Kabanata I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
Panimula
Ayon kay Loida V.
Bautista (1978), ang wika ay isang bagay na lubhang pinag-uukulan ng pansin ng
mga taong gumagamit nito. Marahil ganito nga ang palagay ng halos lahat ng tao
sapagkat mula pa sa pagsilang ay taglay na nito ito.
Bawat pangkat ng
tao ay may kani-kaniyang wikang ginagamit na nagpapakilala ng kanilang
pagkanatatangi sa bawat pangkat. Bunga ito ng katotohanang ang mga
tagapagsalita ng bawat pangkat ng mga tagapagsalita ay nakararanas ng mga
pangyayari sa lipunang ginagalawan na tangi lamang sa kanilang kultura na
ibang-iba sa pagkakaunawa at sa mga karanasan ng ibang pangkat. Ang ganitong
pangyayari ay nagpapaliwanag ng pagkakaroon ng iba’t-ibang varayti at varyasyon
ng wika na kanilang unawain.
Ang wikang Subanen
ay salitang tribu kung saan sila nagkakaintindihan sa pamamagitan ng kanilang
kultura o pananalita, ito rin ay isang katutubong wika na nagmula sa Mindanao
partikular sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte na
nabibilang sa Rehiyon 9 na tinatawag na Rehiyon ng Zamboanga Peninsula. Binubuo
ito ng iba’t-ibang dayalekto o wikain. Ang mga ito’y subordineyt ng isang
katulad na wika na ginagamit ng mga minoryang etnikong pangkat ng mga Subanen
mula sa Buug, Zamboanga Sibugay at Lapuyan, Zamboanga del Sur.
Cebuano ang
lingua franca sa Buug, Zamboanga Sibugay dahil mayoryang pangkat ang mga
Cebuano sa lugar na ito at minoryang pangkat lamang ang mga Subanen, samantala
lingua franca ang Subanen sa Lapuyan Zamboanga del Sur dahil mayorya ng mga
naninirahan dito ay mga Subanen.
Karaniwang
naririnig mula sa mga Subanen sa dalawang lugar na ito na distinct ang wikang
Subanen sa Zamboanga Sibugay sa wikang Subanen sa Zamboanga del Sur.
Nagkakaroon ng varayti at varyasyon maging sa katawagang kultural dahil hindi
ganap na naisasakatuparan o naisasakultura ang mga gawaing kultural ng
napahiwalay na maliit na pangkat. Tumutugon ito sa Teorya Akomodasyon
(Accommodation Theory) ni Howard Guiles (Santos et. al 2012) na tumutukoy sa
pagbabago ng paraan ng pagsasalita ng isang tao upang maging katulad o
di-katulad sa paraan ang pagsasalita ng kausap, na nasa uring convergence o
pakikihalubilo. Taliwas naman sa uring divergence kung saan nananatiling
matatag ang kultura ng isang malaking pangkat kung kaya’t higit nitong naiimpluwensyahan
ang kultura partikular ang wika ng maliit na pangkat sa kumunidad. Isang
magandang halimbawa nito ang pangkat ng mga Subanen na matatagpuan sa Zamboanga
Peninsula sa Mindanao.
Isinasagawa ang
isang pag-aaral sa wikang Subanen na ginagamit sa Buug, Zamboanga Sibugay at sa
Lapuyan, Zamboanga del Sur upang maipakita ang pagkakaiba o varayti at
varyasyon ng wikang subanen batay sa aspetong linggwistikal-leksikal at ponolohikal.
Paglalahad ng Suliranin
Ang mananaliksik ay
gumawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng paghahambing ng Wikang Subanen ng Buug at
Wikang Subanen ng Lapuyan. Ang pag-aaral na ito ay maglalayong malaman ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang wikang ito.
Sa pag-aaral na ito ay sinikap ng mananaliksik na sagutin ang mga
katanungang nangangailangan ng mga kasagutan, gayun na lamang sa mga layunin
nito sa pagsusuring linggwistikal.
1.
Ano ang kahulugan ng
varyasyong leksikal?
2.
Ano ang kahulugan ng
varyasyong ponolohikal?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na
ito ay mahalaga para sa mga mag-aaral, dahil ito ay maaari nilang gawing gabay
kung sila ay gustong matuto sa wikang Subanen. Malaman din nila sa pamamagitan
nito kung anu-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang wikaing ito.
Sa mga guro,
lalung-lalo na sa nagtuturo ng wika, ito ay mahalaga sa kanila dahil dapat din
silang matuto upang maintindihan nila ang mga mag-aaral at mahanapan nila ng
epektibong paraan ng pagtuturo. Ito ay maaari rin nilang gawing gabay sa
pagtuturo ng wikang Ingles o Filipino. Malalaman din nila ang mga salitang
mahirap bigkasin dahil ito ay may katumbas sa Filipino.
Nakakatulong din
ang pag-aaral na ito sa mga linggwista na nag-aaral tungkol sa varayti at
varyasyon ng wikang Subanen. Ganoon na rin sa lipunang napabilang na kung saan
nakaankla ang kultura.
Ang pag-aaral na ito ay makapagbigay rin ng malawak na kaalaman sa
iba pang may kaugnayan sa edukasyon. Ito ay maaari nilang gawing gabay kung may
gusto silang malaman tungkol sa wikang Subanen ng Buug, Zamboanga Sibugay at
Lapuyan, Zamboanga del Sur.
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT MGA PAG-AARAL
Mga Kaugnay na Literatura
Ayon kay Edward Sapir (galing sa memyogron 1949), ang wika ay
isang pamamaraanng pakikipag-unawan o pakikipagbatiran na ang ginagamit ay mga
tunog na binibigkas. Dahil sa tunog na ating binibigkas tayo ay makapaghatid ng
ating niloloob sa ating kapwa tao. Ito
rin ay isang paraan na magkaunawaan ang isa’t-isa. Ang wika rin ay nilikha ng
tao upang maipahayag at maipaunawa ang kahulugan ng mga bagay-bagay sa kanyang
sarili at sa kapwa.
Dahil sa wika ang tao ay nakapagpapahayag ng kaniyang niloloob at
nagkakaunawaan ang kapwa tao. Ang gustong ipahayag sa kapwa ay naipapahayag ng
maayos at naibabahagi ito sa nakapaligid nito,
Ayon sa Magasing diwa (1965), ang wika ay isang pamamaraang ginagamit
sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat.
Ang wika ay may dalawang paraan upang ipahayag ito ang pagsasalita
na ating palaging ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Ang pagsulat
naman ay paraan din ng wika sa paglalahad o pagpapabatid ng nadarama, damdamin,
at kaisipan isa na ang halimbawa nito ay ang pagsulat ng ating bayaning si Dr.
Jose Rizal upang ipahayag ang nais iparating sa mga mananakop.
Ayon kay Loida V. Bautista (1978) ang wika ay isang bagay na
lubhang pinag-uukulan ng pansin ng mga taong gumagamit nito. Marahil ganito nga
ang palagay ng halos lahat ng tao sapagkat mula pa sa pagsilang ay taglay na
nito ito, kaya’t hindi inusisa ang pinagmulan at kasaysayan nito.
Ayon kay Clyde Kluckhon (galling sa memyograpo),ang wika ay isang
uri ng ugaling pangkultura. Ito ay kasalaminan ng kultura ng isang lahi maging
ang kanilang mga karanasan.
Halimbawa rito sa Pilipinas
tayo ay mayaman sa kapalangan at mga kabukiran, kaya pagsasaka ang lagging
pinahahalagan sa ating tula at kwento. Ito rin ay maaaring pagkakakilanlan ng
bawat pangkat o grupong gumagamit ng kakaiba ng mga salitang hindi lamang
laganap.
Ang sanhing
nambingang pag-aaral ay nahahambing ng pagkakahawig at pagkakaiba ng mga ponema
upang matanto kung ano ang mga salita mga pangyayari, kalagayan o Gawain. Ang
sanhing nambingang pamamaraan ay naglalayon hindi sa ano ang kahawig na ponema
ngunit pag-alaman sa pagkakaiba ng natural na pangkat o ang mapiling pangkat.
Kung tatanggapin
natin ang mga paliwanag ng B.F. Skinner tungkol sa pagkatuto ng wika, maaaring
isipin natin na pareho ang sikolohikal na proseso sa ating pagkakaroon ng
katutubong wika at sa ating pagkatuto ng ikalawang wika. Sa lalo’t medaling
sabi, pareho nating natutuhan sa pagsasanay at sa pagsunod ng bat sa kanyang
mga magulang bilang modelo.
Bilang
konklusyon, ang karunungan natin sa katutubong wika ay nahahanay sa “language
acquisition” samantalang halos lahat sa atin marunong sa Ingles dahil sa
pag-aaral o “language learning”. Ang unang wika ay nakamtan, ang ikalawang wika
ay pinagsanayan.
Ayon sa nabasa ng mananaliksik sa pag-aaral ni Malagew (1972), ang
subanen ay isa sa pinakamaliit na pangkat sa lahat ng mga minoriya nito sa
Pilipinas.
Dumating ang panahon, ang mag subanen ay nabigo sa pagkakaisa.
Bawat isa sa pangkat ay hindi na nakipagsalamuha sa isa’t-isa kaya, sa ngayon
iba’t-iba na ang pag-uugali at mga diyalekto nila.
Ang orihinal na mga tao ng Zamboanga
ay ang mga Subanen na Indonesian na dumating sa tungkol sa 2,000 sa 6,000 taon
na ang nakalilipas. Sila ay mga tao sa baybayin na naniniwala sa espiritu ng
kanilang mga ninuno at ang mga pwersa ng kalikasan. Nang dumating ang mga
Muslim, sila ay itinutulak sa mga liblib na lugar at nanirahan sa kahabaan ng
ilog. Kaya, ang mga pangalang Suba ay
ibig sabihin mga tao ng ilog. Ang Subanenna makipag-usap sa pamamagitan
ng kanilang wika Subano ginusto at magsuot makukulay na mga damit at
accessories. Itim, pula, at puti ay ang kanilang mga paboritong kulay. Ang mga
kababaihan ay madalas magsuot ng pulang hikaw na tumutugma sa beaded necklaces.
Tulad ng iba pang mga tribo, Subanens may kanilang sariling entertainment o
paraan ng tinatangkilik ang buhay. Gusto nila na musika. Ang Ginarang o
Migboat, Basimba, Gatagan at Sirdel o Sumumigaling ang ilan sa kanilang mga
kanta. Ang mga ito ay Sung sa saliw ng kanilang mga instrumento tulad ng Gong,
Kutapi, Sigitan, Lantoy, Kulaying at Tambubok
hukuman sa pamamagitan ng mga awit at sayaw. Ang kanilang pag-aasawa ng
mga pasadyang ay ginagawa sa pamamagitan Taltal. Ngunit bukod sa kanilang dance
hukuman, sila din ay may digmaan at ritwal sayaw na nagsasagawa ang mga ito sa
panahon ng panlipunang pagtitipon at mga espesyal na okasyon tulad ng weddings,
atbp Ang mga tribo? S istraktura pampulitika ay binubuo ng isang Timuay
katumbas ng barangay kapitan na mayroon tayo ngayon. Ang Timuay sumusubok kaso
na kinasasangkutan ng mga krimen at moral na kahiya-hiyang kasamaan. Sa kaso na
hindi maaaring magpasya ang Timuay sa kaso o kung ito ay nagsasangkot ang kaso
karumaldumal na krimen, siya ay hindi magbigay ng pangwakas na hatol.
Ang
komonwelt ng Pilipinas noong 1936 ipinahayag Zambaonga bilang Charter City.
Pag-unlad at pag-unlad sa Zamboanga patuloy at noong 1983, ang Interior
Minister Jose Roño ipinahayag Zamboanga City bilang pinakamaas na urban sa
syudad..
Nalaman
ng Kastila kahirapan sa pagbigkas "Samboangan" at sa halip ay tinawag
ang lugar na "Zamboanga". Ang lungsod ay may mayaman at makulay na
kasaysayan. Ito ay ang sentro ng barter kalakalan sa pagitan ng Chinese, Malays
at ang katutubong Tausug, Samals, Subanens, at ang mga Badjao nang maaga bilang
ang ika-13 at ika-14 siglo. Ito ay sa 1569 nang ang mga Kastila ng kanilang
presence nadama sa isang maliit na Katoliko Mission itinatag sa madaling sabi
sa La Caldera, na kilala na ngayon bilang Recodo. Karamihan mamaya sa Hunyo 23,
1635, ang siyang pundasyon ng kung ano ngayon ay kilala bilang Fort Pilar ay
inilatag sa pamamagitan ng Ama Melchor de Vera, isang Heswita Pari-Engineer at
ang mga awtoridad ng Espanyol. Ang petsang ito minarkahan ang pagbabago ng
pangalan ng lugar mula sa Samboangan sa Zamboanga. Ito ay date founding ng
lungsod.
Noong
1899, pagkatapos na pagkatapos ng Digmaang Espanyol-Amerikano sa Pilipinas, ang
Estados Unidos ng Amerika na itinatag full awtoridad sa Zamboanga. Ang isang
espesyal na form ng pamahalaan ay itinatag sa Mindanao at Sulu. Zamboanga ay
ginawa ang kapitolyo. Ang unang paraan ng kung saan ay ang Moro province at sa
panahon ng 12 taon ng pag-iral nito, na-convert ang Militar Pamahalaang
Amerikano sa Pilipinas Zamboanga sa isang lungsod sa Commission Form, ang unang
lalawigan ng Mindanao upang maging isang lungsod. Gayunman, ang pamahalaan ng
Moro Province ay inalis upang magbigay daan sa isang bagong form ng pamahalaan,
ang Department of Mindanao at Sulu. Ang porma
ng pamahalaan na ipinagkatiwala sa mga Pilipino sa mga residente ng
Zamboanga halos lahat ng mga posisyon sa pamahalaan.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Ang “Isang Pag-aaral at Pagsusuri sa mga Bayon ng Subanen sa
Zamboanga del Sur” ni Mauricio L. Uy (1971), ay isang pag-aaral sa mga
talasalitan sa Sebuwano-Bisaya at ng mga ponema sa Filipino at Sebuwano-Bisaya
at ng mga baybay nito.
Ang pag-aaral na ito ay kaugnay sa pag-aaral ng mananaliksik dahil
nakapokus ito sa ponema at baybay ng subanen.
Ang “Isang Paghambing ng Pag-aaral ng sebuwanong ginagamit sa
Misamis Oriental at Surigao del Norte” ni Rosalinda Z. Plata (1977) ay
tumalakay din sa paghahambing ng iba’t-ibang panig ng balarila ng dalawang
wika.
Ito ay kaugnay sa pag-aaral dahil binibigyang diin dito ang
tungkol sa mga ponema at ang kaugnayan nito sa bawat isa.
Ang “Isang Paghahambing ng Wikang Subanen at Wikang Filipino” ni
Vilma T. Solino (1995), ay isang pag-aaral tungkol sa paghahambing ng Wikang
Subanen sa Filipino. Nakatulong din ito nang malaki sa may-akda sa kanyang
pananaliksik.
Ang “Varayti at Varyasyon ng Wikang Subanen sa Zamboanga del Sur”
ni Julieta Cruz-Cebrero (2005) na tungkol sa Varyasyong Leksikal sa mga
Diyalektong Subanen at Varyasyong Ponolohikal sa mga Diyalektong Subanen.
Lahat ng mga akdang nabanggit sa unahan ay may kaugnayan sa
pag-aaral na ito dahil ang mag ito ay napagkunan ng mga ideya, impormasyon at
kaalaman batay sa paksa ng mananaliksik. Ang mga ito ay nagsisilbing gabay sa
kasalukuyang pananaliksik.
Kabanata III
METODOLOHIYA
Inilahad sa kabanatang
ito ang pamaraang ginagamit sa pananaliksik at ang pagsagawa ng mga datos.
Ang pamaraang ginagamit ng
mananaliksik ay palarawan. Palarawan dahil inilarawan ng mananaliksik ang pagkakaiba , varayti at varyasyon at
pagkakapareho ng wikang Subanen ng Buug, Zamboanga Sibugay at Lapuyan,
Zamboanga del Sur. Gamit ang kwalitatibo sa pagsusuri at pagtatalakay ng mga
datos.
Mga Impormante
Diomedes M. Tumutod, siya yung
nagturo ng mga salita sa Lapuyan at Buug. Siya rin ang nagsalin sa Filipino.
Pauline S. Sumpo, siya ang
nagturo kung paano bigkasin ang mga salita.
Maria T. Daulong, siya ang
nagsabi ng mga madaling salita.
Paghahanap ng Datos
1.
Ang mananaliksik ay naghanap
ng mga aklat para makunan ng mga datos sa pag-aaral nang sa gayon ay yumaman at
umunlad ang pag-aaral na ito.
2.
Nagbasa at kumuha ng mga
datos sa mga di-nalathalang tesis para sa kaugnay na babasahin at pag-aaral.
3.
Nakipagsangguni ang
mananaliksik sa mga taong may kinalaman sa pag-aaral ng wikang subanen
lalong-lalo na kay Ginang Diomedes M. Tumutod na taga Purok 5, Manlin, Buug
Zamboanga Sibugay.
4.
Sinuri at inalam ang mga
kasagutan sa mga katanungang inilahad sa unang kabanata.
Kabanata IV
Pagsusuring Linggwistikal
Sa pagsusuring linggwistikal, pinaghiwalay ang mga salita sa mga
katawagang kultural na binunuo ng higit sa isang salitang pangnilalaman. Sa
paghihiwalay ng mga salitang ito, nakalikom ng mga saliat na siyang ginagamit
sa pagsusuring leksikal at ponolohikal.
Varyasyong Leksikal – Tinutukoy ng varyasyong
leksikal ang mga salitang magkakaiba ang anyo ngunit mayroon lamang magkatulad
na kahulugan.
Talahanayan
1
Magkaibang-magkaiba sa Anyo
Subanen-buug Subanen-Lapuyan Filipino
Phenileb pektai pananahi
Suphak sebela limampung
piso
Thiring libat duling
Talu denda salita
Bebat samaba kanta
Tenteng tenggi tingin
Bero meco baho
Melengis ketawa tawa
Pedelak habak tapon
Ito ang mga siyam na salita
na nalikom kung saan ating mababasa na magkaibang-magkaiba talaga sa anyo.
Tulad ng salitang subanen ng Buug na “phenileb” na kung saan “pektai” naman sa lapuyan, salitang “suphak”
ng Buug na kung saan “sebela” naman sa lapuyan, salitang “thiring” sa Buug kung
saan “libat” naman sa lapuyan, salitang “talu” sa Buug
kung saan “denda” naman sa lapuyan, salitang “bebat” sa Buug kung saan “samaba”
naman sa lapuyan, salitang “tenteng” sa Buug kung saan “tenggi” naman sa
lapuyan, salitang “bero” sa Buug kung saan “meco” naman sa lapuyan, salitang “melengis”
sa Buug akung saan “katawa” naman sa
lapuyan, at salitang “pedelak” ng Buug kung saan “habak” naman sa Lapuyan na
ang ibig sabihin ay tapon.
Talahanayan
2
Magkaiba sa Isa o Dalawang Letra
Subanen-Buug Subanen-Lapuyan
Filipino
Abokado gabukado abokado
Dlangit langit langit
Tuluga tulug tulog
Gayad
geyad iyak
Sot sut sayaw
Besay betay sigaw
Bathi
mathi basa
Puli phuli balik
Ligo meligo ligo
Dlemesek dlemesik kalat
Dliro midliro away
Beseheg meseg bilis
Benit menit init
Sa talahanayan 2 makikita
amg mga salitang magkaiba sa isa o dalawang letra tulad ng mga salitang
abokado, dlangit, tuluga, gayad, sot, besay, bathi, puli, ligo, dlemesek,
dliro, beseheg at benit ng Buug na sa subanen ng Lapuyan ay ito naman,
gabokado, langit, tulug, geyad, sut, betay, mathi, phuli, meligo, dlemesik,
medliro, meseheg at menit na ang ibig sabihin sa Filipino ay abokado, langit,
tulog, iyak, sayaw, siagw, basa, balik, ligo, kalat, away, bilis at init.
Talahanayan 3
Magkatulad ng magkatulad sa Anyo
Subanen-Buug Subanen-Lapuyan Filipino
Delega delega dalaga
Gangas gangas noo
Ngisi ngisi ngipin
Sulat sulat sulat
Human human kain
Panaw panaw lakad
Gebek gebek takbo
Ginghud ginghud upo
Dluto dluto luto
Suntok suntok suntok
Larga larga likas
Dupi dupi ulan
Menuktok menuktok katok
Makikita sa talahanayan
3 na magkatulad na magkatulad lamang sa anyo ang mga salita ng Subanen ng Buug
at Subanen ng Lapuyan, tulad ng mga salitang ito delega, gangas, ngisi, sulat,
human, panaw, gebek, ginghud, dluto, suntok, larga, dupi at menuktok.
Varyasyong Ponolohikal – Pagkakaiba-iba sa mga tunog
o ponema ng isang wika ang tinutukoy ng varyasyong ponolohikal. Upang matukoy
ito sa wikang subanen, hinato ang varyasyong ponolohikal sa paran ng pabigkas,
diptonggo at kambal-katinig o klaster.
Ayon kina o’ Grady at Dubrovolsky (1983:197), higit na
kapansin-pansin ang varyasyong ponolohikal sa isang wika.
Paraan ng Pagbigkas
Mga halimbawa:
Subanen-Buug Subanen-Lapuyan Filipino
ngisi:/nI.sIh/ ngisi:/nI.sIh/ ngipin
phased:/pha.sid/ pasad:/pa.sad/ pangako
phanaw:/pha.naw/ panaw:/pe.naw/ lakad
Diptonggo – ang diptonggo ang magkasamang tunog ng isang patinig at ng isang
malapatinig. Ngunit sa Subanen Buug ay may baybay itong kakaiba sa Subanen
Lapuyan.
Fil. – Nagmamahalan Fil.
– Pamahalaan
Sub-Buug-Midelamay Sub-Buug-Guhuman
Sub-Lap-Medlehilelamay Sub-Lap-Pedleguhuman
Magkagayun paman,
masasabi pa ring pareho lamang ang mga diptonggo sa mga dayalektong Subanen
tulad ng /ay/, /uy/ at /aw/. Ngunit bunga ng impluwensya ng ibang wika, pumasok
sa wikang subanen ang diptonggong /oy/. Ngunit karaniwang ang salitang may
letrang o at yna magkasunod o oy ay binibigkas ng /uy/
particular sa Subanen-Lapuyan.
/ay/
Filipino Subanen-Buug Subanen-Lapuyan
atay gatay/gha.teay/ gathay/ga.eay/
sigaw besay/bhe.say/ bethay/be.eay/
/aw/
Filipino Subanen-Buug Subanen-Lapuyan
Tao gataw/getaw/ getaw/getaw/
ginaw betedaw/botodaw/ metiddaw/me.ti.daw/
lakad phanaw/phenaw/ panaw/penaw/
/uy/
Filipino Subanen-Buug Subanen-Lapuyan
baboy gbaboy/gba.buy/ gbaboy.gba.buy/
Kambal –
Katinig o Klaster– ang kambal katinig o klaster
ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantinig. Maaari itong matagpuan
sa unahan, gitna o hulihan ng salita. Sa mga na kolektang salita na nagtataglay
ng mga kambal-katinig o klaster.
Hal:
/dw/ /dy/
Fil. – Dalawa Fil. – Panahon
Sub-Buug-Dwa Sub-Buug-Dyahay
Sub-Lap-dwa Sub-Lap-dyangha
/ny/ /sy/
Fil. – Kaluluwa Fil. – Ikasiyam
Sub-Buug-nyawa Sub.Buug-Syamdaw
Sub-Lap-nyawa Sub-Lap-Hesyam
Buod
Parehong tinatawag na
wikang Subanen ang ginagamit sa Buug, Zamboanga Sibugay at Lapuyan, Zamboanga
del Sur kinakitaan naman ng linggwistikong pagkakaiba-iba o varyasyon ang
wikang ginagamit sa dalawang lugar. Samantala, sa mga halimbawa ng mga salita
na ginagamit sa mga katawagang grupo tulad ng Siklo ng buhay, Pangkabuhayan at
Pananampalataya ay nagpapakita lamang ng pagkakaiba at parehong bawat salita.
Sa pagsusuring leksikal. Pinaghihiwalay ito batay o ayon sa katawagang kultural
na binubuo ng higit sa isang salitang pangnilalaman na ating natunghayan ang
pagkakaiba at pagkakapareho ng bawat salitang ginagamit.
Sa talahanayang ginawa sa pagsusuring linggwistikal, pinaghiwalay
ang mga salita sa mga katawagang kultural na binunuo ng higit sa isang salitang
pangnilalaman.Sa ikalawang talahanayan
makikita ang mga salitang magkaiba sa isa o dalawang letra at sa ikatlong talahanayan naman na magkatulad
na magkatulad lamang sa anyo ang mga salita ng Subanen ng Buug at Subanen ng
Lapuyan.Sa varyasyong ponolohikal naman may pagkakaiba-iba sa mga tunog o
ponema ng isang wika. Sa paraan ng pagbugkas tulad ng diptonggo ay may
magkasamang tunog ng isang patinig at ng isang malapatinig ngunit sa
Subanenng Buug ay may baybay itong
kakaiba sa Subanen ng Lapuyan.b Sa kambal-katinig o kalaster naman ay may magkasunod na ponemang katinig sa isang
pantinig. Maaari itong matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng salita.
Natuklasan
Sa pag-aaral na
ito ay natuklasan ng mananaliksik ang pagkakatulad ng dalawang wika sa kanilang
varyasyong leksikal sa anyo at letra. Sa varyasyong ponolohikal sa pagbigkas,
diptonggo, at mga klaster. Nagkakaiba lamang sila sa larangan ng ponemang
malayong nagpapalit. Halimbawa, sa paraan ng pagbigkas ng salitang “ngisi”
ng Buug
na /nI.sIh/ sa pagbasa na
gayundin naman sa lapuyan.Sa diptonggo
ang salitang “midelamay” ng Buug kung
saan “medlehilelamay” naman sa lapuyan na ang ibig sabihin ay nagmamahalan. Sa
kambal-katinig o klaster naman halimbawa nito ang salitang “Dyahay” ng Buug at
“dayangha” naman sa lapuyan na ibig
sabihin ay panahon.
Konklusyon
Ang mga
varyasyong sa mga varayti ng wikang subanen ay maaaring sa mga sumusunod na
kadahilanan: (1) Linggwistikong factor kung saan hindi maiiwasn ang panghihiram
lalo na ng Subanen-Buug sa wikang Cebuano, at ng Subanen-Lapuyan sa paraan ng pagbigkas
ng mga nakasalamuhang mga misyonerong Amerikano noon. Patibay dito ang pagtawag
sa Lapuyan bilang “Little America”, (2) Susydinggwistikong factor kung saan
naapektuhan ang wika dahil sa pabikihalubilo lalo na sa mga taga Buug dahil minoryang
grupo sila sa lugar at mayoryang grupo ang mga Cebuano: (3) Sikolohikong factor
dahil sa pammalagay na mas prestihiyoso ang nagmamay-ari ng wika, tulad ng mga
Cebuano; at mga Amerikano, kaysa sa kanilang grupo.
Bagamat
maituturing pa ring mutually intelligible ang Subanen-Buug at Subanen-Lapuyan,
maaaring dumating ang panahon na ang mga dayalektong ito ay magiging mutually
unintelligible kung hindi isasakultura ang kanilang mga gawaing kultural.
Ang
pagkakalayu-layo ng mga lugar na pinaninirahan ng mga subanen ay may malaking
impluwensya sa pagkabuo ng mga varyasyong leksikal at ponolohikal sa kanilang
wika.
Mga Reperinsiya
Mga Libro
Mangahis, Josefina C.et.al Komunikasyon saAkademikong Filipino,
Quezon City: C & E Publishing Inc. 2005.
Santos, Angelina L. et.al . Varayti at Varyasyong ng Wikang
Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain, Iligan City: MSU-Iligan Institute of Technology. 2005.
Sapir, Edward. Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Quezon City:
C & E Publishing Inc. 1949.
Di-Nalathalang Tesis
Pasang, Judy B. atbp.Isang Pag-aaral at Pagsusuri sa mga Piling
Kwentong-BayangSubanen. Di-nalathalang Tesis, MSU-Buug College, Buug, Zamboanga
del Sur. 1995.
Solino, Vilma T. atbp.Isang Paghahambing sa Wikang Subanen at
Wikang Filipino. Di-nalathalang Tesis,
MSU-Buug College, Buug, Zamboanga del Sur. 1995.
Websayt
Cebrero, Julieta C. atbp. Dayalektal na Diversidad ng Wikang
Subanen sa ZamboangaPeninsula.apjeas.apjmr.com/wp.content/uploads/2014/09/APJEAS-2014-064-pdf.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento