Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

Repleksyon : “ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG” NI ANDRES BONIFACIO

Noong unang panahon na hindi pa dumating ang mga kastila ay masasagana at maginhawa pa ang buhay ng mga Pilipino. May magagandang asal, matanda man o bata, may respeto sa bawat isa at may sapat na kaalaman o marunong nang bumasa’t sumulat ng wikang tagalog. Ngunit noong dumating ang mga kastila na dumulog at nakipagkaibigan at nakipaghikayat sa pamamagitan ng kanilang mga magagandang salita para ma-inganyo at para makuha ang loob ng mga Pilipino. Nangakong bigyan ng sapat na kaalaman upang mas lalong malinang ang kagalingan at mamulat ang kaisipan ng bawat Pilipino.
Sa pagdating ng panahon na nagkaisa ang mga Kastila at mga Pilipino ay gumawa sila ng isang kasunduan sa pamamagitan ng pagkuha ng kaunting dugo sa bawat isa at hinalo bilang tanda ng pakikipagkaibigan at katapatan na di magtataksil sa pinagkasunduan, na ginawa ni haring Sikatuna at Legaspi na haring Espanya. Sa loob ng 333 taong napakikipagsunduan ay saglit natamasa ang kaginhawaan at kasaganaan kahit maranasan man ang kahirapan. May mga Pilipino mang sumanib sa mga kastila, ay mayroon pa ring  mga Pilipino na ayaw sumapi sa mga kastila sa pamamagitan ng pakikipaghimagsikan.
Sa mga ginawa nating hirap at pagod ay wala pa rin tayong nakamtang kalayaan at walang mga pangakong natupad kahit ni isa kundi pawing mga kasinungalingan at pagtataksil ng mga kastila. Tulad ng pangakong na mas lalo tayong paunlarin ngunit tayo’y binulag at inilayo sa magagandang asal na natutunan natin noong hindi pa sila dumating. Nang sa panahong tayo’y humingi ng tulong at kaunting pansin, ang ginagawa nila ay itapon tayo sa malayo at ilayo sa mga mahal natin sa buhay. Ang mga gusto nating gawin o kailangan ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at walang awang pinaparusahan.
Yaong walang maituturing na katahimikan sa ating bayan dahil sa mga hinagpis ng mga magulang na nawalan ng mga anak dahil sa pagtatanggol sa bayan, sa pang-aabuso, pagmamaltrato at higit  sa lahat pang-alipin ng mga kastila sa mga Pilipino. Dumating ang panahon na namulat ang isipan ng mga Pilipino sa katotohanan.
Una, huwag ipaubaya an gating kinabukasan sa mga taong nangangakong kaginhawaan na kahit kailan ay hindi mangyayari. Pangalawa, dapat magtiwala tayo sa ating mga kakayanan, talento at magsikap ng mabuti para sa ikabubuhay, huwag tayong umasa sa iba. Pangatlo, dapat tayong magkaisa para labanan ang masasamang naghahari sa ating bayan.
Dapat nating ipakita sa kanila na may puso din tayo na nasasaktan, nakakaramdam ng hiya, hinagpis at higit sa lahat takot, kaya ngayon ang tamang panahon na gamitin ang mga magagandang asal upang mapukaw ang mga maling paniniwala. Panahon na para mabatid o malaman ng mga Pilipino kung ano ang sanhi o dahilan ng kanilang paghihirap na dinanas sa kamay ng mga kaaway. Kaya mga kababayan kung Pilipino dapat na magising sa katotohanan at kusang loob na ipagtanggol ang kalayaan ng ating mahal na tinubuang bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento