Masusing
Banghay-aralin sa Filipino 1
ni John Mark C.
Sinoy
Nobyembre 22,
2016
I.
Mga
Layunin: Sa loob ng isa at kalahating oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.
Nakikilala
ang iba’t ibang uri sulatin at ang katangian ng bawat isa.
2.
Naipakikita
ang pagkamasining at pagkamalikhain sa paggamit ng sariling istilo ng pagsulat.
3.
Nakasusulat
ng sariling sulatin o sariling pananaw tungkol sa pangyayari sa loob ng
klasrum.
II.
Paksang
Aralin:
a.
Paksa:
Uri ng Sulatin
b.
Sanggunian:
Komunikasyon sa Akademikong Filipino, pahina 228.
c.
Kagamitan:
Pabitin, Piyesa ng Tula, Visual Aids, Hand-awts, at Envelope
III.
Pamaraan
(Pabuod)
Gawaing Guro
A. Paunang Gawain
a. Panalangin
(Tatawag ng mag-aaral para sa panalangin)
b. Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
c. Pagtala ng liban
“Sino ang lumiban sa klase?”
d. Pagbabalik-aral
“Bago tayo magpatuloy, ano ang nakaraang leksyon
natin?”
B. Pagganyak
a.
Basahin ang
piyesa ng tula. (Tatawag ng mag-aaral)
“Maraming
salamat sa pagbabasa. Ngayon, ano ang paksa ng tula?”
“Mahusay.
Pumapaksa tungkol sa pag-big. Pag-ibig na kahit
kailan ay hindi kayang suklian, kaya siya’y nagpapaalam.
C. Presentasyon
“Nakagawa o
nakasulat na ba kayo ng sariling tula?
“Wow,
Magaling! Ang pagsulat ng sariling tula ay isang lamang uri ng sulitin.
“Ang
tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa uri ng sulatin.
(Buksan ang
pabitin)
D. Talakayan
a. Personal na Sulatin
(Tatawag ng isang mag-aaral)
“Para sa
iyo, ano ang personal na sulatin.
“Tama, Ang
personal na sulatin ay pansarili, impormal at walang balangkas na sulatin….”
(Magbibigay
ng halimbawa at paliwanag)
b. Transaksyunal na Sulatin
(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang
transaksyunal na sulatin?”
“Magaling.
Ang transaksyunal na sulatin ay pormal at maayos ang pagkakaayos. May layong
makipagkomunikasyon….”
(Magbibigay
ng halimbawa at paliwanag)
c. Malikhaing Sulatin
(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang
malikhaing sulatin?”
“Mahusay.
Ang malikhaing sulatin ay masining ang paraan ng paglalahad. Kasama dito ang
mga akdang pampanitikan.
(Magbibigay
ng halimbawa at paliwanag)
d. Akademik na Sulatin
(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang
akademik na sulatin?
“Tama. Ang
akademik na sulatin ay naglalaman ng paksang akademiko. Ilang halimbawa nito
ay papel pananaliksik, disertasyon, tesis, pamanahong papel at konseptong
papel.
(Magbibigay
ng paliwanag)
e. Jornalistik
(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang
sulating jornalistik?
“Magaling.”
(Magbibigay
ng paliwanag)
E. Paglalahat
“Sino ang
makapag-isa-isa sa mga uri ng sulatin.
F. Paglalapat
a.
Pangkatang
Gawain (Bumuo ng apat na grupo)
Panuto:
Gumawa ng sulatin ayon sa uri nito at basahin sa harap ng klase: Gawin ito sa
loob ng 10 minuto.
1. Personal
2. Malikhain
3. Transaksyunal
4. Jornalistik
Rubriks:
Nilalaman: 60%
Presentasyon: 20%
Kooperasyon: 20%
________
100%
IV.
Ebalwasyon o
Pagtataya
Panuto:
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang uri ng sulatin.
(Personal, Transaksyunal, Malikhaing Sulatin, Akademik, Jornalistik) Sasagutan
sa loob ng 10 minuto.
1. Pagsulat ng tula.
2.
Pagsulat ng liham sa patnugot sa isang pahayagan.
3.
Pagsulat ng papel pananaliksik.
4.
Pagsulat ng komposisyon tulad ng awit.
5.
Pagsulat ng editoryal o pangulong tudling.
6.
Pagsulat ng nobela.
7.
Pagsulat ng memorandum.
8.
Pagsulat ng love letter.
9.
Pagsulat ng disertasyon.
10.
Pagsulat ng maikling kwento.
11.
Pagsulat ng pormal na sanaysay.
12.
Pagsulat ng liham na rekomendasyon.
13.
Pagsulat ng balita.
14.
Pagsulat ng pamanahunang papel.
15.
Pagsulat ng iskrip ng dula.
V.
Takdang
Aralin
Panuto:
Gumawa ng isang personal na sulatin tungkol sa pagtuturo ng inyong student teacher.
(30 puntos)
Isulat sa
short bondpaper: #encoded
1. Times New Roman
2. 12- Font Size
3. 1.75- espasyo
4. 1 inch ang lahat ng margin
5. Justified
|
Gawain ng mga Mag-aaral
“Panginoon……”
“Magandang
umaga rin po Sir…”
“Sina….”
“Pagsulat,
kahulugan at kahalagahan ng pagsulat.”
PAALAM
NA
ni: John Mark C.Sinoy
I.
Paggawang tula’y ‘di
makayanan,
Bakante ang puso at
isipan.
Pag-ibig ko sa’yo inilaan,
Ako ba’y iyong
tuluyang iwan?
II.
Sa panaginip di ka
kasama,
Gunitain
man sa alaala.
Anong nangyari
sa’ting dalawa?
Ikaw na pag-ibig, ay
wala na.
III.
Kung wala ako, ika’y
masaya,
Habang ako, ‘di
kayang wala ka.
Pag-ibig, ganito ba
talaga?
Palaging talo, sawi’t
umaasa.
IV.
Dapat nga bang ika’y
pakawalan,
Ika’y walang
pag-ibig, kailanman,
Sa’tin, umibig ay ako
lamang,
Ako lang ang palaging
luhaan.
V.
Kaya hindi na ako
aasa,
Sa araw na ako’y iibigin
pa.
Salamat at ika’y
nakilala.
Hanggang dito na
lang, paalam na.
“Pumapaksa sa
pag-ibig. Kasawian sa pagmamahal…..”
“Opo Sir”
(Nakikinig)
“Ang
personal na sulatin ay pansarili at walng balangkas na sulatin…….”
“Ang
transaksyunal na sulatin ay pormal na sulatin……”
“Ang
malikhaing sulatin ay masining ang paraan ng paglalahad…..”
“Ang
akademik na sulatin ay naglalaman ng paksang akademiko…..”
“Ang
sulating jornalistik ay mga sulating tulad ng balita, editoryal at lathalain.
(Isa-isahin
ang uri ng sulatin)
1. Malikhaing Sulatin
2. Jornalistik
3. Akademik
4. Malikhaing Sulatin
5. Jornalistik
6. Malikhaing Sulatin
7. Transaksyunal
8. Personal
9. Akademik
10. Malikhaing Sulatin
11. Malikhaing Sulatin
12. Transaksyunal
13. Jornalistik
14. Akademik
15. Malikhaing Sulatin
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento