Ang Wikang
Tausug
Kabanata I
Panimula
Ang wika ang namamagitan upang
maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao, ibang tao, paligid o mundo. Ang
wika din ang identidad o pagkakakilanlan ng isang bansa. Sa pamamagitan ng wika
kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi
pati na rin sa mga karatig bansa nito ( Thenzai, 2009). Ang wika ay isang
mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa. Ito ay
biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa
kanyang kapaligirang ginagalawan. Samaktuwid, ito ay isang daan sa
pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay (Bokals,
2010).
Sa pagbabagong-hugis ng edukasyon,
mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika. Nagsisilbi itong tulay upang
maunawaan kung ano ang tinutukoy na pagbabago. Dahil din sa wika kaya
nagkakabigkis-bigkis at nagkakaisa ang mga mamamayan. Ayon pa kay Rizal, habang
pinapanatili ang sariling wika, napapangalagaan nito ang kaligtasan ng kanyang
kalayaan tulad ng pagsasaisip niya sa sarili.
Maraming haka-haka tungkol sa
pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa din
maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap
ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t
ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa
kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o
misteryo (Bokals, 2010).
Ang Pilipinas ay binubuo ng mga
pulo. Bawat pulo rito ay may mga wika at wikain na ginagamit ng mga mamamayan.
Napatunayan nilang ang Pilipinas ay may higit sa isang daan (100) mga wika at
apat naraang (400) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang sitwasyong ito ay
isang malaking hamon sa wikang Filipino na mapag-ugnay ang bawat mamamayan sa
bawat pulo (Wikipedia).
Isa sa mga katutubong wika ay ang
Wikang Tausug. Ang mga Tausug ay tinatawag na Suluk sa Sabbah, Malaysia. Ang
mga Tausug ay bahagi ng mas malaking pangkat-etniko na Moro, ang ika-anim na
pinakamahalagang pangkat-etniko sa pilipinas. Ang katawagang Tausug ay nagmula
sa mga salitang Tau-sug na
nangangahulugang mga tao ng agos “(Ingles: people of the current”) na tumutukoy
sa kanilang lupang tinubuan ng Sulu. Ito ay isang wikang Bisaya na
sinasalita sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas. Sinasalita rin ito sa Malaysia at
Indonesia (Wikipedia). Ang kanilang lenggwahe ay nabibilang sa Hilagang
Mindanao.
Paglalahad
ng Suliranin
Ang
pangunahing layunin ng pag aaral na ito ay upang alamin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng wikang Tausug sa wikang Filipino, Maranao, Subanen at Cebuano sa
mga sumusunod:
1. Ano
ang mga pagkakatulad ng mga salita sa kanilang leksikal na aspeto?
2. Ano
ang mga pagkakaiba ng mga salita sa kanilang leksikal na aspeto?
3. Anong
wika ang mas malapit sa Tausug?
Kahalagahan
ng Pag-aaral
Ang wika ay mahalaga at
kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat
mamamayan kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga
sumusunod:
1. Sa
mga guro: Makakatulong ang pag-aaral na ito lalong-lalo na sa pagtuturo ng
wika. Mahalagang magkaroon ng kunting kaalaman sa ibang wika upang maintindihan
nila ang mga mag-aaral at makapag-isip ng mga estratehiya para mas maunawaan ng
mga estudyante ang kanilang pinag- aralan na leksiyon at higit sa lahat magamit
nila sa pakikipagkomunikasyon para magkaroon ng maayos at epektibong pagtuturo.
2. Sa
mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay
nakadagdag ng kaalaman sa mga mag-aaral lalong-lalo na sa wikang aming
pinag-aralan upang lalong mabisa at masanay sa paggamit ng iba’t-ibang wika sa
iba’t-ibang larangan sa Estado sa buhay ng tao. Sapagkat ang wika ang gamit sa
pakikipagtalastasan upang maihatid ng bawat mag-aaral ang gusto nilang sabihin.
3. Sa
lipunan: Tunay ngang kahit pa sabihing iisang wika lamang ang gingamit may
pagkakataon pa ring maaaring hindi magkaintindihan ng tinutukoy ang tao lalo na
kung nag-uusap ay nagmula sa magkaibang lugar. Kaya ang pananaliksik na ito ay
nakakatulong sa lipunan para magkaroon ng kaalaman sa ibang wika at magkaroon
ng maayos na komunikasyon.
4. Sa
mg Linguistika: Makakatulong ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng mga
kaalaman sa mga wika. Katulad ng mga wikang pinag-aralan ng mga mananaliksik.
At malaman din nila ang pagkakaiba’t pagkakatulad ng mga wika kung saan ito
nagmula, paano bigkasin at iba pa.
5. Sa
mga Mambabasa: Nakakatulong ito upang mamulat sila na ang pag-aaral sa wika ay
napaka interesado dahil nalaalaman natin ang kanilang wika at kung paano ito
bibigkasin. At nang sa gayon ay kung may makakasalamuha sila ay malalaman nila
na ang kanilang kinakausap ay sa ganyang tribu nabibilang.
Kabanata II
Mga kaugnay na Literatura at mga Pag-aaral
A. Mga
Kaugnay na Literatura
Ayon kay Harvey Daniels (1985), sa
aklat na Linguistika: Isang Panimulang Pag-aaral, malapit ang kaugnayan ng wika sa lipunan at sa mga taong
gumagamit nito. Ang wika ng tao ay hinuhubog, nagpapalit at nagbabago upang
maiangkop at maiakma sa pangangailangan ng mga tagapagsalita.
Ang wika ay sumasalamin sa kultura.
Ayon kay Ngugi Wa Thiong (1987), sa aklat na Linguistika, isang Afrikanong
manunulat. Dahil sa wika, naisasalarawan nito ang kolektibong kaban ng
karanasan ng tao sa ngalan ng kasaysayan. Ang wika ang nagdadamit sa kultura.
Sa isang wika, makikilala ng sambayanan ang kanyang kultura at matutuhan niya
itong angkinin at ipagmalaki.
Sa aklat ni Rizal na El
Filibusterismo, sinabi ni Simuon, isang mahalagang tauhan sa El Fili sa mga
mag-aaral na ibig magtayo ng Akademya ng Wikang Espanyo “Ang taong ayaw
umangkin ng sariling wika ay ayaw ng pagkakakilanlan” Ibig sabihin ng katagang
ito kung ayaw mo tanggapin o kilalanin ang iyong wikang kinagisnan ay
nagpapahiwatig na ayaw mong mapabilang o hindi ka masaya sa iyong lipunang kinabibilangan
mas gusto mo o tinatangkilik ang wika ng iba.
Leksikon
ay sarili
nating vokabularyo na panay wikang Filipino. Ayon kay Buenventura (2014), sa
kanyang presentasyon tungkol sa leksikon ng wika ay may limang paraan sa pagbuo
ng mga salita. Una ay ang tinatawag na pagtatambal na kung saan pinagtambal ang
mga morfema. Halimbawa bahaghari na mula sa bahag at hari. Pangalawa ay ang Akronim
ito ay hango mula sa initial o mga unang pantig ng mga salita. Halimbawa ang
NSO na mula sa National Statistic Office. Ikatlo ay ang pagbabawas o clipping,
ito ay ang pagpapaikli ng mga salita na kadalasang ginagamit sa pasalitang
paraan. Halimbawa ang Fon para sa telefono. Ang pang-apat ay ang pagdaragdag,
kung may mga salita na binabawasan mayroon din namang dinaragdag. Halimbawa,
ang salitang sampalin ay ginawang sampalikukin. Ang ika-lima ay ang paghahalo o
blending ito ay ang pagbabawas at pagtatambal ng mga salita. Halimbawa ang
cha-cha mula sa charter change.
Kasaysayan
ng Wikang Tausug
Ayon
kay Jansen (2012) ang kasaysayan ng Tausug ay nagsimula noong 1457 at
nakasentro sa Jolo, ang kabisera ng Sulu. Sa lahat ng grupong Moro, Tausug ang
itinuturing na pinakamalaya at mahirap na sakupin, na wala ni isang sulong
henerasyon ng Tausug ang nakaranas ng buhay na walang digmaan sa loob nang 450
na taon.
Ang Tausug ay ang kauna-unahang
tribo sa kapuluan na naging Muslim. Ayon sa kasaysayan sila ang namuno sa
matandang Sultunate sa Jolo at kinokonsidera ang kanilang sarili na mas
superior kumpara sa ibang Muslim sa Pilipinas (www. Seasite. Niu.edu).
B. Mga
Kaugnayan sa Pag-aaral
Ayon
kay William Henry Scott, bantog na manalaysay sa Pilipinas matagal nang
alam ng mga nag-agham sa wika (linguists) na dayuhan lamang sa Sulu ang Wikang
Tausug nagmula sa Silangang bahagi ng Mindanao at kaugnay ng salita sa Butuan
(elaput.org).
Ang pag-aaral ni Pasion
(2014) na pinamagatang “Varyasyong Leksikal sa mga Dayalektong Mandaya ng
Davao” ay nakatulong sa pag-aaral ng mananaliksik dahil parehong pag-aaral sa
Leksikal na aspeto ang binigyang pansin. Ang varyasyong leksikal sa pag-aaral na ito ay
tumutukoy sa pagkakaiba ng salita o katawagan ng iba’t ibang dayalekto sa isang
bagay.
Ang mga pag-aaral na ito
ay nakatulong sa mga mananaliksik dahil parehong leksikal na aspeto ang
pinag-aaralan.
Teorya ng Pag-aaral
Ang baryasyon ng wika ay batay sa katayuan ng speaker sa
lipunan o sa lupon ng kanyang kinabibilangan. Ito ang nagsisilbing identidad ng
isang tao.
Ang pag-aaral na ito ay nakasandig sa Teoryang
Sosyolingwistiko na kung saan ipinapaliwanag na ang wika ay panlipunan at ang
speech ay pang indibidwal at grupo. Kaugnay ng teoryang sosyolingwistiko ang
ideya ng pagiging heterogeneous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at
grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at
iba pa (Mangahis, et.al, 2005). Ang teoryang ito ay nagpapatunay na kahit may
iisang wika tayo na ginagamit na tinatawag na Wikang Filipino ay nagkakaroon pa
rin ng barayti ng wika dahil sa mayroon tayong iba’t ibang grupo ng tao sa
ating lipunan.
Kabanata III
Metodolohiya
Ang
kabanatang ito ay naglalahad ng pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik upang
makalikom ng mga datos.
Pamaraang
Ginamit
Ito
ay isang palarawang pananaliksik at pagbibigay porsyento. Ipinaghambing ang
limang wika sa aspetong leksikal.
Lugar
o Lokasyon ng pag-aaral
Mapa
ng Buug patungong Marawi City
Mapa
ng Poblacion Buug hanggang Barangay Manlin
Pagsasaayos
ng Datos:
Una:
Naglista ang mga mananaliksik ng mga salitang Tausug na karaniwang ginagamit o
sinasalita ng mga tao.
Pangalawa:
Inihanay ang mga salita ayon sa katawagan. May apat napung salita. Sampung
salita (10) sa pagpangalan sa tao, labing
lima (15) sa hayop, lima (5) sa gamit, lima (5) din sa bahagi ng katawan.
Ikatlo:
Sa pagsalin o pagtumbas ng mga salita, sinikap ng mananaliksik na kumuha ng
datos sa pakikipagpanayam nila sa iba’t ibang taong may alam sa wikang
pinag-aaralan ng mga mananaliksik.
Ikaapat:
Ikinumpara ng mga mananaliksik ang mga salita na isinalin.
Ikalima:
Pinag-aralan ng mabuti kung ang nagkakatulad at nagkakaiba mula sa mga salitang
naitala.
Ang
Pinagkunan ng mga Datos
Sinikap
ng mananaliksik na makakuha ng mga datos para sa kanyang pag-aaral mula sa
ibang Thesis na may kaugnayan sa wika, internet connection at mga respondente
na may alam sa wikang pinag-aralan ng mananaliksik.
Kabanata
IV
Presentasyon, Interpretasyon at Analysis ng Datos
Talahanayan
1
Pangngalan sa Tao na mula sa Wikang
Tausug na
tinumbasan sa Wikang Filipino,
Maranao. Subanen at Cebuano
Pangngalan sa Tao
|
||||
Filipino
|
Tausug
|
Maranao
|
Subanen
|
Cebuano
|
1.
tatay
|
Áma
|
Amá
|
si’yama
|
papa
|
2.
nanay
|
Ína
|
Iná
|
si’na
|
mama
|
3.
asawa
|
Asawa
|
Nakaroma
|
asawa
|
asawa
|
4.
biyuda
|
Balu
|
Balu
|
bhalu
|
Balu
|
5.
bunso
|
Kamanghuran
|
Ari
|
nguran
|
Manghud
|
6.
tiyo
|
Bapa
|
Bapa
|
bapa
|
Uyuan
|
7.
biyenan
|
Ugangan
|
Manugangan
|
panugangan
|
Ugangan
|
8.
pamangkin
|
Anakon
|
pakiwata-a
|
manok
|
pag-umangkon
|
9.
tiya
|
Babu
|
Ante
|
mamay
|
Iyaan
|
10.
matanda
|
Maas
|
Lokos
|
mhata-u
|
Tiguwang
|
Sa Talahanayan 1, ipinapakita na may
pagkakatulad ang pagtumbas ng mga salita sa ibang wika ngunit iba sa isang
wika. Halimbawa, ang salitang asawa, ang katawagang asawa ay katulad din
sa pagtumbas sa wikang Filipino, wikang Tausug, Subanen, at Cebuano. Ngunit iba
sa wikang Maranao dahil ang salitang “asawa” ay tinatawag nilang “nakaroma”.
Mapapansin
din na may magkaiba-iba sa pagtumbas at pagbaybay. Halimbawa ang salitang matanda
ay ang panumbas na ginagamit sa wikang Filipino, maas naman sa wikang Tausug,
lokos sa Maranao, mha-ta-u sa Subanen at tiguwang ang ginagamit na panumbas ng
mga Cebuano. Isa ding halimbawa ang salitang pamangkin; pamangkin sa
wikang Filipino, anakon sa wikang Tausug, pakiwata-a sa wikang Maranao, nguran
sa wikang Subanen at manghud naman sa wikang Cebuano. Ang salitang bunso
na mula sa wikang Filipino na tinumbasan ng mga Tausug sa salitang kamanghuran,
ari sa wikang Maranao, nguran sa wikang Subanen at manghud naman sa wikang
Cebuano.
Talahanayan
2
Pangngalan sa Hayop na mula sa
Wikang Tausug na
tinumbasan sa Wikang Filipino,
Maranao. Subanen at Cebuano
Hayop
|
||||
Filipino
|
Tausug
|
Maranao
|
Subanen
|
Cebuano
|
1.kalabaw
|
Karabaw
|
karabaw
|
Klabaw
|
kabaw
|
2.manok
|
Manok
|
manok
|
Manak
|
manok
|
3.baka
|
Sapi
|
sapi
|
Sapi
|
baka
|
4.aso
|
Iro
|
aso
|
Ginto
|
iro
|
5. palaka
|
Ambak
|
babak
|
Gegbak
|
baki
|
6.gansa
|
Gansa
|
ganso
|
Phato
|
gansa
|
7.kabayo
|
Kura
|
koda
|
Khura
|
kabayo
|
8.butiki
|
Butiki
|
tagatek
|
Belumbang
|
butiki
|
9.unggoy
|
Amuh
|
amo
|
Ghutong
|
unggoy
|
10.daga
|
Ambaw
|
lalawa
|
Tinubong
|
ilaga
|
11.baboy
|
Babuy
|
baboy
|
Baboy
|
baboy
|
12.ahas
|
Has
|
olud
|
Nipay
|
bitin
|
13.pagong
|
ba-u-u
|
ba-o-o
|
bo-o
|
ba-u
|
14.paro-paro
|
Gadding
|
paro-paro
|
Belambang
|
alibang-bang
|
15.ipis
|
Ipis
|
kakaba
|
Kemang
|
ok-ok
|
Sa
Talahanayang na ito makikita natin na may mga salitang magkaiba sa pagbaybay.
Halimbawa, ang salitang daga ang
ginagamit na panumbas sa wikang
Filipino, ambaw sa Tausug, lalawa sa Maranao, thubong sa Subanen at ilaga sa
mga Cebuano. Ang katawagang palaka ay
salitang ginagamit sa wikang Filipino, ambak sa Tausug, babak sa Maranao,
gegbak sa Subanen at baki sa Cebuano. Ang terminolohiyang ahas sa wikang Filipino ay naging has sa Tausug, ulod sa Maranao,
inipay sa Subanen at bitin sa Cebuano. Ang salitang pagong na ba-u-u sa Tausug,
Ba-o-o sa Maranao, Bo-o sa Subanen at ba-u sa Cebuano
May
mga salita na pareho ang pagtumbas sa dalawang wika ang salitang paro-paro sa
Filipino ay paro-paro din sa Maranao. Ang ipis din na katawagan sa Filipino ay
pareho lang sa Tausug na ipis. Mapapansin din sa talahanayan na katulad lamang
ang pagtumbas ng mga salita maliban sa isa pang wika. Halimbawa ang salitang
manok ay katulad lang sa Filipino,Tausug, Maranao, at Cebuano ngunit iba sa
Subanen dahil tinutumbasan nila ito nang salitang Manak. Ang baboy din ay isang
halimbawa na katulad lang ang pagtumbas sa Filipino, Maranao, Subanen at
Cebuano samantala iba sa Tausug dahil
ito ay babuy.
Talahanayan
3
Pangngalan sa Gamit na mula sa
Wikang Tausug na
tinumbasan sa Wikang Filipino,
Maranao. Subanen at Cebuano
Gamit
|
||||
Filipino
|
Tausug
|
Maranao
|
Subanen
|
Cebuano
|
1.damit
|
Badjo
|
bangala
|
Dlaho
|
Sanina
|
2. Papel
|
Papel
|
karatas
|
Khatas
|
Papel
|
3. Upuan
|
lingkuranan
|
kuntuda
|
dinghuran
|
Bangku
|
4. suklay
|
Sudlay
|
salday
|
Shunday
|
Sudlay
|
5. pinggan
|
pinggan
|
lapad
|
pinggan
|
Plato
|
Sa
talahanayang ito ang mga salita ay magkakaiba sa pagbaybay. Halimbawa, ang
katawagang damit sa wikang Filipino ay tinumbasan ng mga Tausug ng salitang
badjo, sa mga Maranao ang damit ay bangala, dlaho sa wikang Subanen at sanina
sa wikang Cebuano.
Mapapansin
din natin na ang salitang pinggan sa Filipino ay may pagkakatulad ang pagtumbas
sa dalawa pang wika. Sa wikang Tausug at Subanen ngunit iba sa wikang Maranao
dahil ang pinggan sa kanila ay lapad at sa mga Cebuano ito ay plato.
Talahanayan
4
Pagpapangalan sa Pangkabuhayan na
mula sa Wikang Tausug na
tinumbasan sa Wikang Filipino,
Maranao. Subanen at Cebuano
Pangkabuhayan
|
||||
Filipino
|
Tausug
|
Maranao
|
Subanen
|
Cebuano
|
1.guro
|
mastal
|
Guro
|
manintulo
|
Magtutudlo
|
2.mangingisda
|
mangingista
|
Mangingisda
|
mangalapsa
|
Mangisdaay
|
3.labandera
|
mangdakdak
|
Dimampi
|
mangadak
|
Labandera
|
4.mangangalakal
|
mangangalakal
|
Mangangalakal
|
mangangalakal
|
Negosyante
|
5.mangtrotroso
|
mangtrotroso
|
Mangtrotroso
|
mamutokgayo
|
Gabasero
|
Ang
mga naitala sa talahanayang ito ay nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng
pagtumabas sa bawat wika; Halimbawa, ang salitang guro na ginagamit sa wikang
Filipino gayundin sa Maranao, at ang katawagang labandera sa wikang Filipino ay
labandera din sa wikang Cebuano itong mga salita ay magkatulad sa dalawang
wika.
Ang
salitang mangangalakal ay katulad lang ang pagtumbas sa Filipino, Tausug,
Maranao, at Subanen ngunit iba sa Cebuano dahil ito ay negosyante. Ang salitang
mangtotroso ay magkakatulad ang pagtumbas sa Filipino, Tausug, at Maranao
ngunit iba ang pagtumbas ng mga Subanen dahil ito ay mamutokgayo at sa Cebuano
naman ay gabasero.
Talahanayan
5
Pagpapangalan sa Bahagi ng Katawan
na mula sa Wikang Tausug na
tinumbasan sa Wikang Filipino, Maranao.
Subanen at Cebuano
Bahagi ng katawan
|
||||
Filipino
|
Tausug
|
Maranao
|
Subanen
|
Cebuano
|
1.mukha
|
Baiho
|
Buntal
|
Mhalo
|
Nawong
|
2.kamay
|
Lima
|
Lima
|
khumot
|
Kamot
|
3.binti
|
Bitis
|
Pamusuan
|
Pha
|
Batiis
|
4.siko
|
Siko
|
Siko
|
Shu
|
Siko
|
5.paa
|
paa
|
a-i
|
ghesod
|
Tiil
|
Sa
huling talahanayan, sa pagtumbas ng mga bahagi ng katawan gamit ang limang wika
ay makikita natin na may pagkakaiba at pagkakatulad ang pagpapangalan.
Magkakaiba ang pagtumbas sa limang wika. Halimbawa ng salitang mukha sa wikang
Filipino pagdating sa pagpapangalan ng mga Tausug ang mukha ay tinutumbasan ng
baiho, sa wikang Maranao ay buntal, sa katawagan naman ng mga Subanen ito mhalo
at nawong ang katawagan ng mga Cebuano sa salitang mukha. Gayundin ang salitang
binti sa wikang Filipino, bitis sa wikang Tausug, pamusuan sa mga Maranao, pha
ang tawag sa binti ng mga Subanen at batiis sa wikang Cebuano.
May
mga salita na katulad lang ang salitang pinangtumbas sa apat na wika at iba sa
isa pang wika. Halimbawa, ang katawagang siko
sa wikang Filipino, ang ganitong katawagan ay ginagamit din ng mga Tausug,
Maranao, at Cebuano. Iba nga lang ang tawag ng mga Subanen sa siko dahil ang
ginagamit nilang terminolohiya ay shu.
Kahulugan
ng mga Titik o Salita
Sa-
salita S-
Subanen F- Filipino
T-
Tausug C- Cebuano M-Maranao
Talahanayan
Pagbibigay porsyento ng mga
salitang magkakatulad at magkakaiba
sa pagtumbas ng mga salita sa Tao
mula T-F, T-M, T-S, T-C.
Tao
|
||||
|
Sa na katulad
|
Porsyento
|
Di-katulad
|
Porsyento
|
T-F
|
1
|
10%
|
9
|
31%
|
T-M
|
4
|
40%
|
6
|
21%
|
T-S
|
3
|
30%
|
7
|
24%
|
T-C
|
2
|
20%
|
7
|
24%
|
Total
|
10
|
100%
|
29
|
100%
|
Makikita sa unang talahanayan ang
pagkakaiba ng mga porsyento. Mula sa T-F may isa o 10% na mga salita na
magkatulad at siyam o 31% na mga salita
na magkakaiba. Sa T-M naman ay apat o 40% na mga salita ang magkatulad at anim
o 21% ang di-magkatulad. Sa T-S ay makikita na may tatlo o 30% na mga salita
ang magkatulad at may pito o 24% ang di-magkatulad. Habang sa T-C naman ay
mapapansin na may dalawa o 20% na mga salita ang magkapareha habang may pito o
24% naman ang di-magkatulad.
Ipinapakita
sa talahanayan na ito na may pagkakalapit at pagkakalayo ang pagtumbas. 40%
porsyento na magkalapit ang pagtumbas sa katawagan ng Tao sa wikang Tausug at
Maranao. 31% porsyento naman na magkalayo ang pagtumbas ng salita sa wikang
Tausug sa wikang Filipino.
Talahanayan
Pagbibigay
porsyento ng mga salitang magkakatulad at magkakaiba
sa pagtumbas ng mga salita sa Hayop
mula T-F, T-M, T-S, T-C.
Hayop
|
||||
|
Sa na katulad
|
Porsyento
|
Di-katulad
|
Porsyento
|
T-F
|
5
|
26%
|
10
|
25%
|
T-M
|
6
|
32%
|
9
|
22.5%
|
T-S
|
3
|
16%
|
12
|
30%
|
T-C
|
5
|
26%
|
9
|
25%
|
Total
|
19
|
100%
|
40
|
100%
|
Mapapansin sa pangalawang
talahayanan na magkaiba ang porsyento mula sa T-F na may lima o 26% na
magkatulad na salita at may sampu o 25% naman ang di magkatulad. Sa T-M naman
ay makikita na may anim o 32% na mga salita ang magkapareha habang may siyam o
22.5% naman na mga salita ang di magka pareha. Kapansin-pansin din sa T-S na
mayroong tatlo o 16% na mga salita ang tugma at mayroon ding labindalawa o 30%
na mga salita ang di-magkapareha. Sa T-C naman ay makikita na may lima o 26% na
mga salita ang magkatulad habang mayroon namang siyam o 25% ang mga salita na
di-magkatulad.
Sa
talahanayang ito ipinapakita na mas magkalapit ang wikang Tausug sa wikang
Maranao sa pagtumbas ng katawagan sa hayop na may 32% porsyento. Sa pagkakaiba
ng pagtumbas 30% porsyento na magkalayo ang wikang Tausug sa wikang Subanen.
Talahanayan
Pagbibigay
porsyento ng mga salitang magkakatulad at magkakaiba
sa pagtumbas ng mga salita sa Gamit
mula T-F, T-M, T-S, T-C.
Gamit
|
||||
|
Sa na katulad
|
Porsyento
|
Di-katulad
|
Porsyento
|
T-F
|
2
|
40%
|
3
|
20%
|
T-M
|
0
|
0%
|
5
|
33%
|
T-S
|
1
|
20%
|
4
|
27%
|
T-C
|
2
|
40%
|
3
|
20%
|
Total
|
5
|
100%
|
16
|
100%
|
Kapansin-pansin
sa ikatlong talahayan na magkaiba ang porsyento. Sa T-F makikita na dalawa o 40%
ang magkatulad na salita habang tatlo o 20% naman ang di-magkatulad na salita.
Habang sa T-M mapapansin na wala o 0% ang magkatulad na salita at merong lima o
33% na hindi magkatulad. Makikita rin sa T-S na mayroon lamang isa o 20% na
magkatulad na salita at mayroon namang apat o 27% na salita ang di-magktulad.
Sa T-C naman ay mayroon ding dalawa o 40% na salita ang magkatulad habang may
tatlo rin o 20% na salita ang hindi magkatulad.
Ipinapakita
ng talahanayan 3 na 40% porsyento na magkakatulad ang pagtumbas sa gamit ang
wikang Tausug sa wikang Filipino. At 33% porsyento na magkalayo ang pagtumbas
sa wikang Tausug sa Maranao.
Talahanayan
Pagbibigay porsyento ng mga
salitang magkakatulad at magkakaiba
sa pagtumbas ng mga salita sa
Pangkabuhayan mula T-F, T-M, T-S, T-C.
Pangkabuhayan
|
||||
|
Sa na katulad
|
Porsyento
|
Di-katulad
|
Porsyento
|
T-F
|
2
|
40%
|
3
|
20%
|
T-M
|
2
|
40%
|
3
|
20%
|
T-S
|
1
|
20%
|
4
|
27%
|
T-C
|
0
|
0%
|
5
|
33%
|
Total
|
5
|
100%
|
15
|
100%
|
Makikita sa talanahayang ito sa T-F
ay mayrong dalawa o 40% na magkatulad na salita at mayroon ding tatlo o 20% na
di-magkatulad na salita. Habang sa T-M ay mapapansin na mayroon ding dalawa o
40% ang magkatulad na salita at mayroon din itong tatlo o 20% na di magkatulad
na salita. Sa T-S makikita na mayroon
lamang isa o 20% na salita ang magkatulad habang may apat o 27% na
di-magkatulad na salita. Habang sa T-C ay kapansin-pansin na wala o 0% ang
magkatulad na salita at mayroon namang lima o 33% na hindi magkatulad na
salita.
Sa
talahanayang ito makikita na may dalawang wika ang magkalapit sa pagtumbas sa
katawagang pangkabuhayan ito ang wikang Tausug sa wikang Filipino at Maranao na
may 40% porsyento. Sa pagkakalayo naman ng pagtumbas 33% porsyento na
pagkakaiba ang wikang Tausug sa wikang Cebuano sa mga katawagan.
Talahanayan
Pagbibigay porsyento ng mga
salitang magkakatulad at magkakaiba
sa pagtumbas ng mga salita sa
Bahagi ng Katawan mula T-F, T-M, T-S, T-C.
Bahagi ng Katawan
|
||||
|
Sa na katulad
|
Porsyento
|
Di-katulad
|
Porsyento
|
T-F
|
2
|
40%
|
3
|
20%
|
T-M
|
2
|
40%
|
3
|
20%
|
T-S
|
0
|
0%
|
5
|
33%
|
T-C
|
1
|
20%
|
4
|
27%
|
Total
|
5
|
100%
|
15
|
100%
|
Makikita sa ikalimang talahayan sa
T-F na mayroong dalawa o 40% na salita ang magkatulad habang may tatlo o 20%
ang hindi magkatulad. Sa T-M ay mayroon ding dalawa o 40% na magkatulad na
salita at mayroon ding tatlo o 20% ang hindi na magkatulad. Sa T-S naman ay
mapapansin na wala o 0% ang salitang magkatugma at mayroon namang lima o 33%
ang di-magkatulad. Sa T-C naman ay mayroon lamang isa o 20% na salita ang
magkatugma at mayroong apat o 27% ang salitang di-magkatugma
Sa
huling talahanayan makikita na may 40% porsyento na magkalapit ang pagtumbas sa
bahagi ng katawan ang wikang Tausug sa Filipino at Maranao sa pagkakalayo naman
33% porsyento na magkakaiba ang pagpapangalan ng mga Tausug sa Subanen.
Talahanayan
Kabuuang Pagtatala ng mga Porsyento
ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
salita
Sa kabuuang Pagtatala
|
||||
|
Sa na katulad
|
Porsyento
|
Di-katulad
|
Porsyento
|
T-F
|
12
|
28%
|
28
|
24.5%
|
T-M
|
14
|
32%
|
26
|
23%
|
T-S
|
8
|
18%
|
32
|
28%
|
T-C
|
10
|
23%
|
28
|
24.5%
|
Total
|
44
|
100%
|
115
|
100%
|
Sa kabuuan ng pagtatala ng mga
porsyento makikita na ang T-F ay may labing-dalawang o 28% na mga salita ang
magkakatulad at dalawamput-walo o 24.5% na mga salita ang di-magkakatulad. Sa
T-M naman mapapansin na labing-apat 0 32% na mga salita ang magkakatulad at
dalawamput-anim o 23% na mga salita ang di-magkakatulad. Ang T-S ay may walo o
18% na mga salita ang magkakapareha at tatlomput-dalawang salita na magkaiba.
At sa T-C ay sampu o 23% na mga salita ng katulad at may dalawamput-walo o
24.5% na mga salitang magkakaiba.
Sa
kabuuan makikita natin na mas mataas ang porsyento na magkakalapit ang
pagtumbas ng wikang Tausug sa wikang Maranao na binubuo ng 32 na porsyento at
malayo ang pagtumbas ng mga salita mula T-S at T-F na may 24.5 na porsyento.
Kabanata V
Mga Natuklasan
at Konklusyon
Buod:
Sa kabuuang pag-aaral masasabi na
ang Wikang Tausug ay mas malapit ang pagtumbas sa Wikang Maranao. Malayo ang
pagtumbas nang Wikang Tausug sa Subanen at sa Filipino. Iba-iba man ang
pagkakabaybay ng mga salita ay magkakatulad padin ang kahulugan nito. Ang
pagkakaiba ng wikang sinasalita ay isang identidad o pagkakakilanlan ng isang
tao sa lipunang ginagalawan.
Natuklasan
Sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa
paghahambing ng limang wika natuklasan ang mga sumusunod:
1. Na
may pagkakalapit ang pagtumbas ng isang salita sa isa pang wika, ang wikang
Tausug at Maranao na may porsyentong 32%.
2. Marahil
ang pagkakatulad ng wikang Tausug at Maranao ay bunga ng heograpikal na aspeto
dahil pareho silang nabibilang sa etnikong grupo na tinatawag na Muslim o
Moros.
3. Napapansin din na ang mga salitang Subanen ay
may ponemang “h” na nasisingit sa unang ponema ng salita kaya kung bibigkasin
ay isinasama ang tunog na “h”.
4. Kahit
na ang wikang Subanen ay napapabilang sa pagkat etniko ay halos malayo ang
panumbas na ginagamit nila sa wikang Tausug at Maranao.
5. May
pagkakatulad ang Wikang Filipino sa Wikang Cebuano dahil ayon sa haka-haka ng
mga dalubhasa sa pananalita katulad nina Dr. David Zore at Dr. Robert Blust,
nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa Hilagang Silangang Mindanao o
Silangang Kabisayaan (http://fil.wikipilipinas).
6. Maraming
mga salita na magkakaiba sa leksikal na aspeto gaya ng salitang Filipino na
palaka, daga, ahas, matanda at iba pa.
7. Sa
leksikal na pamamaraan may mga salita na nababawasan pagdating sa ibang wika
gaya ng kamanghuran sa Tausug na naging nguran sa Subanen na tinanggal ang kama at h. sa pagdagdag naman, halimbawa na rito ang salitang balu na
naging bhalu sa Subanen na dinagdagan ng ponemang h.
Konklusyon
Batay sa ginawang pananaliksik at
mga natuklasan idinudulog ang sumusunod ang konklusyon.
Ang wika ang gamit sa komunikasyon
kaya dapat magkaroon ng kaunting kaalaman sa wika ng iba upang magkaunawaan at
maihatid nang maayos ang gusting ipahiwatig. At kahit na may iba’t ibang wika
tayong sinasalita masasabi ng mananaliksik na matatag ang ating bansa dahil
kahit saan man tayo pumunta marunong tayo makisama o makihalubilo sa
pamamagitan ng wikang alam natin at higit sa lahat nagagamit ito sa
pagtratrabaho o di kaya’y sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa kaysa sa tulong
ng ibang wika nagiging matatag an gating bansa.
Ang wika ay kapwa itinuturing na
malaking tulong sa pakikipag-ugnayan ng mga tao sa lipunan. Ito ang instrumento
o midyum na ginagamit ng tao sa mabisang pagpapahayag ng iniisip at nadarama sa
kanyang kausap. Kaya mahalagang magkaroon ng kaalaman sa wika ng iba.
Reference
Maganis,
Josefina C., Rhoderick V. Nuncio, Corazon M. Javillo. Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Quezon City:
C&E Publishing Inc. 2005.
Mangahis,
J. et.al. (2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila, Quezon
City. C&E Publishing Inc.
Semorlan,
Teresita P. Lingwistika: Isang Panimulang Pag-aaral. MSU Iligan Institute of Technology. Departmento ng Filipino at iba
pang mga wika, 2010.
Hadjimalic,
Rohaima P. Wikang Filipino at Wikang Maranao: Isang Paghahambing. Di- malathalang Tesis, MSU-Buug College, Buug
Zamboanga Sibugay.2007.
Jansen,
Michael. Ang mga Muslim sa Sulu at ang kanilang Kasaysayan. Muslim. Academy.com/ang-mga-muslim-sa-sulu-at-ang-kanilang-kasaysayan.December
24, 2012.
Bokals.
Kahulugan at Katangian ng Wika. http:/teksbook.blogspot.com/ 2010/08/Kahulugan- at Katangian-ng-wika.html. August 30,2010.
Bokals.
Pinagmulan ng Wika. http://teksbook.blogspot.com/2010/09/Teorya-ng-Pinagmulan- ng- wika.html. September.
03, 2013.
Buenaventura, Von. Fonema,
Morfema at Leksikon ng Wikang Filipino. https://prezi.com/rawguu6meebm/fonemamorfema-at-leksikong-ng-wikang-filipino/. July
22, 2014.
Thenzai.
Kahalagahan ng Wika.http://thenzai-thezai.blogspot.com/2009/06/Kahalagahan-ng- wika.html. June 19, 2009.
Passion,
Reymund M. Varyasyong Leksikal sa mga Dayalektong Mandaya sa Davao. Oaji.net/articles/2014/1543-1418707692.pdf.
December 2014.
Diomedes,
Tumutod.personal na panayam. October 11, 2015.
Ednaly
Mandeg.personal na panayam. October 11, 2015.
Jhal
Salapuddin.personal na panayam. October 11, 2015.
_____________.personal
na panayam. October 8, 2015.