Martes, Marso 7, 2017

Masusing Banghay-aralin sa Filipino 1
ni John Mark C. Sinoy
Nobyembre 22, 2016

I.                   Mga Layunin: Sa loob ng isa at kalahating oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.      Nakikilala ang iba’t ibang uri sulatin at ang katangian ng bawat isa.
2.      Naipakikita ang pagkamasining at pagkamalikhain sa paggamit ng sariling istilo ng pagsulat.
3.      Nakasusulat ng sariling sulatin o sariling pananaw tungkol sa pangyayari sa loob ng klasrum.

II.                Paksang Aralin:
a.       Paksa: Uri ng Sulatin
b.      Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino, pahina 228.
c.       Kagamitan: Pabitin, Piyesa ng Tula, Visual Aids, Hand-awts, at Envelope

III.             Pamaraan (Pabuod)

Gawaing Guro

A.    Paunang Gawain 
a.       Panalangin
(Tatawag ng mag-aaral para sa panalangin)
b.      Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
c.       Pagtala ng liban
“Sino ang lumiban sa klase?”
d.      Pagbabalik-aral
“Bago tayo magpatuloy, ano ang nakaraang leksyon natin?”

B.     Pagganyak
a.       Basahin ang piyesa ng tula. (Tatawag ng mag-aaral)





























                                                                  






“Maraming salamat sa pagbabasa. Ngayon, ano ang paksa ng tula?”

“Mahusay. Pumapaksa tungkol sa pag-big. Pag-ibig na kahit kailan ay hindi kayang suklian, kaya siya’y nagpapaalam.

C.     Presentasyon

“Nakagawa o nakasulat na ba kayo ng sariling tula?
“Wow, Magaling! Ang pagsulat ng sariling tula ay isang lamang uri ng sulitin.

“Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa uri ng sulatin.
(Buksan ang pabitin)





D.    Talakayan

a.       Personal na Sulatin

(Tatawag ng isang mag-aaral)
“Para sa iyo, ano ang personal na sulatin.

“Tama, Ang personal na sulatin ay pansarili, impormal at walang balangkas na sulatin….”
(Magbibigay ng halimbawa at paliwanag)

b.      Transaksyunal na Sulatin

(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang transaksyunal na sulatin?”

“Magaling. Ang transaksyunal na sulatin ay pormal at maayos ang pagkakaayos. May layong makipagkomunikasyon….”
(Magbibigay ng halimbawa at paliwanag)

c.       Malikhaing Sulatin

(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang malikhaing sulatin?”

“Mahusay. Ang malikhaing sulatin ay masining ang paraan ng paglalahad. Kasama dito ang mga akdang pampanitikan.
(Magbibigay ng halimbawa at paliwanag)

d.      Akademik na Sulatin

(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang akademik na sulatin?

“Tama. Ang akademik na sulatin ay naglalaman ng paksang akademiko. Ilang halimbawa nito ay papel pananaliksik, disertasyon, tesis, pamanahong papel at konseptong papel.
(Magbibigay ng paliwanag)

e.       Jornalistik
(Tatawag ng mag-aaral)
“Ano ang sulating jornalistik?

“Magaling.”
(Magbibigay ng paliwanag)


E.     Paglalahat

“Sino ang makapag-isa-isa sa mga uri ng sulatin.

F.      Paglalapat

a.       Pangkatang Gawain (Bumuo ng apat na grupo)

Panuto: Gumawa ng sulatin ayon sa uri nito at basahin sa harap ng klase: Gawin ito sa loob ng 10 minuto.

1.      Personal
2.      Malikhain
3.      Transaksyunal
4.      Jornalistik

Rubriks:
Nilalaman:          60%
Presentasyon:     20%
Kooperasyon:     20%
                       ________
                            100%

IV.             Ebalwasyon o Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang uri ng sulatin. (Personal, Transaksyunal, Malikhaing Sulatin, Akademik, Jornalistik) Sasagutan sa loob ng 10 minuto.

                                    1.  Pagsulat ng tula.
                                    2. Pagsulat ng liham sa patnugot sa                                            isang pahayagan.
                                    3. Pagsulat ng papel pananaliksik.
                                    4. Pagsulat ng komposisyon tulad ng                                              awit.
                                    5. Pagsulat ng editoryal o pangulong                                          tudling.
                                    6. Pagsulat ng nobela.
                                    7. Pagsulat ng memorandum.
                                    8. Pagsulat ng love letter.
                                    9. Pagsulat ng disertasyon.
                                    10. Pagsulat ng maikling kwento.

                                    11. Pagsulat ng pormal na sanaysay.
­                                    12. Pagsulat  ng liham na                                                             rekomendasyon.
                                    13. Pagsulat ng balita.
                                    14. Pagsulat ng pamanahunang papel.
                                    15. Pagsulat ng iskrip ng dula.


V.                Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng isang personal na sulatin tungkol sa pagtuturo ng inyong student teacher. (30 puntos)
Isulat sa short bondpaper: #encoded

1.      Times New Roman
2.      12- Font Size
3.      1.75- espasyo
4.      1 inch ang lahat ng margin
5.      Justified


Gawain ng mga Mag-aaral


“Panginoon……”


“Magandang umaga rin po Sir…”

“Sina….”

“Pagsulat, kahulugan at kahalagahan ng pagsulat.”


PAALAM NA
ni: John Mark C.Sinoy

I.
Paggawang tula’y ‘di makayanan,
Bakante ang puso at isipan.
Pag-ibig ko sa’yo inilaan,
Ako ba’y iyong tuluyang iwan?


II.
Sa panaginip di ka kasama,
Gunitain man sa alaala.
Anong nangyari sa’ting dalawa?
Ikaw na pag-ibig, ay wala na.
III.
Kung wala ako, ika’y masaya,
Habang ako, ‘di kayang wala ka.
Pag-ibig, ganito ba talaga?
Palaging talo, sawi’t umaasa.
IV.
Dapat nga bang ika’y pakawalan,
Ika’y walang pag-ibig, kailanman,
Sa’tin, umibig ay ako lamang,
Ako lang ang palaging luhaan.
V.
Kaya hindi na ako aasa,
Sa araw na ako’y iibigin pa.
Salamat at ika’y nakilala.
Hanggang dito na lang, paalam na.







“Pumapaksa sa pag-ibig. Kasawian sa pagmamahal…..”






“Opo Sir”


(Nakikinig)











“Ang personal na sulatin ay pansarili at walng balangkas na sulatin…….”







“Ang transaksyunal na sulatin ay pormal na sulatin……”








“Ang malikhaing sulatin ay masining ang paraan ng paglalahad…..”







“Ang akademik na sulatin ay naglalaman ng paksang akademiko…..”







“Ang sulating jornalistik ay mga sulating tulad ng balita, editoryal at lathalain.






(Isa-isahin ang uri ng sulatin)



























1.      Malikhaing Sulatin
2.      Jornalistik

3.      Akademik
4.      Malikhaing Sulatin

5.      Jornalistik

6.      Malikhaing Sulatin
7.      Transaksyunal
8.      Personal
9.      Akademik
10.  Malikhaing Sulatin

11.  Malikhaing Sulatin
12.  Transaksyunal

13.  Jornalistik
14.  Akademik
15.  Malikhaing Sulatin