Huwebes, Disyembre 15, 2016

tulang walong pantig tukso



 


2. Walong Pantig
TUKSO
Ni: John Mark C.Sinoy
I.
Mayroon akong sikreto,
Matagal kong tinatago,
Nagpapasakit sa ulo,
Pati na rin sa’king puso.
II.
‘Di ko alam ang gagawin,
Kung paano sasabihin,
Pati na ang magsimula,
Na kay hirap pang magawa.
III.
Sisimulan ko sa araw,
Nang kami ay sumasayaw,
Sa lugar na patay-sindi,
At umupong magkatabi.
IV.
Minsan kami’y nagka-usap,
Habang ako’y sumusulyap,
Sa dibdib niyang kay sarap,
Hawakan at nang mayakap.



V.
Hindi ako makatiis,
Titigan ang kanyang kutis,
Lumalabas aking pawis,
Sa nakikitang kay tamis,
VI.
Nang sya’y aking nakilala,
Lubos akong humahanga,
Bukod na siya’y maganda,
Siya’y mabait din pala.
VII.
Pagkatapos ng kwentohan,
Tapos din aming inuman,
Tapos na rin ang sayawan,
At oras na nang uwian.
VIII.
Parang kami ay nahilo,
Nang minsan siyang tumayo,
Natumba’t aking nasalo,
At nagsimula ang tukso.
IX.
Hinding-hindi mapigilan,
Aking puso at isipan,
Kusa ang aking katawan,
Niyakap sya at hinagkan.



X.
Alam kong walang kasama,
Babaeng ubod ng ganda,
Ngunit sumama ng kusa,
Sa kotse’y kami’y pumunta.
XI.
Sa kotse’y di mapakali,
‘Di mapigil ang sarili,
Sa tuksong nasa’king tabi,
Doon mayroong nangyari.
XII.
Pagkatapos ng nangyari,
Parang ako’y nagsisisi,
Ang babae’y dali-dali,
Na nag-ayos at umuwi.
XIII.
Kamaliang nagawa ko,
Nagawang dulot ng tukso,
At doon na napagtanto,
Ikakasal pala ako.
XIV.
Sa gabing bago ang kasal,
Ako ay nangungumpisal,
At hindi pa nakatulog,
Sabay ang lakas ng kulog.


XV.
At sa araw ng kasalan,
Ako ay kinakabahan,
Nang hindi pa nagsimula,
 Ako’y mistulang naluha.
XVI.
Habang siya’y naglalakad,
Ang babaeng hinahangad,
Lubos ko ring hinahangad,
Ako sana’y mapatawad.
XVII.
Isang buwang nakalipas,
Nakita muli ang ahas,
Nakaraa’y naalala,
Tukso, ako’y lubayan na.
XVIII.
Mananatiling sikreto,
Ang maling dulot ng tukso,
Sana’y aking malimutan,

Ang mali ng nakaraan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento