Repleksyon sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto
- Ang ibig ipahiwatig ng unang kartilya ng katipunang kung iyong ikinabubuhay o hanapbuhay ay hindi marangal at galing sa masama ay katulad ka rin ng isang puno na walang silbi na pinalilibutan ng mga masasamang damo na kahit kalian ay hindi yayabong. Halimbawa, ang kaginhawaan ng isang tao ay galing sa masama tulad ng pagbibinta ng mga droga o illegal na mga Gawain asahan mong hindi ka uunlad o maging matagumpay sa buhay. Nararapat lamang isipin na kung ang kayamanan ay galing sa dugo’t pawis o pinaghihirapan ay matatamasa mo ang kaginhawaan. Higit sa lahat kapag ito’y galing sa masama mawawala agad parang bula.
- Ang mga taong gumagawa ng mga mabubuting gawain ay nawawalan ng dangal kapag ito ay hindi bukal sa iyong kalooban o kaya’y pakitang tao lamang sa pagtulong sa iyong kapwa. Halimbawa, may tumulong sa isang simbahan na akala ng mga tao ay totoo at sinsero ang kanyang pagtulong ngunit hindi pala dahil ang gusto niya ay makilala lamang ang kanyang pangalan.
- Ang taong nagpapakita ng tunay na kabanalan ay siyang taong may halaga sa lipunan, may pusong tumulong sa iba at higit sa lahat may pagmamahal sa kanyang kapwa. Masusukat ang kabaitan ng isang tao sa kanyang mabubuting gawa, kilos at pananalita. Halimbawa, Ang ating P.B na J.R ay tunay nagpapakita ng malasakit sa ating bansa. Sinakripisyo niya nag kanyang uri ng pamumuhay sa halip na manahimik at magkaroon ng tahimik na buhay. Mas pinili niyang ipagtanggol an gating bayan upang mamulat ang mga Pilipino sa maling pamamaraan.
- Bata man o matanda, maputi man o maitim, maganda man o pangit, mayaman o mahirap ay pantay-pantay lamang ang bawat isa kung may mas higit kang kaalaman o nakapag-aral ka man ng wasto, kung pangit naman ang iyong ugali o kalooban ay wala pa ring halaga o silbi. Halimbawa, ang mga batang nasa lansangan na hindi binibigyan ng atensyon o halaga sa lipunan ay hindi dapat natin pagtawanan o lait-laitin dahil kahit ganyan sila ay mayroon silang karapatang mabuhay at maging masaya sa mundong ating ginagalawan. Dahil lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
- Kung ikaw ay may marangal at kabutihang loob ito ay nang dahil sa mas pinahahalagahan mo ang iyong kapurihan o kapwa kaysa pagiging makasarili, samantalang ang may hamak na kalooban o pangit na asal ay mas inuuna mo ang iyong sariling kapakanan kaysa pagpapahalaga sa iba. Halimbawa, gaya ng mga pulitiko, kahit na maghirap ang mga mamamayan ay parang wala lang sa kanila dahil ang mahalaga lang sa kanila ay makakamkam ng pera sa bayan para magkaroon ng magandang buhay.
- Ang nais ipahiwatig sa ikaanim na kartilya ng katipunan ay dapat gawin mo na ang nais mong gawin dahil hindi na kailanman maibabalik pa ang nagdaang panahon. Halimbawa, pag may nais kong sabihin o gawin sa isang tao, sabihin mo na dahil ang oras o buhay ng tao ay hiram o panandalian lang, maibabalik mo man ang mga bigay o yaman na nawala pero hindi mo na maibabalik pa ang oras na nakalipas na.
- Ang isang taong matalino nararapat lamang na alam niya ang kanyang ginagawa, sinasabi o iniisip. Dapat isaalang-alang kung may masama ba itong ibubunga o wala. Iwasan ding magbitiw ng masasamang salita. Halimbawa, kapag ang isang tao ay matalino, alam niya magtago ng sikrito. Kung may sikrito man na sinasabi sa kanya, alam niya na ililihim ito at batid niya na gumamit ng masasamang salita upang manlait, mangutya, mangbastos, o mang-insulto sa ibang tao dahil minsan ang mga salitang ginamit mo sa pag-iinsulto sa ibang tao ay ang pinakatamang salita na ilalarawan sayo.
- Kung trabaho ang pinag-uusapan, ang ama ay laging sandigan. Ang ama ang siyang nagtratrabaho o gumagawa ng paraan para mabuhay ang kanyang pamilya. Kaya binansagan silang haligi ng tahanan. Kung ano ang gagawin ay ama ay siyang gagagayahin o gagawin din ng mga anak o asawa. Datapwa’t sa panahon ngayon, lahat ay pantay-pantay. Hindi lamang ang ama ang maghahanapbuhay. Kundi ang ina rin. An ating mga magulang ang siyang nagsisikap at nagtatrabaho para mabuhay ang pamilya. Halimbawa, Kapag ang ama ay criminal, malaki ang posibilidad na gagayahin ito ng anak o maging criminal din.
- Ang babae ay huwag mong ituring na isang laruan o libangan na pang-aliw lamang kung ikaw ay nababagot. Sapagkat, ituring mo silang katulong, kasangga at karamay sa lahat ng hirap na dadanasan natin sa lahat ng problema sa ating buhay. Halimbawa, kapag ang isang lalaki ay nakahanap na ng katuwang sa buhay o nakapag-asawa na dapat irespeto ang kanilang asawa at dapat irespeto ang kanilang kahinaan dahil bawat tao ay may kahinaan. Isipin natin na ang kababaihan o mga ina ay naghihirap sa panganganak at nag-aaruga hanggang sa paglaki natin alalahanin natin na kapag ginawan mo ng masama ang babae ay parang sinaktan mo na rin ang iyong ina na naghirap para lang mailuwal tayo ng maayos at ligtas.
- Huwag kang gumawa ng masama sa iba kung ayaw mong gumawa rin sila ng masama sa iyo. Halimbawa, kapag ang isang tao ay sinasaktan mo, gagawa at gagawa siya ng paraan para makagamit sa’yo. Kung sakaling ang isang tao ay sinasaktan mo, marahil gaganti siya, ipaparanas ang sakit na naranasan niya sa tuwing sinasaktan mo siya. Marahil hindi lamang sa iyo, kundi sa pamilya mo o mga taong mahal mo sa buhay. Lahat tayo ay hindi perpekto, nakakasakit minsan sa ibang tao. Kung nakakasakit man tayo, dapat humingi ng tawad. Dapat magpakumbaba, dapat wala kang inaapakang tao, at higit sa lahat ay dapat marunong tayong magpatawad.
MARAMING SALAMAT SAIYONG TULONG!
TumugonBurahin