Huwebes, Disyembre 15, 2016

Nobela

Desisyon

Ni: John Mark C. Sinoy

Kabanata 1
Jane

                I believe that life is full of decisions. Sa araw araw ng buhay natin, kailangan nating gumawa ng mga desisyon. Babangon ba ako sa kama o hindi? Kakain ba ako ng almusal o hindi? Sasakay ba ako sa kotse o mag co-commute na lang? Simpleng desisyon.
                Pero naranasan niyo na bang gumawa ng decision kung saan ito ang naging dahilan para magbago ang pananaw mo sa buhay? Isang napaka hirap na desisyon kung saan madami kang nasaktan, pero alam mo sa sarili mo that among all of them, ikaw ang pinaka nasaktan dahil ikaw mismo ay nagsisisi sa nagawa mong desisyon? I’m now riding an airplane boarding to London, England. I’m leaving everything behind..... including him.
                Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko sa napakalaking pagkakamali na nagawa ko. Sana nakuha ko manlang mag paalam sa kanya. Sana nasabi ko manlang kung gaano ko siya kamahal. Sana hanggang ngayon, kasama ko parin siya. Pero sa isang maling desisyon, nawala saakin ang lahat, pati ang kaligayahan ko.
                Two years ago,
 “Sige na pumapayag na ako! Doon ka na mag enroll sa school na yun! But make sure na matataas ang grades mo or else ililipat talaga kita sa Johnson Academy!”
                Sabi saakin ni Daddy. Bigla naman akong napatalon at napayakap dahil sa sinabi niya.
 “I promise dad! I promise na pagbubutihin ko talaga! Thank you dad! Thank you!”
                I am Jane Gonzales, a daughter of an elite business man. Incoming first year highschool na ako and usually, ang mga kasing edad ko na mga kapwa elites ay nag eenroll sa Johnson Academy, isang prestigious paaralan na kilala sa bansa.
                 Pero ako hindi. Nag enroll lang ako sa isang mumurahing private school kung saan ang mga taong makakasalamuha ko ay mga average people lang. Yung tipong masaya na silang nakakakain ng apat na beses sa isang araw.
                 Nung una ayaw pa akong pag aralin ni daddy dito kasi kumpara nga naman sa standards ng Johnson Academy, walang wala itong school na papasukan ko. Isa pa hindi daw di-aircon ang mga classroom at maliit lang yung school.
                Pero wala akong paki doon. Gustong gusto ko talaga mag-aral sa school na yun. Gusto kong mamuhay ng simple. Ayoko ng makihalubilo pa sa mga mayayaman na wala namang ibang ginawa kundi ang mang kutya. Doon kasi sa dati kong school, madalas akong nabu-bully ng mga kaklase kong babae.
                Sabi naman ng ilan kong mga kaibigan ay naiingit lang yung mga nambu-bully saakin dahil ako daw ang madalas ilaban ng teacher namin noon sa mga quiz bee contests pati narin sa mga kung ano anong beauty contest sa school. Oo, marahil yun ang dahilan, pero grabe na akong na-trauma doon. Masyadong competitive ang mga tao to the point na nagagawan nilang saktan ang kapwa nila para manalo lang.
                Kaya naisip ko, siguro kung doon ako sa mas simpleng school, wala ng mangyayaring ganito. At hindi nga ako nagkamali. Naging masaya ang stay ko sa bago kong paaralan. Mababait yung mga kaklase ko. Well hindi sila katulad ng mga kaklase ko dati. Let say, mas mahaharot sila at mas padalos dalos kumilos. Pero kahit ganun ang mga yun, mga tunay silang kaibigan at marunong gumalang ng pagkatao mo.
                Freshmen pa lang din ako ay nawili na ako sa pagsali sa iba’t ibang clubs sa school pero ang pinaka nag enjoy ako ay nung sumali ako sa taekwondo club. Nung una sumali lang ako para ma-exercise ang katawan ko at hindi ako tumaba kakakain, but it turns out na nakaka enjoy din pala ang sports na to.
                Pati narin ang mga kasamahan ko sa team, sobrang saya nila kasama. Mga bandang November ng magkaroon ng sportsfest sa school namin. May ilang mga schools kami na ininvite para lumaban saamin at isa na doon yung Johnson Academy, yung dapat na school na papasukan ko.
                At dahil dakilang bitter ako sa mga dati kong mga kaklase na nagaaral sa school na yan ngayon, lahat ng mga varsity sa iba’t ibang sports na lalaban sa Johnson Academy ay todo encouragement ako para pabagsakin ang school na yan! Bwahahahaha! At syempre nag practice din ako ng husto no! Hindi ako makakapayag na matatalo ako ng mga nag hahari-harian at reyna reynahang mga mayayamang tao.

Kabanata 2
Sportsfest

                 “Ikaw na Jane! Ikaw na talaga!”
                Puri saakin ni Arnie, kasamahan ko sa taekwondo team, matapos ang game namin sa Johnson Academy.
 “Biruin mo yun, mas malaki yung kalaban mo pero napatumba mo? ang galing mo talaga!”
“Thanks ikaw din naman eh! natalo mo din yung kalaban mo!”
 “Syempre malakas ang team natin eh!”
                Sabi niya saakin. Napangiti ako. Mission accomplished! Natalo namin sa taekwondo ang Johnson Academy! Mwahahaha. Dahil sa panalo kami sa laban namin sa taekwondo, nag treat naman yung coach namin ng lunch pero bumalik din kami agad nun sa school dahil nag volunteer kami as medics in case na may mga ma-injured na players.                
“Jane and Arnie, doon muna kayo mag bantay sa game ng volleyball tapos kami naman sa swimming. If ever may mainjure sa ibang games, tatawagin na lang namin kayo. Sorry ha? Kunti lang kasi talaga ang nag volunteer na medics eh. And salamat sa pagtulong niyo saamin”
                Sabi nung P.E teacher namin.
“Ok lang po yun! wala naman kaming gagawin na ni Jane”
                Sagot ni Arnie “oo nga po! We are very glad to help”.
                 Dumiretso na kaming dalawa ni Arnie sa volleyball team. Tinignan ko yung scores nila kung sino ang lamang, at sa kasamaang palad, ang Johnson Academy ang lumalamang sa scores.
 “Uy uy! Cheer natin ang mga ka-schoolmates natin para mas ganahan sila!”
                Sabi ko doon sa iba kong mga ka-schoolmates na nanunuod ng game.  
“Go Bonifacio Academy! Go! Go! Go!”
                Cheer namin sa mga ka-schoolmates namin. Nung marinig siguro nila ang cheer, nakita ko naman na nag improve ang paglalaro nila at kahit papaano ay nakakahabol na sila sa score. Naku sana manalo kami dito!
                Hindi rin pala biro kalabanin ang mga volleyball varsity ng Johnson Academy! Ang gagaling pa ng mga players nila! Meron doong isang player na narinig kong tinatawag nilang “Ms. Michelle” at mukha din siyang freshmen lang pero ang galing niya mag spike at mukhang professional na maglaro. Siya siguro ang biggest threat ng team namin.
                 “Jane, nag ba-vibrate yung phone mo!” sabi saakin ni Arnie. Napatingin naman ako sa phone at nakita kong tumatawag yung PE teacher namin. Lumayo muna ako sa may volleyball field atsaka ko ito sinagot. “Hello ma’am?”
“Hello Jane? Pwede ka bang pumunta sa gym locker room? May nainjured kasi”
 “Oh ok po ma’am! Teka bakit hindi na lang po siya ideretso sa clinic?”
“Matigas ang ulo eh. Gusto pang mag laro”
“Ay sige po ako na po bahala!”
                 I ended the call and bumalik ako kina Arnie para sabihing pupuntahan ko lang yung game ng basketball para tignan kung sino yung nainjure doon. After that dumiretso na ako doon sa gym kung saan yung game ng basketball.
 “Coach sino daw po yung na injured?”         Tanong ko doon sa coach ng basketball team namin.
                “Ay taga Johnson Academy hija. Nandun ata sa locker room, puntahan mo na lang”
 “Ay ganun? Sige po”
                Akala ko naman taga school namin, taga Johnson Academy pala. School for elites, bakit di sila nag dala ng sarili nilang medics? Dala-dala ang first aid kit ko, dumiretso ako doon sa locker room at nakita kong may isang lalaking nakaupo doon habang naka stretch yung right leg niya.
                Nilapitan ko siya at ibinaba ko yung mga gamit at cellphone ko katabi ng mga gamit niya. Tinignan ko yung right foot niya at hahawakan ko na sana ito para i-check kaya lang bigla niyang tinabing ang kamay ko.
“Walang injured yan kaya wag mo ng tignan. Mabuti pa sabihin mo na sa kanila na nasa wastong kundisyon na ako para mag laro”
                Seryoso niyang sabi saakin. Aba ang taray ng lolo mo! tignan mo tong lalaking to eh no! Mayaman nga ito. Though hindi siya mahangin, grabe naman makapag sungit! At aba, nangutos pa ah! Patikimin ko kaya to ng flying kick ng marealize niyang nandito siya sa teritoryo namin!  Hay keep your cool Jane. The guy over there is injured. Tsaka mo na siya patikimin ng flying kick mo pag fully healed na siya.
                Nginitian ko lang si Mr. Sunget at dali-dali kong tinignan yung ankle niya.
“Ano ba?!”
                 Sigaw niya saakin sabay tabing ng kamay ko. But it’s too late, I already saw his ankle at sa lagay nito eh mukhang namamaga siya.
“Ayan ba ang nasa wastong kundisyon?! Eh namamaga nga ang paa mo eh!”
                Sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at dinedma ang sinabi ko. Umayos siya ng upo at nag akmang isusuot ang rubber shoes niya. Napa buntong-hininga na lang ako.
 “Sige bumalik ka! Mag-laro ka ulit! Pero wag kang made-depress pag sinabi sayo ng doctor na hindi ka na ulit makakapaglaro. Goodluck sa paa mo. Wag ka sanang malumpo”
                 Kaasar tong isang to, ako na nga nagmamalasakit, tapos siya pa nagsusungit. Mayayaman talaga. Buti na lang at hindi ako pinalaking ganyan ni mommy. Even though I also born with a golden spoon in my mouth, my paHaroldts are always reminding me to be humble. Pero isang to, akala mo kung sinong prinsipe. Dahil sa wala akong pasensya sa mga masusungit at matitigas na ulo na mga tao, inayos ko na lang ang gamit ko ng makaalis na ko. Exciting pa naman yung game sa volleyball. Makapanuod na nga lang.
“Uhmm, p-pwede mo bang tignan ang paa ko?”
                Napatigil ako sa pagaayos ng gamit at napatingin sa kanya. This time nawala na ang masungit na aura niya because he’s smiling brightly at me. Yung tipong smile na makalaglag panga at panty—de joke lang. Pero itong lalaking palang ito ay may napaka gandang ngiti na pag nag smile siya, parang mapapasmile ka parin.
“Ah s-sige..”
                Lumapit ako at chineck ko ang ankle niya.
 “Uhmm sorry pala kung sinungitan kita kanina ah? I’m just frustrated with myself”.
 “A-ayos lang yun”
 “I’m Mark by the way, you are?”
                I smile at him.
 “Jane“.

Kabanata 3
Cellphone

                 During that time, I don’t have any idea na that guy will change my life. Akala ko isang stranger lang siya na isang beses ko lang makakausap. Isang stranger na later on, makakalimutan ko rin. But I’m wrong.
                Mukha atang naisipan kaming pagtripan dalawa ni tadhana. Nung gabing makauwi ako, narealize ko na hindi akin yung cellphone na dala-dala ko. Kapareho ito ng unit, ng kulay at ng casing pero hindi ito saakin. And it hits me. Nung nilapag ko yung mga gamit at cellphone ko katabi ng gamit ni Mark, napansin ko na kapareho ko siya ng unit. Napapalo ako sa noo ko. Mukha atang nagkamali ako ng dampot kanina .
Fallin out, fallin in
Nothin's sure in this world, no no
Breakin out, breakin in
Never knowin what lies ahead
We can really never tell it all.
                 Napatingin ako bigla sa cellphone and nakita kong may tumatawag na unregistered number dito.
Say goodbye,
Say hello to a lover or friend
 Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end.
                Pero nung tinignan ko maigi, cellphone number ko pala yung tumatawag sa phone. Agad ko tong sinagot.
 “Hello?”
“Hello?”
                Dinig kong sabi doon sa kabilang linya.
 “Ah miss mukhang nagkapalit ata tayo ng cellphone”
“Ah oo nga eh. Sorry mukhang nagkamali ata ako ng kuha kanina”
“Oh no, don’t blame yourself. Are you free tomorrow?”
 “H-huh?”
                Teka bat ako tinatanong nito kung free ako tomorrow?! Don’t tell me yayayain ako makipag date ng isang to?
 “I-I mean, pwede tayong mag meet para mai-soli natin yung cellphone ng isa’t isa”
                Sabi niya sa akin. Akala ko naman eh. Sorry advance lang magisip masyado. Wahahaha
 “Ah oh sure, saan tayo mag me-meet?” tanong ko sa kanya.
 “Sa mall na lang malapit sa school niyo. Ok lang ba? Mga before lunch?”
“Sure it’s fine with me”
 “All right then see you tomorrow. Good night”
 “Ok, good night. Bye”
                 I was about to click the end call pero narinig ko na bigla siya nagsalita.
 “Wait!”
 “Bakit?”
 “Uhmm.. t-thanks again kanina..bye”
                At before pa ako makapag react, he already hang up the phone.

Kabanata 4
Tagos

“Arnie.. hindi mo ba talaga ako masasamahan today?”
                 Tanong ko kay Arnie habang kausap ko siya sa phone. Nagpapasama kasi ako sa kanya na imeet si Mark sa mall. Mamaya rapist pala ang isang yun.
 “Naku Jane sorry talaga! Naka promise kasi ako sa best friend ko na si Angelyn na pupunta ako sa bahay nila at isa pa may part time job ako ngayon eh”
“Ay ganun ba? Sige ok lang. enjoy ka na lang”
 “Ikaw din te! Mag enjoy ka ha!”
                Sabi ni Arnie saakin ng may halong pangaasar
 “Huh? Bat naman ako mage enjoy eh kukunin ko lang ang cellphone ko?”
“Ano ka ba! Ang gwapo kaya nung Mark ba yun? Gawin mong boyfriend! Bagay kayo! Pareho kayong mukhang model dalawa! Wahahaha”
“Heh tumigil ka nga diyan! Mamaya nga rapist pa yung lalaking yun!”
“Ayaw mo nun? Mare-rape ka ng gwapong nilalang?”
“Naku Arnie tumigil ka nga!”
                Narinig ko naman siyang tumawa mula sa kabilang linya.
 “Ano ka ba girl! Taekwondo player ka di ba? if he did something fishy then just give him a flying kick below the belt. For sure magsisisi yun dahil pag ikaw ang sumipa, malamang di na magkakaanak yan”
                Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Arnie.
 “Yeah yeah I got it. So I need to hang up na baka ma-late pa ko sa usapan namin”
“Ah Arnie!”
 “Hmm?”
“On the second thought don’t make the kick to hard… sayang ang lahi pag nabaog yan!”
                 Sabi ni Arnie sabay tawa then she hang up the phone. Tong babaeng talagang to, puro kalokohan .
                Nagayos na ako ng sarili ko then nag punta ako sa mall kung saan ko ime-meet si Mark. Nung makarating naman ako doon, nakita kong nandun na siya at nag aantay. Napansin kong may dala din siyang saklay, siguro gawa ng injury niya.
“Mark..”
 “Oh you’re here”
                Iinilabas niya yung phone ko.
 “Here’s your phone”.
 Kinuha ko to.
 “Thanks”
                Then inabot ko naman yung kanya.
 “Here’s yours”
 “Salamat”
 “Sige una na ko bye”
“Ah wait!” bigla naman niyang hinawakan yung braso ko.
 “Uhmm g-gusto mo bang kumain ng lunch?”
 “Huh?”
 “I-I mean I want to treat you kasi ikaw yung tumingin sa paa ko”
                 I smile at him.
 “No need to treat me. Trabaho ko naman yung ginawa ko eh”
 “But still… please? Let me treat you a lunch? Please?”
                Tinignan ko yung nagmakakaawang mukha ni Mark at halos mapatulala naman ako. Bakit ba ang gwapo ng nilalang na to?
“Jane”
                Hinawakan niya ang braso ko.
 “Please?”
                 Napalunok ako. Oo nga sige na tama na si Arnie, gwapo nga ang lalaking to. Tsaka mukha naman siyang harmless at isa pa.. Libre daw eh oh! mwahahaha ang hirap tanggihan ng libre! Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “s-sige na nga. B-basta after kumain alis na ko ah?”
                Nakita ko siyang nag smile.
“Sure! So saan mo gustong kumain?”
“Sa mcdo!”
                Mabilis kong sabi sa kanya.
 “Huh? Uhmm how about sa Fridays? Or sa Italiannis? Or sa Burgoo?”
“Eh ang mamahal doon! Mag mcdo na lang tayo!”
                Tsaka isa pa doon kami madalas kumain nina daddy pag nag gagala kami sa mall. For pete’s sake sawang sawa na ko sa pagkain diyan. Gusto ko mcdo! Gusto ko ng one piece chicken then coke float then fries! Tapos yung fries isasaw saw ko sa sundae! Ay panalo!
 “Jane if you’re worrying about the bill, don’t worry I can pay it. Masarap doon sa mga sinabi ko. Bat ayaw mo itry?”
                Ngumiti ako sa kanya. Hindi nga pala alam ng isang to na I am also an elite. But oh well, there’s no point in telling him.
“Basta mag mcdo na lang tayo! Mas gusto ko doon!”
 “Oh okay if you insist”
Nginitian ko lang siya then tumalikod na ako at naunang mag lakad papunta sa Mcdo. Bwahaha makakalibre ako ngayon! Ang sarap sa feeling! Bwahahaha. Nararanasan kaya ng mga taga Johnson Academy ang sarap sa pakiramdam ng salitang “libre”? I guess not! Masayang masaya akong naglalakad ng magulat ako ng may biglang umakbay saakin. Pagtingin ko, si Mark ito.
 “H-hey! What are you doing?!” bulong ko sa kanya sabay tabing ng kamay niya sa braso ko pero agad naman niyang ibinalik ito.
 “Jane…“
 “Hands off please!”
                I hissed at him but then again, kesa alisin ang kamay niya saakin, pumunta pa siya sa may likuran ko at medyo dumikit saamin at kung titinginan kami ng mga tao eh malamang panget ang iisipin saamin. Ay pagong mukhang manyakis ang isang to ah!
“Ano Jane--!”
                Bago pa siya mag next move eh hinarap ko na agad siya
“YOU PERVERT! I KNEW IT!”
                Sigaw ko sa kanya at hindi na ako nag atubili pang gawin yung sinabi saakin ni Arnie. I kicked him pero dahil may awa ako, sinipa ko siya doon sa kabilang paa niya na walang injury.
“OUCH! What the heck?!”
                 Sabi niya habang napaupo siya at hawak hawak yung binting sinipa ko.
 “What the heck? Huh! I should be the one asking you that you pervert! Sabi na eh may masamang intensyon ka sakin!”
“Huh?! Are you crazy?! I’m only doing that because—“
“Miss may tagos ka”
                 Napahinto ako bigla ng may mamang kumalabit saakin at sinabi ang mga katagang yun. Tagos? napatingin ako sa may likuran ko at ayun, kitang kita ang malaking circle na color red sa may pwet ko. Not to mention, i am wearing a white shorts. Napatingin ako kay Mark then he gave me a “That-is-what-i-am-trying-to-tell-you” look.
                S-so kaya siya nasa likod ko kanina is because tinatakpan niya yung tagos ko para hindi makita ng ibang tao? Napalunok ako. I smiled at him then… Kumaripas ako ng takbo palayo sa kanya. I heard him calling my name pero di ko siya nilingon. Oh gosh Jane, you’ve done something very stupid. Sinipa mo ang nilalang na walang ibang intensyon kundi ang protektahan ka lang sa kahihiyan. At ngayong ay tinakbuhan mo pa siya? Wow! Napaka bait kong nilalang! Sa sobrang kabaitan ko, makikipag friends na saakin si Lucifer.
                 Eh kasi naman si period, dadating na nga lang napaka wrong timing pa.

Kabanata 5
Quack-quack

                 “Huy Jane, nakapangalumbaba ka diyan?”
                Tanong saakin ni Kim, yung best friend ko na kaklase namin.
 “Kim... ahuhuhuhuhu I am so mean. Ahuhuhuhu”
 “Huh? Bakit naman?”
                Nagpangalumbaba ulit ako at nagbuntong hininga. Kakatapos lang ng second subject class namin pero hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng konsensya dahil sa ginawa ko kay Mark. Hindi ko naman meant na sipain siya eh at mas lalong hindi ko meant na iwan siya doon. Sadyang inatake lang talaga ako ng grabeng kahihiyan dahil sa pinag-isipan ko siya ng masama, sinipa ko pa siya! At idagdag mo pang natagusan ako. Wala na akong ibang nagawa nun kundi ang lumayas sa eksena.
                For sure galit na galit saakin ang lalaking yun. Baka mag hire pa yun ng kung sino para ipa-assassinate ako. I’m scared. Pero kung sabagay, hindi na naman siguro kami magkikita ng lalaking yun di ba? Hindi naman nagagawi ang mga taga Johnson Academy dito. Kaya dapat kalimutan ko nay un. Walang nangyari. Walang nangyari. Walang nangyari.. Wala.. wala.. wala.. wala..
 “Tara kain tayo ng tusok tusok!”
                Yaya ni Kim saamin nung dismissal time na. Medyo nawala narin sa isip ko yung nangyari sa mall. Buti na lang at piniga ang utak namin sa quiz kanina kaya naman nakalimutan ko ang kahihiyan na yun.
                At ngayon naman nagyaya pa sila kumain ng streetfoods. Bwahahaha. Heaven ito! Dumiretso kaming magbabarkada sa may park malapit sa school namin kung saan nagkalat ang street foods.
                Mwahahaha favorite ko talaga ang mga to kaya namang gustong gusto ko mag meryenda dito sa park though laging patago kasi ayaw nina mommy na kumakain ako ng ganito. Madumi daw at kung anu-anong sakit ang pwede kong makuha, pero wala akong paki! Masarap eh. Tsaka hindi naman ako madalas kumain nito.
“Manong isang order nga po ng kwek kwek at gulaman”.
                Sabi ko doon kay manong na nag be-benta ng kwek kwek.
“Manong tatlong order pa po ng quack quack at gulaman!”
                Sabi naman nung isang lalaking nakasabay ko bumili. Napatingin ako sa kanya then nakita kong naka uniform siya ng pang Johnson Academy. Aba, ngayon lang ako nakakita ng taga Johnson Academy na kumakain dito ah? Meron pa palang estudyante doon na nagpupunta sa lugar na to?
 “Hija ito na order mo”
                Sabi ni manong kwek kwek saakin sabay abot ng pagkain ko.
 “Salamat po!”
 “Eto naman yung sayo hijo”
                Abot niya doon sa lalaking taga Johnson Academy.
 “Thank you! Uwaaaa makakain narin kita pinaka mamahal kong quack quack!”
                Sabi nung lalaki habang titig na titig siya doon sa kwek kwek. Kung anime ito eh malamang korteng puso na ang mga mata nito.
“Harold ang tagal mo. Tara na alis na tayo”
 “Sorry Mark bumili lang ako”
                Nung marinig ko ang name na Mark, agad akong napalingon doon sa tumawag at ayun nga, ang lalaking kaawa-awa kong sinipa ay naglalakad palapit saamin. Naku po naman! Ano ba ginagawa ng isang yan sa lugar na to? Napatalikod ako bigla. Hindi niya ako nakita. Hindi niya ako nakita.. Alam ko hindi niya ako nakita.
“Ano ba yang binili mo?”
                Tanong ni Mark doon sa lalaking nakasabay ko.
 “Ah wala pagkain lang! gusto mo?”
“Wag na mukhang kulang pa yan sayo eh”
                Habang busy silang nag uusap doon, dahan-dahan akong naglakad palayo para di niya ako mapansin. Makakaalis na sana ako ng buhay doon kaya lang…
“Jane! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala! Tara doon sa table sa may puno, doon tayo kumain!”
                Sigaw ni Kim sa akin habang patakbo siyang palapit saakin. Napa facepalm ako. Dyusko po Kim bat kailangan mong isigaw ang napaka gandang pangalan ko sa panahong nasa bingit ako ng kamatayan?
 “Ah Harold, una ka na sa van, may aasikasuhin lang ako”
                Rinig kong sabi ni Mark Naku po mukhang katapusan ko na.
“Tara na te!”
                Sabi ko kay Kim sabay hatak sa kanya papalayo doon sa nagbabandyang delubyo kaso bago pa ako makahakbang eh naramdaman ko na ang kamay ng delubyo na humawak sa braso ko. Dahil sa wala na kong choice, nilingon ko na si Mark at nakita kong ngiting ngiti siya nung makita niya ako. Pero yung mga ngiti niya parang sinasabi saakin na “katapusan mo na!”
“Hi Jane! Kamusta? Thank you nga pala kahapon ah! because of you dalawang hita ko na ang injured! Pero buti na lang hanggang pasa lang ang natamo ko, yun nga lang alam mo ba na color purple na yung pasa na yun?”
                Ngiting ngiti niyang sabi saakin. Mas lalo akong kinabahan. Jusko po Lord, pahabain niyo pa ang buhay ko! huhuhuhuhu. Dahil sa takot dito sa lalaking to, pinagdikit ko ang dalawa kong palad then yumuko ako sa kanya.
“Sorry! Sorry talaga sa ginawa ko! sorry sorry sorry! Wag ka na magalit! Sorry talaga! Lilibre na lang kitang kwek kwek wag mo lang ako ipa-assassinate! Sorry talaga!”
I heared him chuckle.
 “Kung sana matatanggal ng sorry mo yung pasa sa binti ko edi masaya!”
“Ehh sorry na talaga! Ano bang dapat kong gawin wag ka lang magalit? Sorry na po!”
 “Anong dapat mong gawin? Let’s see”
                Lumapit siya saakin at ipinatong niya ang mga kamay niya sa mag kabila kong braso at then lumapit siya sa may gilid ng mukha ko then he whispered in a husk voice…
“Go on a date with me”

Kabanata 6
Date

 “Relax Jane, I’m not going to bite you”
                Mark told me with a playful grin on his face. Nandito ako ngayon sa car ni Mark without any freakin’ idea kung saan kami pupunta. Sa totoo lang, ayoko naman talagang pumayag sa ‘date’ na ito eh. Syempre no takot ko lang baka kung ano gawin ng lalaking to saakin. Mamaya eh galit parin saakin ang isang to at bigla na lang akong dalhin sa ilog Pasig at ihulog doon.       
                Hindi pa naman ako ganoong kagaling lumangoy. Pero syempre nangingibabaw parin yung konsensya ko sa pagsipa sa kanya at kung anu-ano pa ang masasakit na bagay na sinabi ko sa kanya kaya naman napapayag niya na ako. Yun nga lang hindi ko alam bakit ang awkward ng pakiramdam ko? Para tuloy akong kiti-kiti dito na di mapakali.
“M-Mark, saan ba tayo pupunta?”
                 He grin.
 “In heaven”
                 Napalunok ako. Sana kung sakali man may gawin siya saaking masama at patayin ako sa huli, itapon niya na lang ang bangkay ko kung saan madaling makikita ng tao para naman kahit papaano eh mabigyan ako ng magandang lamay ng mga magulang ko.
                At please lang, kung itatapon man niya ang katawan ko, sana naman ay wag yung nakahubad ako. Damitan man lang niya ako ulit. At sana wag din sa basurahan. Isa pa sana hayaan niya muna akong kumain ng streetfoods bago niya ako pagtangkaan. Siguro naging mabuti naman akong nilalang. Lagi akong ang do-donate sa mga charity isa pa minahal ko naman ang mga magulang ko. Siguro naman sa heaven ang bagsak ko nito di ba?
“So this is heaven?”
                Tanong ko kay Mark habang nililibot ko ang mata ko sa place na pinagdalhan niya saakin.
“W-well.. y-yeah. Actually it’s my first time going in this kind of place kaya naman medyo naiilang ako. F-for sure naman nakapunta ka na dito?”
 I looked at him.
 “Actually no. It’s also my first time here!”
“You’re not serious right?”
 “S-sorry I am..”
 “B-but u-usually mga estudyante from your school ang nakikita kong pumapasok dito…”
 “W-well not all..”
                Sabi ko sa kanya. Tinignan ko yung karatula nung lugar na pinagdalhan ni Mark saakin.
‘Wonderland Theme Park’
                 Isang theme park na medyo malapit sa school namin. Hindi nga puntahin ito ng mga taga Johnson Academy kasi hindi naman sosyal yung lugar. At nakakahiya mang aminin, hindi parin ako nakakapunta dito and swear, naeexcite ako pumasok sa loob. Hinawakan ko sa braso si Mark.
 “Tara pasok na tayo!”
                Masigla kong sabi sa kanya sabay hatak sa loob. So far nag enjoy naman kaming dalawa ni Mark sa loob ng theme park. At dahil pareho kaming bagong salta sa lugar na to, pareho rin kaming manghang-mangha sa mga nakikita namin sa loob.
                 I’ve never been in theme park before. Well except lang nung pumunta kami sa Florida at dinala ako nila daddy sa Disney land. Pero yung theme park sa Pinas never ko pang na-try.
                Nung napagod na kami sa pagsakay sa rides, dinala ako ni Mark sa mcdo malapit doon sa theme park para kumain ng lunch. At talagang nilibre niya pa ako!
 “Ayan ah bayad ko na yung pag gamot mo sa ankle ko. Nalibre na kita sa mcdo”
                Sabi ni Mark habang kumakain kami.
 “Uhmm ano ka ba. Nakakahiya nga at nilibre mo ako samantalang may kasalanan pa ko sayo”
                Ngumiti siya.
 “Well hindi rin naman kasi kita masisisi kung bakit ganun ang naging reaction mo. It is actually my fault kasi hindi ko agad nasabi sayo na.. uhh.. you know. Medyo awkward kasi ang dating. Sorry ha, Jane..”
“Naku may mali din ako! Napahiya na kita sa harap ng maraming tao, nasaktan pa kita. I’m really really sorry Mark kung ganoon agad naging reaction ko! Sorry talaga! Wag ka na sana magalit”
“Don’t worry hindi naman ako nagalit sayo eh”
                Sabi niya tapos nginitian niya ako. I don’t know why but my heart almost stop when he smile. I my entire life, this is the first time I saw a smile so beautiful. Isang ngiti na gusto kong ingatan.
“So I just want to know, how come hindi ka pa nakakapunta sa theme park na to when in fact ang lapit lang nito sa school niyo? Siguro study freak ka no?”
                Pang aasar saakin ni Mark.
“Hindi no! K-kasi ano eh..uhmm”
                Huminga ako ng malalim then I look at him seriously.
 “Can I tell you a secret?”
 “Secret? Sure. You can trust me”
 “Ok then, maniniwala ka ba kung sasabihin kong I came from an elite family?”
“H-huh? Really? Then why are you studying in Bonifacio Academy? I mean, if you’re rich, afford niyong makapag-aral ka sa Johnson Academy”
I smile at his reaction.
 “Doon naman dapat ako mag aaral eh kaso pinilit ko si daddy na wag akong ipasok doon. You see, lagi akong nabu-bully dati nung elementary ako kaya naman ayoko na ulit sundan yung mga dati kong kaklase doon. Kaya siguro halos pare-pareho din ang tingin ko sa mga estudyante sa Johnson Academy.”
                 Mark smile at me again.
 “Really? I cannot believe that they bully someone so amazing”
 “H-ha?”
“I don’t know why but I found you really cool”
“A-ano ka ba! Ordinary lang ako. Walang ka-cool cool saakin”
 “Maybe you failed to notice it, but I do. Jane, you’re one heck of an extraordinary girl!”
                Medyo natawa ako sa sinabi ni Mark at the same time, parang na-comfort ako na ewan.
“Salamat Mark..”
“At dahil nagsabi ka saakin ng secret, pwedeng ako naman ang magsabi sayo?”
“Sure! You can trust me”
 “You know… My family’s the owner of Johnson Academy…”
                Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sinabi niya.
 “Talaga?! Oh no! I didn’t mean to badmouth your school! Swear! Naku nakagawa na naman ako ng kasalanan sayo.. Sorry talaga Mark!”
                 Nagulat naman ako ng biglang tumawa si Mark. Teka, dapat nagagalit toah? Bat siya tumatawa?
 “Hahahahahahaha you’re funny Jane! You’re really funny!”
 “Hindi ako clown”
“Hahahaha. Pang clown naman ang reaction mo”
                Aba’t lokong to ah! pasalamat siya may kasalanan ako sa kanya. Kung wala nabatukan ko na ang isang to
“Anyways, tutal nagsabihan naman na tayo ng secrets then can we consider each other as friends?”
                 Sabi ni Mark ng matapos siya sa pagtawa I smile at him
 “Friends” sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko. Inabot niya ito at nakipag shake hands saakin.
 “Friends”

Kabanata 7
Nararamdaman

                 Hindi ko alam na pwede pala tayong makagawa ng isang simpleng desisyon na siyang magpapabago sa takbo ng buhay natin. That time, when I decided to be friends with Mark, wala akong ka-id-idea sa magiging role niya sa buhay ko. Natapos ang freshmen life ko.
                Second year highschool na ako ngayon at sa sophomore life ko nandun na ang isang “Mark Flores” sa buhay ko. Halos araw araw magka text kami kaya naman laking taka na lang ng mga magulang ko kung bakit ang laki palagi ng bill ng cellphone ko.
                Pagka weekends, madalas kaming sabay mag jogging ni Mark. Tinuruan din niya ako mag basketball noon and in return, tinuruan ko rin siya ng ilang basic moves sa taekwondo.          
                Pagka naman hindi busy, bumabalik kami ni Mark doon sa theme park at sumasakay sa rides pati narin nag lalaro sa arcade. Hindi ko akalaing magiging malapit ako sa kanya.
                Isang araw, ang turing ko na sa kanya ay best friend. Never pa akong naging ganitong ka-comfortable sa isang tao maliban sa kanya. Lahat ng secrets ko, lahat ng problema ko, nasasabi ko sa kanya. Naipapakita ko rin ang tunay na ako pagkasama ko siya. At hindi ko maitatanggi na kada magkasama kami, sobrang saya ko.
                Lumpias ang araw, mas lalo akong napalapit kay Mark. Kada magkasama kami, ang saya-saya ko. Pag di ko naman siya nakikita sobrang nami-miss ko siya. Kulang ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang boses niya o hindi ako nakakabasa ng message sa kanya. And that’s it.
                Narealize ko na lang isang araw na hindi na lang basta parang “best friend” ang tingin ko kay Mark. Crush? Parang napakababaw na definition yun sa nararamdaman ko para sa kanya. And then it hits me. Maybe I’m starting to like Mark. Pero natatakot akong aminin sa sarili ko because what we have now is so precious. Baka dahil dito sa nararamdaman ko masira ang friendship namin na grabe kong pahalagahan.
                Kaya lang pag mahal mo talaga ang isang tao, kusang lalabas na ang nararamdaman mo kahit gaano mo pa piliting itago.
“Uyy nandiyan na ang Prince Charming mo oh!”
Bulong saakin ni Kim pagkalabas na pagkalabas namin ng classroom. Dismissal time na kasi at nagusap kami ni Mark na sabay kaming kakain ng meryenda ngayon kaya naman dadaanan niya daw ako sa school namin para sunduin. Sakto paglabas namin ng room, natanaw ko agad siya sa may gate ng school namin na nagaabang.
 “Ang gwapo naman talaga ni Mark, Jane! Kung ako sayo ligawan mo na yan!”
                Sabi naman ni Tin, isa ko pang kaibigan
“Heh! Tumigil nga kayong dalawa! Best friend ko lang yan no!”
“Best friend best friend! Alam ko na kung saan ang bagsak niyo!”
                Sabi ni Kim sabay akbay saakin.
 “Listen Jane, si Mark mayaman, mabait, gentleman, masayahin at higit sa lahat GWAPO! Kaya naman for sure ang daming nagkakandarapang babae diyan masilayan lang ang abs niya. Madami kang kaagaw girl dahil ang mga lalaking tulad niya ay endangered na! Kaya kung ako sayo, sinusunggaban mo na yan hindi yung pa best friend bestfriend ka pang nalalaman! Masyado kang showbiz!”
                Inalis ko ang pagkakaakbay saakin ni Kim.
 “Ikaw talaga kung anu-ano ang sinasabi mo! una na nga ako sa inyo! Bye bye!”
                I waved my hands then naglakad na ko papalayo sa kanila.
 “Uy Jane ha! yung sinabi ko wag mo kalimutan!”
                Pahabol ni Kim saakin. Napailing na lang ako habang natatawa tawa. Pero bakit deep inside parang nagambala ako sa sinabi niya?
 “Jane!”
                Napangiti ako ng tawagin ni Mark ang pangalan ko. I saw him waving at me then agad agad naman akong tumakbo papalapit sa kanya.
“Kanina ka pa?”
Tanong ko.
 “Uhmm hindi naman. So saan tayo kakain? Anong gusto mong meryenda?”
“Gusto ko itry yung shawarma!”
Ngumiti siya.
 “Sounds fun. Let’s go?”
                I nodded then naglakad na kami ni Mark. Nakita kong inilabas niya yung phone niya then napasilip ako bigla doon sa phone niya. Napansin kong bago yung wallpaper niya. Picture niya then may kasama siyang babae doon sa picture. Maganda yung girl, parang artista.
“Uhmm M-Mark sino yung kasama mo sa picture mo?”
                Sabi ko habang turo-turo ko yung cellphone niya.
 “Huh?”
                Napatingin siya sa cellphone niya.
 “Oh this. Her name’s Lyka. She’s my friend. Pasaway yung babaeng yun pinalitan pala niya ang wallpaper ko dito sa phone”
Napatango ako.
 “Ohh I see. Mukhang close na close kayo ah para mahawakan niya yung cellphone mo at mapalitan ang wallpaper mo”
“Yup! Actually she’s my childhood friend kaya naman close talaga kaming dalawa. Mabait yang si Lyka sobrang kulit lang”
                Nakangiting sabi ni Mark. Napatango na lang ako. Maganda nga yung Lyka. Mukhang artistahin. Close pa sila ni Mark. Nakakapangselos.

Kabanata 8
Selos

                Our day went well. Nakalimutan ko narin naman agad yung about kay Lyka dahil sa kakulitan ni Mark. Pareho kasi naming first timer kumain ng Shawarma kaya manghang mangha kaming dalawa sa lasa nito. After that, nilibre niya lang ako ng ice cream sa DQ then nagikot ikot lang kami sa loob ng mall tapos nung mapagod na kami ay umuwi narin kami sa kani-kanilang bahay.
                Normal lang naman ang mga sumunod na araw. Madalas kong nakakatext si Mark. Madami parin kami pinag kukwentuhan. At anak ng isda! Kada makakausap ko siya eh kinikilig ako. Nakakainis na. Iba na talaga ang tama ko sa lalaking yun.
                Sabado, Hindi kami sabay ni Mark na mag jogging dahil sabi niya nagkayayaan daw sila ng mga kaibigan niya na mag jo-jogging sila. Actually sinasama niya ako kaya lang humindi na ako dahil nahihiya ako sa mga friends niya. Though alam ko naman din na hindi lang ako ang friend ni Mark at kailangan din niyang makipag bonding sa mga iba niyang kaibigan, hindi ko parin maiwasan na hindi malungkot. But oh well, ngayon lang naman eh.
                Next week kasama ko na ulit si Mark. Makakasabay ko na ulit siya mag jogging. Dahil sa hindi ko naman kasama si Mark magjogging, doon na lang muna ako nag jogging sa sports center malapit sa bahay namin. Nung makarating na ako sa sports center, nag warm up lang ako saglit then nag start na ko mag jogging.
                 Nang maka tatlong ikot ako, huminto muna ako para mag pahinga. Hay bat ba ang dali kong napapagod pag di ko kasabay si Mark? Iba parin talaga pag may kadaldalan ka habang nag jo-jogging.
“Hay naku Lyka! Ano bang pinag gagagawa mo at natatanggal yang sintas ng sapatos mo?”
                Napalingon ako ng marinig ko ang boses na yun. Teka si Mark yun ah! Nakita ko siya sa di kalayuan saakin. Patakbo na sana ako para lapitan siya kaya lang napahinto ako ng makita kong lumuhod siya at tinali yung sintas nung babaeng kasama niya.
                Napatingin ako doon sa babae at napansin kong siya din yung kasama ni Mark sa picture. Napaatras ako bigla then tumalikod ako at naglakad palabas ng sports center. Nakakaasar, bakit ba ako nasaktan doon sa nakita ko? Alam ko wala akong karapatan, pero bwiset, nag seselos ako…
                Umuwi na ako nun at feeling ko eh badtrip na badtrip ako sa nakita ko. Sa sobrang badtrip ko pa, nabura ko ang number ni Mark. And opo, HINDI KO kabisado ang number niya kaya naman nung humupa ang pagka badtrip ko, nagsisi ako sa ginawa ko.
                 Yun nga lang ang nakakainis, the whole day hindi ako tinext ni Mark. Malamang eh busy yun makipag bonding sa “childhood friend” niya. Hay! Nayayamot ako sa sarili ko! bat ba ko nakakaramdam ng sobrang insecurities?
                Dumating ang kinabukasan, hindi parin ako tinetext ni Mark. Nag Lunes na, wala parin. Malamang nakalimutan na ako nun. Sino ba naman ako di ba? Isang best friend lang. Malungkot na malungkot akong pumasok nun sa school. Ilang beses din akong napagalitan ng teacher namin dahil lumilipad ang utak ko sa klase.
                Lumipas ang tatlong araw, hindi parin nagpaparamdam saakin si Mark. Positive na ako, malamang ay busy na siya dahil doon sa “kaibigan” niya na ngayon ay di ko sure kung kaibigan niya pa. Hindi ko rin naman siya matext kung buhay pa ba siya dahil sa nadelete ko ang number niya. Pero nakaka depress talaga. Kahit pa nagtatampo ako sa kanya, miss na miss ko na siya. Panigurado, isang text lang nun burado na ang galit ko. Ganun ata talaga pag mahal mo, di mo matitiis.
                Nung dismissal time, nakipag meet ako doon sa kaklase ko na si Jerlan dahil bibili kami ng mga gamit sa mall para sa report namin sa isang subject namin. By pair kasi yun at nagkataon naman na siya ang ka-pair ko. Dumiretso agad kami sa bookstore para mamili ng gamit.
“Jane ilang pentel pen ang bibilhin natin?”
 “Uhmm gawin na lang nating dalawa just in case na maubusan ng tinta yung isa”
“Aye aye boss!”
                Sabi ni Jerlan at nag salute pa siya saakin. Medyo natawa naman ako sa pinag gagagawa niya. Kumuha ako ng mga cartolina, manila paper at iba pang pwede naming magamit para mas maging creative ang report namin.
“Jane ang dami nating napamili, ako na muna maguuwi lahat nito para hindi ka mahirapan sa pag bibitbit”
 “Naku ano ka ba ok lang, hati na lang tayo! Akin na yung iba”
 Kukunin ko na sana sa kamay niya yung ilang pinamili namin kaya lang agad niyang nahawakan yung braso ko
“Oopss hindi pwede. Ang babae dapat hindi pinagbubuhat. Kayang kaya ko na to promise!”
                Sabi niya sabay porma ng papogi.
“Haha ang kulit mo talaga! Sure ka ha?”
“Oo naman! Uy una na pala ako, hinihintay kasi ako ni Keith” Si Keith yung kaklase namin na girlfriend ni Jerlan.
 “Oh ok ingat ka ah!”
“Sure! Ikaw din! Wag ka magpapalate ng uwi ah?”
“Aye aye captain!”
                Sabi ko sa kanya sabay salute. He waved at me then umalis narin siya.

Kabanata 9
I’m inlove with you

“So kaya ka pala busy nakahanap ka na ng boyfriend?”
                Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako ng makita kong nasa likod ko na si Mark. Halos mapatulala ako ng makita ko siya sa harap ko. Ilang araw na walang pagpaparamdam, ilang araw na hindi ko siya nakita. Anak ng tupa naman oh, ramdam na ramdam ko agad kung gaano ko namiss ang nilalang na to.
                Kaya lang bigla ko na namang naalala yung nakita ko sa sports center kaya nakaramdam na naman ako ng matinding selos at insecurity.
 “O-oh buhay ka pa pala”
                 Sabi ko sa kanya. Nilapitan niya ako at nagulat ako ng makita kong seryoso ang mukha niya.
 “Wala man lang kamusta after ng ilang araw na di natin pagkikita? Iba na talaga pag may boyfriend kaya ka siguro busy no?”
                Biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
 “Sino kaya ang busy saating dalawa? Ikaw nga itong walang paramdam eh. Kayo na no?”
 “Huh? Kami na nino?”
“Sino pa ba? May niligawan ka lang nakalimutan mo na best friend mo..”
“Ewan ko sayo. Hindi ko maintindihan sinasabi mo! Ikaw nga itong di nag tetext eh, ni hi ni hello wala. Palibhasa may boyfriend na”.
                 “Eh ikaw pala tong magulo kausap eh! Anong boyfriend ba pinagsasasabi mo ha? Tsaka bat ka ba nagagalit? Lalapit ka saakin tapos magagalit ka bigla ng hindi ko alam ang dahilan! Ang labo mo no!”
“Sus hindi nga boyfriend pero pakiramdam ko naman pinopormahan ka nun! Kung makangiti sayo kala mo asong ulol! Nakakaasar!”
“Teka nga Mark ano bang problema mo ha! Nilapitan mo ko para awayin and then now you are saying bad things about my friend?! What the heck is your problem!!”
                Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Nakakaasar ang isang to ah! excited na excited pa naman ako ng makita ko siya. Alam mo yung feeling na tuwang tuwa ka dahil nakita mo na ulit ang taong miss na miss mo na tapos bigla na lang kung anu-ano ang mga sinasabi niya sayo?!
                Anak ng tupa naman oh! Ano bang topak ang sumanib sa lalaking yan?! Hindi nagpaparamdam ng ilang araw! Well ok amin naman ako na di rin ako nag text dahil sa nadelete ko number niya pero siya rin naman ah di niya ko tinetext?! Tapos sasabihin niyang boyfriend ko si Jerlan?! Tapos sisisraan niya si Jerlan?! Pero ako naman di ko sinisiraan yung childhood friend niya na nililigawan niya na ngayon! Nakakaasar!!
 “Wait Jane!”
                Nagulat ako ng bigla niya akong hatakin sa braso.
“Let’s talk!”
                 Inalis ko ang pagkakahawak niya.
 “Tsaka mo na ko kausapin pag nasa matinong pagiisip ka na!”
Tinalikuran ko ulit at mag walk out na sana ako kaya lang napahinto ako dahil sa mga salitang binitiwan niya.
 “I’m jealous…”
                Napaharap ako bigla kay Mark.
 “A-ano ulit yun?”
“S-sabi ko nag seselos ako. Nung makita kong magkasama kayo nung kaibigan mo akala ko talaga boyfriend mo na siya. Parang may sumaksak saakin na kung ano because of that thought”
                Napatulala ako sa sinabi ni Mark at ayaw mag sink in sa utak ko ang ibig sabihin niya sa mga sinabi niya.
“B-bakit..”
“Jane, I’m really sorry but I think I—I –f-fall in love with you. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magkagusto sayo. Lagi na lang kitang hinahanap, lagi kitang gustong makita. I’m really sorry. Don’t worry, I promise na walang magbabago, best friends parin tayo. S-sana wag ka rin magbago ng pakikitungo saakin ha? Oo nga pala, sorry kung di kita na tetext. I lost my phone”
                Hindi parin ako sumagot kay Mark at nakatulala lang ako while trying to figure out all the things he had said.
“S-sorry ulit. Una na ako..”
Tinalikuran niya na ako at naglakad siya palayo. Agad agad ko namang hinabol si Mark at hinawakan ko ang braso niya.
 “Wait! S-sorry din kung di ako nag tetext… binura ko kasi ang number mo..”
 “Huh? Bakit?”
                Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
 “Nakita ko kasi kayo nung friend mo sa sports center at ang sweet niyong dalawa... nag selos ako”
 “Ha? eh bat ka naman—“
 Biglang natigilan si Mark at napatitig siya saakin.
 “Uhmm Jane pakiulit ang sinabi mo..” “S-sabi ko nag s-seselos ako”
“N-nag seselos ka? I-ibig sabihin…?”
                I smile at him then I nod.
 “Oo ibig sabihin g-gusto din kita…”

Kabanata 10
Ferris wheel

                And starting that day, Mark courted me. Madaming nagsasabi saakin noon na sagutin ko na si Mark at wag ko ng patagalin dahil mahal ko din naman daw siya. Syempre ako naman muntik-muntikanan naring bumigay agad dahil masyadong pigil na pigil narin ang ka-kiligan ko sa lalaking ito. Pero syempre, si Mark ang magiging first boyfriend ko. Gusto kong maging memorable ang bawat araw na dumadaan saamin. Gusto ko munang maramdaman ang pagmamahal niya.              
                Halos isang buwan ng nanliligaw saakin ngayon si Mark. But today is Mark’s birthday. Gusto ko sana siyang bigyan ng gift na talagang magugustuhan niya kaya lang wala naman akong maisip na magandang gift. Parang lahat ata ng bagay meron na siya. Ano pang maibibigay ko di ba?
                Kaya naman eto naisipan kong ilibre na lang si Mark sa theme park. As usual, nag laro laro lang kami sa mga arcade doon sa theme park. Nanalo pa nga siya sa isang game ng malaking stufftoy at ibinigay niya saakin to.
“Nakakaasar, dapat ako ang may gift pero ikaw pa ang nagbigay saakin”
                Sabi ko sa kanya habang naka pout. Bigla naman niya kinurot yung ilong ko.
 “Ano ka ba! Ok lang yun no! isang napaka gandang regalo na para saakin ang makasama ka sa birthday ko”
                Medyo hinampas ko siya sa braso.
 “Ang keso mo talaga! Tara na nga at sumakay na tayo sa mga rides!”
                Tinalikuran ko si Mark doon at naglakad na ko papunta sa mga rides. Hindi pa talaga ako sanay sa mga romantic lines na mga ganyan pero swear, kada babanat na lang tong si Mark eh abot hanggang kasukdulan ang kakiligan ko.
                “Tara Jane sakay tayo sa roller coaster?”
                Pagyayaya ni Mark saakin.
“Ferris wheel na lang!”
                Sabi ko sa kanya. Kada pupunta kami dito lagi na lang ako niyayaya nito sa roller coaster! Pero natatakot talaga ko kasi ang dami-daming loops nung roller coaster. Merong time pa na babaliktad kami. Nakakatakot talaga.
 “But it looks fun”.
                Sabi ni Mark habang nakatingin doon sa roller coaster.
 “Try lang natin siya kahit isang beses lang please?”
                Pagmakakaawa niya sabay puppy eyes saakin. Medyo natawa naman ako sa itsura niya. Hay sige na nga kahit nakakatakot mapagbigyan na ang isang to. Pasalamat siya birthday niya at ang gwapo niya at mahal ko siya!
 “Ok fine! Isang beses lang ha?”
 “Yey! Tara na!”
                Hinawakan niya ang kamay ko then pumila na kami doon sa roller coaster.
 “Oh my gosh, oh my gosh oh my gosh I’m really scared!! Waaaahhh hihimatayin na ko!! I’m really scared!!”
 “Haha Jane relax! Hindi pa nga tayo umaandar eh natatakot ka na agad diyan!”
Pang aasar saakin ni Mark.
 “Eh kasi naman eh…”
                Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla ng umandar ang roller coaster.
“Ay pusang gala! Ayan na!”
                Jusko po Lord, let me survive this one! Kailangan ko pang maging boyfriend si Mark, asawa, at magkakaroon kami ng madaming anak at tatanda kami ng magkasama! Kaya ayoko pang mamatay ngayon. Huhuhuhuhu!!!
                Unti-unting umakyat yung roller coaster at napatili naman ako ng biglang mabilis na baba nito. Jusko feeling ko naiwan ko ang puso ko doon sa tuktok! Nakita kong papalapit na kami sa isang malaking loop.
 “Jane sigaw tayo pababa ha?”
Bulong saakin ni Mark.
 “S-sige!”
“Ok one, two, three”
Umakyat ang roller coaster sa isang malaking loop at kasabay ng pagbaba ang pag sigaw ko.
“AAAAAAAAAAAHHH!!!”
“I LOVE YOU JANE!!”
                 Napatingin ako bigla kay Mark at parang nawala lahat ng takot na nararamdaman ko.
 “W-what did you say?”
 “I said I love you, Jane”
                Bigla naman ako napangiti sa sinabi niya.
 “Oh, kilig ka naman diyan..”
 “Oo naman!”
 Proud na proud kong sabi.
 “That’s the first time you told me you love me. Usually laging I like you Jane. Ngayon I love you na! At pinagsigawan mo pa!”
 “Eh love naman talaga kita eh. Pakinggan mo ang sunod kong isisigaw”.
Umakyat ulit ang rollercoaster sa isang pang loop then nung pababa na, sumigaw si Mark.
“JANE WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?!”
                 This time tuluyan na akong napipi sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi dahil sa kaba. He’s asking me if I can be his girlfriend? I know, this is a very unexpected place and occasion at talagang di ko inaakala na sa ganitong paraan niya ako tatanungin.
                Pero ayoko na mag-alinlangan. Mahal ko si Mark. At wala ng saysay kung patatagalin ko pa to. Nung pagbaba namin last loop, isinigaw ko kay Mark ang sagot ko.
 “I LOVE YOU TOO MARK AND I WILL BE YOUR GIRLFRIEND!!”
                Napalingon siya saakin.
 “R-really?!”
“Basta ba wag mo kong paiiyakin eh!”
“No, I will never make you cry! Totoo na ba talaga to? Girlfriend na kita?”
                I nodded.
 “WOHOOO!”
                Sigaw naman niya kaya bigla akong napatawa.
                Lumapit ako sa kanya then I give him a quick kiss na siyang ikinagulat niya. Oo ako ang gumawa ng first kiss namin at kahit ako nagulat din sa ginawa ko. Pero wala akong paki dahil masaya ako ngayon.
 “Happy birthday Mark”.
                 I gently whispered. Naramdaman ko naman na bigla ng bumagal ang pagtakbo ng roller coaster.
                “This is my most happiest birthday ever at ikaw ang nagbigay ng pinakamagandang gift saakin”
“Alin doon? Yung sinagot kita or yung kiss ko?”
 “Both”
                 Hinila niya ako papalapit sa kanya then this time, he’s the one who gave me a kiss.
 “Walang iwanan ha?” sabi niya saakin .
“Promise, walang iwanan..”
               
Kabanata11
Ang Sakit

                At simula sa araw na iyon, naging kami na ni Mark Flores. After ng ride na yun, ibinili ko siya ng cheesecake at sabay naming kinain. At ayun ang naging favorite dessert naming dalawa.
                Lumipas ang mga araw. May times na nag aaway kami ni Mark like a real couple pero lagi naman namin naayos agad ang away namin. Madalas kaming lumabas dalawa. Minsan pumupunta kami sa theme park para maglaro at kumain ng favorite naming cheesecake. Minsan naman nag i-stroll lang kami sa mall.
                Dumating ang first monthsary, 6th monthsary, pati narin ang first anniversary.
                Sa bawat pagdaan ng araw, mas lalo kong minamahal si Mark. Sobrang saya ko dahil may isang lalaki na tulad niya ang dumating sa buhay ko. Gabi-gabi kong ipinagdarasal na sana kami na ni Mark hanggang huli, sana wag ng matapos ang masasayang araw namin na to.
                Gusto ko na si Mark ang makakasama ko hanggang sa tumanda ako at mamatay. Gusto ko na hanggang huli, ang kamay niya ang hawak ko.
                Kaso mukhang tutol ang kapalaran sa gusto ko. Isang araw, may masamang balita ang dumating saakin. “No! I’m not coming! I’m staying here!!”
 “But we need to migrate in England hija!
                Nandoon na ang business natin kaya kailangan na nating pumunta doon”
“NO!! Ayoko mom! This is my home! I’m not going anywhere! Please hayaan niyo na kong maiwan dito”
“No Jane! You’re coming with us whether you like it or not!”
                My dad said in full authority na kahit ako ay hindi na nakasabat sa kanya. Wala na akong nagawa nun kundi umiyak ng umiyak. Kung kelang masaya ako kasama si Mark. Kung kelan dumating na ang lalaking magpapasaya saakin tsaka pa ako ilalayo sa kanya? Bakit ganun?
                I know there are such thing as long distance relationship pero alam kong hindi ko makakaya yun. Naniniwala ako na hindi madalas nag wo-work out ang ganung bagay. Ang magpaalam pa lang kay Mark hindi ko na kaya, paano pa kaya kung mahihiwalay na ko sa kanya ng tuluyan? That thought totally breaks my heart. Sinubukan ko ulit kumbinsihin si daddy na iwan ako dito pero ayaw niya talaga.
                Inenroll na nila ako sa isang private academy doon. They tried to cheer me up sa pamamagitan ng pagpapakita saakin ng magiging future school ko, ng magiging bahay namin doon, yung malalapit na shopping malls at mga store at kung anu-ano pa but none of this cheered me up. Lalo na nung nalaman kong next month na agad ang alis namin.
                 Isang buwan ko na lang makakasama si Mark. Parang pakiramdam ko isang buwan na lang ako mabubuhay sa mundong ito. Hindi ko alam kung napapansin ni Mark ang pagbabago sa kilos ko pero everyday, mas lalo akong nagiging sweet sa kanya. Pinipilit ko siyang magkita kami araw -araw kahit alam kong busy siya sa school. Isang araw, ako pa mismo ang nagpunta sa school nila para makita ko lang siya.
 “Oh Jane, anong ginagawa mo dito?”
                Tanong ni Mark ng madatnan niya akong nagaantay sa may gate ng Johnson Academy.
 “Na-miss kasi kita”
                Sabi ko sa kanya. He hugged me.
 “Ikaw talaga kakakita lang natin kahapon miss mo na ako agad”
“Eh ganun talaga isang araw lang kitang di makita miss na miss na agad kita”
                Naramdaman kong para na naman akong maiiyak kaya I buried my face on his chest.
 “May problem ba Jane?”
 “W-wala naman! Sobrang miss lang kita”
                Niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit. Para atang di ko kakayanin na hindi ko na mayayakap si Mark ng ganito. Mababaliw ako pag di ko na maririnig ang tawa niya at makikita ang mga ngiti niya. Ayokong umalis.. pero wala akong magawa..
 “I love you Mark ko”.
                 Bulong ko sa kanya habang nakayakap parin ako ng mahigpit. Hinalikan niya ang ulo ko.
 “Jane, I don’t know what happened pero always remember na mahal na mahal na mahal din kita”
                Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Walang iwanan ha?”
                 And that question totally broke my heart.

Kabanata 12
Patawad

                Madaling lumipas ang isang buwan. Nagising na lang ako na kinabukasan na ang alis namin. Wala parin alam si Mark tungkol dito at wala na akong planong ipaalam pa sa kanya.
                Hindi ko kayang magpaalam sa kanya. Alam kong masasaktan lang ako ng husto kapag sinabi ko ang mga katagang “mag break na kami.” Sabi nga saakin nila Kim pwede naman daw namin ipagpatuloy ang relationship namin kahit na magkalayo kami eh. But the thing is, hindi na kami babalik sa Pilipinas.
                 Pareho naming hindi alam kung ano ang mangyari and mas lalong ayoko namang may maiwan na isa sa ere. Mas mabuti ng umalis ako ng walang paalam sa kanya. Mas mabuti ng pag alis ko, magalit siya saakin ng husto para mas madali siyang maka-move on. Ok lang kahit ako ang maiwan na nato-torture sa sakit.
                 Niyaya ko ngayong araw si Mark na pumunta sa theme park. As usual nag laro lang ulit kami at sumakay sa mga rides. Hindi na nga pala ako takot sumakay doon sa roller coaster simula nung nagtapat siya saakin doon kaya naman paulit-ulit din naming sinakyan yun.
                 Habang nasa park kami, pinilit ko siya na mag picture kami ng mag picture dalawa para kahit ito manlang memory na to ay madala ko. Madami din akong kinukuha na stolen shots niya.
                “Ikaw talaga kuha ka ng kuha ng pictures saakin”.
                Sabi niya habang kumakain kami ng cheesecake.
 “Syempre naman para makaipon ako ng madaming picture mo”.
 “Jane we have a lot time para makapag ipon ng madaming pictures!”
                I just smile at him. Kung alam mo lang kung gaanong kaunti na lang ang oras para saating dalawa Mark… Kung alam mo lang…
 “T-tara sakay tayo ng ferris wheel?”
                Yaya ko sa kanya. Pumunta kami doon sa ferris wheel then sumakay kami. Sakto din dahil gabi na kaya naman ang ganda ganda ng view.
 “Hay ang memorable ng place na to para sa atin no?”
                Sabi ko sa kanya.
 “Dito tayo naging magkaibigan, dito din kita sinagot dati…”
 “Right! At magiipon pa tayo ng madaming memories dito! Dito natin dadalhin ang magiging first baby natin sa birthday niya. Dito tayo mag fa-family bonding… dito din dadalhin ng mga anak natin ang magiging mga anak pa nila”
                 Napahinga ako ng malalim to restrain myself from crying then I hugged Mark.
“Mark love na love na love talaga kita. Tatandaan mo yan palagi ah? ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay. I love you very very much”
“Ikaw talaga kung makapag salita ka parang mag e-end of the world na bukas”
                He put his hand on my shoulders then tinitigan niya ako sa mata.
 “I love you too Jane. Sobrang mahal kita to the point na hindi ko na maisip na kaya ko pang magmahal ng ganito. Siguro nga nahanap ko na ang babaeng dadalhin ko sa altar”.
                He leaned on me then he gave me a quick kiss. Agad naman akong napayakap sa kanya ng mahigpit at hindi ko na naiwasan na hindi maiyak.
“Jane? Umiiyak ka ba?”
                Tumango ako.
 “Ikaw kasi masyado kang nakaka touch!”
“I love you”
                Bulong niya sa aking tainga.
“I love you too”
                At sana patawarin mo ako sa gagawin ko Mark… sana mapatawad mo ko.
                That’s the last time I saw him. Kinabukasan, habang mahimbing pang natutulog si Mark ay nakasakay na ako sa eroplano papuntang England. Tuloy tuloy ang pagiyak ko habang hawak hawak ko ang picture naming dalawa.
                Desisyon. Nung una pa lang, nag decide na akong maging kaibigan si Mark, nag decide akong mapalapit sa kanya, nag decide akong tanggapin ng buong buo na mahal ko na siya, nag decide akong sagutin siya… at ngayon, nag decide akong iwan siya.
                 Sumagi narin sa isip ko na paano kung hindi ako napalapit sa kanya? Edi sana hindi ko siya minahal at hindi ako nasasaktan ngayon? Pero kahit masakit, hindi ko pinagsisihan ang desisyon na yun. Si Mark ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko at katulad niya, hindi ko na maimagine ang sarili kong magmamahal pa ng ibang lalaki. Pero wala na eh. Tapos na.
                Hindi naging happy ending ang storya namin dahil sa kaduwagan ko. Ngayon wala na akong ibang nagawa kundi iyakan na lang ang maling desisyon ko. Tinignan ko ulit ang picture namin habang pumapatak ang mga luha ko dito.
 “Bye Mark… Patawad…”

Wakas 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento