Huwebes, Nobyembre 26, 2015

jmsinoy_18: Repleksyon  “SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS” NI J...

jmsinoy_18: Repleksyon  “SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS” NI J...: Repleksyon   “SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS” NI JOSE RIZAL Ang liham ni Jose Rizal na sinulat noong 1889 ay hindi lamang para sa mga ka...

jmsinoy_18: Repleksyon : “ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG” NI...

jmsinoy_18: Repleksyon : “ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG” NI...: Repleksyon :  “ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG” NI ANDRES BONIFACIO Noong unang panahon na hindi pa dumating ang mga kastila ay masasa...

jmsinoy_18: “KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN”NI AND...

jmsinoy_18: “KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN”
NI AND...
: “KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN” NI ANDRES BONIFACIO Sa maikling panahon ng pamumuno ni Polaveija ay ipinararanas niya an...

jmsinoy_18: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINIS...

jmsinoy_18:
“ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINI
S...
: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS” NI APOLINARIO MABINI Sa unang utos ni Apolinario Mabini na pinamagatang “Ang Tunay na Sampung Utos” ay ip...

jmsinoy_18: Pagsusuri sa Maikling Kwento:Ang Gilingang Bato Ni...

jmsinoy_18: Pagsusuri sa Maikling Kwento:Ang Gilingang Bato Ni...: Pagsusuri sa Maikling Kwento: Ang Gilingang Bato Ni Edgardo M. Reyes Panimula: Sa kwentong ito ay isinasalaysay ng bunsong ana...

jmsinoy_18: Repleksyon sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jaci...

jmsinoy_18: Repleksyon sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jaci...: Repleksyon sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto Ang ibig ipahiwatig ng unang kartilya ng katipunang kung iyong ikinabubuhay o hana...

jmsinoy_18: PagsasalinLove Never DiesBy Br RaksunI have love...

jmsinoy_18: PagsasalinLove Never DiesBy Br Raksun

I have love...
: Pagsasalin Love Never Dies By  Br Raksun I have loved her for one year and five months. She is working in the canteen as the cashie...

jmsinoy_18: jmsinoy: Halimbawa ng CURRICULUM VITAEPangalan: Jo...

jmsinoy_18: jmsinoy: Halimbawa ng CURRICULUM VITAEPangalan: Jo...: jmsinoy: Halimbawa ng CURRICULUM VITAE Pangalan: John Mar... : Halimbawa ng  CURRICULUM V ITAE Pangalan: John Mark Cuizon Sinoy Pala...

jmsinoy_18: Gay Lingo: Register ng mga Bakla sa Poblacion Siay...

jmsinoy_18: Gay Lingo: Register ng mga Bakla sa Poblacion Siay...: Gay Lingo: Register ng mga Bakla sa  Poblacion Siay, Zamboanga Sibugay Bilang Pangangailangan Sa Kursong Filipino 109 Baray...

jmsinoy_18: #GugmaSulod sa DamgoNiJohn Mark C. SinoyI.O gugma...

jmsinoy_18: #GugmaSulod sa DamgoNiJohn Mark C. Sinoy
I.O gugma...
: #Gugma Sulod sa Damgo Ni John Mark C. Sinoy I. O gugma, asa ka karong panahona, Kay ako nanginahangla’g balentina, Sauna, gahap...

jmsinoy_18: Haiku& TanagaNiJohn Mark C. SinoyHaiku#PangitPa...

jmsinoy_18:
Haiku& TanagaNiJohn Mark C. Sinoy
Haiku
#PangitPa...
: Haiku & Tanaga Ni John Mark C. Sinoy Haiku #Pangit Pangit man ako, Pero may nagkagusto, Sa ugali ko. #Prinsisa I...

jmsinoy_18: #PakiExplainGud!NiJohn Mark C. SinoyI.Daghan na k...

jmsinoy_18: #PakiExplainGud!NiJohn Mark C. Sinoy
I.Daghan na k...
: #PakiExplainGud! Ni John Mark C. Sinoy I. Daghan na kaayo ta sa kalibutan, Dili na mapugngan ang atong kadaghan, Ug busa mangut...

jmsinoy_18: Sugilayming“#FilipinoPaMore”NiJohn Mark C. Sinoy ...

jmsinoy_18: Sugilayming“#FilipinoPaMore”NiJohn Mark C. Sinoy
 ...
: Sugilayming “#FilipinoPaMore” Ni John Mark C. Sinoy             Sa atoang “Chancellor” nga si Sultan Taha Guro Sarip, kauban sa atong...

jmsinoy_18: “ANG TUNAY NASAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINI1. ...

jmsinoy_18: “ANG TUNAY NASAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINI
1. ...
: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS” NI APOLINARIO MABINI 1.  Sa unang utos ni Apolinario Mabini sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang tuna...

jmsinoy_18: Code-Mixing at ang Wikang  Filipino sa Facebook...

jmsinoy_18:
Code-Mixing at ang Wikang  Filipino sa Facebook

...
: Code-Mixing at ang Wikang  Filipino sa Facebook Bilang Pangangailangan Sa Kursong Filipino 109 Barayti at Baryasyon n...

jmsinoy_18: SugilanonMahitungod sa ManlinNiJohn Mark C. Sinoy...

jmsinoy_18: SugilanonMahitungod sa ManlinNiJohn Mark C. Sinoy
...
: Sugilanon Mahitungod sa Manlin Ni John Mark C. Sinoy             Ang Manlin kay ilado sa tawag nga Manga, bag-o palang kini nahimo’g ...
Sugilanon Mahitungod sa Manlin
Ni John Mark C. Sinoy

            Ang Manlin kay ilado sa tawag nga Manga, bag-o palang kini nahimo’g usa ka Baranggay. Gitawag kini’g Manga kay ang dapit naay pampang, (duol sa eskwelahan sa Elementarya sa Manlin karon) nga naay daghang basang bato. “Manga” ang gitawag sa mga Subanen para sa pulong nga “basang bato”. Kay naandan na sa mga mag-uuma nga manguha ug basang bato sa pampang para buhaton ug bairan sa ilahang mga sundang ug uban pang gamitonon sa bukid.
            Sa tuig 1960, si Baton P. Sumpo gipili usa ka Bise Alkalde sa Munisipalidad sa Buug, gisugyot niya nga himuong Baranggay ang Manga, ug ang Baranggay kay pangalanan ug “Manlin”, para pagsidungog kay Timuay Mangura Betic Tilos Manlin nga siya ang gahatag sa kayutaan nga gihimong sentro sa Barangay nga naa sa Purok 2.

            Sakop sauna ang Manlin sa Guminta, ug gibuhat gini’g Baranggay katong ika-14 sa Marso tuig 1967 nga naa sa Pambansang Balaud 3590. Ang utlanan niini, gikan sa tuo kay Guminta, sa wala kay Poblacion Buug, sa amihanan kay Lantawan ug sa habagatan kay ang Basalem. Ang katibuk-an sa Baranggay Manlin kay gilangkuban ug 928, 361. 70 sq. m. Duha ka kilometro gikan sa Baranggay Poblacion nga naay pito ka purok. Gi-unhan kini ug dumala sa mga Timuay. Ang kina-unhang Kapitan sa Baranggay kay si Librado A. Simpang ug sa karon kay si Conception Manlin- Bangquiao.

Code-Mixing at ang Wikang  Filipino sa Facebook







Bilang Pangangailangan
Sa Kursong Filipino 109
Barayti at Baryasyon ng Wika







Ipinasa kay
Bb. Fatima E. Tangcalagan
Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Sining at Agham








Sinoy, John Mark C. 2015


Code-Mixing at ang Wikang  Filipino sa Facebook
Introduksyon
            Kasimbilis ng pagbabago ng panahon ang pagbabago ng wika. Ayon kay Mangahis, et al. (2005), isa sa katangian ng wika ay dinamiko o buhay. Dahil nga buhay ang wika, may mga salitang namamatay, nadadagdagan at patuloy na nagbabago kasabay sa pagbabago ng panahon. Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang pagbabago ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may matalino at galing na humanap ng paraan ang tao, naibabagay niya ang kanyang wika sa pagbabago sa kanyang kapaligiran at pangngangailangan.
            Ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng teknolohiya ay sagot sa pangangailangan na gumaan ang buhay ng tao. Sa panahon kung tawagin sa salitang Ingles ay “Information Age”, ang paglaganap ng teknolohiya ay nagiging mabilis, maging ang kaalaman sa paggamit ng mga teknolohiyang ito ay nagiging mahalaga. Kasabay nito ang pagdiskubre ng mga makabagong gamit katulad ng iPod, Laptop at iba pang kagamitan kung saan puwedeng magsocial networking katulad ng Facebook, Twitter, at iba pa na kinakailangan ang internet (prezi.com).
            Isa sa naging bunga ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ang internet. Ayon kay Sandoval (2010), naging bahagi na ito ng buhay ng maraming tao sa sosyal, intelektuwal, ekonomiko at propesyunal na aspekto ng buhay. Ang internet ay isang komunidad, isang sosyo-teknikal na sistema ng komunidad na ang mga miyembro ay pinag-uugnay ng teknolohiya. Isa itong di-pisikal na lugar na kung saan ay nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang paraan.
            Isa sa paaran upang makapagkomunikasyon sa ibang tao sa birtuwal na komunidad ang Facebook. Ang Facebook ay isa sa mga patunay sa pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites (SNS) sa kasalukuyang henerasyon na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo (Santamaria, 2011).
            Ito ay isa sa paraan ng komunikasyong online upang maipahayag ng isang indibidwal ang kanyang nararamdaman at iniisip. Dahil dito, malaya tayong makipagkumustahan sa ating mahal sa buhay, kaibigan o sa ibang tao sa mundong birtuwal. Sa pagpapahayag na ating naiisip, wika ang tanging ginagamit upang ang mga tao ay magkakaunawaan. Sa pag-usbong ng ganitong paraan ng pagkokomunikasyon, malayang gumamit ang isang indibibwal ng anumang wikang alam niya. Kaya sa Facebook ay hindi maiiwasan ang pagko-code-mix ng iba’t ibang wika upang mabilis ang daloy ng pakikipagkomunikasyon.

Suliranin ng Pag-aaral
            Nilalayong alamin ng pag-aaral na ito ang code-mixing sa Facebook at ang wikang Filipino sa Facebook. Upang magawa ito, ang mga sumusunod na katanungan ay sinikap na masagot.
1.      Ano ang kadahilanan sa paggamit ng code-mixing?
2.      Gaano kadalas nagko-code-mix sa papapahayag ng saloobin sa Facebook?
3.      Ano ang epekto sa paggamit ng code-mixing sa Wikang Filipino?

Balangkas Pangkonsepto
            Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa teorya ng isang Amerikanong Linggwistika na si William Labov- ang Social Theory. Sinasabi sa teoryang ito na may kinalaman ang lipunan sa pagbabago ng wika. Ibinigay halimbawa ng teoryang ito ang pag-usbong ng mga bagong termino dulot sa pag-usbong din ng kompyuter na bunga ng pag-unlad ng teknolohiya sa lipunan (Tayag, 2010). Isa ang paghahalo ng mga salita na naging batayan sa pagbabago ng wika. Sa pag-usbong ng mga SNS dulot sa pag-usbong ng mga teknolohiya, ang wikang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ay naghalo-halo upang mapadali ang pakikipagpalitan ng mensahe sa interaksyong sosyal.
            Nakasandig naman ang pag-aaral na ito sa teoryang interference. Sa sosyolinggwistika, tinatawag na interferens ang pangyayaring epekto ng unang wika sa pangalawang wika sa oras na ginamit ito, lalo na sa pasulat (Banawa, 2010). Sa penomenang ito, ang nagsasalita ay minsay naghahalong-koda upang bigyang emphasis ang kanyang sinasabi. Maaring may sagabal sa kanyang pagsasalita ng pangalawang wika kaya naghahalong-koda ang nagsasalita ng kanyang unang wika upang maging malinaw at tuloy-tuloy ang daloy ng usapan.
            Naniniwala ang mananaliksik na sa pag-aanalisa ng teoryang nabanggit, mas maiintidihan pa nila at mas magabayan sila sa pag-aaral sa code-mixing.
            Ang lahat ng wika at ang paggamit nito ay nakalaan para sa komunikasyon. Ang wikang Filipino ay siyang lingua franca ng Pilipinas (Mangahis, 2005). Ito ay itinuturo at ginagamit na wika sa mga paaralan. Ngunit, dahil sa sitwasyong rehiyonal, ang wikang Filipino ay nagsisilbing pangalawang wika. Ito ang dahilan sa malimit na paggamit nito sa pakikipagkomunikasyon sa Facebook.



 







Larawan 1. Konsepwal na Paradaym ng Pag-aaral
            Ang unang kahon sa koseptwal na paradaym ay kumakatawan sa pamagat ng pag-aaral. Ang Facebook ay isa sa mga SNS na kasalukuyang ginagamit ng mga respondente. Sa pakikipagkomunikasyon sa Facebook, ang mga respondente ay gumagamit ng iba’t ibang wikang alam nila sa pagpapahayag ng saloobin. Ito ang tinatawag na code-mixing, ang paghalo-halo ng iba’t ibang wika sa pakikipagkomunikasyon.
            Ang ikalawang kahon ay kumakatawan sa kadahilanan sa paggamit ng code-mixing. Kapag natukoy na ang mga post ng mga respondente ay idedetermina kung gaano sila kadalas gumagamit ng code-mixing sa pagpapahayag ng saloobin sa Facebook, kung bihira, katamtaman o palaging ginagamit ito.  Sa huling kahon ay tinanto ang epekto ng code-mixing sa wikang Filipino.

Metodolohiya
            Paraang palarawan ang ginagamit sa pag-aaral na ito. Masusing tiningnan, inuri at inalisa ang bawat post ng mga respondente upang malaman kung sila ay nagko-code-mixing. Ginawa ang pag-aaral sa MSU-Buug Campus. Ang MSU-BC ay isang pampublikong pamantasan na binubuo ng apat na kolehiyo- CAS, CED, CFES at COAF. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mula mag-aaral sa CAS at CED na may kursong medyur sa Filipino sa ikatlo at ikaapat na taon sa kolehiyo at may bilang na dalawampu’t lima (25). Ang Facebook ang pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral. Ang mga pahayag ng mga mag-aaral sa Facebook sa loob ng isang (1) buwan ng Octubre 2015 ang pinagmulan ng mga datos na may kabuuang tatlumpo’t isang (31) araw. Ang pagsubaybay sa mga pahayag sa Facebook ng mga mag-aaral, ang pagbabasa at pagtatala ng mga ito ay ang mga instrumentong ginamit upang makakuha ng mga datos sa pag-aaral.




Paglalahad ng Natuklasan
            Batay sa mga inilahad na mga suliranin, balangkas at metodo ng pananaliksik, narito ang mga kinalabasan o resulta ng isinagawang pag-aaral.

Ang code-mixing at kadahilanan sa paggamit nito.
            Bunga ng pagkaroon ng maraming code o wikang umiiral sa lipunan, umusbong ang isang varayti ng wikang resulta ng paggamit ng higit na isang code sa loob ng isang pahayag ay tinatawag na code-mixing. Ang code-mixing ay ang paghahalo-halo ng dalawa o higit pang code o wika sa pagpapahayag ng mensahe. Ito ay kadalasang nangyayari kapag ang ispiker ay gumagamit at nakauunawa ng higit sa isang code o wika (Tayag, 2010). Sa pag-usbong ng ganitong uri ng varayti, mas mainam na ipahayag ang sariling saloobin sa paraang komportable ang isang ispiker kaya’t kung gagamitin ang pagko-code-mix ay mas nagiging mabisa ang kanyang pakikipagkomunikasyon.
            Batay sa pagko-code-mix ng mga respondente sa kanilang post sa Facebook. Lantad na makikita ang kadalasang paggamit ng paghahalong-koda ng wikang Cebuano at wikang Ingles sa isang pangngungusap. Narito ang ilang mga halimbawa:
1.      Nagcelebrate ug apil kauban sa akung mother.
2.      Gwapang cousin and gwapang tita.
3.      Snack lang sa before ni sila manguli.
4.      Godbless sa inyu ugma.
5.      Donate mug hair sa kilay bi.
6.      Bawi lang ko next time.
7.      Walay forever. Mahuman na lage ning requirements inig hurot pud ang allowance.
8.      Thankyou darlingtot sa kaon, enjoy kaayu makadyot.
9.      That feeling na sila sembreak na tas kami magmidterm pa.
10.  Rest day pero ang mga projects tambak.
11.  Nasalaag lang ko at nakikijoin.
12.  Kapag badtrip, idaan sa foodtrip.
13.  Di ko maitago na haggard na masyado.
Makikita sa mga halimbawa ang paghahalo-halo ng mga salita o wika sa isang pangungusap. Makikita sa unang pangungusap na ang salitang Ingles na celebrate ay nilalapian ng panlaping nag na naging nagcelebrate at hinalo naman ang salitang Ingles na mother sa Cebuanong pangungusap. Ang paghahalong naganap ay tinatawag na code-mixing. Sa unang pangngusap, wikang Ingles at wikang Cebuano ang mga wikang hinahalo sa pangungusap, tulad ng ikalawa hanggang ikasampung pangungusap. Sa paghahalo-halong nagaganap, unang ginamit ang wikang Ingles patungong wikang Cebuano balik na naman sa wikang Ingles o kaya’y vice versa. Sa labing-isang halimbawa, unang ginamit ang salitang Cebuano na nasalaag lang ko at pagkatapos ay ginamit ang salita sa wikang Filipino na at, makikita rin sa pangungusap na hinalo ang salitang Ingles na join na nilalapian ng panlaping naki. Sa ganitong pangungusap, tatlong wika ang hinalo-halo. Sa labindalawa at labintatlung pangungusap ay dalawang wika ang ginamit, ang pinaghalong wikang Filipino at wikang Ingles.
Sa pagko-code-mix ng mga respodente sa kanilang post sa Facebook ay may dalawa o tatlong wikang hinahalo sa loob ng isang pangungusap. Batay sa nakalap na datos ay mayroong iba’t ibang kadahilanan kung bakit naghahalong-koda. Naniniwala ang mananaliksik na hindi intensyon ng isang indibidwal ang paggamit ng paghahalong-koda sa kanilang post sa Facebook dahil sa paggamit nito ay mas maipapahayag nila ang kanilang mga saloobin, kahit may mga salitang panumbas.
Sa paggamit ng code-mixing, naniniwala ang mananaliksik na ginamit ito upang mahanapan ng tamang salita ang gustong sabihin at ipahiwatig o kaya ay gusto nila na mas maipahiwatig ang kanilang mensahe ng malinaw at maayos. Sa paggamit nito, mabibigyang-diin o emphasis ang mga gustong sabihin.
Dahil sa maraming natutunang wika at salitang ginagamit sa pagko-code-mix ay lalawak ang bokabularyo ng bawat isa sa pakikipagkomunikasyon. Nakakasabay siya sa modernisasyon at tataas ang kanyang tiwala sa sarili na kaya niyang makipagtalastasan sa ibang tao dahil malikhain ang kanyang pagsasalita. Ngunit sa paggamit nito, nababawasan naman ang kasanayan sa isang wika o unang wika dahil sa paghahalo ng mga salitang banyaga maging sa pangalawang wika na kung saan hindi na magagamit ang iba pang mga salita.

Dalas nagko-code-mix sa papapahayag ng saloobin sa Facebook
Talahanayan 1. Distribusyon sa Dalas na Paggamit ng Code-mixing ng mga Respondente.
Dalas
Respondente
Porsyento
Ranggo
Bihira
9
36%
2
Katamtaman
11
44%
1
Palagi
5
20%
3
Kabuuan
25
100%

Pormula: Porsyento =×100
Makikita sa talahanayan ang distribusyon sa dalas na paggamit ng code-mixing ng mga respondente. Bihira ang paggamit ng code-mixing kung wala hanggang tatlong (0-3) post lamang nagko-code-mix ang respondente. Katamtaman naman kung apat hanggang pitong (4-7) post nagko-code-mix at walo hanggang labing-isang (8-11) post nagko-code-mix sa loob ng isang buwan ng Oktubre.
Makikita sa talahanayan na siyam (9) na respondente o may tatlongpu’t anim na porsyento (36%) ang bihirang gumagamit ng code-mixing. Labing-isa (11) namang mga respondente o may apatnapu’t apat na porsyento (44%) ang katamtaman na nagko-code-mix sa kanilang post sa Facebook. Limang (5) respondente o may dalawampung porsyento (20%) ang palaging nagko-code-mix sa kanilang post sa facebook.
Sa kabuuan na pagtatala ng porsyento, makikita na nangunguna sa ranggo ang katamtaman sa dalas na paggamit ng mga respondente ng code-mixing sa Facebook. Pumapangalawa ang bihira sa dalas na paggamit ng code-mixing sa Facebook. Nasa huling ranggo naman ang mga respondente na palaging gumagamit sa code-mixing sa kanilang post sa Facebook.

Epekto sa paggamit ng code-mixing sa Wikang Filipino.
            Nahihinuha ng mananaliksik na nagkukulang na ang mga kasanayan ng mga Pilipino sa paggamit ng Wikang Filipino dahil sa paglaganap ng medya, dulot sa pagsabay sa modernisasyon. Wikang Filipino ang Pambansang wika ng Pilipinas ngunit sa lalawigan ng mga respondente ay malimit na ginagamit ito sa pakikipagkomunikasyon. Ginagamit lamang ito sa paaralan ngunit sa pagpapahayag ng saloobin sa kapwa lalong-lalo sa bawat post nila sa Facebook ay bihirang ginagamit ang wikang ito. Mas madaling gamitin ang code-mixing sa pagpapahayag ng saloobin kaysa sa purong wikang Filipino, kaya ito kadahilanan ng pagkakamatay ng ibang mga salita sa wikang Filipino na hindi natin namamalayan.
            Mapapansin na mas tinatangkilik ng mga respondente ang paghahalo ng mga wikang banyaga kaysa sa ating Wikang Pambansa. Kaya sa paggamit ng code-mixing, ang Wikang Filipino ay lalong malilimutan.




Konklusyon
            Isa ang Facebook na magpapatunay sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Sa kabuuan ng pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik na naghahalong-koda ang mga respondente sa kanilang post sa Facebook upang maging maunlad ang daloy ng pakikipagtalastasan. Bagkus malimit na hinalo ang wikang Filipino sa ibang wika na pinu-post sa Facebook. Ngunit sa pangkalahatan ay malaki parin ang naiambag ng Facebook sa pag-unlad ng wikang Filipino, dahil patuloy parin itong ginagamit na walang paghahalo sa ibang wika lalong-lalo na ang guro sa Filipino na nagsisilbing modelo sa paggamit nito at higit sa lahat, ginagamit din ito ng mga respondente kahit wikang Cebuano ang pangunahing wika nila. Hindi pari nila nalilimutan na gumamit ng wikang Filipino sa kanilang post sa Facebook na nagpapatunay na patuloy ang pag-unlad ng wikang Pambansa.
            “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Ito ang katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Ngayong pumapasok na ang iba’t ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan, payabungin at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Dapat gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon upang lubos na makilala ang kultura o ang ating lahi.
















           
Reference
Aklat
Banawa, Mary Joy D. (2010). “Cebuano Interferens: Panimulang Pag-aaral”. Babasahin sa            Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga        Wika at Wikain. Iligan            City: MSU-IIT.Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika.

Mangahis, Josifina C., et al. (2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City:         C&E    Publishing, Inc.
_______________________.(2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City:        C&E    Publishing, Inc.

Sandoval, Mary Ann S. (2010) “eFil: Wika sa Komnet, Isang Bagong Rehistro ng Wikang             Filipino”.Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga   Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika.

Tayag, Danilyn A. (2010) “Hu u?, Charz!, Boobs, Rcv na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa             Text Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang             mga     Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT. Departamento ng Filipino at Ibang            mga Wika.

______________. (2010) “Hu u?, Charz!, Boobs, Rcv na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa Text Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang             mga     Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT. Departamento ng Filipino at Ibang            mga Wika.

Internet
Barrion, Berns. (2012) “Teknolohoya sa Makabagong Panahon”. http://prezi.com/mi          qkqbrocufz/teknolohiya-sa-makabagong-panahon

Santamaria, Alyssa Faye. (2011) “Masama Bang Magfacebook”.http://colombierebears.             jimdo.com/2011/01/31/masama-bang-mag-facebook/


“ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS”
NI APOLINARIO MABINI

1. Sa unang utos ni Apolinario Mabini sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang tunay na Sampung Utos” ay nagsasabi na dapat ibigin natin ang Diyos higit ninuman. Dapat din na mahalin ang Diyos ng buong puso. Kailangan na pahalagahan din ang sarili sa ano mang bagay sa mundo. Halimbawa, kapag ang isang tao ay may ginagawang masama dito sa mundo, wala mang ibang taong nakakaalam dito, ang Panginoon lamang ang tanging nakakabatid sa ginawa mo. Sapagkat ang Panginoon lamang ang siyang nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa sanlibutan at higit sa lahat ang katotohanan. Kung kabutihan ang ginagawa mo dito sa mundong ibabaw, ay ito lamang ang tanging paraan na nagpapakita na malinis ang iyong kalooban. Dapat ang bawat isa ay maging matapat, mabait at masipag nang sa ganun ang buhay ay maging matiwasay at maginhawa.

2.  Sa pangalawang niyang  utos isinasaad niya dito na sambahin natin ang Diyos na walang pag-aalinlangan, kusang loob na pagsilbihan at mahalin ng buong puso. Sa mga panahon o oras na gumagawa ka ng masama, halimbawa, kapag pumapatay, nagnanakaw o iba pang mga masasamang gawain ay ang dahilan upang mailayo ka sa panginoon at maaaring magpahamak sa buhay mo. At sa mga mabubuti mo namang gawain gaya ng pagtulong sa mga mahihirap, pagbibigay halaga at pagmamahal sa kapwa mo ay paraan para mapasaya mo ang kalooban ng panginoon.

3. Sa ikatatlong utos, huwag mong sayangin sa walang kabuluhang gawain ang mga magagandang katangian o talento na ipinagkaloob sa atin ng panginoon. Halimbawa, isang talento sa pagkanta, sa halip na gamitin para lang sa kapakanan mo o pagkakakitaan lamang, gamitin mo ito para makatulong sayong pamilya o pagkanta sa simbahan para sambahin ang panginoon. Sa ganitong pangyayari mararanasan mo ang kapayapaan at kadalisayan ng ating buhay. Sa malinis mong hangarin, pagkatao at mabubuting pag-uugali, napapasaya mo ang Panginoon.

4.  Sa pang-apat na utos, mababatid natin na hindi lamang ang Diyos ang ating iibigin, dapat kasunod nating mamahalin ay ang ating bayan. Mahalin natin ang ating bayang kinagisnan, gaya ng pagmamahal natin sa Diyos at pagpapahalaga sa ating sarili. Halimbawa, ang pagtulong sa kapwa at pag-aalaga sa kalikasan ay ilan sa paraan upang maipakita natin ang pagmamahal sa ating bayan. Sapagkat ang ating tinubuang bayan lamang ang tanging biyaya o kaloob ng Diyos sa atin. Ito’y naipamana sa atin ng ating mga ninuno na dapat nating ipagtangol, ipaglaban at dapat ipagmalaki tungo sa magandang kinabukasan. Itong ating bayan o lupang kinagisnan ay nagpapadama sa atin may tunay na kalayaan, magagawa natin ang gusto nating gawin, nagpapadama na may pag-asa at totoong ligaya.

5. Ang ikalimang utos ni Apolinario Mabini ay nangangahulugan ng pagsisikap para ipagtanggol ang ating bayan. Halimbawa, sa panahon ngayon, marami ang problema sa ating bayan, gaya ng korapsiyon o pagkamkam ng pera sa ating bayan, mababang edukasyon at maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Ilan lamang ito sa problema ng ating bayan, upang maiwasan ang ganitong problema, dapat maki- alam tayo kung ano na ang nangyayaring katiwalian sa gobyerno, dapat may alam din ang bawat kabataan upang maiwasan ang pagbubuntis ng maaga. Sa pagtatangol ng ating bayan sa panahon ngayon, ngayo’y malapit na ang eleksiyon, dapat piliin ang mga kandidato na may pusong tumulong sa kapwa, gagawin ang lahat para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating ekonomiya. Dapat ipagtanggol muna niya ang bayan bago ang sarili. Dapat may hangarin siya na mabatid ang dating kaginhawaan sa ating bayan. Dapat magkaisa ang lahat para sa ikababago ng ating bayan, nawa’y bayang walang problema na kaligayahan ang ating maasam. Dahil kapag masaya o malaya ang ating bayan. Nakakasiguro na ang lahat ng taong nakatira dito ay masaya rin at may kalayaan sa buhay.

 6. Sa ikaanim na utos, ipinahihiwatig ni Mabini na pagsumikapan nating maabot ang minimithi at kaligayahan ng ating bayang kinagisnan. Dahil nakasalalay sa mga taong nakatira dito ang tagumpay na pinapangarap. Halimbawa, upang maabot ang kaligayahan sa ating bayan ay dapat lahat ng Pilipino ay magtulong-tulongan, kapit-bisig, ika nga nila. Ang ating mga ninuno ay isa ring halimbawa na nagpapakita ng pagtulong-tulongan upang makamit natin ngayon ang ating inaasam-asam na kapayapaan. Ang kaligayahan o kapayapaan ng ating bayan ay siyang nagbibigay sa atin ng kalayaan. Kung mayroon kamang magagawa para sa ikabubuti ng iyong lupang tinubuan ay dapat na gawin mo ito nang abot sa iyong makakaya. Hindi na kailangang iasa sa iba ang katahimikang iyong inaasam-asam para sa iyong minamahal na bayan. Kung may magagawa ka? Gawin mo na! Ngayon na!

 7.   Dito sa ikapitong utos ni Mabini, klarong-klaro na ipinapahayag niya na dapat huwag isipin na makapangyarihan ang mga taong may mataas na posisyon sa lipunan. Halimbawa, nito ay ang mga taong nasa pulitika, mataas man ang kanilang posisyon sa lipunan, hindi natin isa-isip na makapangyarihan sila sapagkat hindi natin alam na may masama silang hangarin, siguradong iyon ay ang pagnanakaw sa pera ng bayan.  Lagi nating tandaan na sa mata ng Panginoon ay pantay-pantay tayong lahat. Ang ating Panginoon lamang ang higit o mas makapangyarihan sa lahat. Hindi man niya naipapakita ng diretso o aktuwal ang kanyang pagtulong sa mga tao, pinaparamdam niya ito sa pamamagitan ng mga taong may mabubuting ugali at hangarin.

8.   Maliwanag na ipinararating ni Mabini dito sa ikawalong utos na pagsumikapang makapagtatag ng Republika sa ating bayan. Sapagkat ang mga naninirahan dito ay malaya. Hindi iyong isang kaharian na may hari o reyna, malaki ang posibilidad na ang kanilang anak ang magmana. Ang kahariang Monarkiya ang tinutukoy ni Mabini ditto, na dapat hindi itatag sa ating bayan sapagkat sila lamang ang may kapangyarihan, may kayang gumawa sa kung ano-anong gusto nilang gawin. Kaya iginiit ni Mabini na dapat isang Republika ang matatag sa ating bayan. Dahil sa Republikang bansa, ang mga naninirahan dito ay may kalayaan. Walang nagkokontrol sa mga tao sa demokrasyang bansa. Huwag nating hayaan na magkaroon ng isang kayarian ang ating bayan upang walang sinuman ang magkokontrol sa atin at walang mapagmataas, para ang lahat ay pantay-pantay sa paningin ng lahat.

9.      Sa ikasiyam na utos ni Mabini, ang pagmamahalan ang kanyang gustong ipahihiwatig. Pagmamahal hindi lamang sa sarili kundi pagmamahal rin sa kapwa.  Halimbawa, maipadama natin ang pagmamahal sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at pagmamalasakit sa ibang tao. Hindi na kailangan kung gaano ito kalaki o karami, ang mahalaga ay kusang tumulong at higit sa lahat tumulong sa ibang tao na galing sa puso. Walang pag-alinlangan sa pagtulong sa iba. Ngunit kung hindi ito sundin o kung hindi tumulong ang isang tao sa kanyang kapwa, malamang inuuna niya lamang ang kanyang sarili. Sila ay iyong mga taong makasarili.

10.   Ang pang sampung utos ni Mabini ay naglalayong pagpapahalaga sa kababayan. Halimbawa, kahit hindi mo man kakilala ang isang tao sapagkat kababayan mo ito, dapat hindi magdadalawang isip na kaibiganin siya. Gawin mo siyang isang tunay na kaibigan o kaya’y kapatid na maging kasangga mo sa hirap at sa ginhawa o kaya’y kasama mo sa lungkot at ligaya.
           
            Pagmamahal ang siyang dahilan upang ang bawat isa ay magiging masaya. Pagmamahal sa Panginoon, sa bayan, sa sarili, sa magulang, sa mga kapatid, sa mga miyembro ng pamilya, sa taong nagpapatibok sa iyong puso, sa mga kapit-bahay at sa lahat.


Sugilayming “#FilipinoPaMore”
Ni John Mark C. Sinoy

            Sa atoang “Chancellor” nga si Sultan Taha Guro Sarip, kauban sa atong duha ka Bise “Chancellor”, silang Propesor Carmelita H. Balbosa ug Propesor Elly O. Maghanoy, sa mga magtutudlo ug mga empleyado, sa mga estudyante diri sa eskwelahan sa MSU, sa akoang mga amigo, sa mga babaye ug lalaki, sa mga bayot ug tomboy, sa mga “textmates” ug “chatmates”, sa mga “likers” ug “followers”, Maayong buntag kaninyong tanan!

            Nia ako sa inyong atobangan musulti kung nganong ningkuha ko’g kurso nga medjur sa Filipino. Ako usa ka but-an nga estudyante nga ning-“graduate” sa eskwelahan sa MNHS. Usa sa estudyante nga wala nasayod sa iyang kaugma-on ug wala gadahom nga maka-skwela sa kolehiyo. Sa permero, kung maka-eskwela man gani ko, didto ra sa JHCSC sa Midsalip. Ikaduha, kay ga-ampo ko sa Ginoo, iyang gibag-o ang akong kaugmaon, ug nagpasalamat ko sa iyaha kay karon, ako, usa ka “working student”, naka-eskwela diri sa MSU.

            Sauna, kabalo nako kung unsa nga kurso ang akong kuhaon diri sa MSU-Buug, ug kini kay BSED-Math, kay sa dili panghambog, maayo ko ug nahigugma ko sa numero. Pero kay gamay man ko’g kuha sa SASE, naglisod ko’g pagdawat niini ug nagmahay tungod kay wala nako gitarong pag-“answer” niadtong higayona. Kay gusto man ko nga magtudlo, ningkuha ko’g kurso nga AB-Filipino, bisan wala sa akong plano ug damgo. Pero, nagpasalamat gihapon, kay nasayod ko nga naa pay mas nindot nga plano ang Ginoo.
            Kay ako karon medjur sa Filipino, nahigugma nako sa akong kurso ug nahimuot sa mga kaubang amigo nga banha-an kaayo. Naglibog ko sa mga tawo, kay ubos ra kaayo’g pagtan-aw sa mga medjur sa Filipino. Sige lang ug pangutana kung nganong kini ang gipili namo, nganong dili man kini, kana o kato nga kurso? Magbu-ot? Ila rang gi-hinay-hinay ang Filipino ug ang among kahibalo, wala sila kabalo nga ang mga sabjek lisod kayo, walay “formula” nga gi-“follow” kay among utok  ra ug “ballpen” ang gigamit sa pagbuhat ug mga balak, sugilanon, sugilambong, sugilayming ug uban pa, sa dili medjur sa Filipino, nasayod ba mo ato? Wala!, dugong ilong ug nga-nga. Palibhasa, nagpakama-ayo sa   mga wikang banyaga ug gikalimtan na ang atong pambansang wika.
            Kay nag-eskwela pa man ko, naningkamot ko’g maayo ug naka huna-huna nako kung unsa ang akong buhaton paghuman sa akong kurso. Ug karon, gamiton nako ang higayon sa pagpasalamat sa tanan, sa Ginoo, kang Mr. ug Mrs. Colita, sa akong pamilya ug sa akong mga barkada. Ganina rako nag-estorya unya wala mo tanan naka-ila sa akoa ug ako diay si John Mark C. Sinoy, kung interesado mo sa ako-a, “just Google my name” ug karon, magbilin ko sa mga pulong nga “Ang dili kabalo mahigugma sa kaugalingong wika  kay labaw pa ka sa baho ug langsi nga isda”.

            Daghang Salamat ug Maayong Buntag Pag-usab!