Gay Lingo: Register ng mga Bakla sa
Poblacion Siay, Zamboanga Sibugay
Bilang Pangangailangan
Sa Kursong Filipino 109
Barayti at Baryasyon ng Wika
Ipinasa kay:
Bb. Fatima E. Tangcalagan
Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Sining at Agham
Jay Ann D. Panes, 2015
Gay
Lingo: Register ng mga Bakla sa
Poblacion Siay, ZamboangaSibugay
Panimula:
Sa
mundong ating ginagalawanan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-ugnayan.
Ginagamit ito sa pang araw-araw na pamumuhay halimbawa na lamang sa pagpasok at
paglabas sa paaralan. Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at nagagawa ng
tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Ang wika ay
pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao at ang paggamit nito ay isang
katangiang ikinaiiba nito sa iba pang nilalang ng Diyos. Ayon sa aklat ng
komunikasyon sa akademikong Filipino ang wika ay isang napakasalimuot na
kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At sa pagbabagong-hugis ng edukasyon, mahalaga
ang papel na ginagampanan ng wika. Nagsisilbi itong tulay upang maunawaan kung
ano ang tinutukoy na pagbabago.
Isa sa katangian ng wika ay buhay o
dinamiko dahil tulad ng isang bagay na buhay, ang wika ay patuloy na nagbabago
sa pagdaan ng panahon. Ang pagbabago ay maaaring tungo sa pag-unlad. Ang isang
halimbawa ng pagiging buhay, daynamiko at pagbabago ng wika ang Bekimon o Gay
Lingona palasak na sa ating lipunan.
Ang Gay Lingo ay mga salitang
ginagamit ng mga bading sa pakikipag-usap sa kapwa. Ito ay itinuturing na isang
secret code ng iba dahil sa mga salitang ginagamit. Ayon kay Roque (2010) sa
kanyang pag-aaral tungkol sa Gay Lingo. Ang “gay lingo” ay may abilidad na
bigyang kulay at saya ang isang lipunan tulad ng lipunang Pilipino. Ang gay
lingoay walang sinusunod na unibersal na tuntuning gramatika, sapagkat kusa
itong nabubuo sa ating kaisipan.
Ang wika ng mga bakla sa teknikal na
termino ay isa sa mga tinatawag na sosyolek. Nakakalikha sila ng mga bagong
salita na nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain. Maaari rin naming umiimbento
sila ng sariling wika upang maipakita sa ibang tao ang kanilang kaibahan sa mga
ito.
Ang pag-aaral na ito ay nakatutulong
lalong lalo na sa mga kabataan na walang alam sa gay lingo. Magiging gabay ito
upang magkaroon ng kaalaman sa wikang ginagamit ng mga taong nasa ikalawang
kasarian o “beki” na tinatawag na gay lingo. At maunawaan ang pagkakaroon ng
gay lingo at kadahilanan sa pagtangkilik nito at nang makasabay at maintindihan
ang kanilang pinagsasabi kahit na hindi gaanong bihasa sa kanilang lenggwahe.
Paglalahad
ng Suliranin
Nilalayon ng pananaliksik na alamin
ang register na wika ng mga nasa ikalawang kasarian o beki. Sa pagtamo ng
layunin, hinahangad na sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano
ang Rehistro ng mga bakla sa Poblacion Siay, Zamboanga Sibugay?
2. Ano
ang dahilan ng mga bakla sa pagtangkilik ng gay lingo?
3. Ano
ang implikasyon ng gay lingo sa wikang Filipino?
Ang
pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa gay lingo na kung saan tutuklasin ng
pag-aaral na ito ang mga register na salita o ginagamit ng mga bakla sa Pob.
Siay ZSP at bibigyan ng kahulugan. Ang pag-aaral din na ito ay bibigyang pansin
ang kahulugan ng register at tatalakayin din kung ano ang dahilan ng mga bakla
sa pagtangkilik ng gay lingo.
Balangkas
Pangkonsepto
Ang baryasyon ng wika ay batay sa
katayuan ng speaker sa lipunan o sa lupon ng kanyang kinabibilangan. Masasabi
natin na ang mga bakla, bilang isang grupo sa lipunan ay may sariling baryasyon
ng wika na sila lamang ang nakakintindi. Ang register na wika ay isang uri ng
barayti ng wika.
Ang pag-aaral na ito ay nakasandig
sa Teoryang Sosyolingwistiko na kung saan ipinapaliwanag na ang wika ay
panlipunan at ang speech ay pang indibidwal at grupo. Kaugnay ng teoryang
sosyolingwistiko ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika dahil sa
magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan,
interes, gawain, pinag-aralan at iba pa (Mangahis, et.al, 2005).
Ayon kay Fishman (1971) sa aklat ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino ni Mangahis may dalawang dimension ang
pagkakaroon ng varyabilidad ng wika. Una ang dimensyong heograpikal ang
nagbubunsod sa pagkakaroon ng linggwistikong diyalekto. Ang pangalawa ay ang
dimensyong sosyal na nagbubunsod sa pagkakaroon ng register/jargo/sosyal na
varayti. Kaya ngayon may register na wika na ang mga bakla dahil sa sinasabing
dimensyong sosyal.
Ayon sa pag-aaral ni Altes, 2010),
ang teoryang speech o community ni Langer, isang pilosopo (Wood, 1997) ay
nakakapit din sa teoryang sosyolinggwistik. Ayon kay Wood, pinalalawak ng
teoryang speech community ang ating pag-unawa sa kapangyarihang pormatib ng
komunikasyon na binubuo ng identidad ng indibidwal, buhay panlipunan, at mga
gawaing organisasyunal. Sa isang pangkat makikita ang varyasyon ng wika sa
pamamagitan ng mga taong bumubuo rito. Katulad ng register na wika ng mga
bakla, nabibilang sila sa anyo ng wika na tinatawag na sosyolek.
Naniniwala ang mananaliksik na ang
mga teoryang ito ay nakakatulong upang mas lalo pang maunawaan at maintindihan
kung bakit nagkaroon ng ganitong lenggwahe.
Konseptwalna
Paradaym ng Pag-aaral
Larawan
1
Ang
wika ay patuloy na nalilinang kung mayroong mga taong patuloy na gumagamit
nito. Ang mga kabataang bakla ay bahagi ng lipunan, dahilan upang sila ay
magkaroon ng wika na para sa kanila lamang at kanilang pagkakakilanlan. Dahil
sa patuloy na pagbabago ng wika, patuloy rin na lumalawak ang mga varayti ng
wika.
Sa
unang kahon sa konseptwal na Paradaym ay kumakatawan ng register na salita ng
mga bakla sa Poblacion Siay ng kung saan tutuklasin ang mga register ng gay
lingo at bibigyan ng pagpapakahulugan. Sa pangalawang kahon mapag-aaralan din
ang kadahilanan ngpaggamit ng mga bakla sa gay lingo. Sa susunod na kahon ay
ang implikasyon ng gay lingo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Metodo
ng Pag-aaral
Ang parteng ito ay naglalahad ng
pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makalikom ng mga datos sa kanyang
pag-aaral upang matugunan at masagot ang mga tanong sa paksang "Gay Lingo: Register ng mga
Bakla sa Poblacion Siay, Zamboanga Sibugay”.
Pamamaraang
Ginamit
Ito ay isang komunikasyon at
palarawang pananaliksik. Dahil sa malayo sa lugar ng pinag-aralan ang
tinitirhan ng mananaliksik. Ang sumusunod ay ang paraan ng mananaliksik sa
pagkuha ng mga impormasyon.
Una.
Pinaki-usapan ng mananaliksik ang kanyang pinsan na nag-aaral sa Western
Mindanao State University ESU Siay na maghanap
ng labinglima (15) bakla na may alam sa gay
lingo na may edad 18 hanggang 25.
Pangalawa.
Nang makahanap ang kanyang pinsan ng mga bakla ay agad itong ibinigay ang pangalan at numero sa mananaliksik.
Ikatlo.
Sa pamamagitan ng komunikasyon sa cellphone isa-isang tinext ng mananaliksik
ang mga bakla at itinanong kung
payag ba sila na maging respondente ng mananaliksik at makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga salita ng gay lingo.
At hindi nagkamali ang mananaliksik sa pag text sa kanila
dahil pumayag sila na gawin silang
respondente.
Pang-apat.
Agad-agad na nagtala ang mananaliksik ng mga salita na mula sa Filipino na karaniwang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon at sinasalita ng mga tao.
Pang-lima.
Tinext ng mananaliksik ang mga salitang naitala sa mga respondenteng bakla.
Pang-anim.
Ang kanilang mga sagot ay inihanay ayon sa pagkakaiba ng mga salita.
Pang-pito.
Sa pagtanong naman ng ibang impormasyon tungkol sa gay lingo ay tumatawag ang mananaliksik sa mga baklang
respondente at itinala ang impormasyong mahalaga.
Ang
mga pinagkunan ng mga Datos
Sinikap ng mananaliksik na makakuha
ng mga impormasyon para sa kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng mga aklat na
kaugnay sa pag-aaral, tulong ng internet connection na may pdf, scribd,
articles, mga blog spot na may kaugnayan sa gay lingo at higit sa lahat ay ang
laning lima (15) respondentena may alam sa wika ng nasa ikalawang kasarian o
ang gay lingo.
Ang
mga Respondente
Ang mga respondente ng pag-aaral na
ito ay ang mga bakla na nag-aaral sa Western Mindanao University ESU Siay na
may edad labing walo hanggang dalawamput lima.
Paglalahad
ng mga Natuklasan
Ang Siay ay kabilang sa ikaapat na
munisipalidad sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Nahahati sa dalawamput siyam
(29) na mga barangay. Ayon sa senso 2010 ito ay may populasyon na 38,229 at nay
kabuuang lawak na 313.66 km2 (Wikipedia).
Ang register ay isang baryasyon sa
wika na may kaugnay sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Mas madalas
nagagamit sa isang particular na disiplina. Ito din ay ang pagtukoy sa mga
varayti ng wika ayon sa gumagamit (prezi.com). Ito ay set ng mga salita o
ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi
nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyar sa propesyon,
uri ng trabaho o organisyong kinabibilangan ng mga nagsasalita o grupong
nag-uusap (Semorlan,et.al,2009). Ang mga salitang bumubuo sa varayti ng wika na
ginagamit ng particular na grupo sa pakikipag-ugnayan sa kagrupo na halos sila
lamang ang nakauunawa. Sa pag-aaral na ito, register ng mga bakla ang
tinutukoy.
Isa sa mga register ng wika ay ang
wikang ginagamit ng mga bakla. Ayon kay Rubrico (2001) sa pag-aaral ni Hilario
tungkol sa Gay Lingo. Ang lenggwahe na ginagamit ng mga bakla o gay lingo ay
para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensyong ipagamit ito sa hindi
nila kauri. Ito ay sekretong lingo o argot na dapat hindi maintindihan ng mga
taga-labas. Ngunit sa paglipas ng panahon ito ay nagging isang bukas na
lenggwahe maging sa mga hindi bakla.
Tunay ngang daynamiko ang wikang
Filipino dahil sa pagsibol ng isa na namang panibagong terminong ginagamit ng
marami ang gay lingo. ang mga lalaking may pusong mamon ay nakaranas ng
matinding pang-iinsulto sa kanilang pagkatao na nagiging resulta ng
diskriminasyon nila sa lipunan. Ito ang nagtulak sa kanila upang buuin ang
kanilang pagkakakilanlan sa bayan. Dahil dito, naka isip sila ng paraan kung
saan maari nilang maitago ang bawat paksang kanilang pag-uusapan.
Nagsimula ang gay lingo sa Pilipinas
noong dekada 60 upang itago sa lipunan ang kanilang mga kwento (scribd). Ayon
sa mananaliksik na si Reinero Alba, tinawag ni Jese Javier Reyes noong 1970’s
na “swardspeak” ang gay lingo subalit pinabulaan ito ni Ronald Baytan sapagkat
sa panahon ngayon, itinuring ang terminolohiyang “sward” na makaluma na kung
kaya’t mas kinilala itong sa terminolohiyang gayspeak o gay lingo.
Talahanayan.
Mga Salitang Bumubuo sa Register ng mga Bakla sa Poblacion Siay
Gay
Lingo
|
Kahulugan
|
Shoyat
|
Payat
|
Shondak
|
Pandak
|
Sholdita
|
Maldita
|
Shosipag
|
Masipag
|
Shopel
|
Papel
|
Shopis
|
Lapis
|
Shohok
|
Buhok
|
Shokoi
|
Ako
|
Shokaw
|
Ikaw
|
Shorbataan
|
Kabataan
|
Shopamilya
|
Pamilya
|
Shontatey
|
Kakanta
|
Shomangkon
|
Pamangkin
|
Diogu
|
Bobo
|
Diotams
|
Tayo
|
Diomems
|
Kami
|
Diorla
|
Sila
|
Diobalolism
|
Biyuda
|
Bagening
|
Bag
|
Bookining
|
Aklat
|
Brainy
|
Matalino
|
Headlining
|
Ulo
|
Nosining
|
Ilong
|
Tittining
|
Ngipin
|
Shoesining
|
Sapatos
|
Dancining
|
Sasayaw
|
Modra
|
Ina/mama
|
Fodra
|
Ama/papa
|
Grandmodra
|
Lola
|
Grandfodra
|
Lolo
|
Sisterakas
|
Ate/kapatid
na babae
|
Btotherakas
|
Kuya/kapatid
na lalaki
|
Chacka
|
Pangit
|
Tsismakirs
|
Tsismosa
|
Borlingan
|
Kapit-bahay
|
Bog
agaw
|
Pinsan
|
Ismimbok
|
Mataba
|
Shoyu
|
Nakatira
|
Bogsuon
|
Kapatid
|
Ismepa
|
maganda
|
Epo
|
Gwapo
|
Bolponak
|
Cellphone
|
Mirosistik
|
Salamin
|
Shonsa
jomung nym?
|
Anong
pangalan mo?
|
Shuasa
shukaw nag shoyu?
|
Saan
ka nakatira?
|
Shonsa
nym sa jumung modra ug fodra?
|
Sino
ang mga magulang mo?
|
Urla
na jumung diodadid?
|
Ilang
taon ka na?
|
Shoasa
ka ng skul?
|
Saan
ka nag-aaral?
|
Diona
ams kay bogsuon?
|
May
kapatid ka?
|
Shonsa
dionam diomongge shormu?
|
Anong
ginagawa mo?
|
Shoasa
shokaw mag fly?
|
Saan
ka pupunta?
|
Y
man ka nag crying?
|
Bakit
ka umiiyak?
|
Shoknsa
jumung shorban?
|
Sinong
kasama mo?
|
Tsismakirs
jo ayom shokaw
|
Ang
tsismosa mo
|
Shosipag
jo ayoms shokaw
|
Napakasipag
mo naman
|
Ang mga gay lingo ay nabuo sa
pamamagitan ng pagbabaliktad ng mga letra mula sa orihinal nito, pagpapalit ng
mga salitang kasingtunog ng orihinal na salita, pagpapalit ng mga pangalan ng
sikat na artista o di kaya pangalan ng programa, pagdadagdag ng mga pantig at
pagbabago ng mga salita (Jalalon, 2011).
Malikhain
ang pagkabuo ng mga Gay lingo sa Pob. ng Siay dahil ang mga salita ay nabubuo
sa pamamagitan ng pagkaltas at pagdagdag ng mga pantig at pagbabago ng mga
salita ngunit may kaugnayan sa orihinal na salita.
Kabuuang
Pagtalakay sa mga Register na Salita ng mga Bakla
Mapapansin
na ang mga register na salita ay may kasamang tunog na /sho/ sa unahan ng
salita na pinampalit sa kinaltas na pantig sa unahan ng salita. Halimbawa ang
gay lingo na; shoyat, shongkad, sholdita, shosipag, sopel, shopis, shokoi,
shokaw, shomangkon at iba pa. May mga salita din na nagsisimula sa /dio/ gaya
ng diogu, diotams, diomems, diorla, diobalolism. Makikita din sa talahanayan na
may mga salita na mula sa Ingles gaya ng bagening, shoesining, headining,
bookining, nosining, tittining at iba pa.
May mga gay lingo din na kahit hindi ka bakla o walang alam sa kanilang
lenggwahe ay maaari mo pa ring maiintindihan. Katulad ng modra, fodra,
sisterakas, brotherakas, tsismakirs at iba pa na naririnig sa mga hindi bakla.
Ang
mga salita na naitala sa talahanayan ay madali lang maintindihan kung simpleng
salita lang ngunit kung itoy gagamitin sa pangungusap ay mahirap intindihin at
unawain. Ayon sa mga lingwistika,
pidgin ang tawag sa isang uri ng wika na nabuo sa kadahilanang may
pangangailangan ang ilang grupo ng tao na mag-usap gamit ang pananalita na sila
lang laamang ang nakakaintindi (scribd).
Kadahilanan
ng Pagtangkilik ng Gay lingo ng mga Bakla
Sa mga nakalap na impormasyon ang
mga sumusunod ay ilang kadahilanan kung bakit nila ginagamit ang gay lingo.
Sa
blog ni Pasigay, binangit ni Baytan ang unti-unting paglago ng gay lingo ay
isang uri ng “defense mechanism” upang malabanan ang diskriminasyon na kanilang
tinatanggap.
Isa sa aking nakapanayam ang naging
dahilan niya kung bakit siya gumagamit ng gay lingo ay upang maitago nila ang
kanilang ulayaw at kabastusan na pag-uusap at maprotektahan ang mga birheng
tenga ng mga nasa paligid. Ginagamit din ang gay lingo para lang makasabay sila
sa pag-uusap ng mga bakla sa kanilang paligid.
Ginagamit
ito para pag-usapan ang mga tao na sila lamang na kauri ang nakakaintindi.
Ginagamit din ang gay lingo sa pakikipag-usap sa mga tulad nilang bakla na
hindi nila kakilala at nang magkaroon ng tinatawag nilang pagkakaibigan. Para
masabi ng mga tao na sila bilang bakla ay nagkakaisa. Ang isa din sa dahilan
kung bakit tinatangkilik ang ganitong lenggwahe lalong lalo na ang mga
kabataang bakla ay para makasabay sa uri ng pakikipagtalastasan at nang hindi
mahuli o maiwanan sa kanilang henerasyon at para makakuha ng atensyon sa
pamamagitan ng kanilang pag-uusap na hindi maiintindihan ng mga nakikinig.
Implikasyon
sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino
Malaking halaga ang nagagawa ng wika
sa tao dahil ito ang magiging tulay ng bawat isa upang magkaunawaan. Sa
Pilipinas, marami nang nagliparang iba’t-ibang uri ng mga salita na lagi na
nating naririnig sa araw-araw hanggang sa mabilis na natin itong natutunan at
kinalaunan ay matatanggap na rin natin. Isa sa napakadaling umusbong ay ang
wika ng mga bakla o gay lingo na ginagamit sa lipunan ng mga sangkabaklaan. Sa
panahon ngayon hindi kapansin-pansin na hindi na lamang basta bakla ang
gumagamit o maririnig nating nagsasalita ng kanilang lenggwahe kundi mapababae
man ay nakakaunawa.
Sa paglipas ng panahon hindi natin
mamamamalayan na gamit na ang gay lingo sa pakikipagtalastasan sa kapwa. Sa mga
impormasyong nakalap tungkol sa register ng mga bakla masasabi ng mananaliksik
na ang gay lingo ay nakakaapekto sa Wikang Filipino dahil ang ibang mga
salitang Filipino ay nawawalan ng halaga at hustisya sa tuwing ginagamit ito sa
pamamagitan ng pagkaltas ng mga salita at pagdagdag ng mga walang kabuluhang
pantig.
Ang mga totoong salita ay hindi
nagagamit minsan sa pakikipagtalastasan lalong lalo na ang mga kabataan tuwing
nag-uusap. Nakakalungkot isipin na mas bihasa pa ang mga kabataang bakla o
maging hindi bakla sa gay lingo kaysa wikang Filipino.
Konklusyon
Batay sa ginawang pananaliksik at
mga natuklasang impormasyon idinudulog ang sumusunod:
Ang gay lingo ay isang makulay na
lenggwahe na ginagamit ng mga homosexual upang maitago nila ang kanilang
pinag-uusapan. Isang simbolo ng ikatlong lahi sa sangkatauhan.
Ang
mga salita ng mga bakla ay madaling maintindihan kung isang salita lamang o
parirala. Ngunit kung gagamitin sa pakikipagkomunikasyon ay talagang hindi
maiintindihan kung walang alam sa kanilang lenggwahe.
Bakit
pa gagamitin ang lenggwahe na dahilan ng hindi pagkakaroon ng epektibong
komunikasyon kung may wika naman na kung saan maiintindihan at mauunawaan ng
lahat, ang wikang Filipino. Sa paggamit ng ganitong lenggwahe sa harap ng mga
taong walang alam sa gay lingo ay nakakainsulto. Kahit paman sabihing hindi
sila ang pinag-uusapan kapag nasa harap sila ng mga bakla ay iisipin na sila
ang pinag-uusapan dahil wala silang nauunawaan at dahil din sa nabanggit na
dahilan ng mga bakla sa paggamit nito ang pag-usapan ang mga tao na sila lamang
ang nakakaintindi.
Malaki ang impluwensiya ng ng paggamit
ng gay lingo sa mga taong nasa paligid dahil hindi nagagamit ng maayos ang
wikang Filipino sa pakikipagtalastasan na nakakasira sa pormalidada na
pag-uusap.
Reference
Aklat
Altes,
J. (2010). Ang Varayti ng mga Istambay sa Brgy. Tibanga, Siyudad ng Iligan. Varayti
at Varyasyon ng
Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City.Msu-Iligan Institute of Technology. Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
Calamian, M. et.al. (2014). Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. San Joaquin, Pasig City.
Grandwater Publishing.
Mangahis,
J. et.al. (2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila, Quezon
City. C&E
Publishing Inc.
Semorlan,
T. et.al. (2009). Retorika. 839 Edsa South Triangle Quezon City. C&E
Publishing Inc.
Internet
Alba,
R. (2006). The Filipino Gayspeak (Filipino Gay Speak).Articles: http://www.ncca.gov.ph/about-articles-culture-and-arts/articles-on-c-n- a/articles.php?
Jalalon,
D. (2011). Gay Lingo ng Ozamiznon. Prezi: http://prezi.com/djt-ays6jpk/gay-lingo- ng-ozamiznon-isang-pagsusuri.
Pasigay,
J.C. (2012). Konsepto: wika/punto at komento. Blodspot: jcpak.blog.com/mga- sulatin//konsepto-wika.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin