Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook
Bilang Pangangailangan
Sa Kursong Filipino 109
Barayti at Baryasyon ng Wika
Ipinasa kay
Bb. Fatima E. Tangcalagan
Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Sining at Agham
Sinoy, John Mark C. 2015
Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook
Introduksyon
Kasimbilis
ng pagbabago ng panahon ang pagbabago ng wika. Ayon kay Mangahis, et al. (2005),
isa sa katangian ng wika ay dinamiko o buhay. Dahil nga buhay ang wika, may mga
salitang namamatay, nadadagdagan at patuloy na nagbabago kasabay sa pagbabago
ng panahon. Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang pagbabago
ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may matalino at
galing na humanap ng paraan ang tao, naibabagay niya ang kanyang wika sa
pagbabago sa kanyang kapaligiran at pangngangailangan.
Ang
mabilis na pagsulong at pag-unlad ng teknolohiya ay sagot sa pangangailangan na
gumaan ang buhay ng tao. Sa panahon kung tawagin sa salitang Ingles ay “Information
Age”, ang paglaganap ng teknolohiya ay nagiging mabilis, maging ang kaalaman sa
paggamit ng mga teknolohiyang ito ay nagiging mahalaga. Kasabay nito ang
pagdiskubre ng mga makabagong gamit katulad ng iPod, Laptop at iba pang
kagamitan kung saan puwedeng magsocial networking katulad ng Facebook, Twitter,
at iba pa na kinakailangan ang internet (prezi.com).
Isa
sa naging bunga ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ang internet. Ayon kay
Sandoval (2010), naging bahagi na ito ng buhay ng maraming tao sa sosyal,
intelektuwal, ekonomiko at propesyunal na aspekto ng buhay. Ang internet ay
isang komunidad, isang sosyo-teknikal na sistema ng komunidad na ang mga
miyembro ay pinag-uugnay ng teknolohiya. Isa itong di-pisikal na lugar na kung
saan ay nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang paraan.
Isa
sa paaran upang makapagkomunikasyon sa ibang tao sa birtuwal na komunidad ang
Facebook. Ang Facebook ay isa sa mga patunay sa pag-unlad ng teknolohiya. Ito
ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites (SNS) sa kasalukuyang henerasyon
na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo (Santamaria, 2011).
Ito
ay isa sa paraan ng komunikasyong online upang maipahayag ng isang indibidwal
ang kanyang nararamdaman at iniisip. Dahil dito, malaya tayong makipagkumustahan
sa ating mahal sa buhay, kaibigan o sa ibang tao sa mundong birtuwal. Sa pagpapahayag
na ating naiisip, wika ang tanging ginagamit upang ang mga tao ay
magkakaunawaan. Sa pag-usbong ng ganitong paraan ng pagkokomunikasyon, malayang
gumamit ang isang indibibwal ng anumang wikang alam niya. Kaya sa Facebook ay
hindi maiiwasan ang pagko-code-mix ng iba’t ibang wika upang mabilis ang daloy
ng pakikipagkomunikasyon.
Suliranin ng Pag-aaral
Nilalayong
alamin ng pag-aaral na ito ang code-mixing sa Facebook at ang wikang Filipino
sa Facebook. Upang magawa ito, ang mga sumusunod na katanungan ay sinikap na
masagot.
1. Ano
ang kadahilanan sa paggamit ng code-mixing?
2. Gaano
kadalas nagko-code-mix sa papapahayag ng saloobin sa Facebook?
3. Ano
ang epekto sa paggamit ng code-mixing sa Wikang Filipino?
Balangkas Pangkonsepto
Ang
pag-aaral na ito ay nakabatay sa teorya ng isang Amerikanong Linggwistika na si
William Labov- ang Social Theory. Sinasabi sa teoryang ito na may kinalaman ang
lipunan sa pagbabago ng wika. Ibinigay halimbawa ng teoryang ito ang pag-usbong
ng mga bagong termino dulot sa pag-usbong din ng kompyuter na bunga ng
pag-unlad ng teknolohiya sa lipunan (Tayag, 2010). Isa ang paghahalo ng mga
salita na naging batayan sa pagbabago ng wika. Sa pag-usbong ng mga SNS dulot
sa pag-usbong ng mga teknolohiya, ang wikang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon
ay naghalo-halo upang mapadali ang pakikipagpalitan ng mensahe sa interaksyong
sosyal.
Nakasandig
naman ang pag-aaral na ito sa teoryang interference. Sa sosyolinggwistika,
tinatawag na interferens ang pangyayaring epekto ng unang wika sa pangalawang
wika sa oras na ginamit ito, lalo na sa pasulat (Banawa, 2010). Sa penomenang
ito, ang nagsasalita ay minsay naghahalong-koda upang bigyang emphasis ang
kanyang sinasabi. Maaring may sagabal sa kanyang pagsasalita ng pangalawang
wika kaya naghahalong-koda ang nagsasalita ng kanyang unang wika upang maging
malinaw at tuloy-tuloy ang daloy ng usapan.
Naniniwala
ang mananaliksik na sa pag-aanalisa ng teoryang nabanggit, mas maiintidihan pa
nila at mas magabayan sila sa pag-aaral sa code-mixing.
Ang
lahat ng wika at ang paggamit nito ay nakalaan para sa komunikasyon. Ang wikang
Filipino ay siyang lingua franca ng Pilipinas (Mangahis, 2005). Ito ay itinuturo
at ginagamit na wika sa mga paaralan. Ngunit, dahil sa sitwasyong rehiyonal,
ang wikang Filipino ay nagsisilbing pangalawang wika. Ito ang dahilan sa
malimit na paggamit nito sa pakikipagkomunikasyon sa Facebook.
Larawan 1. Konsepwal na Paradaym ng
Pag-aaral
Ang
unang kahon sa koseptwal na paradaym ay kumakatawan sa pamagat ng pag-aaral.
Ang Facebook ay isa sa mga SNS na kasalukuyang ginagamit ng mga respondente. Sa
pakikipagkomunikasyon sa Facebook, ang mga respondente ay gumagamit ng iba’t
ibang wikang alam nila sa pagpapahayag ng saloobin. Ito ang tinatawag na
code-mixing, ang paghalo-halo ng iba’t ibang wika sa pakikipagkomunikasyon.
Ang
ikalawang kahon ay kumakatawan sa kadahilanan sa paggamit ng code-mixing. Kapag
natukoy na ang mga post ng mga respondente ay idedetermina kung gaano sila
kadalas gumagamit ng code-mixing sa pagpapahayag ng saloobin sa Facebook, kung
bihira, katamtaman o palaging ginagamit ito.
Sa huling kahon ay tinanto ang epekto ng code-mixing sa wikang Filipino.
Metodolohiya
Paraang
palarawan ang ginagamit sa pag-aaral na ito. Masusing tiningnan, inuri at
inalisa ang bawat post ng mga respondente upang malaman kung sila ay nagko-code-mixing.
Ginawa ang pag-aaral sa MSU-Buug Campus. Ang MSU-BC ay isang pampublikong
pamantasan na binubuo ng apat na kolehiyo- CAS, CED, CFES at COAF. Ang mga
respondente sa pag-aaral na ito ay mula mag-aaral sa CAS at CED na may kursong
medyur sa Filipino sa ikatlo at ikaapat na taon sa kolehiyo at may bilang na
dalawampu’t lima (25). Ang Facebook ang pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral.
Ang mga pahayag ng mga mag-aaral sa Facebook sa loob ng isang (1) buwan ng
Octubre 2015 ang pinagmulan ng mga datos na may kabuuang tatlumpo’t isang (31)
araw. Ang pagsubaybay sa mga pahayag sa Facebook ng mga mag-aaral, ang
pagbabasa at pagtatala ng mga ito ay ang mga instrumentong ginamit upang
makakuha ng mga datos sa pag-aaral.
Paglalahad ng Natuklasan
Batay
sa mga inilahad na mga suliranin, balangkas at metodo ng pananaliksik, narito
ang mga kinalabasan o resulta ng isinagawang pag-aaral.
Ang code-mixing at kadahilanan sa
paggamit nito.
Bunga
ng pagkaroon ng maraming code o wikang umiiral sa lipunan, umusbong ang isang varayti
ng wikang resulta ng paggamit ng higit na isang code sa loob ng isang pahayag
ay tinatawag na code-mixing. Ang code-mixing ay ang paghahalo-halo ng dalawa o
higit pang code o wika sa pagpapahayag ng mensahe. Ito ay kadalasang nangyayari
kapag ang ispiker ay gumagamit at nakauunawa ng higit sa isang code o wika
(Tayag, 2010). Sa pag-usbong ng ganitong uri ng varayti, mas mainam na ipahayag
ang sariling saloobin sa paraang komportable ang isang ispiker kaya’t kung
gagamitin ang pagko-code-mix ay mas nagiging mabisa ang kanyang
pakikipagkomunikasyon.
Batay
sa pagko-code-mix ng mga respondente sa kanilang post sa Facebook. Lantad na
makikita ang kadalasang paggamit ng paghahalong-koda ng wikang Cebuano at wikang
Ingles sa isang pangngungusap. Narito ang ilang mga halimbawa:
1. Nagcelebrate
ug apil kauban sa akung mother.
2. Gwapang
cousin and gwapang tita.
3. Snack
lang sa before ni sila manguli.
4. Godbless
sa inyu ugma.
5. Donate
mug hair sa kilay bi.
6. Bawi
lang ko next time.
7. Walay
forever. Mahuman na lage ning requirements inig hurot pud ang allowance.
8. Thankyou
darlingtot sa kaon, enjoy kaayu makadyot.
9. That
feeling na sila sembreak na tas kami magmidterm pa.
10. Rest
day pero ang mga projects tambak.
11. Nasalaag
lang ko at nakikijoin.
12. Kapag
badtrip, idaan sa foodtrip.
13. Di
ko maitago na haggard na masyado.
Makikita sa mga
halimbawa ang paghahalo-halo ng mga salita o wika sa isang pangungusap.
Makikita sa unang pangungusap na ang salitang Ingles na celebrate ay nilalapian ng panlaping nag na naging nagcelebrate at
hinalo naman ang salitang Ingles na mother
sa Cebuanong pangungusap. Ang paghahalong naganap ay tinatawag na code-mixing. Sa
unang pangngusap, wikang Ingles at wikang Cebuano ang mga wikang hinahalo sa
pangungusap, tulad ng ikalawa hanggang ikasampung pangungusap. Sa
paghahalo-halong nagaganap, unang ginamit ang wikang Ingles patungong wikang
Cebuano balik na naman sa wikang Ingles o kaya’y vice versa. Sa labing-isang
halimbawa, unang ginamit ang salitang Cebuano na nasalaag lang ko at pagkatapos ay ginamit ang salita sa wikang
Filipino na at, makikita rin sa pangungusap
na hinalo ang salitang Ingles na join
na nilalapian ng panlaping naki. Sa ganitong
pangungusap, tatlong wika ang hinalo-halo.
Sa labindalawa at labintatlung pangungusap ay dalawang wika ang ginamit,
ang pinaghalong wikang Filipino at wikang Ingles.
Sa pagko-code-mix ng
mga respodente sa kanilang post sa Facebook ay may dalawa o tatlong wikang
hinahalo sa loob ng isang pangungusap. Batay sa nakalap na datos ay mayroong
iba’t ibang kadahilanan kung bakit naghahalong-koda. Naniniwala ang
mananaliksik na hindi intensyon ng isang indibidwal ang paggamit ng
paghahalong-koda sa kanilang post sa Facebook dahil sa paggamit nito ay mas
maipapahayag nila ang kanilang mga saloobin, kahit may mga salitang panumbas.
Sa paggamit ng
code-mixing, naniniwala ang mananaliksik na ginamit ito upang mahanapan ng
tamang salita ang gustong sabihin at ipahiwatig o kaya ay gusto nila na mas
maipahiwatig ang kanilang mensahe ng malinaw at maayos. Sa paggamit nito,
mabibigyang-diin o emphasis ang mga gustong sabihin.
Dahil sa maraming
natutunang wika at salitang ginagamit sa pagko-code-mix ay lalawak ang
bokabularyo ng bawat isa sa pakikipagkomunikasyon. Nakakasabay siya sa
modernisasyon at tataas ang kanyang tiwala sa sarili na kaya niyang
makipagtalastasan sa ibang tao dahil malikhain ang kanyang pagsasalita. Ngunit
sa paggamit nito, nababawasan naman ang kasanayan sa isang wika o unang wika
dahil sa paghahalo ng mga salitang banyaga maging sa pangalawang wika na kung
saan hindi na magagamit ang iba pang mga salita.
Dalas nagko-code-mix sa papapahayag ng
saloobin sa Facebook
Talahanayan 1. Distribusyon sa Dalas na
Paggamit ng Code-mixing ng mga Respondente.
Dalas
|
Respondente
|
Porsyento
|
Ranggo
|
Bihira
|
9
|
36%
|
2
|
Katamtaman
|
11
|
44%
|
1
|
Palagi
|
5
|
20%
|
3
|
Kabuuan
|
25
|
100%
|
|
Pormula: Porsyento =×100
Makikita sa talahanayan
ang distribusyon sa dalas na paggamit ng code-mixing ng mga respondente. Bihira
ang paggamit ng code-mixing kung wala hanggang tatlong (0-3) post lamang
nagko-code-mix ang respondente. Katamtaman naman kung apat hanggang pitong (4-7)
post nagko-code-mix at walo hanggang labing-isang (8-11) post nagko-code-mix sa
loob ng isang buwan ng Oktubre.
Makikita sa talahanayan
na siyam (9) na respondente o may tatlongpu’t anim na porsyento (36%) ang
bihirang gumagamit ng code-mixing. Labing-isa (11) namang mga respondente o may
apatnapu’t apat na porsyento (44%) ang katamtaman na nagko-code-mix sa kanilang
post sa Facebook. Limang (5) respondente o may dalawampung porsyento (20%) ang
palaging nagko-code-mix sa kanilang post sa facebook.
Sa kabuuan na pagtatala
ng porsyento, makikita na nangunguna sa ranggo ang katamtaman sa dalas na
paggamit ng mga respondente ng code-mixing sa Facebook. Pumapangalawa ang
bihira sa dalas na paggamit ng code-mixing sa Facebook. Nasa huling ranggo
naman ang mga respondente na palaging gumagamit sa code-mixing sa kanilang post
sa Facebook.
Epekto sa paggamit ng code-mixing sa
Wikang Filipino.
Nahihinuha
ng mananaliksik na nagkukulang na ang mga kasanayan ng mga Pilipino sa paggamit
ng Wikang Filipino dahil sa paglaganap ng medya, dulot sa pagsabay sa
modernisasyon. Wikang Filipino ang Pambansang wika ng Pilipinas ngunit sa
lalawigan ng mga respondente ay malimit na ginagamit ito sa
pakikipagkomunikasyon. Ginagamit lamang ito sa paaralan ngunit sa pagpapahayag
ng saloobin sa kapwa lalong-lalo sa bawat post nila sa Facebook ay bihirang
ginagamit ang wikang ito. Mas madaling gamitin ang code-mixing sa pagpapahayag
ng saloobin kaysa sa purong wikang Filipino, kaya ito kadahilanan ng pagkakamatay
ng ibang mga salita sa wikang Filipino na hindi natin namamalayan.
Mapapansin
na mas tinatangkilik ng mga respondente ang paghahalo ng mga wikang banyaga kaysa
sa ating Wikang Pambansa. Kaya sa paggamit ng code-mixing, ang Wikang Filipino
ay lalong malilimutan.
Konklusyon
Isa ang Facebook na magpapatunay sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya. Sa kabuuan ng pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik na
naghahalong-koda ang mga respondente sa kanilang post sa Facebook upang maging
maunlad ang daloy ng pakikipagtalastasan. Bagkus malimit na hinalo ang wikang
Filipino sa ibang wika na pinu-post sa Facebook. Ngunit sa pangkalahatan ay malaki
parin ang naiambag ng Facebook sa pag-unlad ng wikang Filipino, dahil patuloy
parin itong ginagamit na walang paghahalo sa ibang wika lalong-lalo na ang guro
sa Filipino na nagsisilbing modelo sa paggamit nito at higit sa lahat, ginagamit
din ito ng mga respondente kahit wikang Cebuano ang pangunahing wika nila. Hindi
pari nila nalilimutan na gumamit ng wikang Filipino sa kanilang post sa
Facebook na nagpapatunay na patuloy ang pag-unlad ng wikang Pambansa.
“Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang
isda”. Ito ang katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P.
Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Ngayong pumapasok
na ang iba’t ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan,
payabungin at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Dapat gamitin ang
wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon upang lubos na makilala ang kultura o
ang ating lahi.
Reference
Aklat
Banawa, Mary Joy D. (2010). “Cebuano
Interferens: Panimulang Pag-aaral”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga
Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
Mangahis, Josifina C., et al. (2005). Komunikasyon
sa Akademikong Filipino. Quezon City: C&E Publishing,
Inc.
_______________________.(2005). Komunikasyon
sa Akademikong Filipino. Quezon City: C&E Publishing,
Inc.
Sandoval, Mary Ann S. (2010) “eFil: Wika
sa Komnet, Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino”.Babasahin
sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento
ng Filipino at Ibang mga Wika.
Tayag, Danilyn A. (2010) “Hu u?, Charz!,
Boobs, Rcv na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa Text
Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT. Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
______________. (2010) “Hu u?, Charz!,
Boobs, Rcv na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa Text
Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT. Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
Internet
Barrion, Berns. (2012) “Teknolohoya sa
Makabagong Panahon”. http://prezi.com/mi qkqbrocufz/teknolohiya-sa-makabagong-panahon
Santamaria, Alyssa Faye. (2011) “Masama
Bang Magfacebook”.http://colombierebears. jimdo.com/2011/01/31/masama-bang-mag-facebook/
sinoy, gamiton naku imuhang konseptong papel para sa among gradsem, salamat kaau.
TumugonBurahinpaki upload pd tong atoang pa-aaral sa wikang cebuano. ky wla ko softcopy ato. Godbless...
c ate jona diay ni
TumugonBurahinsinoy, gamiton naku imuhang konseptong papel para sa among gradsem, salamat kaau.
TumugonBurahinpaki upload pd tong atoang pa-aaral sa wikang cebuano. ky wla ko softcopy ato. Godbless... c ate jona ni.