Huwebes, Disyembre 15, 2016

Sampung Pantig PAALAM NA

Sampung Pantig

PAALAM NA

Ni: John Mark C.Sinoy
I.
Paggawang tula’y ‘di makayanan,
Bakante ang puso at isipan.
Pag-ibig ko sa’yo inilaan,
Ako ba’y iyong tuluyang iwan?
II.
Sa panaginip di ka kasama,
Gunitain man sa ala-ala.
Anong nangyari sa’ting dalawa?
Ikaw na pag-ibig, ay wala na.
III.
Kung wala ako, ika’y masaya,
Habang ako, ‘di kayang wala ka.
Pag-ibig, ganito ba talaga?
Palaging talo, sawi’t umasa.
IV.
Dapat nga bang ika’y pakawalan,
Ika’y walang pag-ibig, kailanman,
Sa’tin, umibig ay ako lamang,
Ako lang ang palaging luhaan.
V.
Kaya hindi na ako aasa,
Sa araw na ako’y ibigin pa.
Salamat at ika’y nakilala.

Hanggang dito na lang, paalam na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento