Huwebes, Disyembre 15, 2016

Tulang walong pantig

 Walong Pantig

SA PAGBUHOS NG ULAN

Ni: John Mark C. Sinoy

I.
Ipaaagos ko na lang,
Sa ulan ang  kalungkutan.
Kahit na alam ko naman,
Hindi kita mapigilan.

II.
Katulad nitong pagbuhos,
Sa ulan ay umaagos,
Damdamin kong naghikahos,
Pusong nasaktan ng lubos.

III.
Sana ay makayaan ko,
Limutin ang sakit na‘to.
Kahit pa ang totoo,
Kakayanin para sa’yo.

IV.
Alam ko namang masakit,
At sana'y hindi pinilit.
Ngunit hindi na mawaglit,
Sa pusong puno ng galit.







V.
Kaya't ang mga ala-ala,
Buburahin ko na, sinta.
Ipipikit ang mga mata,
Upang hindi na makita.

VI.
Sana’y  paghinto ng ulan,
Ika'y aking malimutan.
Ngunit ‘di mangyayari ‘yan,

Dahil mahal ka, kailanman.

1 komento: