Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

“KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN”

NI ANDRES BONIFACIO

Sa maikling panahon ng pamumuno ni Polaveija ay ipinararanas niya ang kalupitan, pang-aapi at pang-aabuso, sa pamamagitan ng pagpatay sa mga taong walang kalaban-laban, sa panggagahasa sa mga kababaihan, pagsunog sa mga sanggol na walang kamuwang-muwang sa mundo, sa pagkitil sa mga buhay ng mga matatandang walang pakinabang o silbi sa mga kastila , na ang ganitong kagimbal-gimbal na pangyayari ay hindi magagawa ng mga Pilipino sa kanilang kapwa Pilipino. Dahil sa pangyayaring pagmamaltrato ng mga kastila ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang tunay na lakas at katapangan sa paghihiganti at higit sa lahat naging mas mabagsik at mararahas na ikinasisindak ng hukbo ni Polaveija.
Sa pakikipagdigmaan, mas mabuti nang mamatay sa pagtatanggol sa bayan dahil nagpapakita ito ng katapangan at pagmamahal sa bayan kaysa mawala sa mundo na walang ginagawa dahil ito ay maituturing na kaduwagan. Ang pagtanggol sa ating lupang kinagisnan ay isang malaking karangalan sa ating kapwa Pilipino. Dapat nating malaman ang dahilan ng ating pakikipaglaban, ito ay ang kagustuhang makamit natin ang nilalayong kalayaan ng ating bayang tinubuan at nang maiangat natin ang nalugmok sa kapurihan sa ginawang pang aalipin at pang aabuso ng mga dayuhan.
Hindi matitiis ng mga Pilipino ang maling pagmamaltrato at pag-aalipusta na ginagawa ng mga kaaway dahil nakatatak na sa utak ng bawat Pilipino ang mga libo-libong walang awang pinatay, mga ibang Pilipino na binilanggo at nagtitiis ng sobrang hirap. Mga magulang na nawalay sa piling ng kanila ng mga anak, asawa at mga matatandang magulang na itinatapon sa malayong lugar. Higit sa lahat ang hindi malilimutang pagpatay sa ating minamahal na si Jose Rizal, na walang ginawa kundi ang ipagtanggol at gisingin ang natutulog na mga damdamin ng mga Pilipino. Ang pangyayaring ito ay nag-iwan ng malaking sugat sa ating puso na kailanman ay hindi malilimutan. Dahil sa pangyayaring ito, naging mas matapang na ang mga Pilipino na labanan ang mga kastila na siyang nagparanas sa atin ng kahirapan at nagpadama na wala tayong karapatang maging malaya.
Mga kapwa ko Pilipino, gumising na at kusang loob na ipaglaban at ipagtanggol ang bayan. At pagka-asahang tayo ay magtagumpay sa pakikipaghinagsik sa mga dayuhang nag nanais sakupin ang ating Bayang Tinubuan. Huwag nating tularan ang maling asal at kalupitang ginagawa ng mga kastila, sa kanilang pagiging makasarili at pang-aabuso sa mga kapatid nating Pilipino. Huwag tayong makiisa sa mga taong nang-api sa atin, kundi sa mga Pilipinong  nagtatangol at may prinsipyong nagnanais na makamtan ang inaasam-asam na kalayaaan ng ating  bayan at nang maisigaw ng malakas ang ating pangarap ang katagang Mabuhay!!! Ang haring Bayang Katagalugan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento