Huwebes, Disyembre 15, 2016

Sanaysay sa Kasalukuyan

Sanaysay sa Kasalukuyan

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Kahulugan ng Sanaysay

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.
Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.

Mga Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo

Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Sulating Di-pormal o Impormal

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

May Iba Pang Sanaysay:

·         Kailangan ang Medikal na Tulong – Sanaysay Payo
·         Ang Kahalagahan ng Recycle – Sanaysay Tungkol sa Recycling
·         Tamang Pangangalaga sa Kabayo – Bernadette Biko
Di-Pormal na Sanaysay
·         Istorya ng Pinto
·         Kapag Lumaki Na

Paksa ng Sanaysay
·         Edukasyon
·         Kahirapan
·         Droga
·         Kapaligiran o Kalikasan
·         Pagmamahal sa magulang
·         Kabataan
·         Pamumuhay
·         Pag-ibig



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento