CODE-MIXING
STATUS SA FACEBOOK NG MGA
MAG-AARAL SA
MSU-BUUG CAMPUS
MEDYOR SA
FILIPINO
Isang Panukalang
Tesis
na Iniharap sa
Kolehiyo ng Sining at Agham
PAMANTASANG
BAYAN NG MINDANAO
Buug, Zamboanga
Sibugay
Bilang Parsyal na Katuparan
sa mga
Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 198
(Seminar sa
Pananaliksik)
JOHN MARK C.
SINOY
MAYO 2016
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT
ANG SANDIGAN NITO
Rasyunal
Wika ang masasabing pinakamahalagang
imbento ng tao. Ito ang instrumentong ginagamit niya upang maiparating sa
kanyang kapwa ang kanyang niloloob, naiisip, damdamin, at mga adhikain. Wika
ang kanyang tulay sa pakikipagtalastasan sa kapwa upang makapamuhay nang maayos
sa lipunang kanyang kinabibilangan (Magracia, 2010).
Masasabing multi-linggwal ang
pamayanang Pilipinas, nangangahulugan itong binubuo ang Pilipinas ng mga
napakaraming etnolingwistikong pangkat na may sari-sariling katutubong wika. Sa
pagkakataong ito, malaya tayong gumagamit ng iba’t ibang wika na ating
natutunan mula sa ating komunidad at sa paaralan.
Ang pagkakaroon ng varayti ng wika
ay may kaugnayan sa pagkakawatak-watak ng mga pulo, na may kani-kanilang mga
wika at dayalekto. Marami sa mga Pilipino ay maituturing na multi-linggwal
dahil mahigit sa dalawang wika ang kanilang alam (Banawa, Ph. D, 2010).
Sa panahon ngayon, bahagi na ng
buhay ng tao ang pagbabago. Bawat nilikha sa mundong ibabaw ay dumaranas ng
pagbabago - mula sa milya-milyang lupain hanggang sa pira-pirasong buhangin ay
hindi makakaligtas sa anumang itinakdang pagbabago para sa mga ito. Kaya naman,
naayon ang kasabihang “walang permanenteng bagay sa mundo kundi ang pagbabago”
na sadyang totoo at mapagtitibay ng sinuman sa kahit na anong panahon ng buhay
at kasaysayan (Altes, 2010).
Kasimbilis
ng pagbabago ng panahon ang pagbabago ng wika. Ayon kay Mangahis, et al.
(2005), isa sa katangian ng wika ay dinamiko o buhay. Dahil nga buhay ang wika,
may mga salitang namamatay, nadadagdagan at patuloy na nagbabago kasabay sa
pagbabago ng panahon. Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang
pagbabago ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may
matalino at galing ang tao na humanap ng paraan, naibabagay niya ang kanyang
wika sa pagbabago sa kanyang kapaligiran at pangngangailangan.
Ang
mabilis na pagsulong at pag-unlad ng teknolohiya ay sagot sa pangangailangan na
gumaan ang buhay ng tao. Sa panahon kung tawagin sa salitang Ingles ay
“Information Age”, ang paglaganap ng teknolohiya ay nagiging mabilis, maging
ang kaalaman sa paggamit ng mga teknolohiyang ito ay nagiging mahalaga. Kasabay
nito ang pagdiskubre ng mga makabagong gamit katulad ng iPod, Laptop at iba
pang kagamitan kung saan puwedeng magsocial networking katulad ng Facebook,
Twitter, at iba pa na kinakailangan ang internet (prezi.com).
Isa
sa naging bunga ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang internet. Ayon
kay Sandoval (2010), naging bahagi na ito ng buhay ng maraming tao sa sosyal,
intelektuwal, ekonomiko at propesyunal na aspekto ng buhay. Ang internet ay
isang komunidad, isang sosyo-teknikal na sistema ng komunidad na ang mga
miyembro ay pinag-uugnay ng teknolohiya. Isa itong di-pisikal na lugar na kung
saan ay nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang paraan.
Isa
sa paaran upang makapagkomunikasyon sa ibang tao sa birtuwal na komunidad ang
Facebook. Ang Facebook ay isa sa mga patunay sa pag-unlad ng teknolohiya. Ito
ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites (SNS) sa kasalukuyang henerasyon
na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo (Santamaria, 2011).
Ito
ay isa sa paraan ng komunikasyong online upang maipahayag ng isang indibidwal
ang kanyang nararamdaman at iniisip. Dahil dito, malaya tayong
makipagkumustahan sa ating mahal sa buhay, kaibigan o sa ibang tao sa mundong
birtuwal. Sa pagpapahayag ng ating naiisip, wika ang tanging ginagamit upang
ang mga tao ay magkakaunawaan. Sa pag-usbong ng ganitong paraan ng
pagkokomunikasyon, malayang gumamit ang isang indibibwal ng anumang wikang alam
niya. Kaya sa Facebook ay hindi maiiwasan ang pagko-code-mix ng iba’t ibang
wika upang mabilis ang daloy ng pakikipagkomunikasyon.
Bunga
ng pagkaroon ng maraming code o wikang umiiral sa lipunan, umusbong ang isang
varayti ng wikang resulta ng paggamit ng higit na isang code sa loob ng isang
pahayag ay tinatawag na code-mixing. Ang code-mixing ay ang paghahalo-halo ng
dalawa o higit pang code o wika sa pagpapahayag ng mensahe. Ito ay kadalasang
nangyayari kapag ang ispiker ay gumagamit at nakauunawa ng higit sa isang code
o wika (Tayag, 2010).
Batayang Teoritikal
Ang
pag-aaral na ito ay nakabatay sa teorya ng isang Amerikanong Linggwistika na si
William Labov- ang Social Theory. Sinasabi sa teoryang ito na may kinalaman ang
lipunan sa pagbabago ng wika. Ibinigay halimbawa ng teoryang ito ang pag-usbong
ng mga bagong termino dulot sa pag-usbong din ng kompyuter na bunga ng
pag-unlad ng teknolohiya sa lipunan (Tayag, 2010). Isa ang paghahalo ng mga
salita na naging batayan sa pagbabago ng wika. Sa pag-usbong ng mga SNS dulot
sa pag-usbong ng mga teknolohiya, ang wikang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon
ay naghalo-halo upang mapadali ang pakikipagpalitan ng mensahe sa interaksyong
sosyal.
Nakasandig
naman ang pag-aaral na ito sa teoryang interference. Sa sosyolinggwistika,
tinatawag na interferens ang pangyayaring epekto ng unang wika sa pangalawang
wika sa oras na ginamit ito, lalo na sa pasulat (Banawa, 2010). Sa penomenang
ito, ang nagsasalita ay minsay naghahalong-koda upang bigyang emphasis ang
kanyang sinasabi. Maaring may sagabal sa kanyang pagsasalita ng pangalawang
wika kaya naghahalong-koda ang nagsasalita ng kanyang unang wika upang maging
malinaw at tuloy-tuloy ang daloy ng usapan.
Naniniwala
ang mananaliksik na sa pag-aanalisa ng teoryang nabanggit, mas maiintidihan pa
at mas magabayan sa pag-aaral tungkol sa code-mixing.
Balangkas Konsetwal
Ang
lahat ng wika at ang paggamit nito ay nakalaan para sa komunikasyon. Ang wikang
Filipino ay siyang lingua franca ng Pilipinas (Mangahis, 2005). Ito ay
itinuturo at ginagamit na wika sa mga paaralan. Ngunit, dahil sa sitwasyong
rehiyonal, ang wikang Filipino ay nagsisilbing pangalawang wika. Ito ang dahilan
sa malimit na paggamit nito sa pakikipagkomunikasyon sa Facebook.
Pigura
1. Konseptwal na Paradaym ng Pag-aaral.
Ang
pigura sa itaas ay natutungkol sa code-mixing status sa Facebook ng mga
mag-aaral sa Mindanao State University – Buug Campus na medyor sa Filipino. Ang
Facebook ay isa sa mga SNS na kasalukuyang ginagamit ng mga respondente sa
mundong birtuwal. Sa pakikipagkomunikasyon sa Facebook, ang mga respondente ay
gumagamit ng iba’t ibang wikang alam nila sa pagpapahayag ng saloobin. Ito ang
tinatawag na code-mixing, ang paghalo-halo ng iba’t ibang wika sa
pakikipagkomunikasyon.
Kapag natanto na ang mga wikang
hinahalo-halo sa mga status o post sa Facebook, aalamin at uuriin ito kung saan
napabilang, kungCebuano-Filipino,
Cebuano-Ingles, Filipino-Ingles ang mga wikang hinahalo-halo, at idagdag pa ang
iba pang wikang hinahalo-halo kung mayroon man.
Kapag
natukoy na ang mga post ng mga respondent ay idedetermina kung gaano sila
kadalas gumagamit ng code-mixing sa pagpapahayag ng saloobin sa Facebook, kung
bihira, katamtaman o palaging ginagamit ito.
Aalamin
din kung ano ang epekto at kabutihang maidudulot ng code-mixing sa wikang Filipino.
Paglalahad ng Suliranin
Nilalayong
alamin ng pag-aaral na ito ang code-mixing status sa Facebook. Upang magawa
ito, ang mga sumusunod na katanungan ay sinikaping masagot.
1. Ano-ano
ang mga wika ang hinahalo-halo o ginagamit sa bawat status ng mga mag-aaral sa
Facebook?
2. Gaano
kadalas ginagamit ang code-mixing sa papapahayag ng saloobin sa Facebook?
3. Ano-ano
ang mga epekto nito sa Wikang Filipino?
4. Ano-ano
ang kabutihang naidudulot ng code-mixing sa mga mag-aaral at sa wikang Filipino?
Kahalagahan
ng Pag-aaral
Ang
resulta ng pag-aaral na ito ay makakatutulong upang malaman ang mga maidudulot
ng code-mixing sa pakikipag-komunikasyon sa Facebook. Dagdag pa, mauunawan kung
bakit ginagamit ang code-mixing, nang sa ganun ay tuloy-tuloy ang ugnayan ng
bawat isa sa mundong birtuwal.
Mahalagang
malaman ang pag-aaral na ito, para madaling mabigyan ng malinaw na
pagpapaliwanag ang malalalim na salitang hindi matutumbasan sa wikang
Filipino.Inaasahan din sa pag-aaral na ito na mauunawaan ng lahat kung bakit
nagkakaroon ng varyasyon sa wika.
Mahalaga
ang pag-aaral na ito sa KWF dahil maaring ang pag-aaral na ito ay gawin nilang
basihan upang mas mabigyang pagpaliwanag ang isang uri ng varayti ng wika, ang
Code-mixing. Sa mga guro, lalong-lalo na sa mga guro ng Varayti at Varyasyon ng
Wikang Filipino o mga guro sa Filipino 109, mahalaga ito para sa kanila dahil maari
rin nila itong gawing basihan sa kanilang pagtuturo. Sa mga mag-aaral naman,
lubos itong mahalaga para sa kanila upang mauunawann nila ang kahalagahan ng
code-mixing sa kanilang pakikipag-talastasan sa araw-araw o kaya’y pagpapalitan
ng mensahe sa mundong birtuwal. Hindi ito nakasasamang gamitin, bagkus,
makabubuti ito para ang daloy ng usapan ay hindi putol-putol o masasabing
tuloy-tuloy at mabilisan. Higit sa lahat, mahalaga rin ito sa mga mananaliksik
lalong-lalo na sa nagmemedyor sa Filipino para mas mapalawak at magkroon ng
karagdagang kaalaman tungkol sa paksa. At maging basihan ito sa kanilang
panghinaharap na pagsasaliksik tungkol sa code-mixing.
Saklaw
at Lawak ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa
mga code-mixing status ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang saloobin sa
Facebook. Aalamin ang mga wikang hinahalo-halo, kung gaano kadalas ginagamit
ito, ang mga epekto nito sa wikang Filipino at ang kabutihang naidudulot ng
code-mixing. Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga saloobing maipapahayag
ng mga mag-aaral sa Facebook sa buwan ng Agosto, 2016 at Setyembre 2016 na may
kabuuang animnapu’t isang (61) araw.
Katuturan ng mga
Terminolohiya
Para
mas maging malinaw ang pag-uunawa sa pag-aaral na ito, ang mga katawagang
madalas na gagamitin sa pag-aaral ay binigyan ng mga kahulugan.
Ang
Cebuano-Filipino ay nangangahulugang paghahalo ng wikang
Cebuano at wikang Filipino sa bawat status ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng
mensahe sa Facebook.
Ang
Cebuano-Ingles ay nangangahulugang paghahalo ng wikang
Cebuano at wikang Ingles.
Ang
code-mixingisang konsepto sa larangan ng linggwistika na tumutukoy sa
paghahalo-halo ng mga salita mula sa mga wikang alam ng isang tagapagsalita o
ispiker. Sa pag-aaral na ito, ang code-mixing ay pinagtutu-unan ng pansin o ito
sentro ng pag-aaral.
Ang
epekto ay nangangahulugang resulta o bunga sa anumang ginanagawa.
Tinutukoy sa pag-aral na ito ang epekto ng code-mixing sa wikang Filipino.
Ang
Facebook ay isang teknolohiya na ginagamit upang makipagkilanlan at
makipagkomunikasyon sa ibang tao mula sa iba’t ibang lugar o sa mundong
birtuwal, ginagamit din ito upang mapamahagi at makasagap ng iba’t ibang
mahalagang impormasyon.
Ang
Filipino ay pambansang lingua franca ng Pilipinas. Bilang lingua franca,
tumutulong ito sa mga taong nagmula sa iba’t ibang rehiypn ng bansa na
magkaunawaan at makapag-ugnayan.
Ang Filipino-Ingles ay
nangangahulugang paghahalo ng wikang Filipino at wikang Ingles.
Ang
status ay nangangahulugang pahayag, mensahe, saloobin, ideya,
nararamdaman o opinion ng tao na kung saan inahahayag o pinopost sa Facebook.
Sa pag-aaral na ito, ang status ay gagawing pagkukunan ng datos.
Ang
varayti ay nangangahulugang pagkakaiba-iba. Tumutukoy ito sa
pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit o hinahalo-halo sa pagpapahayag ng mga
mensahe sa Facebook.
Ang
wikaay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng tao (Edgar Sturtevant). Ito ang tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang munumithi o pangangailangan ng tao (Paz,
Hernadez at Peneyra, 2003). Sa pag-aaral na ito, bibigyang pansin ang
hinahalo-halong wika sa bawat status ng mga mag-aaral sa Facebook.
Kabanata II
SURING-BASA SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA
AT PAG-AARAL
Bago
itataguyod ang kabanatang ito, ang mananaliksik ay sumangguni sa iba’t ibang
aklatan upang makakuha ng mga kaugnay na literature at pag-aaral. May mga
aklat, di-nalathalang tesis, at pahina sa internet ang binasa ng mananaliksik
na nakatutulong para sa mga kakailanganing impormasyon sa pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura
Ayon kay Magracia, Ph. D, (2010),
ang isang wika ay nagkakaroon ng pagkakaiba-iba dala ng dalawang mahalagang
salik – ang heyograpikal at sosyal. Isa ang Pilipinas sa mga bansang may
maraming wikang ginagamit. May 109 na wika sa Pilipinas ayon kay McFarland
(1996), samantalang sinasabi ni Constantino (1992) na may higit 500 wika at
wikain ang ginagamit sa bansa. Binubuo ng higit sa 7,000 mga isla ang Pilipinas
at ang malalaking isla ay nahahati pa rin ng mataas na bundok at malalawak na
ilog at iba pang dimensiyong heyograpikal. Ang kalagayang heyograpikal na ito
ang nagiging hangganan at dibisyon ng mga wikang nagagamit sa ibat’t ibang
lugar. Ang sosyal na dimensiyon ay
malaki rin ang nagagawa upang magkaroon ng isang tiyak na uri ng wikang
ginagamit ang partikular na grupo ng tao.
Ayon
naman kay Semorlan, Ph. D. (2010), malaki ang impluwensiya at epekto ng una o
katutubong wika (W1) sa paggamit ng pangalawang (W2). Sa kaso ng wikang
Filipino na ginagamit sa pangalawang wika (W2) ng maraming grupong
etnolinggwistiko sa Pilipinas, nagkakaroon ito ng varayti sa iba’t ibang pook
na pinanggagamitan nito dahil sa impluwensiya ng (W1).
Ayon
kay Banawa (2010), lahat ng paglilihis o pagbabago mula sa karaniwan o mula sa
ilinmang lenggwahe ay maaring tawaging interferens. Subalit malinaw naman na
hindi ng paglilipat o paghahalo mula sa isang lenggwahe patungo sa isang
lenggwahe na nagreresulta ng di-tinatanggap na pagpasok ng interferens. Ang
nagsasalita ay minsang nagpapalit o naghahalo para bigyang emphasis ang kanyang
sinasabi at dahil na rin sa kanyang pag-unawa o pang-intindi sa sitwasyong
pangwika o speech situation na kanyang kinapapalooban.
Ayon
kay Sandoval, Ph. D. (2010), ang mundo ng internet ay hindi masusukat sa
pisikal na laki o lawak nito. Walang masasabing layo, lapad, lawak o lalim man
upang matukoy ang hangganan na kayang marating nito. Nangangahulugan lamang na
bawat indibidwal ay may malaking puwang na maaring kalalagyan sa mundo ng
internet at magamit ang idinudulot nito sa buhay ng sangkatauhan. Nagsimula
nang lumaganap ang internet sa komunikasyon ng mga Pilipino at isang bagay ang
posibleng mangyari, ang maimpluwensihan nito ang wika ng bansa. Sa madalas na
paggamit ng internet, hindi malayong mababago ang pang-araw-araw na takbo ng
pamumuhay at maging ang paraan ng pakikipagkapwa-tao ng isang indibidwal. Dahil
sa impluwensiya ng internet, nagkakaroon ng bahid ng pagbabago ang anyo at
gamit ng wika sa komunikasyong online.
Ayon
kay Crystal (2001:237), “Language is at the heart of internet.” Anumang gawaing
ginagawa sa internet ay dahil sa wikang nagagamit ng mga mamamayan sa birtuwal
na komunidad na ito. Bilang buhay ang wika, ang Filipino ay mahalagang
instrumento ng mga Pilipino sa mundong ito sa internet. Umaangkop ang wikang
ito sa kalikasan ng makabagong teknolohiya na siyang nagtatakda sa wika na magbago
at magkaroon ng baryasyon. Mahalaga sa prosesong ito ang kakanyahan ng tao sa
paggamit niya ng kanyang wika sa komunikasyon sa internet.Sa patuloy na
pag-usbong ng internet at teknolohiya, isa ang Facebook ang nangungunang SNS na
patuloy na tinatangkilik at ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyong
online.
Ayon
kay Santamaria (2011), ang Facebook ay isang social networking site na libre
ang pagsali at pinapagana at pag-aari ng Facebook, Inc. Maaring sumali ang mga
tagagamit , komonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaring magdagdag rin
ng sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol
sa kanilang sarili (http://colombierebears.jimdo.com/2011/01/31/masama-bang-mag-facebook/).
Mga Kaugnay na
Pag-aaral
Sa
ginawang pag-aaral na ginawa ni Wilfredo L. Alberca,(1994-2001)“Ang relasyon ng Filipino at Ingles:
Isang Personal na Punto de Vista” na ang penomenon ng code-switching ay isang
malakas na patunay na may relasyon talaga ang Filipino at Ingles. Nagkaka-ugnay
o nagkakatulad ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil parehong gumagamit ng
dalawang wika sa ginawang pag-aaral. Magkakaiba lamang dahil ang pag-aaral niya
ay ang pagpapalit-koda o ang tinatawag na code-switching samantalang ang
ginawang pag-aaral ng mananaliksik ay natutugkol sa paghahalong-koda o
code-mixing.
Nagkaka-ugnay naman sa ginawang
pag-aaral ni Teresita F. Fortunato,(1994-2001) “Estruktura at Gramatika ng Filipino:
Ilang Obserbasyon” dahil saklaw sa kanyang pag-aaral angsaykolinggwistiks at
bilinggwalismo na pag- aaral sa pagpapalit-koda. Nagkakatulad sa paggamit ng
bilingwalismo, ngunit nagkakaiba dahil nakatuon ang kanyang pag-aaral sa
paraang pasalita ngunit sa kasalukuyang pag-aaral ay hindi pasalita bagkus
pahayag sa Facebook ang binigyang tuon.
Sa ginawang pag-aaral naman ni BainorE.
Abas, (2016) “Ang Wika sa Facebook ng mga mag-aaral ng MSU – Buug Campus Medyor sa Filipino” ay may kaunting
pagkakaugnay sa kasalukuyang pag-aaral. Sa kanyang pag-aaral ay inalam niya ang
mga wikang ginagamit sa Facebook, kung ito’y likas, likha, inangkin o hiram. Nagkakatulad
ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil parehong ang Facebook ang ginawang
instrumento sa pangangalap ng datos. Ngunit nagkakaiba, dahil sa kasalukuyang
pag-aaral ay nakatuon sa code-mixing na mga status o pahayag sa Facebook.
Kabanata III
METODOLOHIYA
Sa
bahaging ito makikita ang pamaraang gagamitin sa pananaliksik, ang mga
pagkukunan ng mga datos, ang instrumentong gagamitin, kaparaanan ng
pananaliksik at pag-aanalisa ng mga datos.
Pamaraang Gagamitin
Pamaraang
palarawan ang gagamitin sa pag-aaral na ito. Masusing titingnan, uuriin,
aanalisahin at ilalarawan ang mga hinahalo-halong wika sa mga status sa
Facebook ng mga mag-aaral. Isa-isahin ang dalas sa paggamit nito, ilalahad at
ilalarawan ang epekto gayundin ang kabutihang maidudulot ng code-mixing sa
wikang Filipino.
Ang mga Respondente
Ang
mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang lahat ng mga mag-aaral ng Mindanao
State University – Buug Campus na may medyor
na Filipino na may bilang na apatnapu (40).
Pagkukunan ng mga Datos
Ang
Facebook ang pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral na ito. Ang mga status ng mga
mag-aaral sa Facebook sa loob ng dalawang buwan (2) buwan ng Agosto 2016 at
Setyembre 2016 ang pagmumulan ng mga datos.
Instrumentong Gagamitin
Ang
pagsubaybay sa mga status ng mga mag-aaral sa Facebook, ang pagbabasa at
pagtatala ng mga ito ay amg mga instrumentong gagamitin upang makakuha ng mga
datos para sa pag-aaral na ito.
Kaparaanan ng
Pananaliksik
Ang
mananaliksik ay may paraang gagamitin sa pagpapatupad ng kanyang pananaliksik.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang
Facebook ang pagkukunan ng datos upang magkaroon ngmaayos na daloy ng mga
gawain sa pananaliksik.
2. Bibigyang
pansin lamang ng mananaliksik ang mga status ng mga mag-aaral sa pangangalap ng
mga datos sa buwan ng Agosto 2016 hanggang sa buwan ng Setyembre 2016.
3. Upang
makalap ang datos, gagamitin ng mananaliksik ang kompyuter upang makuha ang
larawang kakailanganin sa pananaliksik nang sa ganun ay tunay na may ebidensiya
ang pag-aaral sa kakailanganing datos.
4. Kapag
nakuha na ang datos, itatala at isusulat ang mga ito.
5. Pagsasamahin
ang mga datos upang alamin ang kung ano ang pinaghalo-halong mga wika sa mga
status.
6. Kaklasipikahin
at aanalisahin ang kung gaano kadalas ginagamit ang code-mixing sa status sa
Facebook.
7. Aalamin
ang epekto nito sa wikang Filipino.
8. Aalamin
din ang kabutihang maidudulot ng code-mixing sa wikang Filipino.
TALASANGGUNIAN
A. Aklat
Alberca, Wilfrido L. (1994-2001), “Ang Relasyon ng
Filipino at Ingles: Isang Punto de
Vista”. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa.
Altes, Junil (2010). “Ang Varayti ng Wika ng mga
Istambay sa Brgy. Tibanga, Syudad ng
Iligan”. Babasahin sa
Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City:
MSU-IIT.Departamento ng Filipino at
Ibang mga Wika.
Banawa, Mary Joy D. (2010). “Cebuano Interferens:
Panimulang Pag-aaral”. Babasahin saVarayti at Varyasyon ng Wikang
Filipino at Iba pang mga Wikaat
Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika.
(2010).
“Cebuano Interferens: Panimulang Pag-aaral”. Babasahin
saVarayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika atWikain. Iligan City:
MSU-IIT.Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika.
Crystal, David. (2001). “Language and the Internet”.
Cambrige: Cambrige University Press.
Fortunato, Teresita F. (1994-2001). “Estruktura at
Gramatika ng Filipino: Ilang Obserbasyon”.
Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa.
Magracia, Emma B. (2010). “Mga Batayang Teorya sa
Varayti at Varyasyon ng Wika”. Babasahin
sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan
City: MSU-IIT.Departamento ng Filipino at Ibang
mgaWika.
Mangahis, Josifina C., et al. (2005). Komunikasyon
sa Akademikong Filipino. Quezon City:
C&E
Publishing, Inc.
.(2005).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: C&E Publishing,
Inc.
Sandoval, Mary Ann S. (2010) “eFil: Wika sa Komnet,
Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino”.Babasahin
sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika
at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika.
(2010)
“eFil: Wika sa Komnet, Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino”.Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang
Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento
ng Filipino at Ibang mga Wika.
Semorlan, Teresita P. (2010). “Ang Wika sa Lipunan
at Kultura”. Babasahin sa Varayti
at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba
pang mga Wika at Wikain. Iligan City: MSU-IIT.Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
Tayag, Danilyn A. (2010) “Hu u?, Charz!, Boobs, Rcv
na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa Text
Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain. Iligan
City: MSU-IIT. Departamento ng Filipino
at Ibang mga Wika.
.
(2010) “Hu u?, Charz!, Boobs, Rcv na Nmu Luv?: Varayti ng Wika sa
Text Messages”. Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at Wikain.
Iligan City: MSU-IIT. Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.
B. Internet
Barrion, Berns. (2012) “Teknolohoya sa Makabagong
Panahon”. http://prezi.com/mi qkqbrocufz/teknolohiya-sa-makabagong-panahon
Santamaria, Alyssa Faye. (2011) “Masama Bang
Magfacebook”. http://colombierebears. jimdo.com/2011/01/31/masama-bang-mag-facebook/
2011)
“Masama Bang Magfacebook”.http://colombierebears.
jimdo.com/2011/01/31/masama-bang-mag-facebook/
C. Di-nalathalang
Tesis
Abas,
Bainor E, (2016). “Ang Wika sa Facebook ng mga Mag-aaral ng Mindanao State University – Buug Medyor sa Filipino”.
Di-nalathalang Tesis. Mindanao State
University - Buug Campus. Mayo 2016.