Huwebes, Nobyembre 26, 2015
jmsinoy_18: Repleksyon “SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS” NI J...
jmsinoy_18: Repleksyon “SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS” NI J...: Repleksyon “SA MGA KABABAIHANG TAGA-MALOLOS” NI JOSE RIZAL Ang liham ni Jose Rizal na sinulat noong 1889 ay hindi lamang para sa mga ka...
jmsinoy_18: Repleksyon : “ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG” NI...
jmsinoy_18: Repleksyon : “ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG” NI...: Repleksyon : “ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG” NI ANDRES BONIFACIO Noong unang panahon na hindi pa dumating ang mga kastila ay masasa...
jmsinoy_18: “KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN”NI AND...
jmsinoy_18: “KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN”
NI AND...: “KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN” NI ANDRES BONIFACIO Sa maikling panahon ng pamumuno ni Polaveija ay ipinararanas niya an...
NI AND...: “KATIPUNANG MARARAHAS NG MGA ANAK NG BAYAN” NI ANDRES BONIFACIO Sa maikling panahon ng pamumuno ni Polaveija ay ipinararanas niya an...
jmsinoy_18: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINIS...
jmsinoy_18:
“ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINI
S...: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS” NI APOLINARIO MABINI Sa unang utos ni Apolinario Mabini na pinamagatang “Ang Tunay na Sampung Utos” ay ip...
“ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINI
S...: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS” NI APOLINARIO MABINI Sa unang utos ni Apolinario Mabini na pinamagatang “Ang Tunay na Sampung Utos” ay ip...
jmsinoy_18: Pagsusuri sa Maikling Kwento:Ang Gilingang Bato Ni...
jmsinoy_18: Pagsusuri sa Maikling Kwento:Ang Gilingang Bato Ni...: Pagsusuri sa Maikling Kwento: Ang Gilingang Bato Ni Edgardo M. Reyes Panimula: Sa kwentong ito ay isinasalaysay ng bunsong ana...
jmsinoy_18: Repleksyon sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jaci...
jmsinoy_18: Repleksyon sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jaci...: Repleksyon sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto Ang ibig ipahiwatig ng unang kartilya ng katipunang kung iyong ikinabubuhay o hana...
jmsinoy_18: PagsasalinLove Never DiesBy Br RaksunI have love...
jmsinoy_18: PagsasalinLove Never DiesBy Br Raksun
I have love...: Pagsasalin Love Never Dies By Br Raksun I have loved her for one year and five months. She is working in the canteen as the cashie...
I have love...: Pagsasalin Love Never Dies By Br Raksun I have loved her for one year and five months. She is working in the canteen as the cashie...
jmsinoy_18: jmsinoy: Halimbawa ng CURRICULUM VITAEPangalan: Jo...
jmsinoy_18: jmsinoy: Halimbawa ng CURRICULUM VITAEPangalan: Jo...: jmsinoy: Halimbawa ng CURRICULUM VITAE Pangalan: John Mar... : Halimbawa ng CURRICULUM V ITAE Pangalan: John Mark Cuizon Sinoy Pala...
jmsinoy_18: Gay Lingo: Register ng mga Bakla sa Poblacion Siay...
jmsinoy_18: Gay Lingo: Register ng mga Bakla sa Poblacion Siay...: Gay Lingo: Register ng mga Bakla sa Poblacion Siay, Zamboanga Sibugay Bilang Pangangailangan Sa Kursong Filipino 109 Baray...
jmsinoy_18: #GugmaSulod sa DamgoNiJohn Mark C. SinoyI.O gugma...
jmsinoy_18: #GugmaSulod sa DamgoNiJohn Mark C. Sinoy
I.O gugma...: #Gugma Sulod sa Damgo Ni John Mark C. Sinoy I. O gugma, asa ka karong panahona, Kay ako nanginahangla’g balentina, Sauna, gahap...
I.O gugma...: #Gugma Sulod sa Damgo Ni John Mark C. Sinoy I. O gugma, asa ka karong panahona, Kay ako nanginahangla’g balentina, Sauna, gahap...
jmsinoy_18: Haiku& TanagaNiJohn Mark C. SinoyHaiku#PangitPa...
jmsinoy_18:
Haiku& TanagaNiJohn Mark C. Sinoy
Haiku
#PangitPa...: Haiku & Tanaga Ni John Mark C. Sinoy Haiku #Pangit Pangit man ako, Pero may nagkagusto, Sa ugali ko. #Prinsisa I...
Haiku& TanagaNiJohn Mark C. Sinoy
Haiku
#PangitPa...: Haiku & Tanaga Ni John Mark C. Sinoy Haiku #Pangit Pangit man ako, Pero may nagkagusto, Sa ugali ko. #Prinsisa I...
jmsinoy_18: #PakiExplainGud!NiJohn Mark C. SinoyI.Daghan na k...
jmsinoy_18: #PakiExplainGud!NiJohn Mark C. Sinoy
I.Daghan na k...: #PakiExplainGud! Ni John Mark C. Sinoy I. Daghan na kaayo ta sa kalibutan, Dili na mapugngan ang atong kadaghan, Ug busa mangut...
I.Daghan na k...: #PakiExplainGud! Ni John Mark C. Sinoy I. Daghan na kaayo ta sa kalibutan, Dili na mapugngan ang atong kadaghan, Ug busa mangut...
jmsinoy_18: Sugilayming“#FilipinoPaMore”NiJohn Mark C. Sinoy ...
jmsinoy_18: Sugilayming“#FilipinoPaMore”NiJohn Mark C. Sinoy
...: Sugilayming “#FilipinoPaMore” Ni John Mark C. Sinoy Sa atoang “Chancellor” nga si Sultan Taha Guro Sarip, kauban sa atong...
...: Sugilayming “#FilipinoPaMore” Ni John Mark C. Sinoy Sa atoang “Chancellor” nga si Sultan Taha Guro Sarip, kauban sa atong...
jmsinoy_18: “ANG TUNAY NASAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINI1. ...
jmsinoy_18: “ANG TUNAY NASAMPUNG UTOS”NI APOLINARIO MABINI
1. ...: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS” NI APOLINARIO MABINI 1. Sa unang utos ni Apolinario Mabini sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang tuna...
1. ...: “ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS” NI APOLINARIO MABINI 1. Sa unang utos ni Apolinario Mabini sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang tuna...
jmsinoy_18: Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook...
jmsinoy_18:
Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook
...: Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook Bilang Pangangailangan Sa Kursong Filipino 109 Barayti at Baryasyon n...
Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook
...: Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook Bilang Pangangailangan Sa Kursong Filipino 109 Barayti at Baryasyon n...
jmsinoy_18: SugilanonMahitungod sa ManlinNiJohn Mark C. Sinoy...
jmsinoy_18: SugilanonMahitungod sa ManlinNiJohn Mark C. Sinoy
...: Sugilanon Mahitungod sa Manlin Ni John Mark C. Sinoy Ang Manlin kay ilado sa tawag nga Manga, bag-o palang kini nahimo’g ...
...: Sugilanon Mahitungod sa Manlin Ni John Mark C. Sinoy Ang Manlin kay ilado sa tawag nga Manga, bag-o palang kini nahimo’g ...
Sugilanon
Mahitungod sa Manlin
Ni
John Mark C. Sinoy
Ang
Manlin kay ilado sa tawag nga Manga, bag-o palang kini nahimo’g usa ka
Baranggay. Gitawag kini’g Manga kay ang dapit naay pampang, (duol sa eskwelahan
sa Elementarya sa Manlin karon) nga naay daghang basang bato. “Manga” ang
gitawag sa mga Subanen para sa pulong nga “basang bato”. Kay naandan na sa mga
mag-uuma nga manguha ug basang bato sa pampang para buhaton ug bairan sa
ilahang mga sundang ug uban pang gamitonon sa bukid.
Sa
tuig 1960, si Baton P. Sumpo gipili usa ka Bise Alkalde sa Munisipalidad sa Buug,
gisugyot niya nga himuong Baranggay ang Manga, ug ang Baranggay kay pangalanan
ug “Manlin”, para pagsidungog kay Timuay Mangura Betic Tilos Manlin nga siya
ang gahatag sa kayutaan nga gihimong sentro sa Barangay nga naa sa Purok 2.
Sakop
sauna ang Manlin sa Guminta, ug gibuhat gini’g Baranggay katong ika-14 sa Marso
tuig 1967 nga naa sa Pambansang Balaud 3590. Ang utlanan niini, gikan sa tuo
kay Guminta, sa wala kay Poblacion Buug, sa amihanan kay Lantawan ug sa
habagatan kay ang Basalem. Ang katibuk-an sa Baranggay Manlin kay gilangkuban
ug 928, 361. 70 sq. m. Duha ka kilometro gikan sa Baranggay Poblacion nga naay
pito ka purok. Gi-unhan kini ug dumala sa mga Timuay. Ang kina-unhang Kapitan
sa Baranggay kay si Librado A. Simpang ug sa karon kay si Conception Manlin-
Bangquiao.
Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook
Bilang Pangangailangan
Sa Kursong Filipino 109
Barayti at Baryasyon ng Wika
Ipinasa kay
Bb. Fatima E. Tangcalagan
Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Sining at Agham
Sinoy, John Mark C. 2015
Code-Mixing at ang Wikang Filipino sa Facebook
Introduksyon
Kasimbilis
ng pagbabago ng panahon ang pagbabago ng wika. Ayon kay Mangahis, et al. (2005),
isa sa katangian ng wika ay dinamiko o buhay. Dahil nga buhay ang wika, may mga
salitang namamatay, nadadagdagan at patuloy na nagbabago kasabay sa pagbabago
ng panahon. Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang pagbabago
ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may matalino at
galing na humanap ng paraan ang tao, naibabagay niya ang kanyang wika sa
pagbabago sa kanyang kapaligiran at pangngangailangan.
Ang
mabilis na pagsulong at pag-unlad ng teknolohiya ay sagot sa pangangailangan na
gumaan ang buhay ng tao. Sa panahon kung tawagin sa salitang Ingles ay “Information
Age”, ang paglaganap ng teknolohiya ay nagiging mabilis, maging ang kaalaman sa
paggamit ng mga teknolohiyang ito ay nagiging mahalaga. Kasabay nito ang
pagdiskubre ng mga makabagong gamit katulad ng iPod, Laptop at iba pang
kagamitan kung saan puwedeng magsocial networking katulad ng Facebook, Twitter,
at iba pa na kinakailangan ang internet (prezi.com).
Isa
sa naging bunga ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ang internet. Ayon kay
Sandoval (2010), naging bahagi na ito ng buhay ng maraming tao sa sosyal,
intelektuwal, ekonomiko at propesyunal na aspekto ng buhay. Ang internet ay
isang komunidad, isang sosyo-teknikal na sistema ng komunidad na ang mga
miyembro ay pinag-uugnay ng teknolohiya. Isa itong di-pisikal na lugar na kung
saan ay nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang paraan.
Isa
sa paaran upang makapagkomunikasyon sa ibang tao sa birtuwal na komunidad ang
Facebook. Ang Facebook ay isa sa mga patunay sa pag-unlad ng teknolohiya. Ito
ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites (SNS) sa kasalukuyang henerasyon
na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo (Santamaria, 2011).
Ito
ay isa sa paraan ng komunikasyong online upang maipahayag ng isang indibidwal
ang kanyang nararamdaman at iniisip. Dahil dito, malaya tayong makipagkumustahan
sa ating mahal sa buhay, kaibigan o sa ibang tao sa mundong birtuwal. Sa pagpapahayag
na ating naiisip, wika ang tanging ginagamit upang ang mga tao ay
magkakaunawaan. Sa pag-usbong ng ganitong paraan ng pagkokomunikasyon, malayang
gumamit ang isang indibibwal ng anumang wikang alam niya. Kaya sa Facebook ay
hindi maiiwasan ang pagko-code-mix ng iba’t ibang wika upang mabilis ang daloy
ng pakikipagkomunikasyon.
Suliranin ng Pag-aaral
Nilalayong
alamin ng pag-aaral na ito ang code-mixing sa Facebook at ang wikang Filipino
sa Facebook. Upang magawa ito, ang mga sumusunod na katanungan ay sinikap na
masagot.
1. Ano
ang kadahilanan sa paggamit ng code-mixing?
2. Gaano
kadalas nagko-code-mix sa papapahayag ng saloobin sa Facebook?
3. Ano
ang epekto sa paggamit ng code-mixing sa Wikang Filipino?
Balangkas Pangkonsepto
Ang
pag-aaral na ito ay nakabatay sa teorya ng isang Amerikanong Linggwistika na si
William Labov- ang Social Theory. Sinasabi sa teoryang ito na may kinalaman ang
lipunan sa pagbabago ng wika. Ibinigay halimbawa ng teoryang ito ang pag-usbong
ng mga bagong termino dulot sa pag-usbong din ng kompyuter na bunga ng
pag-unlad ng teknolohiya sa lipunan (Tayag, 2010). Isa ang paghahalo ng mga
salita na naging batayan sa pagbabago ng wika. Sa pag-usbong ng mga SNS dulot
sa pag-usbong ng mga teknolohiya, ang wikang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon
ay naghalo-halo upang mapadali ang pakikipagpalitan ng mensahe sa interaksyong
sosyal.
Nakasandig
naman ang pag-aaral na ito sa teoryang interference. Sa sosyolinggwistika,
tinatawag na interferens ang pangyayaring epekto ng unang wika sa pangalawang
wika sa oras na ginamit ito, lalo na sa pasulat (Banawa, 2010). Sa penomenang
ito, ang nagsasalita ay minsay naghahalong-koda upang bigyang emphasis ang
kanyang sinasabi. Maaring may sagabal sa kanyang pagsasalita ng pangalawang
wika kaya naghahalong-koda ang nagsasalita ng kanyang unang wika upang maging
malinaw at tuloy-tuloy ang daloy ng usapan.
Naniniwala
ang mananaliksik na sa pag-aanalisa ng teoryang nabanggit, mas maiintidihan pa
nila at mas magabayan sila sa pag-aaral sa code-mixing.
Ang
lahat ng wika at ang paggamit nito ay nakalaan para sa komunikasyon. Ang wikang
Filipino ay siyang lingua franca ng Pilipinas (Mangahis, 2005). Ito ay itinuturo
at ginagamit na wika sa mga paaralan. Ngunit, dahil sa sitwasyong rehiyonal,
ang wikang Filipino ay nagsisilbing pangalawang wika. Ito ang dahilan sa
malimit na paggamit nito sa pakikipagkomunikasyon sa Facebook.
Larawan 1. Konsepwal na Paradaym ng
Pag-aaral
Ang
unang kahon sa koseptwal na paradaym ay kumakatawan sa pamagat ng pag-aaral.
Ang Facebook ay isa sa mga SNS na kasalukuyang ginagamit ng mga respondente. Sa
pakikipagkomunikasyon sa Facebook, ang mga respondente ay gumagamit ng iba’t
ibang wikang alam nila sa pagpapahayag ng saloobin. Ito ang tinatawag na
code-mixing, ang paghalo-halo ng iba’t ibang wika sa pakikipagkomunikasyon.
Ang
ikalawang kahon ay kumakatawan sa kadahilanan sa paggamit ng code-mixing. Kapag
natukoy na ang mga post ng mga respondente ay idedetermina kung gaano sila
kadalas gumagamit ng code-mixing sa pagpapahayag ng saloobin sa Facebook, kung
bihira, katamtaman o palaging ginagamit ito.
Sa huling kahon ay tinanto ang epekto ng code-mixing sa wikang Filipino.
Metodolohiya
Paraang
palarawan ang ginagamit sa pag-aaral na ito. Masusing tiningnan, inuri at
inalisa ang bawat post ng mga respondente upang malaman kung sila ay nagko-code-mixing.
Ginawa ang pag-aaral sa MSU-Buug Campus. Ang MSU-BC ay isang pampublikong
pamantasan na binubuo ng apat na kolehiyo- CAS, CED, CFES at COAF. Ang mga
respondente sa pag-aaral na ito ay mula mag-aaral sa CAS at CED na may kursong
medyur sa Filipino sa ikatlo at ikaapat na taon sa kolehiyo at may bilang na
dalawampu’t lima (25). Ang Facebook ang pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral.
Ang mga pahayag ng mga mag-aaral sa Facebook sa loob ng isang (1) buwan ng
Octubre 2015 ang pinagmulan ng mga datos na may kabuuang tatlumpo’t isang (31)
araw. Ang pagsubaybay sa mga pahayag sa Facebook ng mga mag-aaral, ang
pagbabasa at pagtatala ng mga ito ay ang mga instrumentong ginamit upang
makakuha ng mga datos sa pag-aaral.
Paglalahad ng Natuklasan
Batay
sa mga inilahad na mga suliranin, balangkas at metodo ng pananaliksik, narito
ang mga kinalabasan o resulta ng isinagawang pag-aaral.
Ang code-mixing at kadahilanan sa
paggamit nito.
Bunga
ng pagkaroon ng maraming code o wikang umiiral sa lipunan, umusbong ang isang varayti
ng wikang resulta ng paggamit ng higit na isang code sa loob ng isang pahayag
ay tinatawag na code-mixing. Ang code-mixing ay ang paghahalo-halo ng dalawa o
higit pang code o wika sa pagpapahayag ng mensahe. Ito ay kadalasang nangyayari
kapag ang ispiker ay gumagamit at nakauunawa ng higit sa isang code o wika
(Tayag, 2010). Sa pag-usbong ng ganitong uri ng varayti, mas mainam na ipahayag
ang sariling saloobin sa paraang komportable ang isang ispiker kaya’t kung
gagamitin ang pagko-code-mix ay mas nagiging mabisa ang kanyang
pakikipagkomunikasyon.
Batay
sa pagko-code-mix ng mga respondente sa kanilang post sa Facebook. Lantad na
makikita ang kadalasang paggamit ng paghahalong-koda ng wikang Cebuano at wikang
Ingles sa isang pangngungusap. Narito ang ilang mga halimbawa:
1. Nagcelebrate
ug apil kauban sa akung mother.
2. Gwapang
cousin and gwapang tita.
3. Snack
lang sa before ni sila manguli.
4. Godbless
sa inyu ugma.
5. Donate
mug hair sa kilay bi.
6. Bawi
lang ko next time.
7. Walay
forever. Mahuman na lage ning requirements inig hurot pud ang allowance.
8. Thankyou
darlingtot sa kaon, enjoy kaayu makadyot.
9. That
feeling na sila sembreak na tas kami magmidterm pa.
10. Rest
day pero ang mga projects tambak.
11. Nasalaag
lang ko at nakikijoin.
12. Kapag
badtrip, idaan sa foodtrip.
13. Di
ko maitago na haggard na masyado.
Makikita sa mga
halimbawa ang paghahalo-halo ng mga salita o wika sa isang pangungusap.
Makikita sa unang pangungusap na ang salitang Ingles na celebrate ay nilalapian ng panlaping nag na naging nagcelebrate at
hinalo naman ang salitang Ingles na mother
sa Cebuanong pangungusap. Ang paghahalong naganap ay tinatawag na code-mixing. Sa
unang pangngusap, wikang Ingles at wikang Cebuano ang mga wikang hinahalo sa
pangungusap, tulad ng ikalawa hanggang ikasampung pangungusap. Sa
paghahalo-halong nagaganap, unang ginamit ang wikang Ingles patungong wikang
Cebuano balik na naman sa wikang Ingles o kaya’y vice versa. Sa labing-isang
halimbawa, unang ginamit ang salitang Cebuano na nasalaag lang ko at pagkatapos ay ginamit ang salita sa wikang
Filipino na at, makikita rin sa pangungusap
na hinalo ang salitang Ingles na join
na nilalapian ng panlaping naki. Sa ganitong
pangungusap, tatlong wika ang hinalo-halo.
Sa labindalawa at labintatlung pangungusap ay dalawang wika ang ginamit,
ang pinaghalong wikang Filipino at wikang Ingles.
Sa pagko-code-mix ng
mga respodente sa kanilang post sa Facebook ay may dalawa o tatlong wikang
hinahalo sa loob ng isang pangungusap. Batay sa nakalap na datos ay mayroong
iba’t ibang kadahilanan kung bakit naghahalong-koda. Naniniwala ang
mananaliksik na hindi intensyon ng isang indibidwal ang paggamit ng
paghahalong-koda sa kanilang post sa Facebook dahil sa paggamit nito ay mas
maipapahayag nila ang kanilang mga saloobin, kahit may mga salitang panumbas.
Sa paggamit ng
code-mixing, naniniwala ang mananaliksik na ginamit ito upang mahanapan ng
tamang salita ang gustong sabihin at ipahiwatig o kaya ay gusto nila na mas
maipahiwatig ang kanilang mensahe ng malinaw at maayos. Sa paggamit nito,
mabibigyang-diin o emphasis ang mga gustong sabihin.
Dahil sa maraming
natutunang wika at salitang ginagamit sa pagko-code-mix ay lalawak ang
bokabularyo ng bawat isa sa pakikipagkomunikasyon. Nakakasabay siya sa
modernisasyon at tataas ang kanyang tiwala sa sarili na kaya niyang
makipagtalastasan sa ibang tao dahil malikhain ang kanyang pagsasalita. Ngunit
sa paggamit nito, nababawasan naman ang kasanayan sa isang wika o unang wika
dahil sa paghahalo ng mga salitang banyaga maging sa pangalawang wika na kung
saan hindi na magagamit ang iba pang mga salita.
Dalas nagko-code-mix sa papapahayag ng
saloobin sa Facebook
Talahanayan 1. Distribusyon sa Dalas na
Paggamit ng Code-mixing ng mga Respondente.
Dalas
|
Respondente
|
Porsyento
|
Ranggo
|
Bihira
|
9
|
36%
|
2
|
Katamtaman
|
11
|
44%
|
1
|
Palagi
|
5
|
20%
|
3
|
Kabuuan
|
25
|
100%
|
|
Pormula: Porsyento =×100
Makikita sa talahanayan
ang distribusyon sa dalas na paggamit ng code-mixing ng mga respondente. Bihira
ang paggamit ng code-mixing kung wala hanggang tatlong (0-3) post lamang
nagko-code-mix ang respondente. Katamtaman naman kung apat hanggang pitong (4-7)
post nagko-code-mix at walo hanggang labing-isang (8-11) post nagko-code-mix sa
loob ng isang buwan ng Oktubre.
Makikita sa talahanayan
na siyam (9) na respondente o may tatlongpu’t anim na porsyento (36%) ang
bihirang gumagamit ng code-mixing. Labing-isa (11) namang mga respondente o may
apatnapu’t apat na porsyento (44%) ang katamtaman na nagko-code-mix sa kanilang
post sa Facebook. Limang (5) respondente o may dalawampung porsyento (20%) ang
palaging nagko-code-mix sa kanilang post sa facebook.
Sa kabuuan na pagtatala
ng porsyento, makikita na nangunguna sa ranggo ang katamtaman sa dalas na
paggamit ng mga respondente ng code-mixing sa Facebook. Pumapangalawa ang
bihira sa dalas na paggamit ng code-mixing sa Facebook. Nasa huling ranggo
naman ang mga respondente na palaging gumagamit sa code-mixing sa kanilang post
sa Facebook.
Epekto sa paggamit ng code-mixing sa
Wikang Filipino.
Nahihinuha
ng mananaliksik na nagkukulang na ang mga kasanayan ng mga Pilipino sa paggamit
ng Wikang Filipino dahil sa paglaganap ng medya, dulot sa pagsabay sa
modernisasyon. Wikang Filipino ang Pambansang wika ng Pilipinas ngunit sa
lalawigan ng mga respondente ay malimit na ginagamit ito sa
pakikipagkomunikasyon. Ginagamit lamang ito sa paaralan ngunit sa pagpapahayag
ng saloobin sa kapwa lalong-lalo sa bawat post nila sa Facebook ay bihirang
ginagamit ang wikang ito. Mas madaling gamitin ang code-mixing sa pagpapahayag
ng saloobin kaysa sa purong wikang Filipino, kaya ito kadahilanan ng pagkakamatay
ng ibang mga salita sa wikang Filipino na hindi natin namamalayan.
Mapapansin
na mas tinatangkilik ng mga respondente ang paghahalo ng mga wikang banyaga kaysa
sa ating Wikang Pambansa. Kaya sa paggamit ng code-mixing, ang Wikang Filipino
ay lalong malilimutan.
Konklusyon
Isa ang Facebook na magpapatunay sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya. Sa kabuuan ng pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik na
naghahalong-koda ang mga respondente sa kanilang post sa Facebook upang maging
maunlad ang daloy ng pakikipagtalastasan. Bagkus malimit na hinalo ang wikang
Filipino sa ibang wika na pinu-post sa Facebook. Ngunit sa pangkalahatan ay malaki
parin ang naiambag ng Facebook sa pag-unlad ng wikang Filipino, dahil patuloy
parin itong ginagamit na walang paghahalo sa ibang wika lalong-lalo na ang guro
sa Filipino na nagsisilbing modelo sa paggamit nito at higit sa lahat, ginagamit
din ito ng mga respondente kahit wikang Cebuano ang pangunahing wika nila. Hindi
pari nila nalilimutan na gumamit ng wikang Filipino sa kanilang post sa
Facebook na nagpapatunay na patuloy ang pag-unlad ng wikang Pambansa.
“Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang
isda”. Ito ang katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P.
Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Ngayong pumapasok
na ang iba’t ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan,
payabungin at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Dapat gamitin ang
wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon upang lubos na makilala ang kultura o
ang ating lahi.
Reference
Aklat
Banawa, Mary Joy D. (2010). “Cebuano
Interferens: Panimulang Pag-aaral”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga
Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
Mangahis, Josifina C., et al. (2005). Komunikasyon
sa Akademikong Filipino. Quezon City: C&E Publishing,
Inc.
_______________________.(2005). Komunikasyon
sa Akademikong Filipino. Quezon City: C&E Publishing,
Inc.
Sandoval, Mary Ann S. (2010) “eFil: Wika
sa Komnet, Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino”.Babasahin
sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento
ng Filipino at Ibang mga Wika.
Tayag, Danilyn A. (2010) “Hu u?, Charz!,
Boobs, Rcv na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa Text
Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT. Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
______________. (2010) “Hu u?, Charz!,
Boobs, Rcv na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa Text
Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT. Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
Internet
Barrion, Berns. (2012) “Teknolohoya sa
Makabagong Panahon”. http://prezi.com/mi qkqbrocufz/teknolohiya-sa-makabagong-panahon
Santamaria, Alyssa Faye. (2011) “Masama
Bang Magfacebook”.http://colombierebears. jimdo.com/2011/01/31/masama-bang-mag-facebook/
“ANG TUNAY NA
SAMPUNG UTOS”
NI APOLINARIO MABINI
1. Sa
unang utos ni Apolinario Mabini sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang tunay
na Sampung Utos” ay nagsasabi na dapat ibigin natin ang Diyos higit ninuman.
Dapat din na mahalin ang Diyos ng buong puso. Kailangan na pahalagahan din ang
sarili sa ano mang bagay sa mundo. Halimbawa, kapag ang isang tao ay may
ginagawang masama dito sa mundo, wala mang ibang taong nakakaalam dito, ang
Panginoon lamang ang tanging nakakabatid sa ginawa mo. Sapagkat ang Panginoon
lamang ang siyang nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa sanlibutan at higit sa
lahat ang katotohanan. Kung kabutihan ang ginagawa mo dito sa mundong ibabaw,
ay ito lamang ang tanging paraan na nagpapakita na malinis ang iyong kalooban.
Dapat ang bawat isa ay maging matapat, mabait at masipag nang sa ganun ang
buhay ay maging matiwasay at maginhawa.
2. Sa
pangalawang niyang utos isinasaad niya
dito na sambahin natin ang Diyos na walang pag-aalinlangan, kusang loob na
pagsilbihan at mahalin ng buong puso. Sa mga panahon o oras na gumagawa ka ng
masama, halimbawa, kapag pumapatay, nagnanakaw o iba pang mga masasamang gawain
ay ang dahilan upang mailayo ka sa panginoon at maaaring magpahamak sa buhay
mo. At sa mga mabubuti mo namang gawain gaya ng pagtulong sa mga mahihirap,
pagbibigay halaga at pagmamahal sa kapwa mo ay paraan para mapasaya mo ang
kalooban ng panginoon.
3. Sa
ikatatlong utos, huwag mong sayangin sa walang kabuluhang gawain ang mga
magagandang katangian o talento na ipinagkaloob sa atin ng panginoon.
Halimbawa, isang talento sa pagkanta, sa halip na gamitin para lang sa
kapakanan mo o pagkakakitaan lamang, gamitin mo ito para makatulong sayong
pamilya o pagkanta sa simbahan para sambahin ang panginoon. Sa ganitong pangyayari
mararanasan mo ang kapayapaan at kadalisayan ng ating buhay. Sa malinis mong
hangarin, pagkatao at mabubuting pag-uugali, napapasaya mo ang Panginoon.
4. Sa
pang-apat na utos, mababatid natin na hindi lamang ang Diyos ang ating iibigin,
dapat kasunod nating mamahalin ay ang ating bayan. Mahalin natin ang ating bayang
kinagisnan, gaya ng pagmamahal natin sa Diyos at pagpapahalaga sa ating sarili.
Halimbawa, ang pagtulong sa kapwa at pag-aalaga sa kalikasan ay ilan sa paraan
upang maipakita natin ang pagmamahal sa ating bayan. Sapagkat ang ating
tinubuang bayan lamang ang tanging biyaya o kaloob ng Diyos sa atin. Ito’y
naipamana sa atin ng ating mga ninuno na dapat nating ipagtangol, ipaglaban at
dapat ipagmalaki tungo sa magandang kinabukasan. Itong ating bayan o lupang
kinagisnan ay nagpapadama sa atin may tunay na kalayaan, magagawa natin ang
gusto nating gawin, nagpapadama na may pag-asa at totoong ligaya.
5. Ang
ikalimang utos ni Apolinario Mabini ay nangangahulugan ng pagsisikap para
ipagtanggol ang ating bayan. Halimbawa, sa panahon ngayon, marami ang problema
sa ating bayan, gaya ng korapsiyon o pagkamkam ng pera sa ating bayan, mababang
edukasyon at maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Ilan lamang ito sa problema ng
ating bayan, upang maiwasan ang ganitong problema, dapat maki- alam tayo kung
ano na ang nangyayaring katiwalian sa gobyerno, dapat may alam din ang bawat
kabataan upang maiwasan ang pagbubuntis ng maaga. Sa pagtatangol ng ating bayan
sa panahon ngayon, ngayo’y malapit na ang eleksiyon, dapat piliin ang mga kandidato
na may pusong tumulong sa kapwa, gagawin ang lahat para sa ikagaganda at
ikauunlad ng ating ekonomiya. Dapat ipagtanggol muna niya ang bayan bago ang
sarili. Dapat may hangarin siya na mabatid ang dating kaginhawaan sa ating
bayan. Dapat magkaisa ang lahat para sa ikababago ng ating bayan, nawa’y bayang
walang problema na kaligayahan ang ating maasam. Dahil kapag masaya o malaya ang
ating bayan. Nakakasiguro na ang lahat ng taong nakatira dito ay masaya rin at
may kalayaan sa buhay.
6. Sa
ikaanim na utos, ipinahihiwatig ni Mabini na pagsumikapan nating maabot ang
minimithi at kaligayahan ng ating bayang kinagisnan. Dahil nakasalalay sa mga
taong nakatira dito ang tagumpay na pinapangarap. Halimbawa, upang maabot ang
kaligayahan sa ating bayan ay dapat lahat ng Pilipino ay magtulong-tulongan,
kapit-bisig, ika nga nila. Ang ating mga ninuno ay isa ring halimbawa na
nagpapakita ng pagtulong-tulongan upang makamit natin ngayon ang ating
inaasam-asam na kapayapaan. Ang kaligayahan o kapayapaan ng ating bayan ay
siyang nagbibigay sa atin ng kalayaan. Kung mayroon kamang magagawa para sa
ikabubuti ng iyong lupang tinubuan ay dapat na gawin mo ito nang abot sa iyong
makakaya. Hindi na kailangang iasa sa iba ang katahimikang iyong inaasam-asam
para sa iyong minamahal na bayan. Kung may magagawa ka? Gawin mo na! Ngayon na!
7. Dito
sa ikapitong utos ni Mabini, klarong-klaro na ipinapahayag niya na dapat huwag
isipin na makapangyarihan ang mga taong may mataas na posisyon sa lipunan.
Halimbawa, nito ay ang mga taong nasa pulitika, mataas man ang kanilang
posisyon sa lipunan, hindi natin isa-isip na makapangyarihan sila sapagkat
hindi natin alam na may masama silang hangarin, siguradong iyon ay ang
pagnanakaw sa pera ng bayan. Lagi nating
tandaan na sa mata ng Panginoon ay pantay-pantay tayong lahat. Ang ating
Panginoon lamang ang higit o mas makapangyarihan sa lahat. Hindi man niya
naipapakita ng diretso o aktuwal ang kanyang pagtulong sa mga tao, pinaparamdam
niya ito sa pamamagitan ng mga taong may mabubuting ugali at hangarin.
8. Maliwanag
na ipinararating ni Mabini dito sa ikawalong utos na pagsumikapang makapagtatag
ng Republika sa ating bayan. Sapagkat ang mga naninirahan dito ay malaya. Hindi
iyong isang kaharian na may hari o reyna, malaki ang posibilidad na ang
kanilang anak ang magmana. Ang kahariang Monarkiya ang tinutukoy ni Mabini ditto,
na dapat hindi itatag sa ating bayan sapagkat sila lamang ang may kapangyarihan,
may kayang gumawa sa kung ano-anong gusto nilang gawin. Kaya iginiit ni Mabini na
dapat isang Republika ang matatag sa ating bayan. Dahil sa Republikang bansa,
ang mga naninirahan dito ay may kalayaan. Walang nagkokontrol sa mga tao sa
demokrasyang bansa. Huwag nating hayaan na magkaroon ng isang kayarian ang ating
bayan upang walang sinuman ang magkokontrol sa atin at walang mapagmataas, para
ang lahat ay pantay-pantay sa paningin ng lahat.
9. Sa
ikasiyam na utos ni Mabini, ang pagmamahalan ang kanyang gustong ipahihiwatig.
Pagmamahal hindi lamang sa sarili kundi pagmamahal rin sa kapwa. Halimbawa, maipadama natin ang pagmamahal sa
ating kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at pagmamalasakit sa ibang tao. Hindi
na kailangan kung gaano ito kalaki o karami, ang mahalaga ay kusang tumulong at
higit sa lahat tumulong sa ibang tao na galing sa puso. Walang pag-alinlangan
sa pagtulong sa iba. Ngunit kung hindi ito sundin o kung hindi tumulong ang
isang tao sa kanyang kapwa, malamang inuuna niya lamang ang kanyang sarili.
Sila ay iyong mga taong makasarili.
10. Ang pang sampung utos ni Mabini ay naglalayong pagpapahalaga
sa kababayan. Halimbawa, kahit hindi mo man kakilala ang isang tao sapagkat
kababayan mo ito, dapat hindi magdadalawang isip na kaibiganin siya. Gawin mo
siyang isang tunay na kaibigan o kaya’y kapatid na maging kasangga mo sa hirap
at sa ginhawa o kaya’y kasama mo sa lungkot at ligaya.
Pagmamahal
ang siyang dahilan upang ang bawat isa ay magiging masaya. Pagmamahal sa
Panginoon, sa bayan, sa sarili, sa magulang, sa mga kapatid, sa mga miyembro ng
pamilya, sa taong nagpapatibok sa iyong puso, sa mga kapit-bahay at sa lahat.
Sugilayming
“#FilipinoPaMore”
Ni
John Mark C. Sinoy
Sa
atoang “Chancellor” nga si Sultan Taha Guro Sarip, kauban sa atong duha ka Bise
“Chancellor”, silang Propesor Carmelita H. Balbosa ug Propesor Elly O.
Maghanoy, sa mga magtutudlo ug mga empleyado, sa mga estudyante diri sa eskwelahan
sa MSU, sa akoang mga amigo, sa mga babaye ug lalaki, sa mga bayot ug tomboy,
sa mga “textmates” ug “chatmates”, sa mga “likers” ug “followers”, Maayong
buntag kaninyong tanan!
Nia
ako sa inyong atobangan musulti kung nganong ningkuha ko’g kurso nga medjur sa
Filipino. Ako usa ka but-an nga estudyante nga ning-“graduate” sa eskwelahan sa
MNHS. Usa sa estudyante nga wala nasayod sa iyang kaugma-on ug wala gadahom nga
maka-skwela sa kolehiyo. Sa permero, kung maka-eskwela man gani ko, didto ra sa
JHCSC sa Midsalip. Ikaduha, kay ga-ampo ko sa Ginoo, iyang gibag-o ang akong
kaugmaon, ug nagpasalamat ko sa iyaha kay karon, ako, usa ka “working student”,
naka-eskwela diri sa MSU.
Sauna,
kabalo nako kung unsa nga kurso ang akong kuhaon diri sa MSU-Buug, ug kini kay
BSED-Math, kay sa dili panghambog, maayo ko ug nahigugma ko sa numero. Pero kay
gamay man ko’g kuha sa SASE, naglisod ko’g pagdawat niini ug nagmahay tungod
kay wala nako gitarong pag-“answer” niadtong higayona. Kay gusto man ko nga
magtudlo, ningkuha ko’g kurso nga AB-Filipino, bisan wala sa akong plano ug
damgo. Pero, nagpasalamat gihapon, kay nasayod ko nga naa pay mas nindot nga
plano ang Ginoo.
Kay ako karon medjur sa Filipino,
nahigugma nako sa akong kurso ug nahimuot sa mga kaubang amigo nga banha-an kaayo.
Naglibog ko sa mga tawo, kay ubos ra kaayo’g pagtan-aw sa mga medjur sa
Filipino. Sige lang ug pangutana kung nganong kini ang gipili namo, nganong
dili man kini, kana o kato nga kurso? Magbu-ot? Ila rang gi-hinay-hinay ang
Filipino ug ang among kahibalo, wala sila kabalo nga ang mga sabjek lisod kayo,
walay “formula” nga gi-“follow” kay among utok
ra ug “ballpen” ang gigamit sa pagbuhat ug mga balak, sugilanon,
sugilambong, sugilayming ug uban pa, sa dili medjur sa Filipino, nasayod ba mo
ato? Wala!, dugong ilong ug nga-nga. Palibhasa, nagpakama-ayo sa mga
wikang banyaga ug gikalimtan na ang atong pambansang wika.
Kay nag-eskwela pa man ko,
naningkamot ko’g maayo ug naka huna-huna nako kung unsa ang akong buhaton
paghuman sa akong kurso. Ug karon, gamiton nako ang higayon sa pagpasalamat sa
tanan, sa Ginoo, kang Mr. ug Mrs. Colita, sa akong pamilya ug sa akong mga
barkada. Ganina rako nag-estorya unya wala mo tanan naka-ila sa akoa ug ako
diay si John Mark C. Sinoy, kung interesado mo sa ako-a, “just Google my name”
ug karon, magbilin ko sa mga pulong nga “Ang dili kabalo mahigugma sa
kaugalingong wika kay labaw pa ka sa
baho ug langsi nga isda”.
Daghang Salamat ug Maayong Buntag
Pag-usab!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)