

2.      Klasisismo- Pananalig na higit na pinapahalagahan ang isip kaysa damdamin. Sapagkat nasasaktan ang lalaki sa kanyang paglisan nang hindi niya kasama ang kanyang iniirog bagkus, kinaya pa rin niya ang lungkot na nadarama nang hindi ito kapiling. Mas pinanaig ang isip sapagkat kailangan niyang magtrabaho para sa kanilang ikabubuhay.


3.      Simbolosmo- Pananalig na nagsasaad ng mga bagy, damdamin, at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag. Maraming pinakitang simbolismo sa akda. Isa na rito ang “panyong puti” na kanyang ikinakaway nang siya’t paalis. Ang puti ay nangangahulugang kapayapaan at kalinisan. Naway payapa sana ang kanyang paglalakbay. Ang “kwago rin ay isa sa pinakitang simbolismo sa akda. Ito’y nangangahulugang masama o masamang pangitain na mayroong masamang mangyayari o magaganap. At yaong apat na “kandila” ang nagbabantay, ay ang ibig sabihin mayroong patay o bangkay o may lamay. Nang umuwi siya ay nadatnan niya ang bangkay ng kanyang iniirog.



18 komento:

  1. I like this! bro. but before i like this im going to question you. Ano ang isinalaysay ng may akda sa tulang nito.

    TumugonBurahin
  2. salamat malaking bagay ito sa akin

    TumugonBurahin
  3. Mga Tugon
    1. magbasa para hindi mukhang mangmang

      Burahin
  4. Ano po ang magiging Reaksyon Nyo dito?
    Kelangan ko po ng sagot nhihirapan po kasi ako magpaliwanag.. Salamat po

    TumugonBurahin
  5. ANG PAGBABALIK"
    ni Jose Corazon de Jesus
    1. Ano ang isinasalysay ng may akda sa tula na "Ang Pagbabalik" ?
    2.Paano isinalaysay ng may-akda ang kaniyang pagbabalik?
    3.Ano ang paksa ng tula?
    4. Ihambing ang tulang nagsasalaysay sa tulang naglalarawan. Isa-isahin ang mga katangian ng bawat isa.

    by: Ronie Gabayron

    TumugonBurahin
  6. Salamat at nasagot ko na rin ang aking takdang aralin:-)

    TumugonBurahin
  7. Ano po ang nahihiwatigang kaugalian/tradisyon tungkol dito?

    TumugonBurahin