Lunes, Mayo 15, 2017

Breeze: Kulturang Popular

Pangalan: John Mark C. Sinoy
Asignatura: Filipino 127: Literatura at Kulturang Popular
Petsa: Ika-10 ng Pebrero 2016

Breeze: Kulturang Popular

            Ang patalastas na napanood, tumatak sa isipan at napili ko ay “Breeze”. Ako mismo ay hindi gumagamit ng sabong ito, sapagkat malimit itong mabibili sa mga tindahan dito sa probinsya. Ngunit may mga konsyumer pa ring gumagamit ng Breeze lalong lalo sa syudad na palasak itong ginagamit at patuloy pa ring tinatangkilik. Bigyan nating pansin kung bakit patuloy paring tinatangkilik ang ganitong produkto.
            Una, ang nag-iindorso ng produktong ito ay ang pamilyang Villaroel. Isang sikat at kilalang pamilya sa Pilipinas. Hindi sa katiwalian o sa kontrobersyal ang dahilan kung bakit ang kanilang pamilya ay sikat kundi sa kanilang tatak ng isang masayahing pamilya. Makikita sa kanilang mga mata at kanilang mga ngiti ang pagmamahalan sa kanilang pamilya o sa isa’t isa. Maituturing ang kanilang pamilya ay isang huwaran o modelo ng pamilyang Pilipino. Sina Carmina, kasama ang kanyang kambal na anak na si Mavy at Cassy. Kaya ito ang dahilan kung bakit sila ang napili ng kapitalista na nag-iindorso ng produktong ito.
            Pangalawa, ang paraan ng kapitalista sa pagpalabas ng patalastas. Para sa akin, masasabing kong ang kapitalistang gumawa nito ay matalino. Dahil gumamit siya ng “reversed mechanism” sa paggawa nito. Makikita sa patalastas ang maruming damit ni Mavy na kakailanganin sa role-play. Hindi alam ni Carmina na ang maruming damit na iyon ay kailangan sa play. Nakita ni Carmina ang maruming damit kaya agad-agad itong nilabhan ng Breeze. Nang hinanap na ni Mavy ang kakailanganing  damit ay tinago ni Carmina sa kanyang likuran at agad-agad itong dinumihan. Sa paggamit ng “reversed mechanism” makikita na mas lalomg dinumihan ang damit. “Sige lang ang anak.” Ang sabi ni Carmina sa kanyang anak na si Cassy na tumulong upang lalong dumihan ang damit. Hindi na sila nag-aala sa maruming damit dahil alam nilang may sabong pantanggal sa dumi at manstsa. Kaya ito rin ang isa sa paraan upang mapansin ang produkto. Sa patalastas pa lamang ay nakakahikayat na.
            Pangatlo, ang paggamit ng kapitalista ng salitang “lang” sa tuwing banggitin ang presyo.  Sa patalastas na ito, maririnig ang salitang “6 pesos lang”. Ang salitang “lang” ay nakakadulot ng atensyon sa mga konsyumer. Akala ng mga konsyumer na bumaba ang presyo nito dahil sa katagang “lang”. Matatak ito sa isipan ng mga konsyumer, dahilan na mas lalong tangkilikin ang produkto.

            Panghuli, importante rin ang itsura ng produkto sa pagpapalabas nito sa telebisyon. Kailangang presentable ang isang produkto sa paningin ng mga konsyumer upang mapansin at kailangan din ang mga salitang tatak ng isang produkto upang mapansin at lalong tangkilikin, partikular sa sabong ito:  “Mansta, tanggal sa isang laba”. 

Mall Critique Kulturang Popular

Mall Critique
Kulturang Popular
Ni: John Mark C. Sinoy

            Higit na kinaaliwan o kinalilibangan ang pagpasok sa mga malls. Mas madali, mas mabilis at mas malaki ang espasyo na kung saan lahat ng kakailanganin ay napaloob na sa ganitong lugar. Kung mall ang pagbabasihan, napaloob dito ang grocery, may kainan, may simbahan, may libangan o palaruan, may bangko, may sinehan, may concert ground, at marami pang iba na makikita sa loob dito. Mabibili ang lahat ng kakailanganin sa pang-araw-araw na gagamitin. Mula grocery, damit, appliances at iba pa na mabibili dito at kung magugutom ay mayroon mga kainan tulad ng Jollibee, Mang Inasal at marami pang iba. Sa pagtatanong ko sa aking mga kaibigan, sinabi nila na pupunta lamang sila sa mall para maglibot at magpalamig kung wala silang bibilhin. Noon, gusto ko lang naman na maglibot-libot sa mall pero sa ngayon ay kailangang pumunta ng mall para magsuri o magkritika.
            Pebrero 21, 2016, sabado ang takdang araw na ginawa ang pagsusuri sa mall partikular ang People’s Plaza Shopping Mall  na matatagpuan sa F. S. Fajares Ave, Pagadian City, Zamboanga del Sur. Unang-una, galak na galak akong makabalik sa mall na ito nang sa pagbalik ko ay kasama pa ang aking mga kaibigan. Hindi para mamasyal kundi para magkritika sa mall. Natanong ko rin sa aking kaibigan kung ano ang hugis ng mall na ito. Ang sabi naman niya na ang mall na ito ay parang twin building na may apat na palapag. Ang isang bahagi o kaliwang bahagi kung nakaharap ka ay sinasabing luma na ang parte na ito. Ang kanang parte nito ay bagong ginawa at patuloy paring ginagawa o inaayos. Sa unang palapag sa kanang parte ng mall ay kainan at sa ibang palapag ay hindi ko na alam dahil hindi ako na kapasok nang dahil maaga kaming pumunta at hindi pa nagbukas ang yaong bahagi ng mall. Kaya pinagtutuunan ko lamang ng pansin na isuri ay yaong kaliwang bahagi ng People’s Plaza Shopping Mall. Sa unang palapag o may nagsasabing ground floor ay matatanaw o kakitaan ng mga grocery items na mabibili dito. Lahat ng mga grocering paninda ay nakahiwalay ayon sa kinabibilangan nito na kung saan seksiyon o stall ang tawag nito.
            Sa unang seksiyon o stall mabibili ang soda drink, bottled water at canned meat. Sa pangalawang stall naroroon ang mga sardinas, can seafoods at jams. Sapangatlong stall ay may mga tetrapack juice, bottled juice, fresh breads at powdered juice. Sa ikaapat naman ang mga promotional area stall, na halo-halo ang makikita dito tulad ng cotton, diapers, mga sabon, at iba pa. Kadalasang ang produktong mabibili sa promotional area ay makikita sa patalastas sa telebisyon. Sa ikalimang bahagi naman ay mga coffee, chocolate, at breakfast cereals. Tea, caned milk at adult milk sa ikaanim na stall at sa ikapito ay mga powdered milk. Sa ikawalo makikita ang mga infant foods at infant powdered milk habang sa ikasiyam ay mga bath tissue at table napkins, sa ikasampo ay mga seasonings pati narin ang mga soy sauce at cooking oil. Ang mga party and picnic needs, soup and broth, noodles ay makikita sa labing-isang stall, sa labindalawa naman ang mga hot cake mixes, baking needs at instant noodles ay mayroon din. Ang mga mayonnaise, salad mix, can fruit, pasta at cheese na kakailanganin sa mga desserts ay makikita sa labintatlong stall. Dagdag pa ang mga laundry powder at bars, bleach, bathroom cleanser ay magkasama sa labing-apat na stall. Gayundin ang mga native biscuits and snacks, pasta sauce, pork and beans ay makikita sa ikalabinlimang stall at mga packed biscuits ay nasa ikalabing-anim na stall. Chocolates, plastic ware at mga kitchen ware sa ikalabinpitong stall at sa ikalabinwalong stall makikitaang chips, jellies at snack items. Makikita ang mga bilang sa itaas ng mga produkto na kung saan makikita kung ano ang nakalagay sa stall na iyon para madali at agad makita ng mga mamimili ang mga hihihanap nila. Sa kanang bahagi rin makikita mga bigas, gulay, prutas, icecream, wines, at nandoon din ang gilingan ng karne o gilingin ng iba pa. Makikita din sa kanang bahagi ang bilihan ng mga tinapay habang sa kaliwa ay isang parmasya. Samantalang makikita sa harap ang nakahanay na counter.
            Tunay na kakikitaan ang unang palapag ng mga pangunahing bilihin ng mga tao, ang mga grocery items. Sa unang palapag inilagay ang mga grocery items dahil ang mga ito ay pangunahin o pangkaraniwang kinakailangan ng mga tao sa pang-araw-araw. Sa palapag na ito ay kadalasang may maraming tao. Sa tingin ko dito inilagayang mga grocery items sa unang palapag ng mall dahil mas madali o convenient ang pagbibili ng mga tao. Wala nang “hassle” dahil easy access na agad-agad. Hindi na mahihirapan ang mga mamimili kung sakali ay nagmamadali dahil nasa unang palapag makikita ang kinakailangan nila.
            Sa ikalawang palapag naman ng People’s Plaza Shopping Mall na kung saan ay mayroon ding entrance na makikita ang mga kumikinang na nakahilerang mga relo, kwentas, polseras, hikaw at iba pang mga aksesorya. Sa tingin ko, unang masisilayan ang mga ito para mahalina o mabighani ang mga mamimili na pumasok sa loob ng mall. Sa pagpasok sa mall na ito ay makikita ang pagiging elegante at ang ambiance nito ay relaxing sa mga mata ng mga tao.
            Sa kanang bahagi ng mall makikita ang mga nakahilerang iba’t ibang desinyo ng mga “foot wear” na pambabae at panglalaki. Nakahilera din ang mga samu’t saring brand na makakatawag pansin, sa tingin ko ito ang ginamit ng mga kapitalista upang mahikayat ang mga mamimili para mapansin at tangkilikin ang mga produkto. Nakahilera ang mga nike, accel, puma, adidas na unang makikita samantalangang mga hindi branded na tsinelas at sapatos ay naka-ayos sa sulok o corner. Mayroon ding naka-ayos na sapatos ng mga converse.
            Dagdag pa ang iba’t ibang damit panlalaki mula t-shirt, polo-shirt, polo, jacket, brief, pantalon, shorts at iba pa na masasabi sa kabuuan na ang palapag na ito ay tinatawag na “men’s department”.  Makikita ang mga brand ng damit sa itaas ng mga produkto katulad ng no fear, giordiano, dynasty, sahara, wall street at chancellor na pormal na kasuot ang panlalaki. Mayroon ding muslim suit, at mga sikat na brand na damit gaya ng penshoppe, oxygen, levis, jag, paddock’s, bum, rrj at bench. .At mga damit na hindi branded ay nasa gitnang bahagi ng ikalawang palapag.
            Sa aking pananwaw, inilagay ng mga kapitalista ang mga damit panlalaki sa ikalawang palapag dahil alam naman natin na ang mga lalaki ay hindi masyadong mahilig sa pagsho-shopping. Pupunta lamang sila sa mall at agad pipili o bibili kung anong gusto nila. Kaya binigay na ng mga kapitalista kung ano ang kagustuhan ng mga kalalakihan. Higit sa lahat, may entrance din ang pangalawang palapag para deretso na ang mga kalalakihan na pumasok dito.
            Sa gitna rin ng pangalawang palapag ay mayroong escalator patungong pangatlong palapag. Makikita sa ikatlong palapag ang mga damit pambabae pati na rin para sa mga bata. Mayroong palaruan ng mga bata doon katabi sa mga damit at laruang pambata. Ang mga laruan ay nakahanay ayon sa cartoon character na madalas makikita ng mga bata sa telebisyon. Kaya sa tuwing makikita ang mga laruang ito ay lubos na magugustuhan ng mga bata. Nakahiwalay din ang mga laruang pambabae at panlalaki na kung saan ang mga laruang panlalaki ay makikita sa isang sulok o kuwarto ng palapag na iyon. Kadalasang mga laruang panlalaki ay mga maliliit na sasakyan o mga sasakyang remote control. Habang ang mga laruang pambabae ay kadalasang manika na Barbie, Elsa at Anna sa Frozen, Dora at marami pang iba. Napapansin ko rin na inihiwalay ang mga damit ng pambabae mula sa panlalaki.
            Sa palapag ding ito ay mayroong palikuran, at makikita rin ang fire distinguisher sa sulok at mayroon din naman ito sa lahat ng palapag. Kung lilibutin pa ang ikatlong palapag ay nandoon ang mga karamihang damit pambabae na makikita rin. Makikita rin ang mga damit na may brand na magkasunod-sunod tulad ng Redgirl, Lee, Jag BNY, RRJ at iba pa. Nandoon din ang gown area at malapit din doon ang fitting room. Nandoon din ang mga mamahaling bra at malapit din doon ang mga mamamahaling brand ng mga bag tulad ng Racini, Kamaru at iba pa. At higit sa lahat ay may cashier sa gitna at may bargain area din na kung saan mabibili ang mga murang damit.
            Sa aking pananaw, nahihinuha na talaga ng mga kapitalista ng kagustuhan ng mga tao dahil isinama sa parehong palapag ang damit ng pambabae at damit na pambata. Alam naman natin na ang mga kababaihan ay mahihilig sa pagsho-shopping, kaya okay lang sa kanila kung saan makikita ang gusto nila. Gayundin, ang mga kababaihan ay kadalasang nagdadala ng mga bata o anak kapag pumasok ng mall. Kaya para hindi na lalayo, ay isinama ito sa isang palapag.
            Sa pagpasok naman sa ikaapat na palapag ay makikita ang mga appliances, mga sofa, furnitures at iba pang kagamitang pambahay. Sa aking pananaw, sa huling palapag ito nilagay dahil kaunti o malimit lamang ang mga taong pumunta at bibili dito. Para ito sa mga taong handa ng magbukod ng pamilya o mga pamilyang gustong bumili ng mga kagamitan sa bahay na kung saan ay hindi matatawaran ang presyo. Higit sa lahat ay upang walang masyadong mga bata na pumasok dito para hindi makasira.

            Tunay talaga na nakakahumaling ang pagpasok ng mall. Makikita dito ang lahat ng pangangailangan ng tao. Dapat lamang magkaroon ng tamang pagbalanse ng oras na kung saan ginugol sa lugar na ito. Sa tingin ko rin na ang pagpasok ng mall ay makapagpalimot saglit ng problema dala sa pagkahumaling natin dito. Nasa atin na kung magpadala tayo sa saglit na kasiyahang binigay ng mall sa atin.

Filipino: Wikang Pampalaganap ng Kamulatang Agham

Filipino: Wikang Pampalaganap ng Kamulatang Agham

 May maraming pangkakataon na tayo mismo ang tumalikod at tumanggi sa paggamit ng Wikang Filipino lalo na sa agham dahil kinamulatan na natin  gamitin ang Wikang Ingles.
            Hindi ko rin matanggap na ang wiang Filipino ay hindi maharlika at di-karapat-dapat sa mataas na kinalalagyan ng agham ng buhay.
            Maraming nagsasabi na ang wikang dayuhan ang itinakdang ituro ang agham dahil ang wikang Filipino ay kapos sa siyentipikong panteknolohiyang kabihasnan. Hindi na kailangan pagtalunan pa kung hindi dapat gamtin ang wikang Filipino upang madaling mapalaganap ang programa dahil ito’y lubusang maintindihan at kinagiliwan ng mga Filipino.
            Sa pagkakaroon ng kamalayang kasanayan sa kuminikasyong pambansa at pangmasa madaling maiparating at tuluyang mapaunlad pa ang kaalaman sa agham lalo sa agham lalo na kung ito’y maagang ituturo sa Grade 1 hanggang Grade V at susundan ng bahagyang paggamit ng wikang Filipino Ingles sa Garde VI.
            Kailangan dalubhasa ang mga guro sa pagtuturo ng agham at sa wikang Ingles at Filipino dahil sa “Globalisasyon” sa edukasyon. Paano kaya makapagsulat at makapagturo ng tungkol sa agham ang mga walang pormal na edukasyon sa gawaing ito?
            Ayon sa grupong kinabibilangan ni G. Tomas C. Ongoco, isang hepe sa dibisyyon ng publikasyon sa SFP malaki ang nagawa ni Dr. Pacifico Aprieto ng Unibersidad ng Pilipinas sa impormal na edukasyon dahil tinuruan silang sumulat sa pahayagang agham sa pamamagitan ng paghahanda ng mga panuto sa pag-aaral na batay sa nga aklat at magasin. Sinanay sila sa technical reporting dumalo sa mga seminar at workshop ng UNESCO sa pamamatnugot ng mga akdang agham o scientific editing. Dahil dito yumabong ang kaalaman sa pamahayagang agham.
            Ang pormal na edukasyon para sa paghahanda sa pagtuturo ng agham sa Wikang Filipino ay dapat lamang na magsisimula sa Tersiyaryong paaralan kung saan mahuhubog ang mga guro na nagpapakadalubhasa sa agham.
            Ang pagsasalin sa wikang Filipino ng mga aklat sa pang-agham ang isang tamang paaran upang tuluyang mapalaganap ang kamulatang pang-agham. Sundin lamang ang paraan sa pagsasalin upang hindi mabawasan ang tunay na kahulugan ng konsepto sa orihinal na pahayag.
            May katangian ng mabuting saling wika ito ang mga  sumusunod.
1.      Malinaw ang pagkakaroon ng iisang kahulugan at maintindihan ang  salin ng mga mambabasang pinag-uukulan.
2.      Dapat wasto at tapat itosa kahulugan ng orihinal.
3.      Natural ang katangian sa pagsalin. Sa halip dapat itong maging  tila orihinal na sulatin.
May mga Mungkahi at Rekomendasyon ang DEcs upang lumaganap ang pagsasaling-wika
·         Pang- institusyon
·         Maglunsad ng batas sa pagsasaling-wika
·         Ituro ito sa mga paaralan at tanggapang pampahalaan at pribado.
·         Magkaroon ng patnubay sa pagsasaling wika.
·         Paunlarin ang sariling wika
·         Mag-aral ng wikang banyaga.
·         Alamin ang simulain/prinsipyo
·         Kunin ang reaksiyon ng mambabasa.

Nasimulan na ito sa sitemang Unibersidad ng Pilipinas. Ang grupong bumubuo o nagsulat ng mga aklat pang-agham ang tuluyang isakatuparan upang lubusang mapabuti  at maisusulong ang pagtuturo ng agham gamit ang pambansang wika, ngunit maging dalubhasa pa rin sa paggamit ng Ingles.


           
           
           


Pagsulat ng Ulo ng Balita

Pagsulat ng Ulo ng Balita

-Ito’y nangangailangan ng malawak na kaalaman, ng malawak ng bukabolaryo, at ng malawak na kaalaman  sa kahu-kahulugan ng mga salita.
May dalawang tuntunin:
1.      Kailangan iyon umaankop sa balita.
2.      Kailangan magsaad ng istorya o salaysay.
Layunin sa pagsulat ng ulo ng balita:
1.      Mailahad ang pinakabuod ng istorya sa ilang salita lamang.
2.      Magamit ang ulo sa pagpapaganda ng pahinang pangmukha, gayon din ng unang pahina ng iba’t ibang seksiyon ng pahayagan.
3.      Magamit ang ulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa mambabasa na makapamili ng babasahing mga balita.
4.      Magamit ang ulo sa pagtingin ng mambabasa sa isang iglap lamang ng mga tampok na balita sa pahayagan.
5.      Matulungan ang pamatnubay-editorial staff- sa pagmarka ng balita ayon sa kahalagahan ng balita sa pamamagitan ng gagamiting laki at uri ng tipo.
Mga pangunahing hakbang sa pagsulat ng ulo ng balita:
1.      Basahin nang buong hinusay ang pamatnubay ng balita.
2.      Salungguhitan ang mga susing kaisipan o punong diwa ng pamatnubay.
3.      Sa pamamagitan ng ng mga susing kaisipan o punong diwang sinalungguhitan, isulat ng maikli, parang pangungusap na pantelegrama na nagsasaad ng pangyayari.
4.      Hatiin ang nasabing pangungusap sa bilang ng linyang kailangan sa ulo, batay sa kung ilang kolumna ang paglalagyan nito, at hatiin ito nang halos magkakasinghaba.
5.      Batay sa bilang ng kolumnang paglalagyan, kuwentahin ang kabuuang unit count ng mga karakter – titik, numero’t espasyo – sa bawat linya, at tingnan kung magkakasiya sa itinakdang kolumna. Kung hindi, palitan ang mahabang salita ng maikli, ngunit singkahulugan nito.
Yunit ng Espasyo
            Sinusukat ang espasyo paglalagyan ng ulo ng isang balita sa pamamagitan ng tinatawag na “unit-count”. 
1.      Lahat ng malaking karakter, maliban sa M,W na may dalawang yunit, ay may 1  and  yunit.
Hal: A,B,C,D,E,F,G,H,J,K,L,N,NG,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,X,Y,Z.
2.      Lahat ng maliliit na karakter, maliban sa l, t at espasyo sa pagitan ngmga salita, na may kalahating (1/2) yunit, at maliban sa mga karakter na m,w na may 1 and ½ yunit,  gayon din ang mga numero maliban sa numero 1 na may bilang na ½ yunit ay may bilang na isang yunit.
Hal: a,b,c,d,e,f,g,h,g,k,n,o,p,q,r,s,u,v,x,y,z.
3.      Lahat nag ss ay may bilang na kalahaling ½ unit.
a.       Mga karakter na I,i l,t at espasyo sa pagitan ng mga salita
b.      Mga bantas na !,-(gitling) , ,;:.
c.       Numero una (1)
Laki ng Tipo
            Ang laki ng tipo o karakter ay sinusukat sa tinatawag na point, puntos. Ang karakter na may isang puntos ang laki ay katumbas 1/72 ng taas ng isang pulgada. Ang laki ng tipo ay karaniwang nagsisimula sa 4 na puntos (4/72) palaki hanggang sa 144 na puntos o dalawang pulgada ang taas.

Mga tuntunin sa pagsulat ng ulo:
1.      Gumamit ng mga pandiwang tahasan at masigla
2.      Maglagay ng sariwang impormasyon sa bawat ulo
3.      Gumamit ng kuwit sa halip ng pangatnig na at
4.      Gumamit ng mga pandiwang panghinaharap sa mga pangyayaring magaganap pa
5.      Gumamit ng isahang panipi sa halip ng dalawahang panipi
6.      Gumamit ng maikli ngunit positibong salita sa ulo ng balita
7.      Gumamit ng mga pandiwang pangkasalukuyan sa mga pangyayaring nakaraan na
8.      Ang huwanrang ulo ng balita ay kinakailangang makapaglahad ng mensahe sa pinakamadali at magaang paraan. Dahil dito’y kinakailangang di-masira ang kaisipan sa bawat linya.