Saleslady
Ni:
John Mark C. Sinoy
I.
Pagpasok ko palang ako’y iyong binati,
Sabay ngiti, na makikita sa
mapupulang labi,
Pati ang makapal na make-up sa
iyong mukha,
At kinakausap mo ako na may
mabulaklak na salita.
II.
Maya-maya ay hinila mo ako at ipinasuot
ang relo,
Napanga-nga sa sinabi mong isang
libo ang presyo,
Pagtingin ko ay napalunok dahil ang
pinasuot mo ay sieko.
“Bagay, babalikan ko, magwithdraw
muna ako”
Ang sabi ko, kahit hindi naman
totoo,
Umalis para matakasan ang tulad mo.
III.
Ikaw na naman ang aking nakita,
Nang pumili ako ng sapatos at
kinakasya,
Lumapit ka sa akin , na may dala
Ang bagong dating na sapatos ang
iyong pinakita.
IV.
Dali-dali ko namang
sinuot ang iyong pinakita,
Kasya, maganda
at bagay pa,
“Pictyuran niyo
sir, bagay yan pang-insta”
“Bagay nga, babalikan ko, magwithdraw
muna ako”
Ang sabi ko, kahit hindi naman
totoo,
Umalis para matakasan ang tulad mo.
V.
Ikaw, Siya,
Kayo, tigilan niyo na ako,
Sa pagpili ng
damit, shades at pantalon ko,
Pwede bang
lubayan niyo muna ako,
Pabayaan akong
pipili kung anong gusto ko,
Sa ngayon, hindi
ko kailangan ang tulong niyo.
VI.
Pero salamat sa
ugaling pinakita niyo,
Kahit alam ko,
kayo’y nagababalat kayo,
Napagod, kaya
uuwi na ako,
Pasensya na,
hindi ako bibili at ang tooo, namasyal lang ako,
Kaya lalabas na
ako sa inyong mundo.