Pangalan: John Mark C.
Sinoy
Asignatura: Filipino
127: Literatura at Kulturang Popular
Petsa: Ika-10 ng
Pebrero 2016
Breeze: Kulturang Popular
Ang patalastas na napanood, tumatak
sa isipan at napili ko ay “Breeze”. Ako mismo ay hindi gumagamit ng sabong ito,
sapagkat malimit itong mabibili sa mga tindahan dito sa probinsya. Ngunit may
mga konsyumer pa ring gumagamit ng Breeze lalong lalo sa syudad na palasak
itong ginagamit at patuloy pa ring tinatangkilik. Bigyan nating pansin kung
bakit patuloy paring tinatangkilik ang ganitong produkto.
Una, ang nag-iindorso ng produktong
ito ay ang pamilyang Villaroel. Isang sikat at kilalang pamilya sa Pilipinas.
Hindi sa katiwalian o sa kontrobersyal ang dahilan kung bakit ang kanilang
pamilya ay sikat kundi sa kanilang tatak ng isang masayahing pamilya. Makikita
sa kanilang mga mata at kanilang mga ngiti ang pagmamahalan sa kanilang pamilya
o sa isa’t isa. Maituturing ang kanilang pamilya ay isang huwaran o modelo ng
pamilyang Pilipino. Sina Carmina, kasama ang kanyang kambal na anak na si Mavy
at Cassy. Kaya ito ang dahilan kung bakit sila ang napili ng kapitalista na
nag-iindorso ng produktong ito.
Pangalawa, ang paraan ng kapitalista
sa pagpalabas ng patalastas. Para sa akin, masasabing kong ang kapitalistang
gumawa nito ay matalino. Dahil gumamit siya ng “reversed mechanism” sa paggawa
nito. Makikita sa patalastas ang maruming damit ni Mavy na kakailanganin sa
role-play. Hindi alam ni Carmina na ang maruming damit na iyon ay kailangan sa
play. Nakita ni Carmina ang maruming damit kaya agad-agad itong nilabhan ng
Breeze. Nang hinanap na ni Mavy ang kakailanganing damit ay tinago ni Carmina sa kanyang likuran
at agad-agad itong dinumihan. Sa paggamit ng “reversed mechanism” makikita na
mas lalomg dinumihan ang damit. “Sige lang ang anak.” Ang sabi ni Carmina sa
kanyang anak na si Cassy na tumulong upang lalong dumihan ang damit. Hindi na
sila nag-aala sa maruming damit dahil alam nilang may sabong pantanggal sa dumi
at manstsa. Kaya ito rin ang isa sa paraan upang mapansin ang produkto. Sa
patalastas pa lamang ay nakakahikayat na.
Pangatlo, ang paggamit ng
kapitalista ng salitang “lang” sa tuwing banggitin ang presyo. Sa patalastas na ito, maririnig ang salitang
“6 pesos lang”. Ang salitang “lang” ay nakakadulot ng atensyon sa mga konsyumer.
Akala ng mga konsyumer na bumaba ang presyo nito dahil sa katagang “lang”.
Matatak ito sa isipan ng mga konsyumer, dahilan na mas lalong tangkilikin ang
produkto.
Panghuli, importante rin ang itsura
ng produkto sa pagpapalabas nito sa telebisyon. Kailangang presentable ang
isang produkto sa paningin ng mga konsyumer upang mapansin at kailangan din ang
mga salitang tatak ng isang produkto upang mapansin at lalong tangkilikin,
partikular sa sabong ito: “Mansta,
tanggal sa isang laba”.