Mall
Critique
Kulturang
Popular
Ni:
John Mark C. Sinoy
Higit na kinaaliwan o kinalilibangan
ang pagpasok sa mga malls. Mas madali, mas mabilis at mas malaki ang espasyo na
kung saan lahat ng kakailanganin ay napaloob na sa ganitong lugar. Kung mall
ang pagbabasihan, napaloob dito ang grocery, may kainan, may simbahan, may
libangan o palaruan, may bangko, may sinehan, may concert ground, at marami
pang iba na makikita sa loob dito. Mabibili ang lahat ng kakailanganin sa
pang-araw-araw na gagamitin. Mula grocery, damit, appliances at iba pa na mabibili
dito at kung magugutom ay mayroon mga kainan tulad ng Jollibee, Mang Inasal at marami
pang iba. Sa pagtatanong ko sa aking mga kaibigan, sinabi nila na pupunta
lamang sila sa mall para maglibot at magpalamig kung wala silang bibilhin.
Noon, gusto ko lang naman na maglibot-libot sa mall pero sa ngayon ay
kailangang pumunta ng mall para magsuri o magkritika.
Pebrero 21, 2016, sabado ang takdang
araw na ginawa ang pagsusuri sa mall partikular ang People’s Plaza Shopping
Mall na matatagpuan sa F. S. Fajares
Ave, Pagadian City, Zamboanga del Sur. Unang-una, galak na galak akong makabalik
sa mall na ito nang sa pagbalik ko ay kasama pa ang aking mga kaibigan. Hindi
para mamasyal kundi para magkritika sa mall. Natanong ko rin sa aking kaibigan
kung ano ang hugis ng mall na ito. Ang sabi naman niya na ang mall na ito ay
parang twin building na may apat na palapag. Ang isang bahagi o kaliwang bahagi
kung nakaharap ka ay sinasabing luma na ang parte na ito. Ang kanang parte nito
ay bagong ginawa at patuloy paring ginagawa o inaayos. Sa unang palapag sa kanang
parte ng mall ay kainan at sa ibang palapag ay hindi ko na alam dahil hindi ako
na kapasok nang dahil maaga kaming pumunta at hindi pa nagbukas ang yaong bahagi
ng mall. Kaya pinagtutuunan ko lamang ng pansin na isuri ay yaong kaliwang bahagi
ng People’s Plaza Shopping Mall. Sa unang palapag o may nagsasabing ground
floor ay matatanaw o kakitaan ng mga grocery items na mabibili dito. Lahat ng
mga grocering paninda ay nakahiwalay ayon sa kinabibilangan nito na kung saan seksiyon
o stall ang tawag nito.
Sa unang seksiyon o stall mabibili ang
soda drink, bottled water at canned meat. Sa pangalawang stall naroroon ang mga
sardinas, can seafoods at jams. Sapangatlong stall ay may mga tetrapack juice,
bottled juice, fresh breads at powdered juice. Sa ikaapat naman ang mga
promotional area stall, na halo-halo ang makikita dito tulad ng cotton,
diapers, mga sabon, at iba pa. Kadalasang ang produktong mabibili sa
promotional area ay makikita sa patalastas sa telebisyon. Sa ikalimang bahagi naman
ay mga coffee, chocolate, at breakfast cereals. Tea, caned milk at adult milk
sa ikaanim na stall at sa ikapito ay mga powdered milk. Sa ikawalo makikita ang
mga infant foods at infant powdered milk habang sa ikasiyam ay mga bath tissue
at table napkins, sa ikasampo ay mga seasonings pati narin ang mga soy sauce at
cooking oil. Ang mga party and picnic needs, soup and broth, noodles ay
makikita sa labing-isang stall, sa labindalawa naman ang mga hot cake mixes,
baking needs at instant noodles ay mayroon din. Ang mga mayonnaise, salad mix,
can fruit, pasta at cheese na kakailanganin sa mga desserts ay makikita sa labintatlong
stall. Dagdag pa ang mga laundry powder at bars, bleach, bathroom cleanser ay
magkasama sa labing-apat na stall. Gayundin ang mga native biscuits and snacks,
pasta sauce, pork and beans ay makikita sa ikalabinlimang stall at mga packed
biscuits ay nasa ikalabing-anim na stall. Chocolates, plastic ware at mga
kitchen ware sa ikalabinpitong stall at sa ikalabinwalong stall makikitaang
chips, jellies at snack items. Makikita ang mga bilang sa itaas ng mga produkto
na kung saan makikita kung ano ang nakalagay sa stall na iyon para madali at
agad makita ng mga mamimili ang mga hihihanap nila. Sa kanang bahagi rin
makikita mga bigas, gulay, prutas, icecream, wines, at nandoon din ang gilingan
ng karne o gilingin ng iba pa. Makikita din sa kanang bahagi ang bilihan ng mga
tinapay habang sa kaliwa ay isang parmasya. Samantalang makikita sa harap ang
nakahanay na counter.
Tunay na kakikitaan ang unang palapag
ng mga pangunahing bilihin ng mga tao, ang mga grocery items. Sa unang palapag inilagay
ang mga grocery items dahil ang mga ito ay pangunahin o pangkaraniwang kinakailangan
ng mga tao sa pang-araw-araw. Sa palapag na ito ay kadalasang may maraming tao.
Sa tingin ko dito inilagayang mga grocery items sa unang palapag ng mall dahil
mas madali o convenient ang pagbibili ng mga tao. Wala nang “hassle” dahil easy
access na agad-agad. Hindi na mahihirapan ang mga mamimili kung sakali ay
nagmamadali dahil nasa unang palapag makikita ang kinakailangan nila.
Sa ikalawang palapag naman ng People’s
Plaza Shopping Mall na kung saan ay mayroon ding entrance na makikita ang mga kumikinang
na nakahilerang mga relo, kwentas, polseras, hikaw at iba pang mga aksesorya.
Sa tingin ko, unang masisilayan ang mga ito para mahalina o mabighani ang mga mamimili
na pumasok sa loob ng mall. Sa pagpasok sa mall na ito ay makikita ang pagiging
elegante at ang ambiance nito ay relaxing sa mga mata ng mga tao.
Sa kanang bahagi ng mall makikita ang
mga nakahilerang iba’t ibang desinyo ng mga “foot wear” na pambabae at
panglalaki. Nakahilera din ang mga samu’t saring brand na makakatawag pansin,
sa tingin ko ito ang ginamit ng mga kapitalista upang mahikayat ang mga mamimili
para mapansin at tangkilikin ang mga produkto. Nakahilera ang mga nike, accel,
puma, adidas na unang makikita samantalangang mga hindi branded na tsinelas at
sapatos ay naka-ayos sa sulok o corner. Mayroon ding naka-ayos na sapatos ng
mga converse.
Dagdag pa ang iba’t ibang damit panlalaki
mula t-shirt, polo-shirt, polo, jacket, brief, pantalon, shorts at iba pa na masasabi
sa kabuuan na ang palapag na ito ay tinatawag na “men’s department”. Makikita ang mga brand ng damit sa itaas ng
mga produkto katulad ng no fear, giordiano, dynasty, sahara, wall street at
chancellor na pormal na kasuot ang panlalaki. Mayroon ding muslim suit, at mga sikat
na brand na damit gaya ng penshoppe, oxygen, levis, jag, paddock’s, bum, rrj at
bench. .At mga damit na hindi branded ay nasa gitnang bahagi ng ikalawang palapag.
Sa aking pananwaw, inilagay ng mga kapitalista
ang mga damit panlalaki sa ikalawang palapag dahil alam naman natin na ang mga lalaki
ay hindi masyadong mahilig sa pagsho-shopping. Pupunta lamang sila sa mall at
agad pipili o bibili kung anong gusto nila. Kaya binigay na ng mga kapitalista
kung ano ang kagustuhan ng mga kalalakihan. Higit sa lahat, may entrance din
ang pangalawang palapag para deretso na ang mga kalalakihan na pumasok dito.
Sa gitna rin ng pangalawang palapag
ay mayroong escalator patungong pangatlong palapag. Makikita sa ikatlong palapag
ang mga damit pambabae pati na rin para sa mga bata. Mayroong palaruan ng mga
bata doon katabi sa mga damit at laruang pambata. Ang mga laruan ay nakahanay
ayon sa cartoon character na madalas makikita ng mga bata sa telebisyon. Kaya
sa tuwing makikita ang mga laruang ito ay lubos na magugustuhan ng mga bata.
Nakahiwalay din ang mga laruang pambabae at panlalaki na kung saan ang mga
laruang panlalaki ay makikita sa isang sulok o kuwarto ng palapag na iyon.
Kadalasang mga laruang panlalaki ay mga maliliit na sasakyan o mga sasakyang
remote control. Habang ang mga laruang pambabae ay kadalasang manika na Barbie,
Elsa at Anna sa Frozen, Dora at marami pang iba. Napapansin ko rin na
inihiwalay ang mga damit ng pambabae mula sa panlalaki.
Sa palapag ding ito ay mayroong
palikuran, at makikita rin ang fire distinguisher sa sulok at mayroon din naman
ito sa lahat ng palapag. Kung lilibutin pa ang ikatlong palapag ay nandoon ang
mga karamihang damit pambabae na makikita rin. Makikita rin ang mga damit na
may brand na magkasunod-sunod tulad ng Redgirl, Lee, Jag BNY, RRJ at iba pa.
Nandoon din ang gown area at malapit din doon ang fitting room. Nandoon din ang
mga mamahaling bra at malapit din doon ang mga mamamahaling brand ng mga bag
tulad ng Racini, Kamaru at iba pa. At higit sa lahat ay may cashier sa gitna at
may bargain area din na kung saan mabibili ang mga murang damit.
Sa aking pananaw, nahihinuha na
talaga ng mga kapitalista ng kagustuhan ng mga tao dahil isinama sa parehong
palapag ang damit ng pambabae at damit na pambata. Alam naman natin na ang mga
kababaihan ay mahihilig sa pagsho-shopping, kaya okay lang sa kanila kung saan
makikita ang gusto nila. Gayundin, ang mga kababaihan ay kadalasang nagdadala
ng mga bata o anak kapag pumasok ng mall. Kaya para hindi na lalayo, ay isinama
ito sa isang palapag.
Sa pagpasok naman sa ikaapat na
palapag ay makikita ang mga appliances, mga sofa, furnitures at iba pang
kagamitang pambahay. Sa aking pananaw, sa huling palapag ito nilagay dahil
kaunti o malimit lamang ang mga taong pumunta at bibili dito. Para ito sa mga
taong handa ng magbukod ng pamilya o mga pamilyang gustong bumili ng mga
kagamitan sa bahay na kung saan ay hindi matatawaran ang presyo. Higit sa lahat
ay upang walang masyadong mga bata na pumasok dito para hindi makasira.
Tunay talaga na nakakahumaling ang
pagpasok ng mall. Makikita dito ang lahat ng pangangailangan ng tao. Dapat
lamang magkaroon ng tamang pagbalanse ng oras na kung saan ginugol sa lugar na
ito. Sa tingin ko rin na ang pagpasok ng mall ay makapagpalimot saglit ng
problema dala sa pagkahumaling natin dito. Nasa atin na kung magpadala tayo sa
saglit na kasiyahang binigay ng mall sa atin.
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahinNaalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahin