Huwebes, Disyembre 15, 2016

Pagsusuri ng komersyal na nobela: Pocket Book Buod. Via: The Fiancee Ni: Sheryll Barredo

Via: The Fiancee
Ni: Sheryll Barredo
Mga tauhan:
·         Via- ang pangunahing tauhan sa kwento, isang magandang waitress, dalawanpu’t tatlong gulang.
·         Cresel- kaibigan ni Via at kasamahan sa trabaho.
·         Lester- isang doctor, guwapo, 40 taong gulang at binatang-ama na may isang anak na si Faith.
·         Faith-  matalinong anak ni Lester.
·         Camille- girlfriend ni Lester na may ibang lalaking sinasama.
·         Doctor Malvar- kaibigang doctor ni Lester.
·         Tiya Melit- stepmother ni Via na isang madrasta.
·         Attorney Gil Canlas- abogado at tinuring kaibigan ni Lester, na nagtraydor at nagplanong kunin ang kayamanan ni Lester.
·         Terence- kapatid ni Lester na umiibig kay Via.
·         Larry- nag-iisang kapatid ni Via, biente anyos at asal teenager pa rin.
·         Oyet, Hannah, Tom, at Tim- kapatid sa ama ni Via.
·         Yaya Isabel- ang nagpalaki sa mga magkakapatid na sina Lester at Terence dahil lahat ng oras at panahon ng kanilang mga magulang ay inubos sa negosyo.
·         Dindo- kalive-in ni Camille.
Buod:
            Ang pangkomersiyal na nobelang ito ay mayroong labin-isang kabanata. Nagsimula ang kwento nang nagtatrabaho si Via, pangunahing tauhan sa kwento, sa isang Japanese restaurant bilang isang waitress. Nang may napansin siyang isang kostumer, na tila may malalim na iniisip. At nang akmang nililinis ni Via ang katabing mesa sa pinagkainan ng guwapong lalaki ay napansin ni Via na nilagay ng guwapong lalaki  ang diyamanting singsing sa isang tray bilang tip. Nagdadalawang-isip si Via na kunin ang singsing at bago paman lumabas ang guwapong lalaki na naglalaro sa kuwarenta ang idad ay hinabol niya ito at binigay ang singsing. Kinuha ito ng guwapong lalaki  at nilagay sa gitna ng palad ni Via at saka itiniklop.
“Tip ko yan sa’yo yan. You did a good service”. Iyon lang at tumalikod, mabilis itong lumabas at sumakay sa isang BMW na nakaparada malipit sa main entrance ng restaurant.
Bago umalis sa kanyang kinatatayuan ay tinitingnan niya ang singsing sa kanyang palad at napa-isip na galante ang lalaking iyon dahilanbng pagbigay ng singsing bilang tip. At tinawag siya ni Cresil, kaibigan at kasamahan ni Via sa trabaho, sabay sila ng duty nito at sabay rin ang labas nila sa trabaho. Nang pauwi na sila ay nagsimula naman ang patak ng ulan. Alas diyes na iyon ng gabi at naglalakad patungo sa kanto upang makasakay sila ng jeep. Nang napansin ni Cresil ang isang sasakyan na parang kanina pa sumusunod sa kanila at pasimpleng nilingon ni Via ang sasakyan at nakita ang pamilyar na BMW. Nang tumapat iyon sa kanila ay bumaba ang salamin ng bintana sa gawi ng driver’s seat.
“Sakay na kayo?” alok ng lalaking nag-tip sa kanyan ng diyanting singsing. Ngunit tinanggihan nila ang alok at sinabing malapit na ang nikaroroonan nila pero nagpupumilit ang lalaki at lumabas sa sasakyan. Nagsimula nang lumakad sina Via at Cresil at napag-isip si Via na isauli ang singsing at bigla silang huminto para ibalik. Sinabi ng lalaki na tatanggapin niya ang singsing kung hayaan siyang ihatid pauwi ang dalawang dalaga. Sa hitsura palang ay mukha naman itong mabait kaya tinanggap ni Cresil ang alok na nanginginig na sa lamig at nakita rin nila ang mga kapal ng mga tao na nag-aabang ng jeep. Nang nakapasok na ang dalawa sa sasakyan ay nagsimula ng nagpakilala ang lalaki, siya si Lester Sebastian, isang doctor at malapit lang sa restaurant ang pinapasukang clinic. Nagpakilala rin si Cresilda Alapaap at si Olivia Meneses. Nakangiti sa oras na iyon si Lester pero napansin pa rin ni Via ang kalungkutan  sa mga mata ni Lester. Unang inihatid Cresil sa Sto. Domingo. Dahil malayo pa ang Welcome Rotonda na tinitirhan ni Via ay nag-usap-usap pa ang dalawa. Inihubad ni Via ang singsing sa daliri nito at binigay ang singsing. Muli, nakita ni Via ang namumuong kalungkutan sa mga mata ni Lester at nagwika:
“Will you do me a favor, Via? Will you keep that for me? Please? Tumango si Via na may pagtataka at muling sinulyapan ang diyamanting singsing at muli itong sinuot. Sinabi ni Lester na para sana iyon sa girlfriend niya at binigay niya sana ito para magpakasal sila bilang isang engagement ring. Na dagdag niya na akala niya na mabuting ina ito sa anak na si Faith, anim na taong gulang. Naguluhan si Via, at napag-alamang binatang ama si Lester. Kahapon lamang napag-alaman ni Lester na may ibang lalaki ang kanyang girlfriend na si Camille. Habang papalapit na sila sa Welcome Rotonda ay papalakas naman lalo ang ulan. Inihinto nito ang sasakyan nang mag-red light. Nang sinabi ni Via na sa kaliwa ang paroroonan nila ay iniliko nito ang BMW sa hindi inaasan nila ay isang six-wheeler truck na dumaragsa sa patungo sa direksyon nila at huli na rin ang lahat para iiwas ni Lester ang kanilang sasakyan.
Masakit ang katawan at ulo ni Via. Noon lang dumating sa realisasyon niya kung bakit naroon siya sa hospital paggising niya, may maraming pasa at gasgas sa katawan. Alam niyang buhay pa siya at hindi niya alam kung ano na ang nangyari kay Lester na kasama niya sa aksidente. Nasa malalim siyang pag-iisip nang may bumukas sa pinto at nagpakilala na si Doctor Malvar, kaibigan din ni Lester. Doon na nalaman ni Via na na coma si Lester. At biglang bumulaga sa paningin nila ang madrasta ni Via na si Tiya Melit, na humuhingal pa. At sinabihan ng pabulong si Via na ipalipat siya sa Charity Ward dahil mahal sa hospital na iyon. Ngunit narinig ito ng Doctor at sinabihan silang tapos na itong binayaran ni Attorney Canlas, ang tinuring kaibigan at abogado ni Lester.
Nang napagsolo na ang dalawa paglabas ng Doctor ay inulan ng mga tanong si Via, tinanong kung nobya ba niya si Lester at panay naman si Via sa pagtaggi, umalis na agad si Tiya Milet dahil susunduin pa niya sa paaralan ang mga anak na si Oyet, Hannah, Tom at Tim at nagsabing babalik siya bukas ng umaga at iiwan muna ang mga anak sa kapit-bahay. Nagtanong agad si Via kung nasaan ang kapatid na si Larry. Ngunit sinabing hindi na ito umuuwi sa kanila. Labin-dalawang taon ng nakalipas mula nang namatay ang kanilang ina ay muling nag-asawa ang kanilang ama, at iyon si Tiya Milet. Pagkatapos namang nakabuo ng apat na supling ay inataki sa puso ang kanyang ama dahil sa sobrang pag-inom at pagpapabaya na rin sa sarili.
Nang nalaman ni Cresil ang nangyari kay Via ay siya na mismo ang nagfile ng leave of absence at binisita ang kaibigan.
Umuwi na rin si Terence, ang kapatid ni Lester, sa Pilipinas mula apat na taong pamamalagi sa New York dahilan sa pangyayari sa kapatid. Bumungad sa pag-uwi niya na umiiyak si Faith, anak ni Lester, dahil gustong makita ang ama na pilit namang pinatahan ni Yaya Isabel. Tumahan si Faith nang dumating ang Uncle Terence niya. Ngunit dumating naman agad si Attorney Canlas na nagmamadali ring  papunta sa hospital. Nang nakarating na sila sa hospital ay agad naabutan ni Terence ang nakaratay na si Lester na mistulang wala nang buhay, humihinga pa si Lester dahil sa monitor na nakasabit dito sa lalong humuhina ang vital signs. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Terence habang titig ito kay Lester. Habang nandoon si Via ay nakita niya ang matangkad na lalaki, guwapo, maputi, manipis ang labi at pinag-aralan ni Via na kadugo ito ni Lester, iyon si Terence.
Nalipat ang atensiyon ni Terence sa babaeng tinawag ni Attorney Canlas at pinakilala niya si Terence kay Via. Nag-uusap sana sina Terence at Via ngunit sumingit si Doctor Malvar at masinsinang kina-usap si Terence. Muling pinag-aralan ni Via ang mukha ni Terence na dahilan kung bakit hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya dito.
Nang biglang dumating ang madrasta na humahangos palapit sa kanila at sinabi na si Larry, ang kapatid ni Via ay nakulong dahil kasama ito sa isang riot. At nakalaya ito sa tulong ni Terence at inutusan si Attorney Canlas para mag-asikaso.
Sinubukang kausapin ni Via si Terence kung ano ang gagawin upang makabawi. Dinala ni Terence si Via sa subdivision sa Makati, ang tinitirhan nina Lester at Terence, upang ipakilala ito kay Faith dahil panay ang paghahanap sa kanyang Daddy. Habang sa sasakyan pa lamang sina Via at Terence ay panay namang tinatanong si Via tungkol sa kanila ni Lester. Alam ni Via na hindi siya ang totoong fiancée ni Lester, pero sinubukan niyang magpanggap dahil kung ngayon na niya sasabihin ang totoo ay baka magalit pa si Terence at tuluyang mabulok sa kulungan ang kapatid. Sumasagot naman siya sa mga tanong ni Terence ngunit sa bawat sagot nito ay parang hindi siya sigurado dahilan ng pagdududa ni Terence.
Nang nakapasok na sila sa mansyon ay sinabi ni Terence kay Faith na habang wala ang kanyang Daddy ay makasama niya si Via. Tumaas bigla ang kilay niya dahil wala sa usapan nila na maging yaya sa bata at titira sa mansyon.
Maya-maya ay tumawag si Attorney Gil kay Terence at sinabing one hundred thousand ang kailangan upang iatras ang demanda kay Larry. Nabanggit din ni Terence kay Attorney na sa mansyon na titira si Via. Panay naman ang pagsalungat ni Attorney dahil hindi raw nila ito lubusang kilala si Via. Sa pagbaba ng telepono ay galit-na galit si Attorney at dali-daling tinawagan si Camille, siya pala ang kasbwat ni Camille para makuha ang kayamanan ni Lester.
Nang nakita na ni Lester si Camille ay sinumbatan ito dahil nabigo ang kanilang plano. Nagkaroon kasi ng problema sina Lester at Camille nang naabutan ni Lester sa condo ni Camille kasama si Dindo, ang ka live-in ni Camille. Mahirap lamang si Camille at may-anak pa na may sakit. Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa ay hindi sila nawalan ng pag-asa na makuha ang yaman ni Lester kaya nagplano na naman sila na magpakita na si Camille kay Terence at magpakilala bilang fiancée ni Lester.
Sa dalawang linggo palang na pamamalagi ni Via sa mansyon ay napamahal na agad siya kay Faith at kapwa nagkakasundo ang dalawa. Si Larry naman ay binigyan ng trabaho ni Terence sa kompanya nila. Dahil malaki na ang tulong ni Lester sa kanyang pamilya ay napadesisyonan na ni Via na sabihin ang totoo. Agad dumating sa mansyon si Lester at binalitang wala na ang kapatid kaya, hindi natuloy ni Via ang balak niya at nangakong hindi niya iiwanan si Faith. Sinabi ni Via kay Faith na wala na ang kanyang daddy at natanggap at naiintindihan ni Faith iyon.
Sa lamayan ay maraming nakiramay at isa roon si Camille na nagpakilala bilang isang fiancée ni Lester. Nag-aalinlangan at naguluhan si Terence habang iniisip si Via. Ngunit binigay ni Camille ang isang box na naglalaman ng letrato nila ni Lester, mga sulat at mga alahas na may nakaukit na pangalan nilang dalawa. Kaya hindi nakapagsalita si Terence at naniwala kay Camille.
Dali-dali itong umuwi sa mansyon at galit na galit na kina-usap si Via habang nagluluto.
“Who are you Olivia Meneses?” galit itong tugon kay Via habang mahigpit ang pagkahawak ni Terence sa braso ni Via. “Hayaan mo akong magpaliwanag” Pinaliwanag lahat ni Via tungkol sa kanila ni Lester, nang naaksidente sila ay iyon ang unang pagkakilala niya kay Lester at sinabi na ang singsing ay hindi raw karapat-dapat na ibigay iyon sa babaeng balak pakasalan ni Lester. Sa galit ni Terence ay pinagtabuyan niya si Via sa mansyon pero nagpumilit si Via na hindi siya aalis dahil kailangan siya ni Via at napamahal na ang bata sa kanya. Ngunit nasira na ang pagtitiwala ni Terence kay Via kaya lalo lamang nadagdagan ang galit niya kay Via. Pagkatapos ay nagpasalamat na lamang si Via kay Terence sa pagtulong nito sa kanyang pamilya at habang humahakbang paalis ay panay rin ang pagtulog ng kanyang luha.
Nang natapos na ang pagburol ay sinabi ni Camille kay Terence na buntis siya at si Lester daw ang ama. Doon na rin nakatira si Camille si mansyon. Si Via naman ay natanggal na sa trabaho doon sa Japanese restaurant. Naghahanap na siya ng trabaho ngunit tatlong kompanya ang inapplyan niya subalit pawang mga graduate ang hinahanap. Basing-basa na si Via nang nakarating sa waiting shed bahang patuloy pa rin ang pagpatak ng malakas na ulan. Habang si Terence ay pumunta sa bahay ni Via dahil hinahanap ito ni Faith at na miss niya rin ito. Ngunit wala si Via roon , sa halip sa lakas ng ulan ay hinanap  pa rin ni Terence si Via hanggang marating ang waiting shed. Nakita niya si Via sa waiting shed at dahil sa sobra niya itong na miss ay niyakap niya agad ito samantalang si Via ay inakala na nanaginip, at mahigpit niyang niyakap si Terence, na kung saan ay ayaw na niyag magising. Sa maikling panahon ng kanilang pagsasama ay mayroon na silang nararamdaman sa isa’t isa hanggang sa tuluyan nang nawalan ng malay si Via at hinatid ni ito Terence sa hospital na inapoy sa lagnat.
Magdamag ding nagbantay si Terence sa kanya. Nang nakagising na si Via ay may nakita siyang bulaklak sa tabi mula kay Terence. At nakagising din si Terence habang hinahaplos ni Via ang buhok nito. Doon, nanghingi ng patawad ang dalawa sa isa’t isa at nangakong magsisimulang muli at kalimutan na ang nakaraan. At patuloy ang ibang klaseng tibok ng puso ang kanilang nararamdaman.
Nang pauwi at nakarating na sila sa mansyon ay naabotan nila na sinasaktan si Faith ni Camille. Nakita ito nina Via at Terence at tumatakbo si Faith papunta kay Via at dali-dali niya itong niyakap. Napag-alaman na rin ni Terence na kasabwat sina Gil at Camille at hindi rin si Lester ang ama ng dinadala ni Camille. Nakulong ang dalawa.
Dalawang linggo na ang nakalipas ay panay pa rin na nakatanggap si Via ng puting rosas mula kay Terence tuwing umaga. Hanggang nagsabi na ito sa tunay na nararamdaman kay Via. Puno ng pagmamahal ang namumutawi sa dalawa ng panahong iyon hanggang sa nag-alok ng kasal si Terence kay Via. Mahal na mahal nila ang isa’t isa kaya pumayag agad si Via na magpakasal at pagkatapos ay may namomoong walang kasing tamis na kanilang halikan.


Sinoy, John Mark C.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento